Unang yugto

My Favourite Movie
Please Subscribe to read the full chapter


I

Mga Pangarap na kinalimutan,

Pangarap na gustong buoin,

Pangarap na natupad

 

 

 

Pangarap

 

Noong bata ka, madalas ka nila tinatanong kung anong pangarap mo paglaki. Ikaw na musmos pa lang ay mapapaisip. Ano nga ba gusto ko paglaki? Syempre, ang isasagot mo ang mga bagay na kadalasan mong nakikita. Masayang mong isasagot mo na gusto mo maging doctor para magsagip ng buhay o kaya naman abogado para maipagtanggol mo ang mga naaapi. At dahil sa adik ka sa anime tuwing umaga at hapon, pinangarap mo rin maging miyembro ng Voltes V o kaya maging detective katulad ni Conan. Kitang-kita sa mga mata mo ang ningning at ngiti habang iniimagine mo ang pangarap mo. Pero habang lumilipas ang panahon, unti-unting naglaho ang mga pangarap mo. Para bang nakalimutan mong mangarap. Kinalimutan mo ang pakiramdam na may pangarap. 

 

At sa patuloy na pag-ikot ng mundo, unti-unti ka namulat sa mapait at magulong realidad na tinatawag nilang buhay. Ipinakita at ipinaramdam sayo na ang mga bagay ay hindi pang habang-buhay. Hindi mo namamalayan na nilalamon ka na pala ng mundong iyong ginagalawan. Hindi mo napapansin na unti-unti na nya ninanakaw ang ningning sa iyong mga mata. Unti-unti na niya binubura ang ngiti sa iyong mga labi. Umabot na sa punto na hindi mo na alam kung ano ba talaga ang gusto mo. Nagpapa tangay ka na lang sa agos ng buhay. Sa tuwing bubuksan mo ang iyong mga mata, tinatanong mo sa sarili mo kung anong susunod na mangyayari. Ang dati mong makulay na mundo ay naging madilim. 

 

Iyan ang sitwasyon na nararanasan ni Wendy. Wendy Son, isang struggling adult na nilalabanan ang parte ng buhay niya na tinatawag na adulthood. Sa isipan n’ya, I did not sign up for this thing called adulting. No one signed up for adulting pero kailangan eh. Sa ayaw at gusto mo magiging adult ka. 

 

Nakakatawang isipin na ang batang Wendy Son ay excited tumanda. Sinusuot pa nga niya ang malaking sapatos at damit ng kanyang ama upang magpapanggap na siya ay isang ganap na adult. Pero ngayon na nararanasan na niya ang totoong realidad ng buhay, gusto niya na lang bumalik sa mga oras na kendi lang ang dahilan ng pag-iyak (kung pwede nga lang bumalik sa sinapupunan ng nanay nya ginawa na niya). 

 

Ngayon, isang breakdown at walling moment lang ang pwede. Pupunasan lang niya ang mga luha at bababalik na ulit siya sa regular programming called life. Wala siyang choice. Hindi siya binigyan ng adutlhood ng pagkakataon na mamili. Wala eh, iyon ang buhay. 

 

 

“Are you done?” tanong sa kanya ng kasama niya.

 

Tiningnan n’ya ang asul na mga mata nito. Isang bagay na nagpapaalala sa kanya na wala siya sa bansang kinalakihan niya. Ang lugar kung saan tinatawag niya na tahanan. Ang lugar kung saan nasaksihan ang paglaki ni Wendy sa kung sino at ano siya ngayon. 

 

“Almost,” tumigil siya sa pagsagot para tumingin sa orasan.

 

“I need to finish this before half past 2.” Dagdag niya na may ngiti sa kanyang mukha.

 

Siguro sa mata ng mga tao sa paligid niya, iniisip nila na isa siyang masiyahing nilalang. Tipong walang problema o sakit na nararamdaman. Hindi nila alam na ginagamit ni Wendy bilang sandata sa laban ng buhay ang ngiti at tawa. Kinukubli ang bawat patak ng luha sa malalapad na ngiti. Dinadaan sa tawa ang lungkot na nararamdaman. Wala eh, kailangan lumaban. Kailangan kayanin. Kailangan magpatuloy. 

 

Tumango ang kasama niya at nagtanong ulit. “When and what time is your flight?”

 

“This coming Sunday morning,” huminto si Wendy para i-check ang electronic ticket. “My flight is quarter past 10.” 

