Ikalawang yugto
My Favourite MovieII
Chickenjoy ang nagdadala ng joy sa buhay mo
Nyebe
On the way na si Wendy papunta sa condo na kanyang tutuluyan habang nandito siya sa Pilipinas. Sinundo siya ng pinsan niya sa airport at sa kasalukuyan nagkukwentuhan habang nagpapalipas ng traffic. Umaga pa lang pero traffic na. Hay, Pilipinas and their terrible traffic. Yamot na yamot na siya sa Invercargill traffic. Mas mayayamot ata siya sa Manila traffic. Hindi ko namiss ang traffic. Hindi talaga!
Imbes na mag focus sa traffic na parang walang pag-asang lumuwag ang dalayo, tinuon na lang niya ang pansin sa dala-dala niyang Chickenjoy at rice. Paglabas pa lang niya ng airport ay sinabihan niya ang pinsan na mag drive-thru sa Jollibee para bumili ng Chickenjoy, rice, at isang litrong gravy. Joke! Dalwang maliit na cup lang yung gravy na meron siya.
Sa totoo lang, si Jollibee kasi talaga ang dahilan bakit siya umuwi. Yung malaking pulang bubuyog talaga yung rason bakit siya nag desisyon na umuwi (main reason talaga yung work niya. Excuse niya lang si Jollibee). Hindi na siya makapaghintay kumain. Ikaw ba naman ay Chickenjoy deprived for 7 years talagang matatakam ka.
“Kumain ka na kaya.” Sabi ng pinsan niyang si Seulgi. Kitang kita na niya ang paglalaway ni Wendy.
“Pwede ba?” Tanong ni Wendy with her adorable puppy eyes. “Baka kasi mangamoy sa sasakyan mo.”
Who can say no sa puppy eyes ni Wendy? Heartless lang ata ang makakagawa nun. Seulgi wanted to pinch her counsin's cheek. Her gestures and mannerisms are still the same old Wendy. Instead of pinching her cheeks, she settled for a melodius chuckle. Naiintindihan niya ang nafifeel ng pinsan niya. Noong mga panahon na wala pang Jollibee sa Canada ay ganyan din siya. Sabik sa amoy at lasa ng Chickenjoy– their childhood comfort food. Kaya sa tuwing uuwi sila sa Pilipinas eh Jollibee talaga. Luckily, may Jollibee na sa Canada pero wala pa sa New Zealand. Jollibee baka naman.
“Sige, kumain ka na.”
Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Wendy at agad na binuksan ang container. Sumalubong sa kanya ang langhap-sarap na kay tagal niyang hindi naamoy. Nagsimula na siyang kumain. Ahhh! Chickenjoy! Ganito ata pag adult ka na. Simpleng Chickenjoy lang happy ka na. Ito na ang adult version mo ng Happy Meal. Ay joke, Mcdonald’s pala iyon. Kiddie meal pala yung kay Jollibee
“Ang sarap talaga!” Ekseharadang sigaw ni Wendy. “I love you, Jollibee!”
Umiling lang si Seulgi at naghanap ng kanta sa Youtube. May bagong boy group siyang paborito ngayon– SB19. She really liked their songs. Recently lang niya napakinggan ang mga kanta nila. Suddenly, she got hooked and became a fan. Mas dama niya ang kanta dahil sariling salita ang kanilang kinakanta. Plus the way Pablo composed and produced their songs really hit a spot in her heart. She played the song na currently on the loop sa kanyang playlist. Nyebe.
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Napahinto si Wendy sa pagkain. Napukaw ng kanta ang atensyon niya. Ang ganda ng intro ng kanta. The soft and well blended harmonization ng mga singers catches her attention. Hindi siya masyadong familiar sa local artist na sikat sa Pilipinas dahil wala siyang time to check kung sino ang in at out (Pasok Sandara Park!). Pero itong kanta na ito ay parang ginising ang natutulog niyang damdamin.
