vi.

kalayaan.
Please Subscribe to read the full chapter

After nung birthday ni Jimin, hindi na kami nakapag-meet ulit. Umuwi na rin muna kasi kami sa mga relatives namin at for sure, ilang weeks rin kami dito.

 

Hindi ko naman siya masyadong nami-miss.

 

MJ 🤍: JM, tulog ka pa ba?

MJ 🤍: Tanghali na 😠

MJ 🤍: 'Di ko ba deserve ng reply? 🥺🥺

 

Hindi talaga.

 

Napasimangot ako lalo na't lumipas na ang ilang minuto. Hindi pa rin nagrereply si Jimin! It's already half past nine and I'm not even sure if nagbreakfast na ba siya.

 

Okay. Ang clingy. Pasensya.

 

I mean si Jimin na 'yan. Choosy pa ba 'ko?

 

Mabilis pa kay Flash ang paghuhugas ko ng kamay na may sabon nang nag-vibrate ang phone ko. As usual, ako na naman ang taga hugas ng pinggan. Kahit saan ata kami magpunta ay hindi nagbabago ang role ko.

 

JM 💙: Good morning, baby.

JM 💙: Also really? JM and not baby?

JM 💙: And wdym tanghali? It's only 10 am.

 

Lord. For sure 'di pa 'to kumakain tas kung ano-ano na pinagsasabi!

 

MJ 🤍: Ang landi mo 🙄

MJ 🤍: 'Di ka pa nagbbreakfast! Late na ang 10!

 

Nai-imagine ko na agad ang pag-ikot ng mata ni Jimin. Ta's hahampasin ako. Pero ngingiti siya, tapos susunod pa rin naman sa akin. Tas kikiligin ako– Ay ewan ko ba sa trip niya! Parang mas gusto niya pa ata 'pag pinagsasabihan ko siya!

 

JM 💙: Okay po, baby. I'll eat na. Good morning ulit! Say hi to little Haya for me 😘😘

 

See?

 

Buti pa si Haya may kiss. Charaught.

 

Hindi ko na muna siya nieplyan at nagpatuloy na sa paghuhugas. Baka 'pag nakita akong pangiti-ngiti sa phone dito ay mapagalitan ako.

 

Pagkatapos ko maghugas ay tumabi na ako kay Haya. Siya lang kasi ang babae sa mga bata sa magpipinsan. Lahat sila ay kanina pa naglalaro sa taas. Hindi masyadong pinapasali si Haya sa kanila dahil mas malalaki na sila at ang lilikot kung maglaro. Minsan ay si Haya pa ang napagtitripan dahil siya ang bunso.

 

"Ate Win, hiram."

 

Napalingon ako nung tinapik-tapik niya ang braso ko. Nakita ko na nakatingin siya sa phone ko at tama nga. Gusto na naman maglaro.

 

Okay lang naman sa akin kaso once na nagstart na siya ay mahirap minsan bawiin ang phone ko.

 

"Ate's waiting for someone to call eh. Watch ka muna ng TV?"

 

"Ate K?"

 

I only nodded and surprisingly hindi siya nag-insist. Lumipat na lang siya sa lap ko at nagpatulong hanapin ang Disney channel.

 

Kilala niya si Jimin dahil sa isang beses na nagvivideocall kami. Inakyat talaga ako ni Haya sa kwarto para maglaro sa phone ko pero nakita niya na may kausap ako. Pinakilala ko sila sa isa't isa at ano pa nga ba, tuwang tuwa si Haya kay Jimin!

 

Busy na si Haya sa pinapanood niya nung tumawag si Jimin. Mas nauna pa sumilip sa camera ang bata kaysa sa dapat kausap!

 

"Hyacinth! Hello pretty baby!"

 

"Ate K!"

 

"Hi JM…"

 

Natawa si Jimin sa matamlay na bati ko. Paano ba naman kasi? Hindi ko masilip yung screen dahil inaagaw talaga ni Haya ang screentime ko!

 

Sayang naman at hindi makikita ni Jimin ang cuteness ko.

