i.

kalayaan.
Please Subscribe to read the full chapter

World pause.

 

Stop! Hold awwwn!

 

Char. Ang OA huhu. Pero literal, I stopped as soon as makapasok ako sa classroom namin nang makita ko ang isang familiar tumbler na nakapatong sa isa sa mga desks. May bag pero walang nakaupo. 

 

OA lang talaga siguro ako since possible naman na maraming katulad ang ganoong tumbler. Pero kasi! Posible rin ba na exact color at exact initials ang nakalagay sa tumbler na ‘yon? 

 

Blue. JMJ. May mga shark prints pa!

 

Diba?! Mapapa-stop ka talaga! 

 

Inangat ko pa nga ang tumbler na hawak ko sa kaliwang kamay ko at tinitigan.

 

Ivory. JMJ. Paw prints.

 

Isa lang naman ang alam kong may katulad ng sa tumbler ko. Syempre, ako ang nagbigay sa kanya no'n.

 

Si JM. 

 

‘Di ko sure anong mararamdaman ko. Wala pa ngang alas syete ng umaga nawiwindang na ‘ko. First day na first day pa ng senior high. Ayan! Dapat siguro natulog pa rin ako nang maaga. Kung ano-ano tuloy naiisip ko. Ang aga-aga, sumasakit ulo ko. 

 

Hindi naman imposible. Pero kasi diba, bakit hindi ko man lang nalaman?

 

Na-realize ko ring hindi pala ako masyado nagchcheck ng messages sa FB dahil natatabunan ng mga message ng mga kamag-anak ko. Nung summer naman ay parang naging babysitter pa ako ng mga pinsan ko.

 

Alam kong tuwing grade 7 at grade 11 lang sila tumatanggap ng transferees dahil sa entrance exam bilang nasa science highschool nga kami.

 

Yung class list. Brinowse ko naman. Kaso hindi ko masyado chineck kasi halos kilala ko naman na lahat. Dumiretso na rin kasi ako sa “N” para lang masigurado na kaklase ko si Ning.

 

Grade 11 - Faraday. Iliana Yizhuo Ning. Check!

 

Alam kong kaklase ko rin si Ryujin dahil hindi pa nasesend ang list ay sumisigaw na siya sa dm’s ko. Dami connections lmao.

 

Aray! 

 

Speaking of the devil!

 

Napalingon ako at matik na kumunot ang noo ko sa nakabangga sa’kin.

 

“Ryujin! Aga-aga ang likot!”

 

“Ay baks! Sorry! Ba't ka kasi nasa may pintuan?" 

 

Napatawa siya at pinulot yung nabitawan kong tumbler. Inabot niya sa’kin, sabay akbay na rin. Hindi na ako nagulat na andito na naman si Yeji kahit 'di naman namin siya kaklase ata this year. 'Di talaga sila mapaghihiwalay nito ni RJ. Kinawayan ko na lang rin siya at ngumiti.

 

“Good morning, Win.”

 

Himala talaga at never rin nabasag itong tumbler ko. Jusko tumbler lang naman ‘to pero syempre may sentimental value ‘to ‘no. Ilang buwan na ipon ko rin 'to nung elementary. Nagutom pa 'ko para sa wala if madali lang pala masira.

 

Tinuro agad ni Ryujin yung pwesto niya sa may bintana at syempre, may bakanteng upuan. Dumiretso na kami at nilapag na yung bag ko sa upuan sa tabi niya. Meron pang bakante sa tabi ko, kaya matik doon na si Ning. 

 

May tatlong column sa room at kada column at may tatlong seats na magkakatabi. Bali siyam na upuan kada row. Gets niyo ba? Hindi? Bahala kayo diyan. Char. 31 ata kami sa klase? Or 32? So halos may apat na row.

 

“May transferee ba sa’tin?” Agad kong tanong nang makaupo ako.

 

Napalingon sakin si Ryujin at nagkibit-balikat lang. Wala pa si Ning dahil sa malamang ay mga 15 minutes before class hours pa ‘yon dadating. Diyan lang kasi sa likod ng school ang bahay niya.

 

“Meron ata. Hindi ko sure ilan eh.”

 

Napalingon na naman ako sa upuan sa harap sa may pinto. Asan na ba ‘yang JM na ‘yan nang magkaalaman na.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Holy mother of Naevis.

 

Okay. Ba’t ba ako gulat na gulat? 

