dos
Balisong“Oh! Pinapaabot ng Buds mo.” Sabi ni Byul sabay lapag ng paper bag sa harapan ni Seulgi at naupo sa harap nito. “Hindi raw siya makakadaan at may need siyang asikasuhin.”
“Salamat sa serbisyo.” Pasasalamat ni Seulgi kay Byul at nilabas yung phone niya para magpasalamat kay Wendy.
To: Buds
Salamat po sa ayuda :)))
To: Buds
PS. Sana last na ito
From: Buds
Nye nye wala ako naririnig
To: Buds
Wala ka talaga maririnig text po kaya ito :P
From: Buds
Pasalamat ka diyan wala ako diyan kung hindi nakurot ko na ‘yang pisngi mo
To: Buds
Salamat po lord jk
To: Buds
Pero kidding aside hindi mo naman kailangan gawin ‘to Buds
From: Buds
Kulit mo talaga Buds
From: Buds
Ilang beses ka bang inire?
From: Buds
Sobra nga lagi pabaon ni mommy
From: Buds
Kilala mo naman si mommy pag nagtampo T_T
To: Buds
Naalala mo nung hindi ka niya pinansin ng isang buong araw hahahahaha
From: Buds
OMG! That was ages ago ><
Naalala nanaman ni Seulgi yung nangyari at hindi niya namalayan na naka ngiti na pala siya kung hindi pa ito pinansin ni Byul.
“Huy! Nangiti ka diyan.” Sabi ni Byul sabay silip sa cellphone ng kaibigan. Mabilis naman itong itinago ni Seulgi at itinulak palayo ang noo ni Byul.
“Chismosa ka talaga.” Sagot ni Seulgi at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa niya kanina bago dumating si Byul.
“Damot.” Inilabas na lang ni Byul yung assignment niya at sinimulan itong sagutan. “Ano oras pala duty mo mamaya?”
“Night shift ako ngayon eh. Ikaw ba?” Sagot ni Seulgi na hindi inaalis ang mata sa sinosolve niyang math problem.
“Umay kamo 4pm duty ko ngayon. Cancel tuloy lakad namin ni Seori.” Naka ngusong sagot ni Byul.
Nilukot ni Seulgi yung scratch paper niya at ibinato ito kay Byul. “Tigilan mo na nga ‘yan.”
“Aray ko ha!” Reklamo ni Byul sabay dampot sa lukot na papel at ibinato ito pabalik kay Seulgi. Naiwasan naman ito ni Seulgi kaya dumiretso ito sa kabilang mesa.
“A-alis na ako Sol. Takits sa classroom.” Sabi ni Byul at kumaripas na ito ng takbo.
“Huy! Yung assignment mo.” Tinry habulin ni Seulgi ang kaibigan pero mabilis itong nawala sa paningin niya.
Naglakad na lang pabalik si Seulgi pero nagtaka siya kung tama ba yung daan na tinatahak niya papunta sa pwesto nila kanina. Nakatayo kasi doon yung babaeng dalawang beses ng sinira ang tulog niya.
“Say it.” Mataray na sabi nito habang naka cross ang mga kamay sa dibdib niya.
“Pinagsasabi mo diyan?” Takang tanong ni Seulgi tapos isa isa niya ng niligpit ang gamit niya.
“Talaga?” Irene scoffed. “Wala ka man lang bang sasabihin?”
“Ano namang sasabihin ko?” Nagtataka p
Comments