 

Tumango ulit ang kasama niya bilang response sa sagot niya. Pinagpatuloy na ni Wendy ang pagsusulat niya ng report. Kailangan niya kasi matapos ito bago ang kaniyang flight. Ilang beses na ba niya ginamit ang salitang kailangan sa mga sentences na naiisip niya? Natawa na lang siya sa sarili niya kasi kailangan ba talagang bilangin. Oh, tama na ang pag gamit mo sa salitang kailangan. Try mo naman i-english para sosyal. 

 

“Do you want me to drop you off?” Tanong sa kanya ng kasama naging dahilan upang matigil sa kanyang inner dialogue. 

 

“Yeah nah. My flatmate will drop me off.” Isang totoong at malapad na ngiti ang pinakita niya sa kasama niya. 

 

“Since I’m not dropping you off, let’s have dinner later. My treat.” Yaya sa kanya. Na-touch naman si Wendy sa gesture na ipinakita ng kasama. 

 

“Sure, but in one condition…” Tumigil siya para may suspense. “Let’s have rice.”

 

Tumawa ang kasama niya. “You and your Asian arse.”

 

Isang malakas at masayang tawa ang kumawala kay Wendy. Hindi kasi talaga siya mabubuhay ng walang rice. Sabi nga nila, Rice is life! At least may rice na nagbibigay buhay sa kanya. Sana pati iyon ay wag ipagkait sa kanya.

 

_________________________________________________________________________

 

Pagod

 

Naranasan mo na bang mapagod kahit wala ka naman ginagawa. Nakaupo ka lang pero pagod na pagod ka. Hindi ito yung pagod dahil sa marami kang ginagawa o kaya napagod ka dahil tumakbo ka. This is not just about physical tiredness. More of a combination of physical, mental, and emotional tiredness. Worse, the cause of your exhaustion ay mula sa mga pangyayari, bagay, at tao sa paligid mo. 

Kung si Winter Kim ang tatanungin n’yo agad niyang isasagot na pagod na siya. Pagod na pagod na siya sa sitwasyon na kinalalagyan niya. Gaano na nga ba katagal niya nararanasan ito? Dalawang linggo?  Anim na buwan? Dalawang taon? Ah! Buong buhay niya pala.

 

Si Winter Kim ay epitome ng isang ideal daughter. Isang achiever– a very talented kid. At a very young age of 5, sumabak na siya na siya sa iba’t ibang paligsahan na ginagamit ang aking talino. Her parents noticed her brilliance kaya naman ginamit nila ang full potential ni Winter. Lahat na ata ng patimpalak at tournament ay nasalihan niya. Kilala na si Winter Kim dahil laging kasama ang pangalan niya sa quiz bee, chess tournament, at pati na rin Math olympics ay hindi niya pinalampas. 

Bukod pa rito, noong nagpaulan ng talento ang nasa itaas ay nakipag unahan ang magulang niya para saluhin lahat. Imagine niyo yung coronation ni Simba (Insert Circle of Life as background music). Ganon siya itinaas ng magulang niya para hakutin lahat ng talent. Marunong siyang kumanta, sumayaw, at tumugtog ng iba’t ibang instrumento. Ano nga pala ang tawag sa mga ganyan? Ah, genius. 

 

Lumaki si Winter na subsob sa pag-aaral at pag practice ng iba’t ibang instrumento na napili ng kanyang magulang. Wala sa voculary ng magulang ang mga salitang mali, zero, at failure. The only things they wanted to see are her perfect score, championship trophy, at first place medal. Dapat straight A's lang ang score nya every time mag end ang school year. Masasabi mo na typical Asian parent ang magulang niya. They will only recognize your worth with your achievements. They only value the praises from other people. Baka hindi naman lahat ng magulang ganon. Maybe Winter is an isolated case.

 

Ang sakit at cliché man pakinggan pero iyon ang naging buhay niya. Achiever and talented– a genius. Iyan si Winter Kim.

 

Minsan napapaisip siya, bakit ang mga classmate niya busy maglaro ng Netball o kaya Rugby League? Bakit sila ay pinapayagan na maglaro sa park at playground? Bakit sila ay malayang pakikipag halubilo sa ibang bata? Bakit malaya silang gawin ang bagay na gusto nila?  

Every time may school trip or camp lahat ng classmate niya ay kasali, except her. They are exposed and immersed sa ganda ng kalikasan. Nagagawa nilang madumihan. Makagat na pesteng sandfly (A/N: Need to remind myself na bata pa Winter sa part na ito. No cursing!). Baka kasi Asian siya kaya may restrictions? Baka kasi sobrang protective lang nila kay Winter. Sabi nga nila, Winter is their precious daughter– their treasure. Kaya siguro nila tinatago kasi isang treasure si Winter. Again, maybe Winter is an isolated case. 