 

Inexpect ko na ‘to eh. As an overthinker– Char.

 

Pero jusko, feel ko tuloy ramdam na ramdam niya yung titig ko.

 

Si Jimin nga! My long lost childhood jow– bestie!

 

Ramdam ko yung titig rin ni Ning sa’kin. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko yung mapang-asar na ngiti niya.

 

“Bes, baka naman matunaw.”

 

“Ewan ko sa’yo.” Pabiro akong umirap at natawa naman siya.

 

Tumingin na lang ulit ako sa adviser namin. Introduce yourself blah blah blah. Hobby blah blah blah. Hay na naman. 'Kala mo ‘di magkakakilala eh. Eh pati ata bag ng isa’t isa alam na namin. Char.

 

May katabi si Jimin. Giselle ata pangalan. Transferee rin. Nakita kong nag-uusap naman sila at mukhang close na rin. Buti na lang. 

 

Hindi rin naman sa awkward si Jimin or mahirap siya pakisamahan, pero naalala ko kasi yung mga dati niyang kinukwento sa’kin nung magsstart pa lang ang junior high. Nakakalungkot lang. 

 

Sure naman ako na kahit magugulo ‘tong mga kaklase ko, they would never treat someone, especially a new student, that rudely and unfairly. Mga feeling close rin kasi ang mga ‘to.

 

Lalo na kung maganda.

 

Jusko. 

 

Nakikita ko pa rin naman ang life updates niya sa social media pero grabe lang. Ang daming pinagbago ni Jimin. Tumangkad siya. Medyo nag-light ang skintone. Wala na rin siyang bangs. Muntik pa ‘kong mapatawa. Cute kasi ng bangs niya noon. Full bangs talaga teh!

 

“Good morning. I’m Katarina Jimin Yoo. You can call me Kat, Karina or Rina.”

 

Wow. Rina. Parang dati nagtatampo siya pag hindi Jimin ang tawag ko sa kanya. Baka special ako. Char.

 

“I like to sing and play the piano. Dance too. Favorite subject is uhm… maybe English? Ayon. It’s nice to meet you all.”

 

Naghiyawan ang mga kaklase namin at may nag-chant pa na sample raw. Tumawa lamang si Jimin and not that I’m shocked but she still has this habit of tucking her hair behind her ear sa tuwing nahihiya siya. Kitang kita yung pagpula ng tenga niya eh.

 

Ang cute talaga–

 

"Bes, pisngi mo." Biglang sabi ni Ning habang tinatapik ang pisngi ko. "Namumula."

 

Napalakas ng kaunti ang tawa niya. Pinandilatan ko si Ning na nakangiting nagsorry sa klase. Head turner kasi ang tawa, pati si Jimin ay napatingin. Medyo nag-linger pa nga ang tingin niya sa'kin bago siya ngumiti at naupo na.

 

“Uy Jeong. Kilala mo?” Tanong ni Ryujin sa’kin.

 

“Uy Bes. Kalmahan lang. Mapupunit na labi mo.”


“Uy Win. Taray, parang couple tumbler ah?”

 

Napasubsob na lang ako sa desk ko.

 

Lord. Teka lang naman kasi. First day pa lang.

 

Delikado ata tayo sa last two years natin.







 

 

 

 

Buti na lang talaga at alphabetical ang seating arrangement sa ilang sumunod na klase. Doon pa rin ang pwesto ko. Column sa may bintana, second row, middle seat. Si Ryujin ay napunta sa row sa likod ko pero katabi pa rin ng window. Si Ning ay napunta sa first column, second row pa rin pero sa third mula sa pinaka dulo ang seat. 

 

Kinabahan ako sa takbo ng isip ng mga kaibigan ko eh. Syempre sa una ay kanya-kanyang pili ang mga estudyante kung saan sila uupo. Okay na rin kay Ms. Lim na adviser namin, na mamili kung saan kami uupo sa sub niya. Pero sa iba, halos puro alphabetical na. 

 

Malamang ay kami na nila Ryujin at Ning ang magkakatabi. Pero kasi makukulit rin ang lahi ng mga ‘to. Nagbibiruan kasi sila na patabihin samin sila Jimin at Giselle kasi expected na sa ibang subjects na kung sino ang magkakalapit, sila sila na rin ang magkakagrupo. Mukha rin kasing wala pa silang masyadong close. 

