nueve

Balisong
Please Subscribe to read the full chapter

Tinignan ni Seulgi ang oras sa relo niya. 5:30 AM pa lang, maaga pa para sa first class niyang 7AM.

 

Maaga kasi talagang umaalis ng bahay si Seulgi. Katuwiran niya kasi mas gugustuhin niya pang gumising ng maaga kesa gumising ng late tapos sumabay sa dami ng pasahero at maipit sa traffic.

 

Sakto namang may paparating na jeep kaya pinara niya na ito at sumakay dito. Sa dulo umupo si Seulgi para maisandal niya ang ulo niya at makatulog sa biyahe.

 

Ipinikit na niya ang kanyang mata para umidlip dahil medyo malayo pa naman ang bababaan niya. Hindi pa sila nakakalayo ng maramdaman niya na huminto ang jeep at may sumakay dito.

 

“Bayad.” Napamulat ng mata si Seulgi ng may marinig siyang magsalita.

 

Nagkamali ata siya na imulat ang mata niya dahil nakita lang naman niya sa harapan ang makulit niyang kaklase na si Irene.

 

“Ano?” Masungit na tanong ni Seulgi kay Irene.

 

“Umagang umaga ang sungit mo.” Puna ni Irene sa kaklase. “Bayad kako.”

 

Kumunot ang noo ni Seulgi at salit-salitang niyang tinignan ang kaklase at ang hawak nitong pera. Iniisip niya kung seryoso ba ito na sakanya iabot ang bayad samantalang pareho silang nakaupo sa dulo ng jeep.

 

Nainip na si Irene kaya kinuha na niya ang kamay ni Seulgi at inilagay ang pera dito. Magrereklamo sana si Seulgi pero nagsuot na ng earphones si Irene at pumikit na. Labag man sa loob ni Seulgi ay lumapit parin siya sa drayber para iabot ang bayad ni Irene dito.

 

Nang maramdaman ni Irene na gumalaw si Seulgi para lumapit sa drayber, minulat niya ang mata niya at tinanggal niya ang isang earphone sa tenga niya.

 

“Dalawa po yan, estudyante.” Sabi ni Irene.

 

Magsasalita sana si Seulgi pero mabilis na pumikit ulit si Irene at ibinalik ulit ang earphone sa tenga niya.

 

Hindi na niya sinubukan pang tawagin ang kaklase dahil hindi naman siya maririnig nito. Ang lakas kasi ng volume ng pinapatugtog ni Irene at naririnig niya ito. Isinandal na lang ulit ni Seulgi ang ulo niya sa likuran ng jeep at ipinikit na ang mata niya.

 

“Seriously?” Iiling iling na sabi ni Seulgi habang natatawa ng bahagya.

 

Paano ba naman kasi boom tarat tarat yung naririnig niya na pinapakinggan ni Irene kanina tapos ngayon dubidubidapdap naman.

 

//

 

“Class, I have decided that I will no longer give you an exam for this semester.” Anunsyo ni Mr. Perez sa STEM 11-A.

 

“Yown!”

 

“Sir labyu na po.”

 

“Pwede pakiss sir.”

 

“Wait hindi pa ako tapos,” Saway ni Mr. Perez sa klase. “Hindi na ako magbibigay ng exams but I will give you a one project.”

 

Nanahimik naman ang lahat, ang kaninang masasayang mukha ay napalitan ng pagkadismaya.

 

“Sir, ano pong klaseng project yan?” Tanong ni Yvez.

 

“Since our subject is entrepreneurship, I want you think and create a product that you can sell." Sagot ng kanilang guro.

 

“Sir, by group po ba ito or individual?” Tanong ng vice president na si Momo.

 

“I will only allow na by partner lang, iniiwasan ko kasi ang maraming members per group since may hindi gumagawa at hindi tumutulong.” Tumango tango naman ang klase. May point kasi ang teacher nila.

 

“Questions?” Wala naman atang tanong ang klase kaya humarap na si Mr. Perez kay Sana. “Pres, can u take care of it? Make sure that no one lefts out.”

 

“Yes, Sir.” Sagot ni Sana.

 

“Thank you.” Hinarap na ulit ng guro ang klase. “Questions? Suggestions? Violent Reaction?”

 

“Wala naman po, Sir.”

 

“Okay that’s all for today. See you next meeting and Goodluck.”

 

May 15 mins pa bago mag lunch kaya isa-isang nagsitayuan at nagsipuntahan sa kanilang gustong maging kapartner ang klase ng makalabas na si Mr. Perez.

 

“Huy anong gagawin natin? Tatlo tayo tapos dalawa lang allowed na maging magkagroup.” Tanong ni Chae sa mga kaibigan.

 

“No choice, magpaparaya isa.” Sagot ni Mina.

 

“Chae, feel ko ikaw na ‘to. Mapagparaya ka diba? Pinaraya mo nga siya eh.” Natatawang sabi ni Irene.

 

“Gaga ka talaga.” Hinampas ni Chae ang kaibigan.

 

“Ganito na lang, maiba alis.” Suggestion ni Irene. “Ang matitira siya ang magpaparaya at hahanap ng ibang group. Game?”

 

“Game.” Sagot ng dalawa.

 

Pinagpatong patong na nila ang kanan nilang kamay. “

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lylelow
Hello! I'm backk will try to update regularly :D

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
#1
Chapter 10: Thank you po sa update 🫶
AnneTokki #2
Chapter 10: Pssst, 👍💓💛
AnneTokki #3
Chapter 9: Huhuhu, when ulit 🥹, salamat sa update 🥺
justsomeanimelover
#4
Wow i think i will read this! Looks interesting!
gomseu #5
Chapter 8: ang ganda waiting for the update 😊
Ushay023 #6
Chapter 8: Sungit ni seul dto, ndi ko maimagine haha 😂
AnneTokki #7
Chapter 8: Waiting for more chapters ☺️
AnneTokki #8
Chapter 7: Thanks 🫶💎
AnneTokki #9
Chapter 6: Nice, update please🫶💗