Balang Araw

kyusi
Please Subscribe to read the full chapter

 

KARINA

 

The first time I saw Minjeong was in QC. She was playing some random arcade game with a friend sa mall, I think it was tekken. Sobrang ingay nila pero i didn't mind, they were laughing and her smile is just too cute to handle. That time siguro nagkaroon ako ng little crush sa kanya but I didn't shoot my shot because it would be weird if i just randomly approached her.

Then the first day of classes came.

I was running late na sa first class ko when i saw this girl’s familiar face. By her dejected look, alam ko na agad na she’s lost. I was about to approach her when she stood up and went to a small karinderya. 

I just watched her there, eating while looking at the map na binigay sa kanya ng ale. She had this smirk habang nakatingin sa binabasa.

Late na ako for my first class.

To make my situation worse, hindi ko rin alam ang pasikot-sikot ng campus. Some people said naman na first days aren't really that eventful. So instead of finding a way para makapasok nang maaga, I'm just going to use my situation to get this girl’s attention.

I contemplated pa sa gagawin ko na i had to buy a drink para pakalmahin sarili ko. 

She was confused when she finally looked at me. 

Hazel brown eyes. 

wala akong nakuhang sagot nang tanungin ko siya kaya ako nalang ang nagsalita.

I think I just fell in love at that moment.

I can see na she’s not comfortable with my presence when i sat sa harapan niya. The karinderya wasn't full. She probably wondered why I sat sa table niya when there were lots of vacant table.

She's chewing her food faster than usual, probably to escape the awkward atmosphere at our table. 

Am I being weird with my actions?

She stood up when she finished her food at dali-daling tumayo.

well since may map naman siya at naliligaw rin naman ako, I decided to completely talk to her.

She’s different from the person na iniisip ko. I thought after that day na inihatid niya ako sa class kahit labag sa kalooban niya, ay hindi ko na ulit siya makikita sa campus. Little did I know, makikita ko ulit siya sa gathering ng organization namin. 

“hello, miss? I’m Minjeong from the architecture dept. and may task na ibinigay sa amin yung prof namin na need ng opinion niyo so I was wondering if it’s okay sa inyo na mag conduct kami ng survey?” 

She was fidgeting with her fingers habang naka yuko. 

“sure”

the second time na nagtama ang mga mata namin. 

her eyes widened na parang narealize niya ang kausap niya.

“hello minjeong, long time no see”

_____________________________________________

 

Months have passed since the gathering and I found myself being closer to the girl I met on the first day of class. 

Our friends somehow became close too, making our group bigger.

“so, saan tayo?” 

Tapos na halos lahat ng mga klase at nagpapahangin kami ngayon dito sa sunken garden. 

Naka indian sit ako habang ginawa namang unan ni minjeong ang mga binti ko.

“Hoy, umamin nga kayo. Mag jowa na ba kayo?”  

Naka taas kilay na tanong ng isa naming kaibigan na si Ryujin. 

Siya yung pinaka close ni minjeong. 

Siya rin ang unang nakakaalam na may gusto ako sa kaibigan niya.

“Karina, hindi ako tanga. Ayaw ko namang mangialam sa relasyon niyo pero ang bagal ng pace niyo!”

Totoo naman na mabagal sobra ang daloy ng relasyon namin ni minjeong. Para akong kandila na unti-unting natutunaw tuwing lalapitan niya ako. 

“soon”

nagulat kaming lahat nang biglang nagsalita ang babae na nakahiga sa hita ko. Bumaba ang tingin ko sa kanya at nagtama ang mga mata namin.

Ngumiti lang siya saakin at pumikit.

_____________________________________________

 

Nasabi ko na ba na mahilig sumayaw si Minjeong? 

Patapos na ang school year at ilang linggo na lang ay tapos na namin ang unang taon namin sa kolehiyo kaya nagkayayaan na icelebrate ito sa isang disco. 

Syempre, idea ni minjeong.

Kaya pumayag ako.

Nagpaplano rin ako na doon gawing opisyal ang relasyon namin.

Alam ko na medyo mahirap ang sitwasyon ng mga taong katulad namin na nagkakagusto sa kaparehong kasarian dito sa bansa. Pero paano magkakaroon ng kaalaman ang mga tao saaming mga miyembro ng isang minority group kung walang maglalakas loob na gibain ang itinayong sistema ng mga sarado ang isipan?