 

“Sayang naman.” 

 

“Gavrielle Ryujin! Baba!” 

 

Hinampas ko agad si Ryujin nang maupo sya sa arm rest ng upuan ko. Masira pa at ako ang pagalitan. Tumawa na lamang siya at lumipat sa lap ko. Kung ‘di lang ako sanay baka tinulak ko na ‘to. Pati si Ning na naka indian sit sa space sa harap ko ay natawa na lang. Siya ang mas bata, pero si RJ ang mas clingy.

 

“Nandiyan na nga lang sa likod ko yang upuan mo, umaabot ka pa rin sa pwesto ko.”

 

“Si Ning nga eh andiyan sa harap mo. Galing pa dulo ng row mo. Ba’t ‘di mo pinapaalis?”

 

“Fave niya ako. ‘Di ka ba aware?” Singit ni Ning. Inapiran ko lang siya at napa-ungot na lang si RJ.

 

“Ay wow may favoritism pala dito.”

 

“Ano bang problema mo?”

 

“Sayang kasi! Ang layo tuloy ni Karina! Buti pa si Giselle katabi ko. Ba’t kasi alphabetical?”

 

“Teh, baka nakakalimutan mong nasa likod na row lang natin si Giselle at naririnig ka.” Singit ni Ning.

 

Sabay sabay kaming lumingon at ayon nga, Giselle’s watching us with an amused face. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi ko rin masyado gets ba’t parang g na g si RJ na kaibiganin yung dalawa. 

 

“Hi Giselle! Sorry sa pet ko. Maingay.” Binati ko na lang siya. Nakakahiya kasing tatlo kaming sabay sabay na tumitig sa kanya.

 

“Ang pangit ng ugali mo!” Hinampas-hampas muna ako ni Ryujin bago siya lumingon ulit kay Giselle at ngumiti. Mapagpanggap amp.

 

“Hi bestie Giselle! Hehe welcome sa NSHS. Sana masaya ka sa piling namin!”

 

Napatawa si Giselle nang malakas at napansin kong napa-angat rin ang ulo ni Jimin. Nagphphone ata siya.  Nasa dulo kasi siya at iisa lang ang katabi, kaya lang mukhang nakikipagkwentuhan rin sa iba ang seatmate niya. May kaunting kumakausap sa kanya mula sa row sa harapan niya pero puro lang siya tango at ngiti. Mukhang cautious pa siya sa mga lumalapit sa kanya.

 

“Hi. Kahit Gigi na lang. You’re Ryujin, right?” Mabilis ang pagtango ng kaibigan ko. Napailing na lang ako. Mukha kasing interesado talaga siya sa kanila ni Jimin..
 

“And you’re MJ– I mean Winter?” 

 

MJ huh?

 

“Yes. Nice to meet you Gi! If may need ka pwede mo naman kami i-approach.” I smiled.

 

“Kahit pera?” Pagbibiro niya.

 

Mabilis ang pag-iling ko. Joker pala ‘to. Giselle, obvious namang mas mayaman ka!

 

“Sorry. Kung ganon lang, kaya mo na sarili mo.” Biro ko rin.

 

“Hi! Ako si Ning! Silipin mo na lang muna ako kasi tinatamad ako tumayo.”

 

Napatawa ulit si Giselle. Ang cute niya lang. Parang ang saya-saya niya sa buhay. Mukha naman siyang sweet. Kung ganon nga ay swerte na rin si Jimin na ka-close niya ito.

 

“Gusto mo sumabay sa’min ng lunch?” Pag-iimbita ni Ryujin sa kanya.

 

Napalingon muna si Giselle kay Jimin na mukhang busy na ulit sa kanyang phone. Makikita sa mukha ni Giselle na parang nahihiya pa siyang sumagot.

 

“Uh actually, Rina said we’re gonna join her friend. Maybe next time?”

 

Friend?

 

Napaisip ako kung sino ang tinutukoy ni Giselle. May iilan kaming naging kaklase nung elementary na dito rin nag-aaral ng junior high hanggang senior high, pero hindi ko sigurado if ganon ba ka-close pa rin ni Jimin.

 

Unless si– Ay ewan. Friends pa rin ata sila…

 

Napabusangot na naman si Ryujin at kinurot ko na siya this time. Napasigaw siya at may iilang mga kaklase namin ang napatingin sa direksyon namin. Kasama na doon si Jimin na ngayon ay naka-halukipkip na ang mga braso.

