Ika-apat na yugto

My Favourite Movie
Please Subscribe to read the full chapter

IV

 

Crush, Crashed, Crashing

Papunta sa exciting na part





 

Crush

 

At some point in our life, we experience having a crush on someone. Magsisimula ito sa simpleng sulyap. Kasunod nito ang nais na lagi siyang makita. Parang may taglay siyang magnet that you can’t help but be attracted to. Nandyan din na para kang hibang dahil bigla-bigla ka na lang ngingiti sa tuwing naiisip mo siya.

 

Dahil uso ang FLAMES at Slambook, palihim mong isusulat ang pangalan mo at niya para malaman kung lovers o marriage ba kayo sa FLAMES. Isasagot mo ang initials niya sa tanong na who’s your crush sa Slambook ng kaibigan mo. Ang mga chismoso at chismosa classmates ay ibubunyag nila sa buong school kung sino ang crush mo. Magsisimula na nila kayong asarin. Halos lahat na ng tao sa paligid niyo tutuksuhin kayo. Susubukan nila na i-set up kayo in the most embarrassing way.

 

Wendy experienced all these things. In each stage of her life, naranasan niya ang magkaroon ng crush. It all started with her first stage of crush– the transferee.


 

The first time she encountered this thing called crush was when she was in elementary. Like the cliché love story na mababasa mo sa mga fanfiction, Wendy had her first-ever crush on the first day of school– Si Miss Cutie Transferee.

 

The concept of having a crush on someone is new to her. Kaya naman laking pagtataka niya ng makaramdam ng mabilis na tibok ng puso. Syempre bilang bata natakot siya na baka may sakit na siya. Ready na siyang sabihin ito sa magulang niya ng mapansin na sa tuwing katabi niya lang si Cutie Transferee nangyayari ito. Later on, naintindihan din naman niya. Thanks to her research!


 

Every weekend, naging tradisyon na ng pamilya Son na mag rent ng CD sa Video City (A/N: Hello sa mga naabutan ang Video City. Ang tanda niyo na! For those na hindi alam ang Video City, search niyo na lang). Bawat isa sa kanila ay pipili ng pelikula na gusto nilang hiramin. During that time, kailangan ni Wendy maintindihan ang nararamdaman niya. Kaya for research purposes, she chose Little Manhattan at ang classic movie na My Girl.

 

Tandang tanda ni Wendy how Vada saved up her money para makapasok sa class ng crush niyang teacher. Pati na rin kung paano na-develop si Gabe kay Rosemary. Biglang umilaw ang light bulb niya. She finally understands that what she’s feeling is having a crush on someone. May crush na siya!


 

Her research is successful kaya napaisip si Wendy. Ano ba ang reason bakit niya crush si cutie transferee? Is it because of the moles on the bridge of her nose and upper lip? Baka naman yung gummy smile niya? Maybe her name? Mina Myoui– ang ganda pakinggan ng pangalan niya. Hindi man niya matukoy ang rason, isa lang ang alam niya, her days are brighter because of her.

 

I've got sunshine on a cloudy day

When it's cold outside

I've got the month of May

I guess you'd say

What can make me feel this way

My girl, my girl, my girl

Talkin' 'bout my girl

My girl



 

Inspired by Vada and Gabe, kinumbinsi niya ang magulang niya na isali siya sa ballet class. Kaya kahit parehas kaliwa ang mga paa, she joined Mina’s ballet class. Plié. Assemblé. Balancé– mga dance step na hindi makuha ni Wendy.

 

Hirap na hirap man, masaya siya dahil nakita niya how Mina dances so gracefully.




 

Kaso… nakalimutan ata ni Wendy na both movies have sad ending. Kaya pati rin ang crush niya kay Cutie Transferee ended up with a tragedy. Nagkaroon ng crush si Mina– yung gwapo nilang class president. Sa isip ni Wendy, sus! Hindi naman gwapo. Kamukha niya si Kokey.

 

Like the rapid beating heart, Wendy felt another new sensation. She felt something piercing her heart. Sobrang sakit para siyang kinagat ng libong-libong langgam.


