ii.

kalayaan.
Please Subscribe to read the full chapter

 

Looking at how things are now, malaki ang ikinagaan ng pakiramdam ko dahil mukhang okay na rin naman na kami ni Jimin.

 

Hindi na rin siya masyadong kinukulit ni Yujin. Siguro dahil malapit na ang 2nd quarterly exams which is pagkatapos ng paparating na sembreak. Sunod-sunod na rin ang pagbibigay ng mga projects. Ayun, sobrang busy ng lahat. 

 

Minsan ay nakakakasalubong namin sila nila Minju. Hindi ko pa sure if guni-guni ko lang ba dahil kasabay ko si Jimin pero ngumingiti-ngiti na siya sa'kin. I smile back na lang rin since ayaw ko namang magmukhang rude. 

 

Siguro months ago, hindi 'ko maimagine ang sarili ko na makakasama ulit si Jimin. Hindi niya rin kasi nabalita na nag-exam pala siya sa school namin. Siguro ay napa-daan sa FB feed ko yung mga announcement pero hindi na rin ako masyadong nagbother na i-check. 

 

Pero ayon, super thankful ako. Sa totoo lang kasi, medyo hindi na rin ako umasa na mababalik yung closeness. I wasn't the type na ipipilit ko pa. Parang sapat na sa'kin na friends pa rin ang tingin namin sa isa't isa. Kumbaga, nangyari ang nangyari na.

 

Pero dahil sa situation namin ngayon, naisip ko talagang buti ay binigyan kami ng chance ng universe. Siguro alam ng higher beings na mahihirapan akong magtake ng initiative kaya ibinigay na nila 'tong one last push.

 

Never ko naman kasing aaminin, but things were never the same without Jimin. 


 

 

Jimin used to be my best friend. Used to kasi hindi ko sigurado if best friends pa rin ba kayo kung ilang years na kayong halos hindi nag-uusap. It made me think kung ako lang ba yun, o siya rin dahil bihira niya na lang rin ako i-message noon. 

 

I gained new friends naman. Andiyan si Ning at si RJ. Si Yeji na rin ata ay halos maging parte ng tropa namin dahil kahit taga ibang section siya ay lagi siyang kasama ni Ryujin.

 

I also knew that Jimin had new friends. Minus na yung mga friends niya daw pero nang-bully sa kanya noon. Nakikita ko sa mga IG story niya yung mga madalas niyang kasama. Julia and Chaeryeong? At ngayon si Giselle.

 

She was the closest friend I ever had. Nung elementary kasi, honestly, hindi masyadong importante yung label na 'yon sa'min. Lahat ata kami magbe-best friend noon. Yung tipong birthday ng isa ay invited lahat. Oh diba? Hindi ka na mamomroblema kung ilan ang aattend sa birthday ng anak mo. 

 

Pero ako yata ang the lucky one na naturingang "best" best friend ni Jimin, ika nga niya. 

 

Nung una ko siyang makilala, halos wala rin naman kaming pake sa isa’t isa. Hung up pa ‘ko noon na inilipat ako ng school nila mama. Kinder at prep kasi ay nasa isang private school ako. Pink ang uniform namin, taray diba? Iniisip ko paano na kami ng mga playmates ko. Sila Olivia at Kazuha huhuhu. 

 

May pagka-social butterfly rin talaga si Jimin noon at yung mga kaklase naming palagi niyang kasama. 

 

Marami kaming differences. Obvious differences ha, like kung titignan mo kami physically, we don’t look like we belong in the same group of friends. Hindi ko naman sinasabi na hindi na allowed maging friends ang mga ganong type of people. Sadyang noon, maraming uso, at si Jimin ang isa sa mga batang afford ang mga bagay na ‘yon.

 

Sila Jimin yung mga kikay girls noon. Maraming colorful na hair pin at bow sa ulo. Updated ang bag kada taon. Bongga ang outfit tuwing Christmas party. Lagi rin silang nalalagay sa program noon para mag-intermission dance. 

 

Ako naman ay kung sino ang yumaya, doon ako sasama. Pati nga ata ibang batch ay nakakausap ko. Hindi naman sa social butterfly ako. Bilang parte kasi ng honors ay marami rin akong nasasalihan. Journalism, Math contests, Rotary club, Choir, pati na rin Girl Scout. Suki sa lahat, pero lowkey pa rin. Charot.

 

Siya yung batang palaging hatid sundo. Ako minsa hatid lang, tas sa ibang sundo pa isinusuyo para makisabay. Siya maagang nakakauwi dahil pagbaba namin, andiyan na ang tricycle ng papa niya. Ako minsan kung walang kasabay ay isa sa mga naiiwan sa school dahil wala pa ang magulang. 



