v.

kalayaan.
Please Subscribe to read the full chapter

Siguro nung bata ako, hindi ko lang napapansin, pero I always loved the feeling of belonging.

 

Sino ba namang hindi?

 

Syempre gusto mo na marami kang kachikahan, tapos minsan pa exchange kayo ng baon. Ayos diba?

 

May kasabay ka mag-antay ng sundo. May tumatawa sa mga jokes mo. May kasama kang tumitig sa board at mapapabuntong hininga na lang kayo kasi lumulutang na yung mga numbers.

 

It made me happy. It made me think na I am just like them. It made me feel na hindi ako nag-iisa.

 

Bakit nga ba kayo magkakaibigan kung hindi kayo magkakatulad diba?

 

But as I grow up, parang mas narealize ko kung anong kinaibahan namin sa isa't isa. Marami pala.

 

Hindi naman masama. In fact, normal lang naman 'yun! It's just that you realize na kahit pala hindi kayo talagang magkakaparehas ng interests at habits, pwede rin pala kayong magkasundo. It's somehow comforting, diba?

 

Kaya nung nagalit sa'kin si Yujin, nung umiwas si Minju, nung hindi na naulit ang pagkikita naming magkakaibigan… Nung napagpasiyahan kong iwasan si Jimin… biglang hindi ko alam ang gagawin ko.

 

Paano ka nga ba makakausad kung biglang nawala yung mga nakasanayan mo?

 

I don't let that much people in. Marami naman akong nakikilala, pero yung talagang bibigyan ko ng effort na kilalanin ko at ina-allow kong kilala in ako, parang ang hirap lang ibigay.

 

Siguro ako yung tipo ng tao na pili lang talaga ang pagtutuunan ko ng pansin. Na parang hindi ko kayang bigyan pa ng same effort yung ibang bagay. I somehow choose who I want to keep.

 

Ang mahalaga, naibibigay ko ang lahat sa mga gusto kong magtagal sa buhay ko.

 

I used to value belonging so much. It mattered na I belong perfectly among my friends. Now, I know I still do, pero natutunan kong it can't always be the case.

 

Hindi pwedeng "perfect" palagi.

 

Minsan you come to the point where you don’t feel like you belong together anymore.

 

Alam mo na. You could always make it work, until it won't anymore.

 

You can have the choice syempre, na gawan ng paraan, maghanap ng paraan. Pero ano na bang magagawa mo if it’s out of your control anymore?



 

Kaso since paladesisyon ang universe sa buhay ko, binigyan niya ulit ako ng chance para i-revise ang takbo ng relationships ko with people.

 

When I felt like I lost my old friends… Ning, RJ, and Yeji happened.

 

It was when I felt both scared and excited of wanting to belong again.



 

Madali lang naman pagdating kay RJ. It was one of the things I like about her. Parang hindi complicated ang mga bagay sa kanya. Palagi siyang andiyan. For anyone. Kaibigan siya ng lahat.

 

She can be both persistent and patient. Para bang gagawan niya talaga ng paraan para makaroon siya ng mark sa buhay mo at the same time respecting your space.

 

Despite her good traits, si RJ ang lagi kong kabangayan. Palagi pa nga kaming pinagsasabihan ni Yeji. Palagi daw kaming nag-aaway ‘pag magkasama pero naghahanapan kami ‘pag nawawala ang isa.

 

RJ reminded me na I can be anyone and a friend will still be there. A friend can stay.

 

RJ pushed me more into trying things na hindi ako confident gawin. She would push me but not force me. Para bang ang galing niyang mang-convince na kakayanin mo ang kahit ano. With RJ, I can say I became a little braver.



 

Hindi kami ganon ka-close ni Yeji. Hindi ko pa siya classmate noon pero alam ko na ang pangalan niya dahil tulad ni RJ, active siya sa clubs at sa mga program ng school. Matalino pa! ‘Pag hindi siguro siya part ng top 10 ng buong batch sa graduation ay magwewelga ako.

 

Siguro nasanay lang rin talaga kami sa presensya ng isa’t isa. Masasabi ko pa ring fond siya sa akin. I-secret na lang natin kay RJ yun. Kahit anong kulit ko kasi (na si RJ ang may pakana) ay hindi niya kayang mainis talaga sa akin.

 

Yeji is a very admirable person. Wala ata siyang flaw maliban sa natatawa siya sa corny jokes ni RJ. Kaya napagkakamalan siyang crush ko dati dahil siguro everytime na tatanungin niyo ako noon kung sino ang crushable sa batch ay isa siya sa sure na babanggitin ko.

 

All the prettiness aside (pak!), Yeji had always made sure na mapagkakatiwalaan ko siya at pinagkakatiwalaan niya ako. Noon ay parang ang hirap nito ibigay pero Yeji made it seem like it was the easiest thing to do. Na I can always feel safe around her.



 

Lastly ay si Iliana Yizhuo Ning.

