iv.

kalayaan.
Please Subscribe to read the full chapter

kalayaan. || past happenings. 

This chapter contains flashbacks.

 

 

Kaklase ko ulit sila Yujin at Minju ngayong grade 10.  Nung grade 7, fortunately, ay magkaka-klase kami ni Minju. Nung grade 8 ay nahiwalay ako sa kanilang dalawa, at nung grade 9 ay si Minju lang ulit ang kaklase ko. 

 

Every year kasi nagrereshuffle ng section. Minsan ang hirap-hirap talaga makapag-adjust, minsan kinakaya naman. Kaya every year hashtag new me talaga eh. Emz.

 

Kaso hindi ko maiwasang magtaka ngayon. Hindi ko sure if may something ba at parang ang awkward ng atmosphere. 

 

Nag-start yun nung new year this year. Parang na-lessen na lang ang interactions namin ni Yujin. Hindi ako nag-bother na since si Minju lang rin naman ang kaklase ko noon at hindi iba rin ang clique niya. 

 

Nung summer ay hindi na kami nakapag-meet na magkakaibigan. Parang biglang natahimik ang gc namin at bihira na lang ang paglapag nila. Hindi na kasi nagse-seen si Yujin, at siya talaga ang madalas na may chika. 

 

Buti pa nga ay pumayag naman si Yujin na maging katabi ko siya sa pinaka-official na seating arrangement ngayong pasukan. Akala ko ay sisiksik na naman siya kay Minju eh. Wala na rin naman siyang choice dahil dulo ang row namin at yun na lang rin ang bakanteng upuan.





 

“Winter.”

 

“Uy Yujin.”

 

Natuwa naman ako na in-approach niya ako ngayon. Madalas kasi ay nangngingitian lang kami. Biglang parang hindi ko alam paano mag-open ng conversation. Mas marami pa ata kaming napag-usapan noong mga panahong nagkahiwalay kami ng section.

 

“‘Di ka naman cleaners ah. Nakauwi na rin si Minju. Sabay na tayo?”

 

Seryoso lang siyang nakatingin sa’kin. Medyo kinabahan ako. Napaisip ako if may nagawa ba ‘ko. Usually kasi talagang puro tawa at pa-cute si Yujin lalo na sa aming mga kaibigan niya.

 

“Pwede ba tayo mag-usap?”

 

“Ah, oo naman. Teka itatapon ko lang ‘to.” Hawak hawak ko pa kasi ang dustpan. 

 

Pagbalik ko ay nandun pa rin siya sa may pinto. Mabilis kong binalik ang dustpan sa likod ng room namin at nagpaalam sa mga kasama kong cleaners.

 

“Tara sa may fountain?”

 

Fountain yung tawag namin sa parang malaking sandbox na graba naman ang laman sa gitna ng floor namin. Wala ring tubig at minsan may halamang nakalagay. Mukha lang talaga siyang fountain. 

 

Naupo kami ni Yujin at sandaling natahimik. May mga iilang estudyante rin na naglalakad sa hallway. Uwian na rin kasi. 

 

Pilit kong inisip ano bang gustong pag-usapan ni Yujin. We don’t do talks kasi. Lalo na kung siya. 

 

“Gusto mo pala si Karina.” 

 

Ano?

 

“Ha? P-paano…”

 

Wala rin namang use para itanggi ko. Hindi ko rin naman kasi itatago dapat sa kanya. 

 

Actually, wala rin naman talaga akong sinabihan. Kahit sila Jaemin at Chaewon. Alam lang daw talaga nila. Saka ko lang inamin sa kanila nung sinabi nila na nagtatanong na daw si Jimin kung bakit tawa kami nang tawa sa tuwing katabi ko si Jimin ‘pag may get-together kami.

 

Kahit pa nga nung gabing sabay kami umuwi ay si Jaem pa ang nagsabi. 





 

Pauwi na kami galing birthday ni Yujin at sobrang kulit lang nung kambal. Parang hindi napagod. 

 

Kasabay namin si Jimin dahil parang trip niya daw na maglakad na lang kaysa mag-tricycle. Ihahatid na lang muna namin siya, bago babalik ang kambal sa kanila at saka ako didiretso pauwi.

 

Sa Kalayaan kami ngayon dumadaan dahil baka may madaanan daw kaming mga tambay kung sa mga street sa looban pa kami dadaan.

 

Tawa nang tawa sila Chaewon at tinutulak pa ‘ko para makahabol kay Jimin na medyo nauuna na maglakad. 