 

Kasama sa group of friends niya noon sin Yujin at Minju. Ka-close niya rin si Jeno dahil anak ‘yun nung isa sa mga kaibigan na magulang ng mama niya. Sakto pang ang tatangkad nila, at ang may itsura talaga. ‘Pag papipiliin siguro sa mga muse at ng klase, matik na kasama na sila sa mga nominated. 

 

Hindi ko na rin nga maalala paano bang naging close kami ni Jimin.

 

Feel ko ay nagstart yun nung one time na pinag-trip-an niya akong takutin gamit ang isang video sa phone niya. 

 

Hindi naman ako iyakin talaga. Pero pati siya siguro ay nabigla nung nasigawan ko siya. Hindi niya nga ako pinansin pagkatapos nun! Siya pa ang may ganang mang silent treatment? 

 

After ng ilang araw, bigla na lang siyang tumabi sa'kin at nag-sorry. Halos ‘di ko pa nga narinig, opposite nung lakas ng boses niya pag nagkukwentuhan at nagtatawanan sila ng mga kaibigan niya. 

 

Nilapag niya pa sa tabi ko yung mga crayons at coloring book niya at sinabing pwede akong mag-color ng ilang pages. Lagyan ko na rin daw ng pangalan ko!

 

Syempre mabilis ko siyang pinatawad. Disney kaya yung theme nung coloring book niya hehehe.

 

Pagtapos nun ay lagi na niya akong tinatabihan. Color dito, color diyan. Papakita niya rin sa’kin yung mga laman ng phone niya. Minsan ay tinitignan ko muna siya ng masama dahil baka kung ano na naman ang lumabas. Matatawa na lang siya. Syempre, sisilip pa rin naman ako.

 

Weird pa kasi nasa kabilang end ng row yung upuan niya. Minsan nga gusto na ata umupo ng seatmate ko, si Jaemin, pero hindi niya magawa dahil iirapan pa siya ng katabi ko.

 

And to seal our close friendship… ako ang una niyang pinasagot sa slambook niya! Sabi pa niya na pwede akong kumuha ng  kahit anong stickers sa likod nung slambook para sa design ng page ko. Gulat na gulat lang yung iba niyang friends noon dahil sila ay one sticker per person lang daw. 

 

Kung special ka nga naman hihi.

 

Dahil nga naging close kami ni Jimin no'n ay mas naging close rin ang mga grupo namin. Marami kami noon. Si Jimin, Yujin, Minju, at Jeno, tas ako at ang mga friends ko. Sina Jaemin, Chaewon at si Yuna. Nakaka-proud pa dahil parte rin kami ng mga nasa top. Goals diba? Pero syempre hindi naman kami super exclusive kaya kung sino ang gustong mag-join ay welcome! 

 

Diba? Ang saya lang ng elementary days namin. Kaya grabe lang yung worry ko nung maghihiwalay na kami for junior high.

 

Una kong naisip ay paano na kami ni Jimin. Hindi naman kasi kami neighbors talaga. Mga ilang streets pa ang lalakarin ko bago makarating sa kanila. Tapos yung school niya pa ay malayo at sa private pa. 

 

Kaunti lang kasi kaming tumuloy sa Science High School. Ako, si Yujin, at si Minju lang. 

 

Si Jimin at Yuna ay magkasama sa isang private school. Catholic school pa ata. Si Jaemin,  Chaewon at Jeno ay sa private rin pero isang jeep lang ang layo sa school namin. 

 

Naisip ko rin kung paano ba ako makikipagkaibigan nito. 

 

Close naman kami nila Yujin at Minju. In fact, si Yujin at Yuna nga ang bunso sa grupo. Sila ang madalas rin na madaldal at maraming kwento. 

 

Pero iba kasi si Jimin. Super effortless lang sa'kin magshare pagdating sa kanya. Yung mga differences na mayroon kami, hindi ko nararamdaman dahil ang mahalaga sa kanya ay ako ang kasama niya. Basta magkausap kami, basta siya ang una kong sinasabihan, basta kami ang nagtutulungan.

 

Magtatampo pa siya kapag nahihiya akong magsabi. Gusto niya noon na nalalaman niya yung naiisip ko, nararamdaman ko, o kahit yung mga simpleng bagay gaya nung kung ano ang favorite song ko sa frozen. 

 

May part kasi talaga sa'kin na nahihirapan parati mag-adjust. Kaya nung una, cautious ako makipag-close. Ang dami kong nakakausap noon but no one actually dared to try and insisted on getting to know me on a deeper level. No one but Jimin. 

