iii.

kalayaan.
Please Subscribe to read the full chapter

 

Parang kailan lang, kabadong kabado pa ‘ko kung paano ba ako makikipag-usap ulit kay Jimin. Ngayon, malapit na ang Christmas Party. First time ulit ito na kasama ko siya after so many years. Excited rin kami dahil madadagdagan kami ng kasama sa school fair. 

 

Oo, December rin ang school fair sa’min. Kaya super saya lang ng last week ng pasukan kapag December. Ang daming ganap! Ang kaibahan lang ngayon ay maeexperience ko na ang mga ito kasama si Jimin.

 

Kapag school fair kasi, madalas ay paupo-upo lang kami sa gilid ni Ning. Minsan nakiki-mingle si Ryujin sa mga iba niyang kakilala. 

 

Dati ay hindi ako pwedeng puro upo lang. Yujin makes sure na Minju and I would dance with her. Iniinsist niya na the events are there for us to enjoy and para mawala ang mga hiya namin kahit saglit lang.

 

Maraming mga events kasi ‘pag school fair. Maliban sa Christmas parties ng kada classroom, maraming activities ang pine-prepare ng student council. May band, singing, and hiphop competitions. At ang pinaka-inaabangan ng lahat, ang dance night. 

 

Basically, sasayaw lang kayo for hours. Saka rin maglalabasan ang kung sino-sinong may mga relationship at situationship. Simula grade 7 hanggang grade 12, walang nagpapatalo. Ewan ko kung alam ba 'to ng mga magulang nila.

 

‘Pag slow dance nga ata ay gusto ko na lang magtago sa CR sa dami nila. Hindi sila masita-sita ng mga teachers, minsan nga eh supportive pa. 

 

May mga food stalls pa rin naman, at aaminin namin ni Ning na ‘yun ang favorite part namin.

 

Hindi ipinahalata nila Jimin at Giselle pero kita namin yung excitement sa mga mata nila nung nabanggit namin ‘yun. May ganoong events rin naman daw kasi sa dati nilang schools pero sabi nga nila, this upcoming events will hit different dahil kami na ang mga kasama nila.

 

Ayun lang. Bago namin makamit ang pinaka-aasam naming pag-party at bakasyon, kailangan muna naming suungin ang sandamakmak na mga requirements. 

 

Next week na ang school fair pero hindi pa rin kami nakakabili ng mga regalo. Hindi na talaga ako nagugulat. Feel ko nga immuned na immuned na kami na halos every month may hell week. 

 

Napag-usapan naming magkakaibigan na sabay-sabay na lang bumili. Sasama na rin namin si Yeji. Naging close na rin siya nung dalawa dahil feel ko nagtutugma ang mga ugali nila. Mga kunyaring tahimik pero ang lalakas rin sa asaran. 





 

"Sa wakas!" Sigaw ni RJ.

 

"Huy!"

 

Kalalabas lang kasi ng teacher namin sa huling subject. Tapos na ang week! Ibig sabihin, malaya na kami! 

 

(Technically, hindi pa rin dahil sa sobrang pagmamahal ng mga teachers namin ay may mga pabaon pa rin sila sa Christmas vacation. Ang saya saya diba?)

 

"Tara na. Mas maaga daw nag dismiss teacher nila Yeji!" 

 

Didiretso na kasi kami sa Power Plant Mall para mamili ng gifts. Medyo kabado pa ako dahil mall daw yun ng mga yayamanin. Dapat nga ay sa Uptown Mall na lang para mas malapit pero sabi nila RJ ay minsan lang naman daw sila mapadpad nila Ning sa Rockwell. Good luck na lang sa pag-uwi kapag inabot kami ng rush hour. 

 

"Si Isa, 'di natin sasama?" Pagbibiro ko.

 

"Huh? Ba't naman siya sasama?"

 

Natawa ako sa confusion sa mukha niya. 

 

"Eh diba siya na sinasamahan mo sa canteen. Ayaw mo na kasi sa'min eh." Sumingit si Ning.

 

Ayos, bes! Magaling sumalo!

 

"Ewan ko sa inyo! Malamang partners kami dun sa isang activity." May pa-irap pa si bes. "Rina! Gigi! Tara na!"

 

"Ang ingay talaga." Rinig kong bulong ni Gigi. 