 

Tinabihan ko na lang rin siya at hinatak sa kaliwa ko para siya ang nasa sidewalk at ako ang bababa sa kalsada kung sakali. Minsan kasi ay may mga naka-park na tricycle or sasakyan kahit na alam nilang sidewalk yun. 

 

“Wala ba kayong chika? Ang boring oh. Kami lang ni Chaewon natutuwa dito.” Tanong ni Jaemin.

 

“Abnormal kasi kayo.” Bulong ko, na obviously narinig nila dahil natawa rin si Jimin sa tabi ko.

 

“Epal ka! Sige ako na lang magtatanong.” Bungad ni Chaewon. “Musta na yung crush mo, bal? Nililigawan mo na ba?”

 

Mabilis ang paglingon ni Jimin sa’kin. Right, hindi nga pala siya updated.

 

“May crush ka?” Tanong niya.

 

“Oo, Kat. Ang ganda!”

 

“Maganda? You mean… MJ, you like girls?”

 

Ang straightforward jusko.

 

Muntik pa ko mapahinto sa tanong niya, pero hinook niya ang braso niya sa braso ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.

 

Hindi ba obvious, Jimin, eh lagi nga kong nagfa-fangirl kay Julia Montes noon sa’yo.

 

“Ah, oo.”

 

“Ano na, Min?” Pagtatanong ni Chaewon.

 

Ang kulit!

 

“Hindi ko nga crush ‘yon. Nagagandahan lang ako. Ni hindi ko nga kaklase ‘yun eh!”

 

“Hilig talaga sa matangkad tas mahaba buhok ‘no. Tas mukhang masungit pero sumisingkit mata pag tumatawa.” Pang-aasar ni Jaemin.

 

Gusto ko siyang harapin at sipain kaso mahigpit ang kapit ni Jimin sa braso ko. 

 

“When did you realize na you like girls?” Tanong ulit ni Jimin.

 

“Oh, Minjeong. Kailan daw?” Natatawang pag-ulit ni Jaemin sa likod ko.

 

Sinusubok ata talaga ni Lord ang pasensya ko tonight.

 

“A-ano…”

 

“Why do you guys keep on laughing?” Follow up na tanong ni Jimin.

 

Hindi ko alam paano ko sasagutin!

 

“Jaem…” Pagtawag ko. Halos pabulong na nga.

 

Lumingon ako ay tumingin sa kanya na parang nanghihingi ng tulong.

 

“Ikaw gay awakening niyan, Kat.”





 

So paano niya nalaman?

 

“Nung birthday ni Yuna. Narinig ko yung usapan niyo. ”

 

.

 

“Yujin… Ano… Hindi ko lang sinabi kasi… kasi you both looked happy. Lalo na ikaw. At saka she actually liked you, Yujin… and you were able to reciprocate it.”

 

Napaangat yung tingin ko kay Yujin. Kita ko sa mata niya na masakit para sa kanya yung mga nalaman niya.

 

“Winter, ba’t ‘di mo sinabi?”

 

“Wala naman akong pinagsabihan, Yujin. Sa kanya ko lang direktang sinabi ‘yun. She was my best friend rin kasi. Sadyang alam lang daw nila JC at CJ."

 

Kinakabahan na ako lalo. Parang hindi nakakatulong yung mga sinasabi ko. Baka isipin niya na wala akong tiwala sa kanya.

 

"Saka… kasi para sa’kin, kung ano namang mangyari okay lang sa’kin. Kung hindi ako, okay lang. Kasi natatakot rin ako. And ikaw, hindi… hindi ka takot tulad ko."

 

“Winter, tinanong kasi kita eh. Hindi kita tatanungin kung hindi ko nakikita.”

 

Okay, that was one time na nagsinungaling ako. 

 

Na-realize ko na kasi that time na si Jimin yung gay awakening ko. 

 

Kaso that time umamin rin sa’min ni Minju si Yujin. Ang saya-saya niyang shinare sa’min yun. Parang sure na sure siya kay Jimin. 

 

Samantalang ako, nung time na yun, dina-digest ko pa yung fact na I like a girl. Hindi ko maisip na kitang kita na pala ng lahat pero ako, parang ilang beses kong cinonvince yung sarili ko na sobrang mahalagang kaibigan lang talaga sa akin si Jimin. All this time lahat pala ng mga inakto ko kay Jimin ay parang mas special pa dahil iba pala ang tingin ko sa kanya.

 

Kasi gusto ko siya.