 

Siya yung tipong hindi ko binalak kaibiganin pero ngayon ay hindi ko na ata kayang mabuhay nang hindi ko naririnig ang pag “bes!” niya. Huwag niyo na lang akong ibubuking dahil for sure lalaki ang ulo niya.

 

Sabi nga nila, the people you meet are puzzle pieces daw. There would be the right pieces for you! So if it doesn’t fit then maybe they’re not meant to stay in your life.

 

Mahirap naman na i-compare natin ang sarili natin sa puzzle pieces dahil naniniwala ako na people change and grow over time. Who you were yesterday could be different to who you are now.

 

What if mag-fit ka now, pero hindi na in the future diba? Pero opinyon ko lang naman 'to, so paki-respeto na lang huhu.

 

Pero ayon nga, kung puzzle pieces ang usapan, I can say na Ning was one of the perfect pieces in my life.

 

Alam mo yung parang nag-click na lang talaga. It was like Ning met me and we still have a lot of things to learn about each other but we both know it won’t be hard for us.

 

We talked a lot, and even if we had days na we are both silent, it felt comforting. Ang dami naming similar interests pero ang dami rin naming pagkakaiba.

 

It was like I perfectly belonged beside her. As a friend syempre. Mahirap na at baka may maudlot.



 

Magdadalawang taon ko pa lang silang nakakasama pero parang biglang nagbago yung takbo ng buhay ko. For the first time in a while, nawala yung pagkabahala kung makakahanap pa ba ako ng ibang taong magiging comfortable ako na kasama sila. Sinubukan ko ulit maging bukas. I let new people in and they are the perfect reason why I do not regret it.

 

Siguro kung hindi dahil sa kanila, baka rin iba ang naging approach ko sa mga bagay ngayon. Baka tulad pa rin ako ng dati na walang sasabihin, o takot na magdesisyon ng mga bagay na pwedeng hindi sang-ayunan ng iba.

 

Kung hindi siguro ako nakahanap ng comfort sa friendship namin, baka nanatili akong takot na makipag-reconcile kila Jimin.

 

Even when Jimin is comfort, mahirap naman yung wala ka pa ring tiwala sa sarili mo diba?

 

My friendship with the three of them made me more comfortable with how I am as a person. Hindi sa hindi nagawa ng mga kaibigan ko noon yon, siguro ay sila Ning lang yung nagpaalala sa akin ngayon na I have friends who are willing na mapanatiling matatag yung friendship namin.

 

If I can make my new friendships work, maybe I can make the old ones work again too.



 

Pero syempre dapat mutual ang effort ‘no!



 

At dahil need mag-effort…

 

Ito ako ngayon nag-eeffort na bumabawi sa best friend ko.

 

Tahimik ko lang pinagmamasdan si Ning habang inaayos niya yung mga order namin sa table. Medyo naparami kami ng order kahit dalawa lang kami ngayon dahil ang boring namang chumika nang walang chicha.

 

Sana lang ay walang mabulunan. Hashtag no animals are harmed in this video!

 

Kahit hindi niya sabihin, alam kong nagtatampo siya sa akin. Nung mga nakaraang buwan kasi ay puro si Jimin na ang nakakasama ko. Madalas ay kay RJ or Gigi na siya naiiwan. Ibang section na kasi si Yeji at bihira na lang namin siyang nakakasama.

 

Alam ko namang sinusubukan naming bumawi ni Jimin, pero syempre, unfair naman na parang naneneglect ko na ang best friend ko.

 

“Game!”

 

Napailing na lang ako at napatawa nang makita ko ang excitement sa mukha niya. G na g talaga basta chika?

 

“Hindi ba pwedeng sumubo muna ako ng tokwa?”

 

“Okay. Isang subo isang sentence.” Seryoso pa yung mukha niya.

 

“Epal.”

 

Nagbago yung demeanor niya at tumawa pa nang malakas. Nakakahiya man kasi maliit lang yung eatery ni Manang Jean, inaamin ko namang isa ‘to sa ayaw kong mawala kay Ning. ‘Pag masaya kasi siya ay makikita mo talaga. Talagang tatawa siya at malaki ang ngiti niya.

 

Kumain muna kami nang kaunti bago ako magsimulang magkwento. Gusto niya from the start daw. Magulo pa naman ako magkwento pero siya naman ang mahihirapang umintindi eh. Charot.

 

Hindi ko pa kasi nakkwento nang detailed sa kanya yung history namin nila Jimin. Alam niya lang yung nag-iiwasan na kami ni Yujin. Hindi naman sa tinatago ko kay Ning pero mas focused kasi kami usually na pag-usapan yung current na ganap sa mga buhay namin.

 

At dahil relevant na sa present happenings sila Jimin, kailangan kong i-update ang aking human diary aka si Iliana Swift.

 

Sinimulan ko sa aming friendship tree. Tropa ni Jimin at tropa ko. Yung pagme-merge ng tropa, ang yung mga reunions.