 

In fairness, mas comfortable na siya at nakukuha niya nang magcomplain sa amin.

 

"'Di ka pa nasanay." 

 

Nanlaki mata niya, akala niya ata hindi ko narinig. Tumawa na lang ako at ginulo ang buhok niya.

 

"Winter!"

 

Naramdaman kong may umakbay sa'kin. Si Jimin. Tumawa naman si Giselle sa nakita at pabirong umirap pa. Iniwan na rin kami ni Giselle at sumunod na kila Ning. 

 

Napalingon ako sa katabi ko na parang ang lalim ng iniisip. Sumunod na rin kami palabas ng classroom. 

 

"JM?"

 

Hindi pa rin siya nagsasalita.

 

"Jimin… Gusto mo na ba umuwi?"

 

Baka rin pagod na siya.

 

"Huh? No! I mean, no. Yeah. Sasama ako. Actually, MJ… Ano…"

 

"Yes?

 

"Uhm… MJ, kasi…"

 

Inabot ko yung kamay niya na nakaakbay sa balikat ko at hinawakan lang ito. Nginitian niya lang ako bago huminga ng malalim.

 

"Jimin, ano po?"

 

"Is it okay… if Yujin and Minju will join us?"

 

Ah, yun lang naman pala– TEKA? ANO RAW?

 

"MJ?"

 

Buti nag grow na ako as a person at hindi na 'ko naninigas sa mga gantong sitwasyon. Char. 

 

Pero naisip ko if malulungkot ba si Jimin kung tatanggi ako? Well, plano naman kasi naming magkakaibigan 'to. Pero ang tagal na rin sigurong hindi nakakasama ni Jimin yung dalawa.

 

"Ano kasi, they invited me, kaso we already had a plan na nga… Dun na rin daw ang punta nila. Pero it's alright naman, I mean of course, it's our group naman kasi." 

 

Okay, tama nga. Nakakalungkot rin naman kasi mag-turn down. Kami na nga lagi niya kasama eh.

 

Pero kinilig ako sa "our group" ha. Chos.

 

"Oks lang. I'm sure, okay lang rin sa kanila."

 

"Really?"

 

Nagliwanag yung mukha niya. Excited makita ang ex? Hmp.

 

"Oo. Chat mo na."

 

"Okay!"

 

Nakapasok na rin kami sa elevator at nakaakbay pa rin siya. Hinugot niya ang phone niya mula sa bulsa niya at mukhang plano pang magtype nang isang kamay lang.

 

Inattempt kong tanggalin yung braso niya pero lumingon lang siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.

 

"Para makapag type ka nang maayos."

 

Tinanggal niya ang braso niya pero nagulat ako nang maramdaman kong may pumulupot sa bewang ko. Tinignan ko si Jimin pero busy na siya sa phone niya. Oo, nagtatype gamit ang isang kamay pa rin!

 

Joke lang yung nag grow as a person. Napatayo ako ng diretso! You don’t understand! Naka-backpack ako at nasa bewang ko ang braso niya!

 

Naramdaman niya siguro ang paninigas ko sa pwesto at tumingin na rin siya sa’kin. Natawa pa nga. Teka kailan ba lumalim ang boses nito? Hindi naman siya ganto tumawa noon?

 

Bumukas na ang elevator at parang nahihiya akong lumabas. Si Jimin naman kasi!

 

“Bes? Ano diyan ka na lang?” Tanong ni Ning nang mapansin niyang nakatayo lang kami ni Jimin. Siya kasi yung naka-press sa button na pang-hold sa elevator.

 

“Let’s go na.” Bulong ni Jimin.

 

Ba’t ba bumubulong pa ‘to?!

 

“Jimin, hindi naman ako tatakbo.” 

 

Nakuha ko pa talagang magbiro.

 

“Hmm. Ang warm kasi eh.”

 

Naramdaman ko pa yung sandaling pag-rub niya sa waist ko. JUSKO.

 

Katarina?! YUNG PAWIS KO? Warm, warm pa. Ang init sa Pinas!





 

Okay naman ang lahat. Hindi naman awkward. Hindi talaga.

 

Nagtatawanan na nga sila RJ at Yujin eh. Tas si Minju at Yeji chinichika si Giselle.