 

Sa sobrang sakit dumating siya sa bahay nila na umiiyak. Akala ng magulang niya na may nagpaiyak sa anak nila.

 

Wendy explained with tears in her eyes na may crush na si Mina. Her parents asked her bakit siya umiiyak dahil doon. She innocently answered na crush niya si Mina. Nagulat man sa sagot, yinakap siya ng mahigpit ng magulang niya. Telling her na bata pa siya at marami pa diyang iba. Sinabi rin ng magulang niya na taggap nila kung sino si Wendy. Noong oras na iyon, hindi niya maintindihan bakit sinabi iyon ng magulang niya.

 

Eventually, she gave up ballet because of her unrequited love with any form of dance and kay Mina– the cutie transferee.



 

Dumating din naman ang panahon na finally naintindihan na niya ang sinabi ng magulang niya. Ito ang second stage of crush ni Wendy– the friend.

 

It was during her early teenage years.Oh teenage years. The time you are in between being a kid and your road to becoming a young adult. Panahon na nagkakaroon na kayo ng clique of friends. Mala High School musical lang ang peg niyo.

 

If you wanna be cool

Follow one simple rule

Don't mess with the flow, no no

Stick to the status quo

 

Ito rin ang panahon na lahat ng classmate mo ay may mga crush na. Ang iba mong ngang classmate ay may jowa na. You can call it the start of your exploration. Exploration to the complex relationship between two human beings. Hindi na lang ito purely playful platonic relationship. May kasama na itong romantic relationship and ual attractions.


 

Wendy’s exploration to this unfamiliar territory of relationships started when she heard her classmates giggles. Mga kinikilig dahil dumaan ang crush nila mula sa kabilang klase. Alam naman niya na lahat ng tao sa paligid niya may crush na. Siya nga rin may crush na pero… parang naiiba siya.

 

All of her girl classmates have a crush on their guy classmates. Lalo na sa sikat na boys basketball team ng school nila. Lahat sila may crush sa team maliban sa kanya. Si Wendy? Crush niya yung team manager nila–her friend– Jiho.

 

“Hi Wendy,” Bati ni Jiho na may ngiti sa mukha.

 

Dang! She’s so pretty. Ang nasasabi niya sa sarili niya tuwing naririnig ang malambing na pagbati nito. Ano ba nagustuhan niya kay Jiho? Marami! Isa na dito ang ngiti niya nagpapalambot ng tuhod niya. Mga mata nito that hypnotise her. Ang boses nito na nagdudulot na mag wala ang mga butterfly niya sa tiyan.

 

Wendy swears to herself na itatago niya na crush kay Jiho, pero may mga pagkakataon talaga na mabubunyag ito.



 

Isang beses, tinanong siya ng mga kaibigan niya kung sinong crush niya. Dahil hindi marunong magsinungaling si Wendy, she answered na ang crush niya si Jiho. Nagtawanan ng malakas ang mga kaklase niya dahil imposible raw iyon. Dapat lalaki ang crush mo. Mali ang magkagusto sa kapwa mo babae.

 

Nang araw na iyon, umuwi si Wendy ng may bumabagabag sa kanyang puso at isipan. Paulit ulit niyang tinatanong ang sarili kung mali ba iyon. Kung bakit hindi pwede magkaroon ng crush kay Jiho. Dapat ba talaga sa lalaki lang? Bakit siya sa babae nagkakagusto? May mali ba sa kanya?

 

Sa mga oras na ito, isang tao lang ang malalapitan niya. Ang kanyang ama. Kahit may takot na baka sabihin ng ama na mali rin siya, buong tapang niya itong hinarap. Dala-dala ang kanyang maliit na bangko, lumapit siya sa ama niyang naglilinis ng owner type jeep nila. Umupo ito at seryosong tumingin sa ama.

 

“Pa, bakit ang mga kaklase ko lalaki ang crush nila?” Inosenteng tanong niya.

