Oras
kyusisong reco:
wag natin sayangin - one click straight
“Alis na ba tayo?”
Ilang oras na rin silang nagpalakad-lakad sa isang maliit na mall dito sa QC. Naisipan muna nilang ikutin muna ang lugar para raw masulit nila ang araw at ang hindi pagpasok ni minjeong sa klase.
sa kaunting oras na magkasama sila ay hindi maikukubli ang pag gaan ng loob ng dalawang kolehiyala sa isa’t-isa.
naikwento ni karina na kakapasok niya lang rin sa isang kolehiyo sa kanilang probinsya at isang taon lamang ang tanda kay minjeong.
“Pagod ka na?” Tanong ng nakakatanda at tinignan ang relo.
“Hindi pa naman, anong oras na ba?”
naupo ang dalawa sa isang public chair.
“karina”
tawag ni minjeong.
ilang oras na silang magkasama, nakalabas na sila ng up, naka-kain na, at ngayo’y nakaupo sa gilid ng mall dahil sa pag-ikot nila sa establisyemento.
Nagtataka siya.
Hanggang ngayon ay hindi sinasabi ng kaniyang kasama kung ano ang pakay nito sa lungsod na hindi siya pamilyar.
“1:30 pa lang— gusto mo na bang umalis?”
“may pupuntahan ka pa ba?”
“sine tayo?”
Napatingin si minjeong sa katabi, nakatitig lang rin ito sakanya habang naka-ngiti. Halata sa ngiti ng dalaga ng kagustuhan na makapanood ng pelikula.
—
“karina, baka mahuli tayo”
lahat ng palabas sa sinehan ay hindi tumatanggap ng mga minor de edad dahil sa mga maseselan na parte ng mga pelikula.
16 lamang si minjeong, at 17 naman si karina.
sa kagustuhan naman nang nakakatanda na makapasok ay ginawan nila ng paraan ito.
pumasok sila sa exit.
takot
Comments