uno

Balisong
Please Subscribe to read the full chapter

“Buds!” Umupo si Wendy sa tabi ni Seulgi at tinusok ang pisngi nito.

 

“Hmmmm…” Ungot naman na sagot ni Seulgi.

 

“Puyat ka nanaman?”

 

Umayos ng upo si Seulgi at nagunat muna bago sagutin ang kanyang kaibigan. “Nag cover ako shift ni Byul kagabi may date si bakla.”

 

“Ahh kaya.” Isinandal ni Wendy ang likod niya sa kaibigan. “By the way, narinig mo ba?”

 

“Ang alin?”

 

“May bagong lipat sa strand niyo at sa section niyo daw napunta.” Kumunot ang noo ni Seulgi

 

“Huh? Nagsimula na second sem tsaka pa siya lumipat? Pinapahirapan niya lang sarili niya.” Iiling iling na sabi ni Seulgi.

 

Bigla namang natahimik si Wendy na siyang ipinagalala ni Seulgi. “Buds?”

 

“Dom? Dominique?” Pag ulit niya dahil hindi siya sinagot ng kaibigan.

 

“A-ano yun?” Natatarantang sagot ni Wendy. Hindi niya namalayan na lumipad nanaman ang isip niya.

 

“May problema ba? Bigla ka na lang natahimik diyan.” Nag aalalang tanong ni Seulgi.

 

“W-wala. Punta na ako classroom, Buds.” Tumayo na si Wendy at paalis na sana siya ng may maalala siya. “Ay wait.”

 

May nilabas siyang sandwich at chuckie mula sa bag niya tapos inabot ito kay Seulgi.

 

“Kumain ka ha? See you mamayang lunch.” Pinisil pa ni Wendy ang pisngi ni Seulgi bago siya tuluyang umalis.

 

Napangiti na lang si Seulgi dahil sa kaibigan niya. Simula kasi nung mawalan siya ng malay dahil nakalimutan niya kumain dahil sa trabaho, araw araw na siyang dinadalhan ng pagkain ni Wendy.

 

Mabilis niya itong kinain, chineck kung anong oras na ba at dahil may 20 minutes pa namang natitira bago mag simula ang klase nagdecide siya na matulog muna. Abot kamay na sana niya ang dreamland pero may naramdaman siyang tumutusok sa pisngi niya.

 

“Uy!” Sabi ng babae habang patuloy na tinutusok ang pisngi ni Seulgi. “Huy! Buhay ka pa ba?”

 

Inis na minulat ni Seulgi ang mata niya para malaman kung sino ang nangahas na sirain ang pagtulog niya. Handa na siyang sugurin ito pero nagulat siya ng makita ang malapit nitong mukha. Tila ba umurong ang dila niya at hindi siya makapagsalita.

 

“Hello.” Kumakaway at nakangiti pa nitong bati.

 

“A-Ano bang problema mo?!” Nagulat ang babae sa sigaw ni Seulgi kaya tinitigan lang siya nito.

 

Wala sa mood si Seulgi dahil tatlong oras lang ang tulog niya at talagang antok na antok pa siya.

 

“Ah… Eh… Magtatanong lang sana kung saan yung teacher’s faculty hehe.”

 

“At talagang ako pa ang napili mong pagtanungan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Seulgi. Sa dami kasi ng estudyante sa student lounge talagang yung natutulog pa yung napili nitong pagtanungan. Inis na tumayo si Seulgi at iniwan yung babae. Itutuloy na lang niya ang tulog niya sa classroom.

 

“Sungit!” Narinig niyang sigaw ng babae.

 

//

 

“Good morning class! May bago tayong makakasama sa klase. Make her feel welcome, okay?”

 

“Yes, maam!” Sabay na sabay na sagot ng klase.

 

“You may introduce yourself, hija.”

 

“Hello everyone! I’m Irene Celestine Narciso. I hope we can all get along.”

 

“Irene, masakit ba?” Tanong ng isa sa mga kaklase ni Irene.

 

Nagtaka naman si Irene. “Masakit? Ang alin?”

 

“Nung mahulog ka mula sa langit.”

 

Natawa na lang si Irene habang naiiling. Sanay na siya sa mga ganyang papuri kaya naman wala na ito para sakanya.

 

“Class.” Suway ng teacher nila tapos humarap ito kay Irene. “You can sit in those empty seats.”

 

Nagpasalamat si Irene sa kanilang teacher at pumunta na sa bakanteng upuan. Kumunot ang noo niya nang makita ang isang natutulog na estudyante sa bandang gilid malapit sa bintana.

 

“Hi Irene, dito ka na lang sa tabi ko.” Nabaling ang tingin ni Irene sa kaklase niyang nag salita. Ngumiti siya dito at nagpasalamat bago maupo sa tabi nito.

 

//

 

“Okay, class dismissed. See you on our next meeting.”

 

Natapos na ang first subject pero mahimbing paring natutulog yung nakaupo sa gilid ng bintana hindi naman ito naka ligtas sa mata ng bagong estudyante kaya naman nilapitan niya ito para gisingin.

 

“Huy Sungit.” Tinusok ni Irene ang pisngi ng natutulog niyang kaklase.

 

“Hmmmm.” Ungot na sagot ni Seulgi.

 

“May teacher na.” Hindi gumalaw sa pwesto si Seulgi kaya tinusok ulit ni Irene ang pisngi niya. “Huy! Bangon na diyan.”

 

“Limang minuto pa Byul.”

 

“Tsk. Tulog ka na nga kanina, tulog ka ulit ngayon.”

 

Napa balikwas si Seulgi sa kanyang pwesto ng marealize niyang hindi boses ng kaibigan niyang si Byul ang nagsasalita.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lylelow
Hello! I'm backk will try to update regularly :D

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
#1
Chapter 10: Thank you po sa update 🫶
AnneTokki #2
Chapter 10: Pssst, 👍💓💛
AnneTokki #3
Chapter 9: Huhuhu, when ulit 🥹, salamat sa update 🥺
justsomeanimelover
#4
Wow i think i will read this! Looks interesting!
gomseu #5
Chapter 8: ang ganda waiting for the update 😊
Ushay023 #6
Chapter 8: Sungit ni seul dto, ndi ko maimagine haha 😂
AnneTokki #7
Chapter 8: Waiting for more chapters ☺️
AnneTokki #8
Chapter 7: Thanks 🫶💎
AnneTokki #9
Chapter 6: Nice, update please🫶💗