 

Huminto ang ama niya sa ginagawa at linapitan ang anak. Kumuha rin ito ng upuan at tinapat kay Wendy. Ngayon, magkaharap na ang mag-ama. Pinagmasdan niyang mabuti ang anak. Kapansin pansin na may malalim itong naiisip. Unti-unti napangiti ang ama. Madali talagang basahin ang anak niya. Ito na ata ang oras na pag-uusapan nila ang bagay na iyon. Dalaga ka na, anak. May dalaga na talaga ako.

 

“Bakit, may crush ka na rin ba?”

 

“Oo, Pa.” Bahagyang tumawa ang ama. Hindi akalain na sasagot talaga ang anak.

 

“Sino?” Nag-isip pa si Wendy bago sumagot. Baka katulad din ng ama niya ang mga kaklase niya. Sasabihin din nito na mali magkagusto sa babae.

 

Huminga ng malalim si Wendy bago sumagot. “Si Jiho, Pa.”

 

Hindi na nagulat ang ama niya. Noong umuwi ang anak na umiiyak dahil kay Mina, alam na nila. Napag-usapan na nilang mag-asawa ang tungkol dito. Hindi naman nabawasan ang pagmamahal nila dahil naiiba siya. Mali. Walang iba sa anak nila. Tao lang naman ito na nagmamahal. Imbes na mabawasan, mas lalo nilang minahal ang anak nila dahil nagpapakatotoo lang ang naman ito.

 

“Oh, si Jiho pala crush mo. Dalaga na anak ko.” Ginulo ng ama ang buhok ng kanyang anak.

 

“Pa naman!” Reklamo ni Wendy habang inaayos ang buhok.

 

“Eh bakit? Totoo naman na dalaga ka na. Dati uhugin ka lang. Ngayon may pa-crush crush ka na.” Bahagyang natawa si Wendy. Kahit papaano gumaang ang kanyang nararamdaman.

 

“Pa,” Mahinang tawag ni Wendy. “Hindi mo ba sasabihin sa akin na mali iyon? Sabi kasi ng mga kaklase ko na mali iyon eh. Mali ba ako? May mali ba sa akin?”

 

Kitang kita ng ama ni Wendy ang takot sa mga mata ng anak. Alam niya na sa mundong ito may mga batayan ang tao kung anong tama o mali. Para sa kanya, hangga’t wala kang tinatapakan na tao o inaargabyado ay walang mali sa iyong ginagawa. Alam niya na hindi magiging madali ang buhay ng anak dahil sa mga matang mapanghusga pero hinding hindi niya ipaparamdam na may mali at kulang sa anak niya. Higit pa sa sobra ang naibibigay na ligaya ng anak niya sa kanya.

 

“Wendy,” Napasinghap si Wendy. Pati rin ba ang ama niya sasabihan siya na may mali sa kanya. Laking gulat niya na may brasong bumalot sa kanya. Biglang nawala lahat ng takot niya– ng mga tanong niya.

 

“Walang mali sayo, anak.” Bulong ng ama niya. Hindi na napigilan ng anak niya ang humagulgol.

 

“Pero bakit sabi nila mali iyon?” Inalis ng ama ni Wendy ang kanyang mga braso. Pinahid niya ang mga luha na umaagos sa mukha ng anak.

 

“Anak, sa mundong ito, may iba’t ibang uri ng crush– ng pagmamahal. Ako, crush ko ang mama mo.”

 

“Papa naman!” Natawa naman siya habang umiiyak.

 

“Patapusin mo muna kasi ako.” Ginulo niya ang buhok ng anak. Umangil lang naman si Wendy pero malaking pasalamat niya na ginawa ito ng ama dahil tumigil na siya sa pag-iyak.

 

“Kadalasan sinasabi nila na ang lalaki ay para sa babae pero mali sila. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ito dapat ang masunod. Ang dapat masunod ay ito.” Tinuro ng ama ang puso niya.