 

Nasa kanan ko si Jimin na occasionally nakikitawa sa mga kalokohan nung ex MU niya at ng tropa namin. Nasa kaliwa ko naman si Ning na parang ayaw ko na bitawan. What if kumapit na lang ako sa kanya buong time?

 

“Guys. Meet na lang tayo sa may McDo mamaya? Kung sino na lang mauna matapos magsave na ng seats?” Suggestion ni Ning. 

 

Lahat naman nag-agree. Hihiwalay na sana si Ning nang bigla ko siyang hatakin. 

 

"Bes, ano? Ayaw bumitaw?"

 

"Eh kasi!"

 

"Si Rina oh, nag-aantay sa'yo?"

 

Napalingon ako sa katabi ko na nakatayo lang at nakatitig sa amin. Akala ko kasi sasama siya kila Giselle o Yujin. Kaya nga ako nag-agree na isama sila Yuji  kasi miss na daw nila si Jimin eh.

 

Sa akin ba siya sasama?

 

"Bes, matatagalan tayo!"

 

"Sama ka na lang sa'min?" Suggestion ko.

 

Baka kasi makasalubong namin si Yujin. Tas dikitan niya si Jimin. Edi ang awkward nun!

 

"Tanga ka, bakuran mo kasi." Sagot ni Ning na parang nabasa ang isip ko. "Bahala ka diyan. Bye!" 

 

Bakuran? 

 

"Gusto mo ba sundan si Ning?" Tanong ng kasama ko. Nakatayo lang kami sa may gilid ng escalator.

 

"I can just go with uhh… Giselle?" Dagdag niya pa.

 

Naguilty ako bigla. Tama! Hindi ko na lang bibitawan ‘tong si Jimin. Ako ang partner niya today!

 

"Hindi ah. Tara na. Ikaw kaya gusto ko kasama! Akyat tayo? May fully booked dito diba?"

 

Hindi ko na siya inantay na makasagot. Hinatak ko na yung kamay niya. Aakyat na sana kami ng escalator nang bigla niyang higitin yung kamay ko.

 

"Wait, MJ…"

 

"Huh? Bakit? May dadaanan ka ba dito sa baba?"

 

"No… uh… Huwag mo lang akong bitawan? Please?"

 

Humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Ah! Saka ko lang naalala na kinakabahan nga pala siya palagi 'pag aakyat at bababa ng escalator. Hindi ko rin ma-gets nung una pero nasanay na lang rin ako. 

 

"Oo naman. Tara na." Nakangisi ko pang sagot.





 

Oh diba? Nakasalubong nga namin. Ngayon apat na kami na naglilibot sa fully booked. Ako, si Jimin, Yujin at si Minju.

 

Pero chill lang naman. Mostly kasi si Jimin na lang ang chumichika. Nahanap ko na rin naman yung nasa wishlist nung nabunot ko kaya pasunod-sunod na lang ako sa kanila. 

 

"Ako na lang mag-pay? Para hindi ka na pumila?" Tanong ni Jimin nang matapos na kaming lahat.

 

"Okay lang. Magkasunod lang naman tayo."

 

"You look tired na eh. Go find some seat. Ako na lang dito."

 

"Sige ah. Akin na bag mo. Ako na lang rin oorder sa'tin mamaya."

 

Ang laki ng ngiti niya na tumango. 

 

Wala akong nahanap na upuan so nagcrouch na lang ako sa may entrance. Bahala na if pagtinginan ako ng mga tao. Parang mas sasakit pa nga ata ang legs ko dahil dito. Paalisin kaya ako ng guard? 

 

Hindi ko alam ba’t ang tagal nilang tatlo sa loob? Nakita ko na nagtatawanan pa yung mag-ex. Grabe what if nakichismis na lang rin ako imbis na maupo? Hmp.

 

Binusy ko na lang sarili ko titigan yung lapag. Parang ang tagal talaga nila. Binili ba nila buong fully booked. Tas bakit parang mas rinig ko na yung mga hagikgikan nila. 

 

Parang need ko ng kahoy, pako, at martilyo.

 

“Hey cutie…” 

 

Napaangat yung tingin ko nang may nag-pat sa tuktok ng ulo ko. Nakakunot ang noo kong tumingin kay Jimin. Nasa likod niya sila Yujin at Minju na nagbubulungan.

 

“Cutie ka diyan. Ang tagal niyo.”