 

Hindi madali sa’kin nung time na yun na aminin yung feelings na mayroon ako. Hanggang ngayon nga ay pinoprocess ko pa. Iba yung pinaniniwalaan ko nung lumalaki ako eh. Na I could only like a guy. Tapos bigla mo na lang marerealize na ang tagal tagal mo na palang gusto yung best friend mo. It was kind of overwhelming. Jusko grade 9 pa lang naman ako nun.

 

Hindi ko nasabi lahat ng naiisip ko kay Yujin. Hindi ko alam paano ko sisimulan, paano ko ieexplain. Akala niya siguro ay nagsinungaling lang ako. 

 

Hindi na niya inantay na makasagot ako. Tumayo na rin siya at iniwan ako.

 

Simula noon, hindi na niya ‘ko kinausap. Nasa iisang row lang kami. Saktong dalawa lang kami sa row at may dalawang bakanteng upuan sa tabi namin. Imbis na magtabi kami ay pinagitnaan namin yung dalawang upuan na ‘yun. Imbis na kausapin niya ako ay kinakalabit niya pa yung nasa harapan namin. Si Minju ay sa kanya na lang rin sumasabay. After all sila rin kasi talaga ang mag best friend.







 

Anong nangyari? 

 

Eto na nga ang simula.

 

Summer noon bago kami mag grade 9. Birthday celebration ni Jimin. Lahat ay na-shook sa balita. Well, maliban sa akin dahil na-brief lang naman ako ni Jimin.

 

Mag MU na daw sila Yujin at Jimin. 

 

Hindi na ako gaano updated sa kanya. Mahirap kasi na makipag-usap palagi dahil busy na rin sa kanya kanyang schoolworks. Minsan nga ay late na rin ako nakakauwi sa dinami-dami ng mga practice.

 

Although, ako ang unang sinabihan niya. Hindi ko sure if may nasabihan na rin si Yujin beforehand. Kahit kasi hindi na kami panay chat ni Jimin ay sinusubukan pa rin namin balitaan ang isa't isa kahit sa kaunting mga bagay. Hindi ko lang inaasahan noon na ito yung balitang makukuha ko.

 

Medyo nakakatawa nga na nagulat pa ang lahat kasi, no offense, pero akala talaga namin straight si Jimin. Akala ko rin. Ako na best friend niya.

 

Madalas nga na naaasar pa siya kay Jeno noon. Kahit si Yuna ay walang alam dahil hindi na ulit sila naging magkaklase ni Jimin ngayong junior high.

 

Syempre masaya naman ako for them. Yun nga lang may konting… selos. Pero hindi naman na importante yun. Ang mahalaga ay masaya sila.

 

Naalala ko nga na tinignan pa ko ni Jaemin at Chaewon noon. Sila kasi yung may alam. Well, wala rin naman akong sinabi sa kanila. Assuming lang sila, pero hindi rin sila mali. Sila pa ang unang nakapansin at nagpa-realize sa’kin na nagkaka crush na ako sa best friend ko. Dahil kay Jimin, narealize ko na pwede pala ako magkagusto sa babae.



 

"Bal, paano ba 'yan?" bulong ni Chaewon.

 

"Sinasabi mo diyan." Pabiro ko siyang inirapan.

 

"Sabi sa'yo dapat sa'kin ka na lang nagka-crush ulit  eh." Singit pa ni Jaemin.

 

Hinampas ko siya at natawa na lang sila. Totoo naman kasi na first crush ko si Jaemin. Maraming nagkakacrush sa kanya noon dahil cute siya at matalino pa. Feel ko nakisakay na lang rin ako kasi kakaunti lang silang lalaki sa klase at siya na ang pinaka-cute para sa'kin. Ngayon, kung may maituturing akong guy best friend ay siya na 'yon. 

 

Naramdam ko lang naman na nagbago lahat nung naging close kami ni Jimin. Suddenly, panget na si Jaemin sa paningin ko. Joke. Magkatunog rin pala pangalan nila 'no?

 

Natigil lang yung pang aasar nila sa'kin nung umupo na sa tabi ko si Jimin. Nakita ko pa ang pahabol na tingin sa kanya ni Yujin bago nito binaling muli kay Minju ang atensyon.

 

"Best."

 

Medyo makirot. Char. 

 

"Hi. Congrats pala ah? Grabe hindi mo man lang chinika sa'kin!" Si Chaewon na  ang nagsalita nung hindi ako umimik. 

 

Mahina siyang natawa at nagpasalamat lang.

 

This year kasi ay hindi na kami masyado nakakapag-usap. Baka nga si Yujin na ang madalas niyang ka-bonding niya noon. 

