Ika-tatlong yugto

My Favourite Movie
Please Subscribe to read the full chapter

III
 

Bakit, Bucket, at isang Bucket.

The start of “Win-Wen’s Hit me Bucket One more time”


 

Bakit?

 

Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya? Bakit niya ginagawa ito? Crispin! Basilio! Mga anak ko, nasaan na kayo? Ay joke, hindi pala siya si Sisa pero pakiramdam ni Wendy na malapit na siyang maging si Sisa (Oh di ba 7 years man wala sa Pilipinas pero kilala pa rin niya si Sisa. Pak! Noli Me Tangere po tayo ngayon. Iba talaga pag best in Filipino at History). Bet niyang maging tropa si Sisa ngayon dahil konti na lang ay luluwag na ang turnilyo niya sa utak.

 

“Wen,” Tawag sa kanya ni Winter. A loud and frustrated groan escaped from Wendy’s lips.

 

“Ano?!” Winter annoyingly laughs at her.

 

Anong nakakatawa?! Walang nakakatawa?! Hindi ako natutuwa! Mga bagay na gustong sabihin ni Wendy kay Winter. Mas lalo tuloy lumakas ang tawa ni Winter dahil konti na lang parang manunugod na siya. Ready to fight ni si ate gurl mo. Wendy Son warfreak era!

 

“Wen, ganito lang oh.” Pinakita ni Winter ang dance step sa Tik Tok video na pinanood nila kanina.

 

Ay wow! Bakit ang dali para kay Winter?! Matagal naman ng tanggap ni Wendy na pinagkaitan siya ng talento sa pagsayaw. Kaya nga pag may school program nasa likod lang siya eh. Background ganon o kaya taga hawak ng props. Sa kanilang magpipinsan, si Seulgi lang ang biniyayaan ng talento.

 

Pero sabi ng nanay ni Wendy na magaling daw siyang kumanta. Hindi niya sure kung totoo ba o inuuto lang siya. Paano ba naman siya maniniwala eh sabi ng nanay niya na mala Regine Velasquez daw yung boses palaka nilang kapit-bahay. So, kayo na lang mag decide kung totoo o hindi.

 

“Winter, hindi ko talaga kaya.” Sinubukan ni Wendy na gayahin ang dance step. Hindi talaga! Need niya pumasok sa malaking pressure cooker at mag stay doon ng 365 days para lumambot naman ang katawan niya. Baka sakaling gumaling siyang sumayaw.


 

Nagtataka siguro kayo kung paano umabot si Winter at Wendy sa punto na ito. Bakit nga ba pumayag si Wendy? Ah, dahil sa ngiti ni Winter. Bakit nga ba siya nagpauto sa personified version ng ball of energy? Ah, dahil sa Chickenjoy. Bakit sila magkasama? Ah, dahil sa mala-MMK niyang storya. Bakit nga ba niya ginagawa ang mga bagay na ito? Ah, dahil sa bucket list na pakulo ni Winter freaking Kim.

 

__________________________________________________________________________

 

Bucket


 

For the second time that day, nasa Jollibee si Winter. May Chickenjoy ulit sa harap niya. The difference is that she’s with Wendy at naka bucket na ang Chickenjoy. Masyado atang natuwa si Wendy sa Chickenjoy kaya binucket na niya.

 

The woman in front of her is patiently listening to her story kung paano siya alipustahin ng magulang niya. Kung paano siya sumbatan for all the things they’ve done for her. The way they told her na mali ang preference niya at hindi nila kayang tanggapin si Winter kung sino at ano siya. Oh the irony of life. They’ve been living in New Zealand since pinanganak si Winter. For goodness sake, they are living in a gender neutral country tapos ganon sila mag-isip.

 

The hurtful words she heard from her parents caused her grades. Masyadong dinamdam ni Winter lahat ng sinabi nila kaya ang dati puro A grades ay nagkaroon ng C. After her coming out to her parents, lahat na lang bagay ng ginagawa niya ay mali. Sa mata ng mga magulang niya, ibang Winter Kim na ang nakikita nila. Nagkaroon bigla ng defect ang epitome of perfect daughter nila.

