tres

Balisong
Please Subscribe to read the full chapter

“Good evening maam! Welcome to Jollibee.” Nakangiting bati ni Seulgi sa customer. “What’s your order maam.”

 

“1 order of C3 then pa upgrade ng fries to large.” Pinunch na ni Seulgi yung order ng customer.

 

“Ano pong drinks niyo maam?” Tanong niya.

 

“I’ll have Royal.”

 

“Ulitin ko lang po maam.” Binasa ni Seulgi yung naka sulat sa monitor. “Your order is 1 chicken joy with jolly spaghetti, fries upgrade to large and your drink is royal. Anything else maam?”

 

“That’s all.” Sabi nito at nagabot ng bayad kay Seulgi.

 

“Your bill is 163 pesos. I received 200.” Binuksan ni Seulgi yung kaha at kumuha ng panukli. “Here’s your change maam. Wait for your order to serve na lang po. Thank you and enjoy meal ma’am.”

 

“Thank you.” Pasasalamat nito. Sinimulan na ni Seulgi iprepare ang order ng customer.

 

“Rest day mo sabado diba?” Tanong ni Byul at iniabot kay Seulgi yung mga tray na nalinisan na niya.

 

“Yup. Bakit?” Kumuha si Seulgi ng baso at nilagyan ito ng yelo.

 

“May bagong peryahan doon malapit sa palengke, tara punta tayo.” Aya nito sa kaibigan.

 

“Sino kasama?” Itinapat ni Seulgi ang baso sa may Royal tsaka pinindot ang button nito.

 

“Ako tapos sama ko si Seori.”

 

“Ginawa mo pa akong third wheel.” Dinala na ni Seul ang drinks sa tray.

 

“Edi sama mo si Wendy. Double date tayo problema ba ‘yun.”

 

“Double date pinagsasabi mo diyan. Serve mo na nga ‘to sa customer.” Pagtataboy ni Seulgi sa kaibigan. Kung ano ano kasing pinagsasabi.

 

“Sa sabado ha? Pag hindi ka sumama cover mo shift ko ng Monday.”

 

Aangal pa sana si Seulgi pero mabilis pa sa alas kwatro umalis si Byul.

 

//

 

Maga-alas dose na nag gabi ng makauwi si Seulgi mula sa trabaho niya. Binuksan niya ang kanilang gate at siniguradong nailock niya ito bago siya pumasok sa loob ng kanilang bahay.

 

“Nay, bakit gising ka pa?” Gulat na tanong ni Seulgi ng making nakaupo ang kanyang nanay sa sala.

 

“Hinihintay kitang makauwi, nak.” Tumayo ito at pumunta sa kusina. “Kumain ka na ba? Ipaghahain kita.”

 

Nilapitan ni Seulgi ang kanyang nanay at hinawakan ang kamay nito para pigilan sa kanyang ginagawa. “Ako na po, Nay. Magpahinga ka na po.”

 

Sasagot pa sana ang Nanay ni Seulgi pero inunahan na agad ito ni Seulgi.

 

“Nay, huwag na po matigas ang ulo. Malaki na ako, kaya ko na po ‘to.”

 

“Hay nako Seulgi. Kahit pa magkaroon kana ng asawa baby parin ang tingin ko sayo.” Pagtatampo ng ginang.

 

“Nay naman! Wala nga akong kasintahan, asawa ka naman agad diyan.”

 

“Ikaw kasing bata ka masyado kang pihikan.” Marahang kinurot ng ginang ang pisngi ng kanyang anak. “Ang kwento sakin ni Byul marami raw humihingi ng numero mo ikaw lang itong may ayaw.”

 

“Hay naku, Nay. Huwag kang magpapaniwala doon kay Byul.” Hinawakan ni Seulgi ang magkabilang balikat ng kanyang nanay at marahan itong itinulak papunta sa kwarto. “Magpahinga ka na po, Nay. Goodnight.”

 

Sinara na ni Seulgi ang pinto ng kwarto at dumiretso na siya sa cr para maligo. Nang matapos siya ay pumunta naman siya ng kusina para mag timpla ng kape. Gustuhin man niyang matulog at magpahinga na, hindi pa pwede dahil marami pa siyang kailangang tapusing schoolworks.

 

//

 

Last subject na bago ang lunch at dahil puyat si Seulgi kagabi tulog nanaman siya sa klase. Syempre hindi ito makakaligtas mula sa katabi niyang si Irene.

 

“Psst.” Hindi pinansin ni Seulgi ang kumakalabit sakanya. “Seulgi Averey Lorenzo. STEM 11 – A.”

 

Tatarayan sana ni Seulgi ang katabi niya pero biglang nagsalita ang teacher nila.

 

“We will have an activity about the topic I discussed. We still have an hour left and I think 30 minutes is enough for you to finish it. Start answering once you received your copy so you can have your early lunch.” Tinawag ng teacher nila ang president. “Class president kindly distribute this paper to your classmate.”

 

Bago ipamahagi ang papel, binilang muna ng president kung ilan ang estudyante sa bawat row para masigurong magkaroon ng kopya ang lahat.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lylelow
Hello! I'm backk will try to update regularly :D

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
#1
Chapter 10: Thank you po sa update 🫶
AnneTokki #2
Chapter 10: Pssst, 👍💓💛
AnneTokki #3
Chapter 9: Huhuhu, when ulit 🥹, salamat sa update 🥺
justsomeanimelover
#4
Wow i think i will read this! Looks interesting!
gomseu #5
Chapter 8: ang ganda waiting for the update 😊
Ushay023 #6
Chapter 8: Sungit ni seul dto, ndi ko maimagine haha 😂
AnneTokki #7
Chapter 8: Waiting for more chapters ☺️
AnneTokki #8
Chapter 7: Thanks 🫶💎
AnneTokki #9
Chapter 6: Nice, update please🫶💗