 

“Wala naman kasi pinipili ang puso natin kung para kanino ito titibok. Hindi mo matuturuan ang puso kong sino ang magugustuhan niya. Ang mamahalin niya. Hayaan mo ang mga classmate mo na magkagusto sila. Ikaw, wag kang mahiya na magustuhan si Jiho.” Niyakap niya ng mahigpit ang anak.

 

“Malaya ka kung sino man ang magugustuhan mo, Wendy. Malaya ka kung sino ang mamahalin mo. At kung dumating ang panahon na may marinig ka mula sa ibang tao, tandaan mo na nandito kami ng mama mo at ni Renjun. Hindi magbabago ang pagmamahal namin sa iyo.”



 

The way her father spoke those words gave her courage. Naglakas siya ng loob na sabihin kay Jiho na crush niya ito. Maraming nagulat sa confession ni Wendy. Maraming nagtaas ng kilay. Maraming ang hinusgahan siya pero hindi niya ito pinansin dahil buong puso siyang sinuportahan ng pamilya niya.

 

Taas noo niyang pinakita sa lahat kung sino siya. Naging malaya si Wendy. Because of her bravery, nagkaroon ng movement sa school nila. They called it the Teletubbies movement. Bakit Teletubbies? Kilala si Wendy sa palayaw na baby sun ng Teletubbies. Mula pagkabata ay tinatawag na siyang ray of sunshine because of her personality. She could literally light up the whole universe with her smile. Kaya binansagan siya na baby sun ng Teletubbies.

 

At dahil maraming humanga sa ginawa ng dalaga, may iba na rin ang nag lakas ng loob. May mga classmates, schoolmates, at iba pang kilala niya na ang nag confess sa mga nagugustuhan nila. Naging phenomenon ito sa school kaya tinawag nila Teletubbies movement. Yes, Wendy is the first bearer ng Pride flag sa school nila. Thank you, Tinky Winky!



 

Curious siguro kayo sa naging result ng confession niya? Let’s just say that Wendy experienced being in a relationship na walang label– MU. Yes, her feelings were reciprocated by her friend.






 

Third stage of Wendy’s encounter with her crush was during college days. Sa lahat ng crush ni Wendy ito ang masasabi niya na para siyang nasa roller coaster ride. Grabe yung emotions. Grabe rin ang saya at gulo na naranasan niya. Her college days became colourful because of a girl. The girl with a dream.



 

College days

 

Kung ang teenager years ay in between kid and road to young adult. Ang college days naman ay in between of teenage days at ang legit na adulthood. For some, ito yung panahon na hindi ka talaga sure kung anong degree ang gusto mong gawin. Isa na si Wendy sa mga iyon. Ang gusto niya lang ay kurso na magbibigay sa kanya ng stable career.

 

Ang unang kursong nakita niya sa application niya ang Food Technology. Tingin niya magbibigay ito ng magandang career opportunity kasi hindi mabubuhay ang mga tao ng walang pagkain. Kaya ito ang linagay niyang kurso sa UST college application niya. Gustong-gusto niya pumasok dito dahil nangako sila ni Seulgi na dito mag-aaral.

 

When they were kids, Wendy and Seulgi promised each other na mag college sila sa UST. Dinala kasi sila ng magulang nila dito para magpunta sa UST Hospital. The two were mesmerised by the architecture and fascinated by how big the university was. Nakapukaw din ng atensyon nila ang mga lumang building na nagpapaalala ng kasaysayan ng Pilipinas. How the old and modern era meet in one place. At kahit nag migrate ang mga Kang sa Canada, the two still kept the promise na dito sila mag college.

 

Kaya noong pasahan ng college application, she chose the first degree na nakita niya. Luckily, parehas na natanggap si Wendy at Seulgi sa kurso na napili nila. Umuwi ang pinsan niya mula Canada para dito ipursue ang college. Sabay nilang tinupad ang kanilang pangako.


 

 

Wendy started college life with her trademark Baby sun ng Teletubbies smile. Kahit na Catholic school, proud niyang dinala at iwinagayway ang pride flag. Thank you talaga Tinky Winky!