Despite all the questions and curiosity that keep on popping into her head, patuloy pa rin siya sa pagganap bilang isang mabuti at perpektong anak. Nawawala rin naman kasi sa isip niya ang mga tanong na ito dahil sa ngiti ng kanyang magulang. Iniinda ang sakit at hirap dahil sa malakas na hiyaw at palakpak sa tuwing tutungtong siya sa entablado para kunin ang medalya at tropeyo. Lumalakas ang loob niya sa tuwing naririnig niya ang mga magagandang papuri na nagpapataas ng kanyang moral. Kaya taas noon siyang lumalaban. Nilalabanan ang pighati na nagmumula sa pressure sa paligid niya. 

 

Ngunit sa isang iglap, ang ngiti sa magulang niya ang naging rason ng pagluha niya. Biglang nakakabingi ang mga malakas na hiyawan at palakpak. Her source of strength causes her to crush into pieces. The pressures slowly brewing in her heart and head resulted into combustion. Hindi na kinaya ni Winter. Sumabog na siya.

 

Ngayon, pagod na si Winter Kim na gampanan ang role niya as perfect daughter– as their perfect daughter. Pagod na siyang magpanggap na magaling siya. Higit sa lahat, pagod na siya sa kwadradong kahon na kinalalagyan niya. Gusto na niya kumawala. Gusto na niyang tibagin ang pader para siya makatakas. Gusto na niya tumakbo palayo. Maging malaya. 

 

“Are you sure about this?” Tanong sa kanya ng kaibigan niya.

 

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Handa na nga ba siya? Ang gusto lang naman niya ay magpahinga. Matigil ang mga thoughts na patuloy na tumatakbo sa isipin ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
happyreading17
Ligaya ang itawag mo sa akin.

Comments

You must be logged in to comment
mydearwenrene
#1
Chapter 5: author i hope you're all good! miss ko na po itong story hehe :)
jmjslrn #2
Chapter 5: winter rizz god
LockLoyalist
#3
I didn't even know that you have a new wenrene fic and this time it's tagalog pa yaaaay thank you author for writing again :D
jmjslrn #4
Chapter 4: i cried reading this kaninang madaling araw😭😭😭
mydearwenrene
#5
Chapter 4: just read the ika-apat na yugto and wendy’s audition made me so emotional damang dama ko yung sakit niya. its as if the character haru was created solely bc of wendy’s life story. grabe, especially hindi niya napigilan sabihin yung name ni renjun. the little “fighting” from winter that renjun used to do before awwe..

love how wendy grew up in a family that really accepted her for who she is even before she realised herself. wish this was normalised in filipino families. gulat ako kay mina hahaha she used to be my fav in twice and when you mentioned jiho all i can think about is oh my girl jiho and irene during youngstreet!

ligaya by eraserheads and glad it matched perfectly when wendy short-circuited after seeing irene for the first time. thank you captain joy at wenrene crew napagsolo niyo yung dalwa. supportive irene and encouraging wendy to audition CUTE. unfortunately she had to be an ate and put her family first.

really enjoyed this chapter! got me all in the feels. ofc irene would recognise wendy’s voice sayang madam di mo nakita yung audition pero excited na ako sa actual meeting nila. this may be the biggest opportunity for both of them in terms of.... love whahah corny. thank you sa update author <3
jmjslrn #6
Chapter 2: Jollibee beke nemen sponsoran mo na si author ng kahit isang bucket lang🤣
jmjslrn #7
Chapter 2: alas singko na pero natatakam tuloy ako ng Jollibee😋
Favebolous #8
My two favorite couple
mydearwenrene
#9
hays this hits way close to home I also live abroad and has yet to come home bc of pandemic and uni. love how you're introducing every character without revealing everything at once. grabe naman buhay ni wendy and raming sad happenings pero I'm glad she somehow build up some courage to go back home. Even if her family isn't there to welcome her. AWH :( wendy seeing bits of renjun in winter..

There really is something with winter and sadness, it's currently winter here, and can't help but feel the same as wendy.
Very risky for winter to just runaway but her new journey will do her good other than acads hehe and meeting karina... hahah feeling ko nacute-tan lang si karina nung nakita si winter nagpipicture.

anyways thank you for the update! excited na ko magmeet wenrene! love all your wr fics!! <3
howdoyouknowmee
545 streak #10
UYY UPVOTED