 

“Awww were you bored?”

 

Hindi niya tinanggal yung kamay niya sa ulo ko at medyo ginulo pa ang buhok ko.

 

“Medyo. Tara na?”

 

“Yep. Andun na daw sila Gigi.”

 

Tumayo na ako at nagstretch ng kaunti. Kukunin pa sana sa’kin ni Jimin ang bag niya pero hindi ko binigay dahil bitbit na niya yung mag pinamili namin. 

 

At siyempre may hindi ako nakakalimutan. Baka kung sino pa ang gumawa.

 

“You’re holding my hand.” Sambit niya.

 

“Hmm. So?”

 

“Wala naman na tayo sa escalator.” Natatawa niyang sabi.

 

“Mamaya kaya.” Inikutan ko siya ng mata.

 

I don’t know what’s funny but Jimin laughed. Maybe kailangan ko nang masanay sa tawa niya. Ibang iba na talaga. Mas nakakakilig— Charot only.

 

“Sabi mo huwag kitang bitawan eh. Edi hindi kita bibitawan.”







 

“Bes. Dali na!”

 

“Ayoko! Nakakahiya!”

 

“Isasayaw mo lang eh!”

 

That’s the point! Kanina pa ‘ko pinipilit ni Ning. Pero diba, bakit ko naman gagawin yun? 

 

“Sayang ticket, ‘di ka man lang sumayaw.” Pinaghahampas niya ako.

 

Grabe parang every passing day lumalala pagiging bayolente niya. Nahahawa na nga minsan si Gigi sa kanya. Pati siya hinahampas ako lalo na ‘pag tawang tawa.

 

“Excuse me. Ilang years na tayong magkasama at wala akong ni isang sinayaw!”

 

“Iba naman si Rina. At saka meron kaya. Si Yeji.” Pang-aasar ni Ning.

 

“You danced with Yeji?”

 

Muntik akong malaglag sa kinauupuan ko. Narinig niya ba mga usapan namin? Baka isipin niya ayaw ko talaga siyang isayaw. Nakakahiya lang kasi! 

 

“A-ah. Dati yun. Nung…”

 

“Nung crush niya pa.” Singit ni Ning.

 

“Hindi ko nga crush si Yeji noon! ‘Pag ako inaway ni RJ!”

 

“Oh so she’s the one na sinasabi nila Jaem at Chae?”

 

“O-oo.” 

 

Tawang tawa lang si Ning.  Ang sarap batukan! Hindi ako makatingin kay Jimin. Lalo akong nahiya. Dagdag mo pa na mas maganda siya tonight. 

 

Simple lang ang suot niya, isang black floral dress. Nakalugay ang buhok niya at light lang ang make up pero grabe para siyang nagliliwanag kahit dim ang ilaw ngayon sa grounds. 

 

Ba’t ba kasi kailangang sumayaw?

 

Naramdaman kong may humawak sa baba ko. Iniaangat niya ang ulo ko para tumingin sa kanya.

 

Ang ganda talaga. 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
renrenee
i'm not sure if people are still waiting for updates for kalayaan and homecoming, so ayon long overdue apology for still not updating. i've been busy lang talaga with acads and life (kahit maingay naman ako sa twitter). but huhu, i promise i'll finish them both. ayon lang namern 🦖 thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
Chapter 5: ganda ng pagkakagawa nitong chapter 🤧
ppiriwon
#2
Chapter 6: Ngayon ko lang napansin na may update. Welcome back, otor!
thelost_soul
#3
Chapter 6: namiss ko tuloy mga kaibigan ko :--(
mellifluouswan
1664 streak #4
Chapter 6: Ngayon ko lang nakita ‘tong fic na ‘to and omg. Sobrang ganda, literal na kakagising ko lang kanina nung nag browse ako and nabasa ko yung description, hooked agad ako. Binasa ko tuloy ng isang upuan! Can’t wait po sa susunod na update!
EzraSeige
#5
Chapter 6: Welcome back otornim 😢😍💙❄
Hiccups_ #6
Chapter 6: Welcome back!
Eybrelros 253 streak #7
Patambay muna ako☕
EzraSeige
#8
Chapter 5: 😍😍😍💙❄
seiikihavre
#9
Chapter 5: happy happy na 🥺
seiikihavre
#10
Chapter 4: baby hnggg sana ol