 

Tapos yung mga naging ganap sa birthday ni Jimin, Yujin, at Yuna.



 

“Teh, ang interesting namang ng ganap sa’yo noon. Ba’t parang ang boring mo na ngayon?”

 

“Ang pangit naman ng ugali. Nagpapachika ka na nga lang!”

 

Nag-pout pa ‘ko pero nagpatuloy lang siya sa pagsipsip sa milktea niya na parang hindi siya nakakasama ng loob. Nag-beautiful eyes pa!

 

“Seryoso though. Feel ko nahirapan lang kayo magcommunicate noon. Alam mo na, as teenagers parang gusto natin i-prove na kaya natin magdesisyon at i-handle ang mga ganap sa buhay natin.” Pagseseryoso ni Ning.

 

Napatango na lang ako. Tama naman siya. Nagkakaroon na rin tayo ng relationships outside our family and parang pinag-aaralan pa lang natin kung paano ba ito ima-manage.

 

“So nag-break sila tas nagkaroon kayo nung truth or truth ni Rina?”

 

“Hindi nga naging sila!”

 

“Gets mo na yun!”

 

Kinwento ko yung nangyari nung birthday ni Yuna. Isa na ata yun sa memorable memories. Memories na memorable pa. Oo, ganon siya ka-significant sa’kin.

 

Yun kasi yung time na may na-spark na hope sa’kin, pero yun rin pala yung pagmumulan ng misunderstanding.

 

“What do you mean there’s more to that night?!”

 

Wow. Straight english. Kakasama niya kay Giselle ‘to eh.

 

“Kasi ano…”

 

Parang nag-init naman ang muna ko nang inalala ko yung nangyari.



 

Gaya nung birthday ni Yujin ay kami ulit ang magkakasabay umuwi at hinatid muna namin si Jimin. Sasabay sana si Minju pero mag oovernight muna daw siya kila Yujin. Hanggang ngayon ay hindi ko sure saan ba siya nakatira pero malapit lang daw sa akin.

 

"Ingat ka Kat!”

 

Nagising na lang yung diwa ko nang sumigaw si Jaemin. Kanina ko pa kasi iniisip yung usapan namin sa birthday ni Yuna. Truth or dare lang naman yun pero ang lakas magpa-overthink!

 

“Baliw ka, JC. Nasa tapat na tayo ng bahay niya.” Binatukan tuloy siya ni Chaewon.

 

“Malay mo madapa!”

 

Natawa na lang si Jimin sa kanila, saka ibinaling ang tingin niya sa’kin. Tinitigan niya lang ako at parang tumahimik ang paligid. Ito ba yung world pause– I don't see nobody but you?!

 

Nilingon ko yung kambal at nakita kong tumatakbo na sila palayo.

 

“Hoy!” Pag-sigaw ko.

 

Hindi man lang nagpaalam sa akin. Hindi man lang ako sinabihang mag-ingat rin?!

 

“Hayaan mo na. At least solo na kita.” Sabi ng katabi ko. May pa-giggle pa siya?!

 

“Ang bunganga mo Jimin ha.”

 

Mas tumawa lang siya at mas lumapit pa sa akin. Hindi ko alam bakit ‘di pa siya pumapasok eh kanina pa kami dito sa labas ng gate nila. Ang lamig lamig kaya! Kanina pa nagm-meow sa loob yung pusa niyang si saebyeok.

 

“P-pasok ka na…”

 

Ngumiti lang siya at nakatitig pa rin. Parang pinagmamasdan pa ako. Kulang na lang iisipin kong mamimiss niya ako eh. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya at hindi na rin ako mapakali sa kinatatayuan ko.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
renrenee
i'm not sure if people are still waiting for updates for kalayaan and homecoming, so ayon long overdue apology for still not updating. i've been busy lang talaga with acads and life (kahit maingay naman ako sa twitter). but huhu, i promise i'll finish them both. ayon lang namern 🦖 thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
Chapter 5: ganda ng pagkakagawa nitong chapter 🤧
ppiriwon
#2
Chapter 6: Ngayon ko lang napansin na may update. Welcome back, otor!
thelost_soul
#3
Chapter 6: namiss ko tuloy mga kaibigan ko :--(
mellifluouswan
1691 streak #4
Chapter 6: Ngayon ko lang nakita ‘tong fic na ‘to and omg. Sobrang ganda, literal na kakagising ko lang kanina nung nag browse ako and nabasa ko yung description, hooked agad ako. Binasa ko tuloy ng isang upuan! Can’t wait po sa susunod na update!
EzraSeige
#5
Chapter 6: Welcome back otornim 😢😍💙❄
Hiccups_ #6
Chapter 6: Welcome back!
Eybrelros #7
Patambay muna ako☕
EzraSeige
#8
Chapter 5: 😍😍😍💙❄
seiikihavre
#9
Chapter 5: happy happy na 🥺
seiikihavre
#10
Chapter 4: baby hnggg sana ol