 

Excited na siya umpisahan ang college life niya. Excited na rin isuot ang uniporme ng College of Education. Medyo bitter siya kasi mas maganda yung uniform ni Seulgi. Sana all nasa CFAD. On a bright side, malapit yung building niya sa carpark pati na rin kasama nila ang CTHM iba lang ng floor. Pagsamahin mo sa isang sentence ang food plus girls eh equals to heaven. UST carpark na may iba’t ibang fast food and food stalls (A/N: Hindi na ako sure dito. Last visit ko sa UST ay before pandemic. So, UST Peeps, keep me updated naman. Hahaha!). Plus mga girls from CTHM na ang ganda sa suot nilang uniform. na malagkit! Weakness ni Wendy Son in one area.


 

However, her excitement faded when she starts her journey. Hindi akalain ni Wendy na magiging kalbaryo pala ang course na napili niya. Hindi naman siya informed na umuulan ng Chemistry at Math ang napili niyang kurso. Nanlalaki ang mata niya ng makita ang curriculum nila.

 

! Bakit may Food Chemistry?! Bakit may Food Microbiology?! Bakit ang complex ng food?! Hindi naman niya akalain na may chemical reaction pala ang food. Pati na rin na may impact pala ang pH ng food sa shelf-life nito. Basta! Ang complicated ng food. Feeling niya kailangan niya ng IQ ni Einstein to survive this degree.


 

First tidal wave lang pala yung curriculum niya. Second tidal wave yung difference ng college life sa high school. Kaya nagimbal ang mundo niya dahil dito. Mas mahaba na ang mga quizzes and exams ngayon. May mga professor din na akala mo major kung magpa-project. Meron din yung mga hindi mo alam kung saan nila kinuha yung exam kasi wala naman doon sa coverage na sinabi niya. Dito na nagsimula si Wendy na maging masaya sa tres. Tipong akala mo nanalo sa lotto tuwing makikita niya yung grade sa portal na may tres at katiting na uno (PE pa nga minsan yun uno niya eh).

 

Syempre, hindi lang naman puro iyan ang naranasan niya. Naranasan niya rin magsaya at sumali sa university organization. Isa sa sinalihan niya ang university wide music org. Actually, wala naman siyang balak na sumali eh. Itong pinsan niya lang ang pumilit sa kanya. Baka raw hindi lang siya sa baha malunod baka rin daw sa kaka-balance ng chemical equations. At least may music that will keep her afloat.

 

Tsaka para makalimutan niya rin si Jiho. Yes, nauwi sa heartbreak ang malabong usapan nilang dalawa.



 

Nagsimula magbago ang takbo ng college life after sumali ng music org. Joining the music org becomes a ticket to a roller coaster ride. Thanks to a certain girl with joy on her name. The tall and slender Joy Park. Paano ba naman hindi gugulo eh pinagsama ba naman si Joy at ang pinsan niya na isa’t kalahating baliw talaga naman gugulo ang buhay mo.


 

Nakilala ng magpinsan si Joy sa pasahan ng org application. Likas na makapal ang mukha este friendly si Seulgi kaya yinaya niya si Joy na mag lunch kasama sila. Hindi naman ito tumanggi. Weird pero naging magaang ang lunch nila. Para silang matagal ng magkakakilala sa lakas ng tawanan nila. After that eventful lunch, lagi na sila nag hangout.


 

Hindi lang naman delubyo ang dinala ni Joy sa buhay niya. Siya pala ang susi para makilala niya ang babae na magbibigay ligaya sa buhay niya.



 

Now Playing: Ligaya by Eraserhead.



 

It was one of their hangouts sa favorite nilang bar. Sabi ni Joy na she invited her friends from UP Diliman. España meet Diliman ang peg nila. Akala mo may UAAP game pero malamang paramihan ng bote ng beer ang magiging laban dito.

 

Rinig na rinig mo sa loob ng bar ang kanta ng Eraserheads na Ligaya mula sa bandang tumugtog sa harap. Ang magpinsan ay nakaupo sa may gilid ng bar. Mas gusto kasi nila yung medyo malayo sa tao. Hindi naman sila antisocial (medyo lang) pero mas na-appreciate kasi nila yung kwentuhan while drinking their favorite beer.