 

"Haya, can I talk to your Ate Win first?"

 

Teh? Ang bilis lang sumunod sa kanya.

 

Pagkatapos tumango at magflying kiss ni Haya sa kanya ay umalis na ito sa pagkakaupo sa akin. Lumipat siya dun sa isang sofa at nanonood na ulit ng Sofia the First.

 

"Wow, Salamat Ate K."

 

Nag-scrunch ang ilong ni Jimin sa narinig. Dati kasi ay Ate K ang tawag sa kanya kung hindi Jimin o Kat. Fan kasi kami ni Karylle at Kathryn noon at saktong K rin ang pangalan niya.

 

"I told you not to call me that!"

 

"Si Ate K naman, ang sungit."

 

"Isa, MJ!"

 

Tinawanan ko lang siya. Medyo marami-rami naman kami napag-usapan. Bakasyon kaya ang dami naming time gumawa ng kung ano-ano. At syempre, ipagmamayabang ko na nag-uupdate ang bebe ko!

 

Ay? Speed?

 

Makaraan ang halos isang oras ay ibinaba na rin namin ang tawag. Lunch na kasi at paniguradong dadagsa na ang mga bata dito sa baba. Hay, ate duties.

 

Kada bakasyon ay ganito rin ang role ko. Last summer lang na-cut short ang bakasyon namin dito sa Cavite. May mga kailangan kasing asikasuhin sila mama at papa. Dapat nga ay iiwan na lang kaming mga magkakapatid dahil paalis-alis rin naman sila dahil sa trabaho nila. Kaso mukhang magreresign na sila at maghahanap na ng bagong trabaho si papa.

 

Kaya last year ay todo yaya sa akin sila RJ na lumabas. Kaso hindi ko naman pwedeng iwan na lang ang mga kapatid ko. Ang nangyari ay dinadayo ako RJ at minsan ay kasama niya si Yeji kahit ang layo-layo ko sa kanila! Hindi nakasama si Ning dahil nasa probinsiya pa siya noon.

 

Nahihiya pa nga ako noon dahil hindi naman ganon kalakihan ang bahay namin. Hindi naman bothered ang dalawa. Sila pa nga ang may dala ng snacks. Minsan ay nagsisiksikan pa kaming tatlo sa kama ko para makanood ng movie. Yung mga kapatid ko kasi ay busy naman maglaro sa labas dahil puro kaedaran din nila ang mga kapitbahay namin. Hindi ko lang talaga sila maiwan.

 

Ngayong summer, hindi kami makakauwi agad sa Manila. Sinigurado kasi ng mga relatives ko na sulitin ang bakasyon dahil umuwi ang OFW kong auntie. Kaya ayon, magiging aligaga na naman tayo for today’s video! Puro kain, lakad, kain, lakad!




 

Speaking of kain, dahil ako ay isang napaka masunuring pamangkin, ako na naman ang nautusang mag-ihaw ng mga hotdog para sa meryenda naming magpipinsan. Oh diba? Katatapos lang ng lunch ay kain na naman ang inaatupag namin.

 

Grabe lang yung pawis ko pero dedma lang dahil masaya ako today! Hihi alam niyo naman na kung bakit. Naka-call ko lang naman ang aking–

 

“Ano Win? May jowa ka na ba?”

 

Muntik nang tumalsik yung binabaliktad kong hotdog. Nambibigla naman Tito Boy!

 

Kung sino mang sumira ng aking beautiful train of thought at kakain ng sunog na hotdog!

 

“Ito namang si Gaeul, hindi muna kamustahin si Winter eh!”

 

“Ate Yeoreum, syempre dapat chika agad! Minsan na nga lang umuwi si Winter eh.”

 

Dalawa lang talaga sila na ka–close ko talaga sa mga pinsan ko dahil maliban sa mga bulinggit ay sila ang malapit sa edad ko. Sila lang rin ang nakakaalam sa pamilya na hindi ako straight.