 

“Ako pa rin naman yung anak nila eh.”

 

Winter is trying her best not to cry. Grabe pala yung sakit na naidulot ng magulang niya. They didn’t physically inflict the pain pero sagad hanggang buto ang sakit. Totoo nga yung sabi ni Shawn Mendes sa song nyang Stitches, your words cut deeper than a knife.

 

Hindi ako iiyak sa harap ni red bubuyog at sa bucket na puno ng Chickenjoy. Pag kumbinsi ni Winter sa sarili, pero the way Wendy looks at her makes her feel she wants to cry– she needs to cry. This is the first time she met Wendy pero grabe ang connection. Ramdam niya na welcome siya. Kaya ito siya, kinu kwento ang mala-MMK niyang life story.

 

“Kaso hindi na iyon ang nakikita nila.” Nangingilid na ang mga luha niya. “I tried my best to keep up my role as their perfect daughter pero hindi na iyon naging sapat. Lagi na lang may kulang. Lagi na lang may mali. Lagi na lang silang may napupuna.”


 

Bumalik sa kanyang alaala ang huling competition na sinalihan niya. Sa unang pagkakataon, nagkamali si Winter ng sagot. Hindi niya nakuha ang first place. To make it worse, she ended up in last place. She vividly remembers the disappointment on her parent’s faces. She loudly hears their hushed whispers. The applause she receives from people seems like they are mocking her. Aksidente rin niyang nakita ang Facebook post ng kakilala niya with a caption na: The great Winter Kim is now a failure.

 

“Sinisi ng magulang ko ang lahat ng iyon sa preference ko. Sinisi nila ang pagkatao ko dahil sa pagkakamali ko.” Winter covered her face. Tuluyan ng umagos ang mga luha niya. She felt a weight sa tabi niya followed by a warm hug.

 

La tierra tierra. She heard Wendy singing on her side. A soft melodious sound na para ba siyang dinuduyan. Her voice is so soothing na nakalimutan niya ang dahilan ng pag-iyak. Wendy’s warm hug made her feel safe.

 

“Sa tuwing natatakot ako sa lakas ng ulan at kidlat, kinakatahan ako ni Mama ng lullaby,” Wendy softly whispers on her ear.

 

“Lagi niya kinakanta ang La tierra tierra. After niyang kumanta, she will tell me na akong ang mundo niya.” Winter can feel the pain in her words. Just like she’s my world

 

“I hope mafeel mo na you are someone’s world. Maari na hindi mo siya nararamdaman sa pamilya mo pero nandyan ang kaibigan mo. Si Ruby Jane.”

 

Winter told Wendy about Ruby Jane. Kung paano niya hindi iniwan si Winter noong mga panahon na tinalikuran na siya ng lahat. Her friend accepted her with open arms. Inalalayan siya ni Ruby Jane para makatayo ulit sa kanyang mga paa. Heck, she even paid for her ticket and hotel room. She even promised to support her living expenses dito sa Pilipinas. Alam niyang RK ang kaibigan but not to this extent. Lowkey lang kasi ito. Iyon pala isang Chaebol ang family nito sa South Korea.

 

Winter and Ruby Jane are not related by blood. But Ruby Jane’s parents accepted her and treated her like their own daughter. Tinuring na din nilang dalawa na magkapatid sila. Pareho kasi silang only child eh. Pareho na nangungulila sa pakiramdam ng may kapatid.

 

“You are right.” Winter lightly taps Wendy’s arm. A sign that she’s feeling okay. Way better than okay. Feeling niya parang yinakap siya ni Olaf at siya naman si Princess Fiona. Ay, iba palang character yun. Feel ni siya si Elsa. Let it go. Let it go.

 

Inalis na ni Wendy ang mga braso niya kay Winter. Doon lang nila napansin na may live audience pala sila. Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng dalawang babaeng nagyayakapan?

 

“Tara, kainin na nating tong bucket ng Chickenjoy.” Yaya ni Wendy. Hindi na lang niya pinansin ang mga matang nakatingin. “Idaan na lang natin sa Chickenjoy…”

 

“Kasi ang Chickenjoy ang nagdadala ng joy sa buhay mo” Sabay na sabi nilang dalawa. Pareho silang nagulat dahil parehong-pareho ang sinabi nila.