Bakit ba 'di ko na malayang dumadampi na sa'king mukha
Lamig na mabigat pa sa dala
Kahit pa malapit na ang inaabangan nila
Kung noo'y pinatibok ang puso ko, ngayo'y nag yelo na
'Di ko na alam ang aking gagawin pa
Ako'y kuntento na basta alam kong tayo'y humihinga pa
Sa dami ng pinagdaanan ay hindi ko na
Alam kung paano pa ba ako magiging masaya
"Umiiyak ka ba?” Tanong ni Seulgi ng mapansin niyang nakatulala ang pinsan. Nakita rin niya ang mga luha na dumadaloy sa kanyang mukha.
Nagulat si Wendy sa sinabi ni Seulgi. Siya, umiiyak? Hinawakan niya ang magkabilang pisngi. Oo nga, umiiyak siya. Bakit naman kasi ganun yung kanta? Hindi man niya aminin pero may kirot siyang naramdaman sa puso niya sa bawat verse ng kanta. Pinaka tinamaan siya sa linya na, Sa dami ng pinagdaanan ay hindi ko na alam kung paano pa ba ako magiging masaya.
Kailangan nga ba huling naging masaya si Wendy? Noong na-grant yung residency niya– citizenship niya? Noong natanggap siya sa trabahong gustong gusto niya? Noong nabili niya yung bahay na ilang beses niyang dinadaanan? Oo, masaya siya. Kuntento siya sa buhay na meron siya pero bakit pakiramdam niya may kulang. Bumalik ulit yung nararamdaman niya na pilit niyang tinatanggi sa sarili niya. Pilit niyang kinubli sa kanyang mga ngiti.
“Ang sarap kasi ng Chickenjoy kaya naiiyak ako.” Sagot ni Wendy.
Alam ni Seulgi na nagsisinungaling ang pinsan niya. Kahit noon pa ay hindi magaling magsinungaling ito. Madali siyang basahin. Wendy is wearing her heart on her sleeve. Kaya lagi silang nabubuko ng magulang nila pag may kapilyuhan silang ginawa noong mga bata sila. Kung meron mang gusto malaman ang magulang nila eh si Wendy ang tatanungin kasi madali siyang hulihin.
Good old days.
Seulgi takes this chance para pagmasdan mabuti ang pinsan. She still looked the same. Pumayat at nag mukhang mature pero ganun pa rin. The cutie baby sun ng Teletubbies. But the more she examines her cousin, the more she notices the subtle change in her. It's so subtle na kung hindi mo siya kilala ay maiisip mo walang nagbago. Seulgi looks directly into Wendy's eyes. There, the subtle change. The window to her cousin's heart.
Pinakinggan ni Seulgi ang kanta at doon niya lang naintindihan ang dahilan bakit umiiyak si Wendy.
Tayo ma'y magkalayo, panalangin ko'y kayo
Takot ay maglalaho, ito'ng aking pangako
Ako'y nandito
Alam ko na hindi ito posible
Pero bakit bumubuhos ang nyebe
Nanlalamig ang bisig, hinahanap ang 'yong tinig
Mahagkan ka sana'y 'di imposible
Ohh, nyebe, nyebe, nyebe
Malamig ma'y 'di na bale
Nyebe, nyebe, nyebe
Basta't nand'yan ka parati
Nanlalamig ang bisig
May kaba pa sa'king dibdib
Marinig lang ang 'yong tinig
Matutunaw din lahat ng nyebe
Tinuloy ni Wendy ang pagkain ng Chickenjoy habang pinipigilan ang pag-iyak. Hindi ito ang iniimagine niya na eksena pag kumain siya ng Jollibee. In her head, she will be eating with gusto. Isasabaw ang gravy sa kanin at papapakin ang Chickenjoy. Ihuhuli ang balata to save the best for last. But why is she crying? Supposedly, Chickenjoy will give you joy (ang pun-ny talaga ni Ateng Wendy nyo kahit umiiyak na).