 

Jusko. Wala pang one week ay agaw pansin na yung pwesto namin. Sinisisi ko si Ryujin. Oo.

 

“'Wag mo ngang idamay si Giselle sa kaartehan mo.”

 

“Napaka brutal mong best friend!”

 

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa’kin at lumipat sa tabi ni Ning sa sahig. Siniksik niya pa ang mukha nya sa leeg ni Ning habang yakap ang braso nito.

 

“Gavie! Ang init-init!”

 

Nilingon ko na lang si Giselle at nakatingin pa rin siya. Medyo gusto kong matawa dahil halatang bored siya at curious pa ata sa mga pinag-uusapan namin. Eto naman kasing si Ryujin, seatmate niya na nga tas iiwan niya pa.

 

“Sorry kay Ryujin. Ang kulit ‘no?”

 

“It’s fine. Ang funny niya nga eh.”

 

Tinignan niya lang ako at parang may gustong itanong. 

 

“Okay ka lang?” 

 

“Uh yeah. Probably just curious. You’re Rina’s friend, right?”

 

Ah. Siguro nagtataka siya kung bakit hindi ko pa kinakausap or nilalapitan si Jimin. 

 

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano eh. Hindi naman ako dense para hindi mapansin yung pasulyap-sulyap namin sa isa’t isa. Pero ayon nga, it’s obvious na she’s gauging the situation rin.

 

“Ah oo. Nakwento niya ba?“

 

"Yeah…

 

"Nagtataka ka ‘no?” 

 

Again, Giselle turned shy at napatawa na lang. I smiled at how cute she looks right now. Para siyang si Jimin. Ang bilis ma-fluster.

“Nahihiya lang ako. Kausapin ko rin soon.”

 

“Right. It’s been so long rin siguro.”

 

Maya-maya pa ay tumunog na rin ang bell. Mabilis na tumayo si Ryujin at dumiretso na sa upuan niya para kumuha ng wallet. Napailing na lang ako dahil hindi man lang niya tinulungan si Ning na tumayo. I offered my hand para kay Ning at agad naman siyang kumapit sa'kin.

 

Nagusot pa nang kaunti ang blouse niya dahil sa ginawang pagsiksik ni Ryujin sa kanya. Lumapit ako at inayos ang kwelyo nito, even attempting na plantsahin gamit ng kamay ko ang mga sleeves niya.

 

“Okay na ‘yan, bes. Thanks.”

 

Malawak ang ngiti ni Ning at ginulo ko na lang ang buhok niya. Napasimangot siya bigla kaya inayos ko rin ito at sinuklay pa gamit ang mga daliri ko. 

 

Ang cute niya lang asarin pero protective rin ako dito 'no. Kahit si Ryujin ay pinapagalitan ko minsan pag grabe kung mang-asar kay Ning.

 

“Oh tara na?” Biglang sulpot ni Ryujin. “Daan muna tayo kila Yej.”

 

Bago kami makalabas ng room ay niling

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
renrenee
i'm not sure if people are still waiting for updates for kalayaan and homecoming, so ayon long overdue apology for still not updating. i've been busy lang talaga with acads and life (kahit maingay naman ako sa twitter). but huhu, i promise i'll finish them both. ayon lang namern 🦖 thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
Chapter 5: ganda ng pagkakagawa nitong chapter 🤧
ppiriwon
#2
Chapter 6: Ngayon ko lang napansin na may update. Welcome back, otor!
thelost_soul
#3
Chapter 6: namiss ko tuloy mga kaibigan ko :--(
mellifluouswan
1685 streak #4
Chapter 6: Ngayon ko lang nakita ‘tong fic na ‘to and omg. Sobrang ganda, literal na kakagising ko lang kanina nung nag browse ako and nabasa ko yung description, hooked agad ako. Binasa ko tuloy ng isang upuan! Can’t wait po sa susunod na update!
EzraSeige
#5
Chapter 6: Welcome back otornim 😢😍💙❄
Hiccups_ #6
Chapter 6: Welcome back!
Eybrelros #7
Patambay muna ako☕
EzraSeige
#8
Chapter 5: 😍😍😍💙❄
seiikihavre
#9
Chapter 5: happy happy na 🥺
seiikihavre
#10
Chapter 4: baby hnggg sana ol