 

Hindi ako makasingit ng sagot sa kanila dahil patuloy ang pag-aasaran nila. Saka lang sila natahimik nang ma-realize nilang hindi pa rin ako sumasagot.

 

“Ate! Sinasabi ko sa’yo meron eh!” Biglang pagsigaw ni Gaeul.

 

“Ha?” Nagtatakang napaangat ang ulo ko sa kanila.

 

“Tignan mo kanina pa siya nakangiti habang nag-iihaw ng hotdog diyan.”

 

“Mukha kasi kayong mga ewan.” Pagdepensa ko.

 

Nararamdaman ko na ang pamumula ng pisngi ko kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko sa mga hotdog.

 

Ikot ikot. Pahid pahid. Paypay paypay. Yum!

 

“Really ba, baby Win?” Mapang-asar ang tono ni Ate Yeoreum.

 

Namula ako lalo sa kung ano ang itinawag sa’kin ni ate. Ih! Ate amacana! May tumatawag nang iba ng ganyan sa akin. Heh.

 

“Hoy! Sino yan ah? Namumula ka lalo!”

 

Umalis na lang ako sa pwesto at itinulak sa dibdib ni Gaeul ang pamaypay na hawak ko.

 

“Ano ‘to?!"

 

“Magkukwento na nga ako, ako pa rin mag-iihaw?”

 

“Shet! Chismis! Go!” Mabilis ang pagtulak niya sakin palayo sa ihawan at nag-full force sa pagpapaypay.

 

“Gaeul! Marinig ka ni Haya!”

 

“Gaeul naman! Masakit sa mata yung usok!”

 

Ikinwento ko sa kanila si Jimin, pero hindi na yung madadrama na part. Pinakita ko pa ang picture kasi mayabang ako. Ang ganda ganda lang ni Jimin ‘no! Dasurv ma-flex!

 

Napansin ko namang mina-mata ni Gaeul si Yujin doon sa isang picture namin nung birthday ni Jimin. Hinampas ko siya at inilingan.

 

“Teh, ‘wag na. ‘Di niyo kakayanin ang LDR. Clingy kayo pareho.”

 

Pakunwaring nagpunas naman ng invisible luha si Gaeul at suminghot-singhot pa.

 

Napansin kong kanina pa hindi nagsasalita si Ate Yeoreum. Wala rin siyang side comments. Medyo kinabahan ako dahil usually excited rin siya ‘pag may nasasagap siyang chika. Kahit naman yearly lang kami nagkikita ay close talaga sa’kin si ate. Siya ang pinaka matanda sa aming magpipinsan at siya na ang tumayong ate sa’min ni Gaeul na mga panganay rin.

 

“Ate?”

 

“Hmm?”

 

“What do you think?”

 

Umangat ang tingin niya sa’kin. Kanina pa niya pinagmamasdan yung picture naming dalawa ni Jimin. Unti-unti siyang ngumiti at ginulo pa ang buhok ko.

 

“Ang ganda niya. Bagay kayo.”

 

Natuwa naman ako sa narinig ko.

 

“So kayo na ba?”







 

Pinag-isipan ko rin yung tanong ni Ate Yeoreum. Actually napag-usapan na rin namin 'to ni Jimin after namin mag-aminan. Kahit na gusto niyang siya daw ang manligaw, hindi ako entirely pumayag. Sabi ko magligawan na lang kami! In short, maglalandian hehe charot!

 

Kidding aside, exclusive naman na kami. Last year na rin kasi ng senior high kaya maraming aasikasuhin. Need muna magpaka ulirang mag-aaral!

 

Pero ayun, ngayon pa lang napapaisip na rin ako paano ko ba siya tatanungin. Kahit gusto ko maranasan na ako yung tanungin, nakakakilig kasi isipin na mapa-oo ko siya. For now, ile-level up ko na lang ang aking bakod. May karapatan na ako 'no?

 

Grabe, uwing uwi na 'ko! Ganto pala feeling ng may nag-aantay sa'yo umuwi! Char.