Ginugol oras sa lahat, mga bagay na hinahangad
'Di namalayang oras ay lumilipad, ooh-woah-oh
At kung ako'y nakalilipad ay babaliin ang pakpak
Nang sa gano'n oras ay huminto
Ngayo'y nandito
“Ang sarap talaga ng Chickenjoy.” Hindi na napigilan ni Wendy ang pagbuhos ng kanyang mga luha.
“Sa sobrang sarap naiiyak ako,” Mas lalong humagulgol si Wendy. “Ang sarap-sarap talaga.”
Hinayaan na lang ni Seulgi na umiyak ito. Tinanggap na lang din niya ang lame excuse ni Wendy na Chickenjoy dahilan kaya siya umiiyak. Hindi naman magawang sisihin ni Seulgi ang pinsan niya. After 7 years, ngayon na lang siya ulit umuwi ng Pilipinas. Tinalikuran at iniwan ang buhay na nakasanayan niya dito. Pinili na manirahan sa ibang bansa dahil kailangan. Hindi pala niya pinili. Walang choice si Wendy. Kinailangan niya mag New Zealand para sa pamilya niya. Kaya kahit mag isa, pumunta siya sa ibang bansa para makipagsapalaran.
Alam ko na hindi ito posible
Pero bakit bumubuhos
Bakit bumubuhos ang
Nyebe, nyebe, nyebe
Nyebe, nyebe, nyebe, oh
Alam ko na hindi ito posible (Alam kong 'di posible)
Pero bakit bumubuhos ang nyebe (Bakit bumubuhos?)
Nanlalamig ang bisig (Nanlalamig ang bisig)
Hinahanap ang 'yong tinig (Ang 'yong tinig)
Mahagkan ka sana'y 'di imposible (Sana ay posible)
Ohh, nyebe, nyebe, nyebe
Malamig ma'y 'di na bale
Nyebe, nyebe, nyebe
Basta't nand'yan ka parati
Nanlalamig ang bisig
May kaba pa sa'king dibdib
Marinig lang ang 'yong tinig
Matutunaw din lahat ng
Matutunaw din lahat ng
Matutunaw din lahat ng nyebe
Natapos ang kanta pero umiiyak pa rin si Wendy. Tama ba talaga na umuwi siya? Ito ang dahilan kung bakit nag aalangan siyang tanggapin ang project na inoffer sa kanya ng company na pinagtatrabahuhan niya. Her boss and workmates said na siya ang perfect candidate to handle the project. They tried to convince her by saying na familiar siya sa Manila and at the same time, she speaks the same language. Kaya she will handle the project well. Hindi kasi isyu kay Wendy yung project. Ang main problem ay ang pag-uwi niya.
So, she tried to find a reason na umuwi. Ginawa niyang dahilan ang malaking pulang bubuyog. She convinced herself na enough na ang 7 years drought niya ng Chickenjoy. Kaya she agreed to their proposal.
Ang tapang pa niya eh. Sabi niya sa sarili niya na kaya na niya. Ilang taon na rin naman ang lumipas. Siguro enough na iyon para ihanda ang sarili niya. Nakapag ipon na rin siya ng sapat na lakas ng loob na bumalik sa bansang pinipilit niyang kinakalimutan. Ngayon na nandito na siya, hindi pa rin pala talaga niya kaya. Akala niya sa paglipas ng panahon magagawa na niyang harapin sila.
Sa loob kasi ng pitong taon, may mga bagay, tao at panahon na ipinagkait sa kanya ang buhay. Ito ang dahilan kung bakit unti-unting nagyelo ang kanyang puso. Katulad ng nyebe tuwing taglamig na walang tigil sa pagbuhos.
Hindi niya namalayan na matagal na pala niyang tinitiis ang l
Comments