 

Mga bata pa lang kami noon. Pero Jimin has always made sure that I'll feel safe with her. 



 

Okay sana ang first year namin. Madalas ay china-chat ko si Jimin para kamustahin. Si Yujin at Minju naman ang lagi kong kasama pag breaks. Classmate ko kasi si Minju noong grade 7. Syempre si Yujin naman ay hindi mapakali nang hindi kami kasama. 

 

Parati ko ring kausap si Jaemin, Chaewon at Yuna noon. Maliban kay Jimin ay sila na ang pinaka ka-close ko sa circle. Friends rin kasi ang mga magulang namin. 'Pag may 'di nga ata kasya na damit kay Chaewon ay sa'kin agad pinapadala. Kulang na lang magka-closet na rin ako sa bahay nila. 

 

Nagkakaroon rin kami ng kaunting reunion. Madalas ay sa birthday ni Jimin at Jeno dahil bakasyon, at nung dalawang bunso. 

 

Ngayon, well, halos hindi na. 





 

“What are you thinking about?” 

 

Buti hindi ako masyadong magugulatin. Kanina pa siguro ako nakatulala. Hindi na rin ako umusad sa sinusulat ko. 

 

I turned to Jimin who had this confused look on her face. Andito kami ngayon sa may likod ng elevator kung nasaan may space para sa mga locker, may malaking bintana rin kaya mahangin. 

 

Katatapos lang ng klase at pwede na rin naman kami umuwi kaso pinili muna naming mag-stay para magsulat ng iilang notes. Feeling ko kasi baka bumagsak lang ako sa kama pag-uwi ko.

 

“Tara sa Kalayaan.”

 

“We are in Kalayaan, MJ.” Jimin says, looking at me, amused.

 

“Baliw. Doon sa dati. Punta tayo sa karinderya nila kambal. Nami-miss ko na si Aciel.”

 

“OMG! Let’s! I haven’t been there na for like years?” 

 

Mabilis siyang nagligpit ng gamit niya at natatawang napa-iling na lang ako. Mas excited pa siya sa’kin. Sabagay, hindi na rin naman kasi kami nagkakaroon ng get together.

 

“Sure ka bang si Aciel ang miss mo at hindi ang kuya?” Pabirong tanong ni Jimin habang nag-aantay kaming makarating ang elevator.

 

“Yuck, Jimin!”

 

“Oh my god, don’t tell me yung ate?” dagdag niya pa.

 

Tinignan ko na lang siya na parang hindi ako makapaniwala. Ano na namang trip kaya nito? Super imposible naman kasi ng mga pinagsasabi niya.

 

Tumawa na lang siya nang malakas at kinurot pa ang pisngi ko. 

 

“Thanks, Minjeong.” Muli siyang nagsalita.

 

“Huh? Bakit?”

 

“Because it’s been a while, and now, I’m seeing them again.”

 

Nginitian ko na lang siya. Hindi lang pala ako ang nakaka-miss. 

 

See you, Kalayaan. 







 

Naghahanap kami ng pwedeng maupuan nang biglang may sumalubong sa'kin. Agad rin itong yumakap sa mga binti ko.

 

“Ate Minnie!”

 

Tuwang tuwa kong sinalubong ng ya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
renrenee
i'm not sure if people are still waiting for updates for kalayaan and homecoming, so ayon long overdue apology for still not updating. i've been busy lang talaga with acads and life (kahit maingay naman ako sa twitter). but huhu, i promise i'll finish them both. ayon lang namern 🦖 thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
Chapter 5: ganda ng pagkakagawa nitong chapter 🤧
ppiriwon
#2
Chapter 6: Ngayon ko lang napansin na may update. Welcome back, otor!
thelost_soul
#3
Chapter 6: namiss ko tuloy mga kaibigan ko :--(
mellifluouswan
1694 streak #4
Chapter 6: Ngayon ko lang nakita ‘tong fic na ‘to and omg. Sobrang ganda, literal na kakagising ko lang kanina nung nag browse ako and nabasa ko yung description, hooked agad ako. Binasa ko tuloy ng isang upuan! Can’t wait po sa susunod na update!
EzraSeige
#5
Chapter 6: Welcome back otornim 😢😍💙❄
Hiccups_ #6
Chapter 6: Welcome back!
Eybrelros #7
Patambay muna ako☕
EzraSeige
#8
Chapter 5: 😍😍😍💙❄
seiikihavre
#9
Chapter 5: happy happy na 🥺
seiikihavre
#10
Chapter 4: baby hnggg sana ol