 

“Paano mo nalaman yan?” Gulat na tanong ni Wendy.

 

“Ahh. Paborito ko lang siyang sabihin.” Explain ni Winter.

 

“I was 6 years old noong umuwi kami sa Pilipinas. That was the first time na nakarating ako dito. Pagdating na pagdating namin ay agad akong dinala ni mum sa Jollibee. Syempre, batang laki ng NZ kaya excited ako to received my very first Chickenjoy. Grabe yung saya ko. Kaya simula noon lagi ko ng sinasabi na Chickenjoy ang nagdadala ng joy sa buhay mo.”

 

Tumango si Wendy. Trying to digest the uncanny resemblance of Winter and Renjun. Since the moment she met Winter, feeling niya kasama niya si Renjun. She feels that Renjun is alive– with her– in the form of Winter.

 

“How long are you going to stay sa hotel?” Tanong ni Wendy.

 

“One week. I’ll try to look for a flat na pwedeng irent.”

 

“Gusto mo yung room na lang sa condo ang irent mo?”

 

Hindi naman talaga for rent yung isang room sa condo. Actually, magulang ni Seulgi talaga ang may-ari nung condo. Pinagamit lang kay Wendy para sa stay niya dito. Ito siya n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
happyreading17
Ligaya ang itawag mo sa akin.

Comments

You must be logged in to comment
mydearwenrene
#1
Chapter 5: author i hope you're all good! miss ko na po itong story hehe :)
jmjslrn #2
Chapter 5: winter rizz god
LockLoyalist
#3
I didn't even know that you have a new wenrene fic and this time it's tagalog pa yaaaay thank you author for writing again :D
jmjslrn #4
Chapter 4: i cried reading this kaninang madaling araw😭😭😭
mydearwenrene
#5
Chapter 4: just read the ika-apat na yugto and wendy’s audition made me so emotional damang dama ko yung sakit niya. its as if the character haru was created solely bc of wendy’s life story. grabe, especially hindi niya napigilan sabihin yung name ni renjun. the little “fighting” from winter that renjun used to do before awwe..

love how wendy grew up in a family that really accepted her for who she is even before she realised herself. wish this was normalised in filipino families. gulat ako kay mina hahaha she used to be my fav in twice and when you mentioned jiho all i can think about is oh my girl jiho and irene during youngstreet!

ligaya by eraserheads and glad it matched perfectly when wendy short-circuited after seeing irene for the first time. thank you captain joy at wenrene crew napagsolo niyo yung dalwa. supportive irene and encouraging wendy to audition CUTE. unfortunately she had to be an ate and put her family first.

really enjoyed this chapter! got me all in the feels. ofc irene would recognise wendy’s voice sayang madam di mo nakita yung audition pero excited na ako sa actual meeting nila. this may be the biggest opportunity for both of them in terms of.... love whahah corny. thank you sa update author <3
jmjslrn #6
Chapter 2: Jollibee beke nemen sponsoran mo na si author ng kahit isang bucket lang🤣
jmjslrn #7
Chapter 2: alas singko na pero natatakam tuloy ako ng Jollibee😋
Favebolous #8
My two favorite couple
mydearwenrene
#9
hays this hits way close to home I also live abroad and has yet to come home bc of pandemic and uni. love how you're introducing every character without revealing everything at once. grabe naman buhay ni wendy and raming sad happenings pero I'm glad she somehow build up some courage to go back home. Even if her family isn't there to welcome her. AWH :( wendy seeing bits of renjun in winter..

There really is something with winter and sadness, it's currently winter here, and can't help but feel the same as wendy.
Very risky for winter to just runaway but her new journey will do her good other than acads hehe and meeting karina... hahah feeling ko nacute-tan lang si karina nung nakita si winter nagpipicture.

anyways thank you for the update! excited na ko magmeet wenrene! love all your wr fics!! <3
howdoyouknowmee
545 streak #10
UYY UPVOTED