ocho

Balisong
Please Subscribe to read the full chapter

Kakatapos lang ng first subject ng STEM A kaya naman kanya kanyang pinagkakabalahan ang bawat estudyante habang naghihintay sa susunod na subject. May mga gumagawa ng assignment na hindi nagawa sa bahay, mayroon nagku-kwentuhan at mayroong ding mga nakatambay sa labas ng classroom.

 

“Working student pala si Seulgi.” Bulalas ni Irene habang nagdo-doodle sa likod ng kanyang notebook.

 

“Ah oo, silang dalawa ni Beltran.” Sagot ni Mina.

 

“Ay weh? Pati si Byul?” Gulat na tanong ni Irene.

 

“Yup, kahit ako nagulat nung una eh.” Isinara ni Chae ang pocketbook na binabasa niya para makisali sa usapan ng dalawa.

 

“Sino bang hindi nagulat?” Patanong na sabi ni Mina. “Ewan ko ba anong trip niyan ni Beltran.”

 

Kumunot ang noo ni Irene dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng dalawa. Mukha namang napansin ito Chae kaya sinimulan nitong ipaliwanag ang ibig nilang sabihin.

 

“May kaya kasi sila Byul,” Panimula ni Chae. “Ilang resort ang pagmamay-ari ng pamilya nila dito sa Batangas kaya naman laking gulat na lang ng batch namin ng malaman na nagt-trabaho siya as a part timer unlike Lorenzo na-.”

 

Naputol ang sinasabi ni Chae ng biglang magpasukan ang mga kaklase nilang naka tambay sa labas.

 

“Andiyan na si Sir.” Sigaw ng isa sa mga ito. Nagsibalikan naman ang lahat sa designated seat nila at nagsimula na ang klase.

 

Entrepneurship and subject nila ngayon at mabilis na naubos ang attention span ni Irene sa pakikinig. Hindi kasi niya gusto ang subject ito at kaya nga siya nag STEM dahil hindi para sakanya ang business.

 

Ihiniga ni Irene ang ulo niya sa naka cross niyang braso sa mesa paharap sa seatmate niya. Mukhang bored ito tulad niya dahil imbes na mag take down notes ay nagd-drawing ito sa notebook niya.

 

“Favorite color mo yellow ‘no?” Tanong ni Irene sa katabi. Pansin kasi niya na lahat ng gamit nito ay kulay dilaw. “May nakapagsabi sakin na yung mga mahihilig daw sa kulay dilaw mga seloso raw. How true?”

 

Hindi sumasagot ang katabi niya kaya pinagpatuloy niya lang ang kanyang sinasabi.

 

“Paano kaya yung mga mahihilig sa purple? Ano kayang meron sa kanila? Favorite color ko kasi ang purple eh.”

 

Finally, tinapunan na si Irene ng tingin ni Seulgi at laking tuwa niya ng buksan ng katabi ang bibig nito. Sa wakas may makakausap na siya at bibilis na ang takbo ng oras.


“Share mo lang?” Poker faced nitong sabi.

 

Napanganga na lang si Irene sa narinig. Gusto niyang sumabog at magsabi ng masasamang words.

 

//

 

“Sol, pahinga muna tayo di ko na kaya.” Hinihingal na sabi ni Byul habang naka hawak sa dalawang tuhod niya.

 

Huminto si Seulgi para tignan ang kaibigan. “Dalawang ikot na lang kulang natin, tara na.”

 

Pagod na talaga si Byul dahil kanina pa sila tumatakbo ni Seulgi ng walang tigil. PE class nila ngayon at pinapatakbo sila ng teacher nila ng 10 laps dahil magkakaroon daw sila next meeting ng games na connected dito.

 

“Mauna ka na, inom lang ako tubig.” Pinagpatuloy na ulit ni Seulgi ang pagtakbo habang si Byul naman ay pumunta sa bench kung saan nakalagay yung mga gamit nila. Naabutan naman ni Byul ang ibang mga kaklase doon na umiinom din ng tubig.

 

“Sana all mukhang amoy johnsons baby powder kahit pawisan na.” Sabi ni Byul paglapit niya sa grupo nila Irene.

 

“Magkuskos ka kasi kahit paminsan-minsan lang.” Biro ni Irene.

 

“Napakalandi mo talaga Beltran may jowa ka diba tapos nilalandi mo si Irene.” Sita ni Chae.

 

“Sinong nagsabing may jowa ako?” Tanong ni Byul.

 

“Tanga yung taga ABM.” Sagot ni Chae.

 

“Hindi ko naman jowa si Seori.” Kaswal na sabi ni Byul.

 

“Hindi raw jowa pero nagtutukaan sa cr.” Mahinang bulong ni Irene.

 

“Ano yun Irene?” Tanong ni Byul. Hindi niya kasi narinig yung huling sinabi ng kaklase.

 

“Wala ginagaya ko lang yung tunog ng bubuyog. Bzzz Bzzz.”

 

“Hindi nga? Hindi mo jowa yun? Lagi kayo magkasama ah.” Tanong ni Mina.

 

“Hindi nga.” Kumpirma ni Byul. “Kung gusto mo jowain mo.”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lylelow
Hello! I'm backk will try to update regularly :D

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
#1
Chapter 10: Thank you po sa update 🫶
AnneTokki #2
Chapter 10: Pssst, 👍💓💛
AnneTokki #3
Chapter 9: Huhuhu, when ulit 🥹, salamat sa update 🥺
justsomeanimelover
#4
Wow i think i will read this! Looks interesting!
gomseu #5
Chapter 8: ang ganda waiting for the update 😊
Ushay023 #6
Chapter 8: Sungit ni seul dto, ndi ko maimagine haha 😂
AnneTokki #7
Chapter 8: Waiting for more chapters ☺️
AnneTokki #8
Chapter 7: Thanks 🫶💎
AnneTokki #9
Chapter 6: Nice, update please🫶💗