 

While waiting for Joy and her kulto este friends, nagsimula ng uminom si Seulgi. Ito namang si Wendy busy papakin ang sisig. Ito lang naman ang role ni Wendy eh. Taga papak ng pulutan. Hindi kasi siya mahilig uminom. Tsaka siya ang taga pag-alaga ng mga lasing niyang kaibigan.

 

“Tagal naman ni Joy.” Puna ni Seulgi na naka tatlong bote na.

 

“Traffic daw.” Sabi ni Wendy sabay subo ng sisig. Pero parang mali ata ang desisyon kumain dahil bigla itong nasamid. In her eighteen years of existence, ngayon lang siya nakakita ng sobrang gandang dilag.

 

“Okay ka lang, Wen-wen?” Tanong ni Joy na katabi na pala niya.

 

Tumango na lang si Wendy dahil hindi na niya magawang sumagot pa. Nag-short circuit si ate mong girl. Gandang ganda sa babaeng kasama ni Joy. Lord, ang ganda. Bakit po may favoritism kayo?


 

At asahang iibigin ka

Sa tanghali sa gabi at umaga

Wag ka sanang magtanong at magduda

Dahil ang puso ko'y walang pangamba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
happyreading17
Ligaya ang itawag mo sa akin.

Comments

You must be logged in to comment
mydearwenrene
#1
Chapter 5: author i hope you're all good! miss ko na po itong story hehe :)
jmjslrn #2
Chapter 5: winter rizz god
LockLoyalist
#3
I didn't even know that you have a new wenrene fic and this time it's tagalog pa yaaaay thank you author for writing again :D
jmjslrn #4
Chapter 4: i cried reading this kaninang madaling araw😭😭😭
mydearwenrene
#5
Chapter 4: just read the ika-apat na yugto and wendy’s audition made me so emotional damang dama ko yung sakit niya. its as if the character haru was created solely bc of wendy’s life story. grabe, especially hindi niya napigilan sabihin yung name ni renjun. the little “fighting” from winter that renjun used to do before awwe..

love how wendy grew up in a family that really accepted her for who she is even before she realised herself. wish this was normalised in filipino families. gulat ako kay mina hahaha she used to be my fav in twice and when you mentioned jiho all i can think about is oh my girl jiho and irene during youngstreet!

ligaya by eraserheads and glad it matched perfectly when wendy short-circuited after seeing irene for the first time. thank you captain joy at wenrene crew napagsolo niyo yung dalwa. supportive irene and encouraging wendy to audition CUTE. unfortunately she had to be an ate and put her family first.

really enjoyed this chapter! got me all in the feels. ofc irene would recognise wendy’s voice sayang madam di mo nakita yung audition pero excited na ako sa actual meeting nila. this may be the biggest opportunity for both of them in terms of.... love whahah corny. thank you sa update author <3
jmjslrn #6
Chapter 2: Jollibee beke nemen sponsoran mo na si author ng kahit isang bucket lang🤣
jmjslrn #7
Chapter 2: alas singko na pero natatakam tuloy ako ng Jollibee😋
Favebolous #8
My two favorite couple
mydearwenrene
#9
hays this hits way close to home I also live abroad and has yet to come home bc of pandemic and uni. love how you're introducing every character without revealing everything at once. grabe naman buhay ni wendy and raming sad happenings pero I'm glad she somehow build up some courage to go back home. Even if her family isn't there to welcome her. AWH :( wendy seeing bits of renjun in winter..

There really is something with winter and sadness, it's currently winter here, and can't help but feel the same as wendy.
Very risky for winter to just runaway but her new journey will do her good other than acads hehe and meeting karina... hahah feeling ko nacute-tan lang si karina nung nakita si winter nagpipicture.

anyways thank you for the update! excited na ko magmeet wenrene! love all your wr fics!! <3
howdoyouknowmee
545 streak #10
UYY UPVOTED