 

"Teh, mukha ka nang ewan. Kanina ka pa nagbblush mag-isa." Bigla bigla na lang talagang sumusulpot si Gaeul. Binato pa ‘ko ng panyo!

 

"Please let me have my moment." Pag-iinarte ko.

 

"Hay ewan! Tara na sa labas!"

 

"Ha? Bakit? Ayoko kakaligo ko lang! Pagpapawisan ako!"

 

"Baliw! Umuwi na rin si Ate Eunseo. Hindi ka man lang ba magha-hi?"

 

Mabilis ang pagtayo ko at inunahan ko pang lumabas ng bahay si Gaeul. Tawang tawa naman si ate mo. Kung si Jimin ang gay awakening ko, si ate Eunseo na ata ang first heartbreak ko!

 

Eme lang.

 

Pero kasi! Ate Eunseo is Ate Yeoreum's best friend. Mas madalas kaming umuuwi dito nung bata pa ako kaya nakakalaro ko pa noon si Ate Eunseo at ang kapatid niya. Ang kaso lang, 'di kalaunan ay lumipat na rin sila sa Manila.

 

Bata pa ako noon kaya hindi ko narealize na mas mapapalapit lang pala sa'kin sila Ate Eunseo. Mas nauna pa akong umiyak kay Ate Yeoreum na best friend niya!

 

Kaya ngayon tuwing bakasyon ko lang rin sila nakikita nung kapatid niya. Ang kaso ay parang mas dumoble ang pagiging mahiyain ng bunso niyang kapatid nung nagsi-lakihan na kami. Halos hindi na lumalabas ng bahay.

 

"Ate Eunseo!"

 

Niyakap ko siya nang mahigpit. Grabe ang tangkad niya lang tas ang cool pa manamit. Hay. Role model talaga. Feel ko pa maraming nagkaka-crush dito.

 

"Okay, enough." Pinaghiwalay na kami ni Ate Yeoreum.

 

Inirapan ko lang siya at tinawanan naman siya ni Gaeul. Huwag na lang natin sabihin na gusto niya kasing siya lang ang clingy sa best friend niya.

 

Napansin ko naman na parang may blonde ang buhok na nagtatago sa likod ni Ate Eunseo. Kanina pa siya parang estatwa lang na nakatayo sa likod. Yung kapatid niya kaya ‘to? Huling kita namin at brunette pa ang buhok niya.

 

"Chaehyun?"

 

"S-sugar."

 

Napangiti ako sa nickname. Akala ko nakalimutan na niya.

 

"Naalala mo pa pala. Ba't ka nandyan sa likod? Dito ka sa tabi ko."

 

Nag gesture ako na parang pinapalapit siya at sumunod naman siya. Ku

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
renrenee
i'm not sure if people are still waiting for updates for kalayaan and homecoming, so ayon long overdue apology for still not updating. i've been busy lang talaga with acads and life (kahit maingay naman ako sa twitter). but huhu, i promise i'll finish them both. ayon lang namern 🦖 thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
Chapter 5: ganda ng pagkakagawa nitong chapter 🤧
ppiriwon
#2
Chapter 6: Ngayon ko lang napansin na may update. Welcome back, otor!
thelost_soul
#3
Chapter 6: namiss ko tuloy mga kaibigan ko :--(
mellifluouswan
1694 streak #4
Chapter 6: Ngayon ko lang nakita ‘tong fic na ‘to and omg. Sobrang ganda, literal na kakagising ko lang kanina nung nag browse ako and nabasa ko yung description, hooked agad ako. Binasa ko tuloy ng isang upuan! Can’t wait po sa susunod na update!
EzraSeige
#5
Chapter 6: Welcome back otornim 😢😍💙❄
Hiccups_ #6
Chapter 6: Welcome back!
Eybrelros #7
Patambay muna ako☕
EzraSeige
#8
Chapter 5: 😍😍😍💙❄
seiikihavre
#9
Chapter 5: happy happy na 🥺
seiikihavre
#10
Chapter 4: baby hnggg sana ol