 

Parang na-guilty tuloy ako. Nakapag-make ng time sa kanya si Yujin, pero ako hirap na hirap sa pagma-manage.

 

Sumandal siya sa'kin at kinailangan kong pagalitan ang sarili dahil hindi na pwede yung nararamdaman ko lalo na't may something na sa kanila ng kaibigan namin. 

 

Sunod sunod na rin silang pumaikot at doon na rin nagsimula magkwento ang mga kaibigan namin. Catch up ba. 

 

Nagtaka pa ko na hindi sila magkatabi ni Yujin. Sinabi lang sa'kin ni Jimin na madalas naman na daw silang mag-usap at ngayon lang kami nagkita. 

 

Na-miss niya daw ako. 

 

Nakakatuwa lang na medyo at ease na si Jimin ngayon. Kapansin-pansin kasi nung mga nakaraang reunion namin na naging mas tahimik siya. Dati ay mahahawa ka talaga sa tawa niya at isa siya sa excited makipag-kwentuhan. Ngayon ay tumatango-tango na lang siya at nagmamasid.

 

Iniisip ko kung dahil rin ba ito sa mga nangbully sa kanya sa school niya ngayon. Sobra yung galit ko nung kinwento niya sa akin yun.  Nung elementary kasi kami ay mabilis siyang malungkot or kaya umiyak kapag alam niyang may nagawa siyang nakakaapekto sa akin kahit hindi naman sadya. 

 

Sanay ako i-prioritize ano ang convenient at comfortable sa kaniya. Dati pa tuwing absent siya ay inaabangan ko talaga ang tatay niya sa tuwing magpapasa ito ng excuse letter. Kinakamusta ko pa rin siya kahit alam ko namang safe siya.

 

Kaya grabe lang yung sakit at galit nung sinabi niya na wala lang naman daw yun. Anong wala eh sabi niya pinadala siya sa clinic? Nalungkot rin ako kasi wala ako doon para protektahan siya. Feel ko hindi niya fully ma-express yung nararamdaman niya dahil wala na kaming mga kaibigan niya sa tabi niya. Si Yuna ay bihira niya na lang rin makita dahil nasa ibang section na. 

 

Pinigilan pa ako ni Jimin noon pero hindi ko pinansin. Naiinis talaga ako. Minessage ko talaga yung babaeng nagpasimuno nung "prank" sa kanya. Prank pa ba yon kung nakakasakit na? Hinila ba naman ang upuan ni Jimin nung papaupo na siya. Buti na lang ay hindi malakas ang pagkakabagsak niya sa lapag.

 

Medyo pinagalitan pa ko ni Jimin dahil grabe daw yung takot nung classmate niya sa akin. Dasurv 'no! Alagang alaga namin si Jimin tas pagti-trip-an niya lang. Pero nagpasalamat rin siya dahil nag sorry rin ito sa kanya. 

 

Nakwento rin ni Jimin ang tungkol sa mga bago niyang kaibigan. Maniniwala ka bang yung babaeng inaway ko ay kaibigan niya na? Si Julia! Oo. Simula nung kausapin ko siya at nagsorry ito kay Jimin at kalaunan ay naging

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
renrenee
i'm not sure if people are still waiting for updates for kalayaan and homecoming, so ayon long overdue apology for still not updating. i've been busy lang talaga with acads and life (kahit maingay naman ako sa twitter). but huhu, i promise i'll finish them both. ayon lang namern 🦖 thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
Chapter 5: ganda ng pagkakagawa nitong chapter 🤧
ppiriwon
#2
Chapter 6: Ngayon ko lang napansin na may update. Welcome back, otor!
thelost_soul
#3
Chapter 6: namiss ko tuloy mga kaibigan ko :--(
mellifluouswan
1689 streak #4
Chapter 6: Ngayon ko lang nakita ‘tong fic na ‘to and omg. Sobrang ganda, literal na kakagising ko lang kanina nung nag browse ako and nabasa ko yung description, hooked agad ako. Binasa ko tuloy ng isang upuan! Can’t wait po sa susunod na update!
EzraSeige
#5
Chapter 6: Welcome back otornim 😢😍💙❄
Hiccups_ #6
Chapter 6: Welcome back!
Eybrelros #7
Patambay muna ako☕
EzraSeige
#8
Chapter 5: 😍😍😍💙❄
seiikihavre
#9
Chapter 5: happy happy na 🥺
seiikihavre
#10
Chapter 4: baby hnggg sana ol