Quezon City

kyusi
Please Subscribe to read the full chapter

(song reco: kyusi - zild)

 

“ano nga ulit pangalan mo, miss?”

 

naglalakad na sila palabas ng UPD. Hindi alam ni minjeong kung bakit siya napa payag sa pagsama sa dalaga. Hindi naman siya pinilit nito, pero tinakot? Natakot ba siya? Parang na hiwagaan nga siya sa mga mapupungay at pagod nitong mga mata noong tumitig ito sakanya.

 

“Karina, Karina Yoo”

 

inabot niya ang kanyang mga kamay sa dalaga at nakipag-kamay.

 

“minjeong kim”

 

parang nakuryente ang dalawa at mabilis na nagbitaw.

 

“ang lamig ng kamay mo, minjeong”

 

natatawang sabi ni karina. ang kaninang mapupungay na mata nito ay napalitan ng mga matang pawang gasuklay na buwan.

 

“malamig rin kaya sayo” nakangiti niyang sagot sa kausap.

 

“sorry pala kanina”

 

“saan?”

 

Saan ba siya nagsosorry? Sa pagsunod ba sa kanya, sa biglaang pagyakap, o baka dahil sa pagsama nito sa dalaga.

 

Ang daming tanong ni minjeong.

 

Una, bakit nga ba siya sumama dito kay karina? Mahiyain siyang tao at unti lang ang sinasamahan niya. Partida, pinagpalit niya ang pagpasok sa klase sa pagtulong kay karina. Pangalawa, saan ba talaga pupunta itong si karina? bakit nasa loob siya ng campus kung sa mismong QC pala ang punta nito.

 

“minjeong”

 

nagising naman ang isa sa kanyang pag mumuni-muni at napatingin sa kanyang kasama.

 

“sabi ko sorry kasi hindi ka naka pasok”

 

“ah wala yun, ako naman nag desisyon na samahan ka so okay lang talaga”

 

tumango nalang si karina at patuloy nang binagtas ang kahabaan ng maginhawa.

 

“ay oo nga pala saan punta mo?”

 

“may alam ka bang malapit na mall?”

 

“mall?”

 

“nagugutom na kasi ako”

 

“teka”

 

huminto si minjeong at tinignan siya ni karina.

 

“bakit ka huminto?”

 

nagaalangan na tanong ng dalaga.

 

“maghintay nalang tayo dito ng jeep”<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Luhluhland
planning to make a short au sa twitter, what do y'all think? 👍👍👍

Comments

You must be logged in to comment
rain_yyxy
#1
Chapter 6: Damnnnn the way i realized na need ko iplay ang ozone pagkabasa ko pa lang ng disco uwejejej, this is a good read
jysowee
#2
Chapter 6: Magulo nga po yung flow hehe may mga plot holes..
elashai
#3
Chapter 6: sabi ko na nga ba dapat di na ako nagbabasa ng gantong oras
cleofierayne #4
Chapter 6: Tangina HAHAHAJAAJAJ bakitt 😭🤣🤣😭😭😭😭😭
anL_lan
#5
Chapter 6: Yung plot twist aaaa😭😭
swinder
#6
Chapter 6: Holy shiiiieeeet!
Genniee #7
Chapter 6: opo, author. may nagbabasa pa kaya maglapag ka talaga nang update hehe. tyt po pero sana soon na talaga (⁠ノ⁠`⁠Д⁠´⁠)⁠ノ⁠彡
Darnanays
#8
interesting yung foreward…
Gwapako987
#9
Chapter 4: 👀
Gwapako987
#10
Chapter 2: Hehe