cuatro

Balisong
Please Subscribe to read the full chapter

“Buds!” Tawag ni Seulgi mula sa labas ng bahay nila Wendy. “Dom? Dominique!”

 

Ilang beses pang tumawag si Seulgi bago niya marinig na may lumabas mula sa loob.

 

“Ikaw pala Seulgi.” Sabi ng ginang na nakasilip sa gate.

 

“Magandang hapon po Tita.” Bati ni Seulgi sa ginang. “Si Dom po?”

 

“Hay naku naliligo pa.” Sabi nito. “Alam mo naman yung batang yun napaka kupad kung kumilos.”

 

Natawa naman si Seulgi dahil sa sinabi ng ginang.

 

“Halika at pumasok ka muna sa loob.” Binuksan ng ginang ang gate para papasukin ang kaibigan ng anak.

 

“Salamat po.” Pasasalamat ni Seulgi at pumasok na sa loob.

 

Dumiretso ang ginang sa kusina para kumuha ng maiinom habang si Seulgi naman ay naupo sa sofa sa may sala.

 

“Pasensya ka na at medyo makalat. Nagliligpit kasi ako ng mga gamit.” Inabot ng ginang ang isang baso ng juice sa bisita tsaka naupo sa harap nito, kinuha naman ito ni Seulgi at nagpasalamant.

 

“Kamusta ka na? Ngayon ka na lang ulit bumisita dito.” May pagtatampo sa boses ng ginang.

 

Naguilty naman si Seulgi, madalas kasi siyang tumambay sa bahay nila Wendy dati pero simula nung magkaroon siya ng trabaho at maging part timer, ngayon na lang ulit siya nakadalaw.

 

“Ayos lang naman po ako, pasensya na po medyo busy lang po.” Ngumiti ng tipid si Seulgi sa ginang.

 

“Ikaw naman, nagbibiro lang si Tita.” Hinawakan ng ginang ang kamay ni Seulgi. “Basta ha huwag kang mawawala next saturday.”

 

Nagtaka naman si Seulgi sa sinabi ng ginang. Wala naman kasing nabanggit sakanya ang kaibigan tungkol dito.

 

“Ano pong meron?”

 

“Wala pa bang nasasabi sayo si Wanda?”

 

“Ang alin po?”

 

“Desp-.” Naputol ang sasabihin ng ginang dahil dumating na ang kanyang anak.

 

“Buds! Nandito ka na pala.” Lumapit si Wendy kung nasaan ang dalawa at umupo sa tabi ng kanyang mommy. “Kanina ka pa ba?”

 

“Hindi naman.” Iling na sagot ni Seulgi.

 

“Ano pinaguusapan niyo? Baka naman chinichismis mo ako kay mommy ha.” Pabirong sabi ni Wendy sa kaibigan.

 

“Hindi ah.” Depensa ni Seulgi. “Nag kamustahan lang kami ni Tita.”

 

“Naglilihim ka na sakin ngayon Wanda.” Nagtatampong sabi ng ginang.

 

Niyakap ni Wendy ang kanyang mommy. “Ikaw naman My, di mabiro. Inaasar ko lang si Rey.”

 

“Hmmmp.” Natawa yung dalawa dahil sa inasal ng ginang.

 

“Alis na kami My.” Hinalikan ni Wendy ang pisngi ng kanyang mommy at tumayo na. “Buds, tara?”

 

“Tita alis na po kami.” Tumayo na rin si Seulgi.

 

“Magiingat kayong dalawa ha? Huwag masyadong magpagabi.” Bilin ng ginang sa dalawa.

 

“Opo.” Tuluyan ng umalis ang dalawa.

 

Habang naglalakad papunta sa sakayan tinanong ni Seulgi ang kaibigan.

 

“Buds, anong meron next saturday?”

 

“H-huh?” Napalingon si Wendy sa kaibigan.

 

“Inimbita ako ni Tita. Huwag daw ako mawawala eh. Ano bang meron?”

 

“M-Mamaya ko na lang sabihin.” Tumingin si Wendy sa relo. “Bilisan na natin naghihintay na yun sila Byul.”

 

Pinara na ni Wendy ang padating na tricycle at sumakay na sila dito.

 

//

 

“Buwan!” Tawag ni Seulgi ng makita ang kaibigan at nilapitan ito.

 

“Hi Seori.” Bati ni Wendy sa kasama ni Byul.

 

“Kanina pa nagmamaktol yang isa.” Natatawang sabi ni Seori.

 

“Saan ba kayong planeta nagmula at napakatagal niyong dalawa.” Pagalit na sabi ni Byul sa dalawa.

 

“Si Dom ang sisihin mo, napaka kupad kumilos.” Sumbong ni Seulgi.

 

“Excuse me?” Hinampas ni Wendy sa braso si Seulgi. “Alas singko mo ako ako sinabihan tapos alas sais ang alis.”

 

“Sapat na ang isang oras para kumilos. Makupad ka lang talaga.” Rebat naman ni Seulgi.

 

“Baka magtalo pa kayo diyan.” Awat ni Byul sa dalawa. “Tara na mamaya marami ng tao, mahirapan na tayo magikot.”

 

Bumili na sila ng ticket at pumasok na sa loob. Medyo maaga pa kaya naman hindi pa ganoon karami ang tao. Nagkasundo sila na maglaro muna bago sumakay ng rides. Una nga nilang pinuntahan ay ang balloon darts.

 

“Kuya ano mechanics nito?” Tanong ni Wendy sa kuyang nagbabantay.

 

“50 pesos per 10 darts. Pag nakaputok ka ng 1 to 5 balloons ang prize snacks, 6 to 8 balloons naman small prize at pag 9 to 10 balloons naman grand prize.”

 

“Sisiw lang pala. Sige kuya bigyan mo akong 10 darts.” Pagyayabang ni Byul. Nagabot siya ng bayad at binigyan naman siya ng darts ni Kuya. Pumwesto na siya at nag simulang ihagis ang mga darts.

 

“Sisiw lang pala ah HAHAHAHAHHAHA.” Pangaasar ni Seulgi kay Byul dahil apat lang ang naputok nito.

 

“Sige itry mo para malaman mo.” Hamon ni Byul.

 

May pagka competitive si Seulgi kaya naman pumwesto na siya at nagabot ng bayad kay Kuya, binigyan naman siy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lylelow
Hello! I'm backk will try to update regularly :D

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
#1
Chapter 10: Thank you po sa update 🫶
AnneTokki #2
Chapter 10: Pssst, 👍💓💛
AnneTokki #3
Chapter 9: Huhuhu, when ulit 🥹, salamat sa update 🥺
justsomeanimelover
#4
Wow i think i will read this! Looks interesting!
gomseu #5
Chapter 8: ang ganda waiting for the update 😊
Ushay023 #6
Chapter 8: Sungit ni seul dto, ndi ko maimagine haha 😂
AnneTokki #7
Chapter 8: Waiting for more chapters ☺️
AnneTokki #8
Chapter 7: Thanks 🫶💎
AnneTokki #9
Chapter 6: Nice, update please🫶💗