"Yun na yon?"
Binatukan naman ni Yeri ang kaibigan matapos marinig yun.
"Tangina ka ah, ihahabol ko palang yung charot nambatok ka na."
"Eh gago ka kasi eh! Ang hirap hirap umamin tapos yun lang sasabihin mo?"
"Tanga ihahabol ko nga kasi yung charot diba?"
"Oh shh shh shh ~ tama na yan, para kayong mga bata." Suway ni Irene sa kanila saka kinuha ang phone para magscroll down.
"Himala good mood ka ahh? Nacrushback ka siguro."
Umiling ito bilang sagot sa tanong ni Yeri.
"Di ka talaga nakikinig sa kwento, gusto mo bang mag ice cream ulit?" Tanong naman ni Joy.
"Kahit hindi na-"
Pero naputol 'yon nang bigla siyang hatakin kasama si Yeri na nagsusuklay.
"Oo raw let's gooooooooo!"
"Pota ka Joy yung buhok ko!"
"Buhok pa rin!"
Natawa na lang si Irene at hinayaang matangay sa agos ng pagkakahila sa kanya.
Okay naman talaga siya kahit papaano pero kung wala ang mga kaibigan niya, baka hindi maging pulido ang salitang 'okay' sa pangungusap na ito.
/:/
"Haysss..."
"Ang lalim ahh."
Napalingon naman siya sa nagsalita na ngayon ay natatawa na.
Si Karina..
"Para kang kabute." Irap nito sabay talukbong ng kumot sa katawan.
"Bakit?"
"Hindi yun banat sira! Matulog ka na."
"Eh?" Umupo naman ito sa tabi niya at sumandal sa headboard. "Ang aga pa kaya... 8:45pm pa lang."
"Kahit na gabi pa rin yon kaya matulog ka na." Punto niya.
"Ate okay ka lang ba?" Tumingin naman ito sa kapatid niya pero walang response.
Nakatalukbong lang ng kumot at hindi gumagalaw.
"Alam kong hindi pero hindi naman kita pipilitin na magsabi..." She peaked on her forehead and said goodn
Comments