Napagusapan na rin namin ni Minjeong ang mga problema na hinaharap ng mga kagaya naming mga miyembro. Alam namin ang haharapin namin pag pinaalam namin sa nakararami ang namamagitan sa amin.

“Karina”

Ah,

simula na yung palabas.

Nag-aya ang barkada na manood ng sine. Ginawa na rin naming routine ang lumabas every other week para raw hindi kami masyadong malulong sa kanya-kanya naming pag-aaral.

“hm?"

Tumingin ako kay Minjeong sa tabi ko at ngumisi sa nagtataka kong itsura.

“Sabi ko kung okay ka lang”

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinaplos ang likod nito.

Napangiti naman ako sa simpleng kilos nito. Tinanguan ko siya at tumingin na sa palabas.

 

MINJEONG

 

Bigla akong nanlamig pagkapasok ko sa disco at hinanap naman ng mga mata ko ang babaeng kanina ko pa gustong makita.

Gustong gusto ko si Karina.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin pero tuwing nahahawakan at napapangiti ko siya para akong hihimatayin.

Ganon kalakas ang epekto niya saakin.

Palalalim pa lang ang gabi at ang lahat at nagsasaya. May mga umiinom at sumasayaw. Magulo, pero walang mas gugulo sa nararamdaman ko ngayon.

Dahil sa wakas, 

sa wakas.

magiging opisyal na ang relasyon naming dalawa.

“Min!”

Isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag saakin kaya napalingon ako.

Si Aeri. 

“uy, kanina ko pa kayo hinahanap”

bungad ko sakanya. 

napatingin ako sa inuupuan nila at napansin ang nawawalang presensya ng babaeng kanina ko pa hinahanap.

“nag cr lang si rina”

sagot niya saakin at pinaupo ako.

umupo lang ako at tinignan ang mga nagsasayawan sa harapan.

“hey” 

napalingon ako sa nagsalita. si karina.

nakatayo lang soya sa gilid ng table namin at nakangiti saakin.

“kanina ka pa nandito?”

tanong niya, still smiling.

grabe yung titig ni karina. 

para akong nasusunog.

“a-a-ah e—”

nakasuot siya ng party dress kaya nahighligjt nito ang katawan niya.

“no, kakarating niya lang” 

nahiya naman ako dahil sa biglang pagsagot ng katabi ko.

natawa si karina at tinabihan ako sa upuan na lalo kong ikinakaba. 

“hey, why are you so stiff?” 

hinawakan niya ang mga pasmado kong kamay na kanina ko pa pinupunas sa aking suot na pantalon.

“ang ganda mo”

"you don't look bad yourself, min"

_____________________________________________

MINJEONG

 

"Kala ko uuwi na tayo?" 

Napaka weird talaga nitong kasama ko.

Ang sabi niya uuwi na raw kami, nagtaka naman ako kasi bakit ako kasama? 

Alam niya ba bahay namin?

"huh?"

nagtataka akong tumingin sa aking kasama ng makita ko ang sign board.

"what? pasok tayo"

Sa totoo lang, napupuno na ng kung ano anong eksena yung isipan ko. 

Nakakatakot man ay hindi ko magawang tumakbo palayo sa lugar kung saan ako dinala ni karina.

pagkapasok na pagkapasok ko sa pinto ay napahinto ako at napatingin sa paligid.

Habang umiikot ang aking paningin ay hindi ko napansin ang pagtitig ng kasama ko sa akin.

nakangiti lamang siya.

nasabi ko na ba sa sobrang ganda ni karina?

Kanina lang naman kami nagkita, pero aaminin ko na meron akong nararamdaman na koneksyon na namamagitan sa amin.

“bakit tayo nasa disco?”

tanong ko sa aking kasama na nakangiti lang saakin.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Luhluhland
planning to make a short au sa twitter, what do y'all think? 👍👍👍

Comments

You must be logged in to comment
rain_yyxy
#1
Chapter 6: Damnnnn the way i realized na need ko iplay ang ozone pagkabasa ko pa lang ng disco uwejejej, this is a good read
jysowee
#2
Chapter 6: Magulo nga po yung flow hehe may mga plot holes..
elashai
#3
Chapter 6: sabi ko na nga ba dapat di na ako nagbabasa ng gantong oras
cleofierayne #4
Chapter 6: Tangina HAHAHAJAAJAJ bakitt 😭🤣🤣😭😭😭😭😭
anL_lan
#5
Chapter 6: Yung plot twist aaaa😭😭
swinder
#6
Chapter 6: Holy shiiiieeeet!
Genniee #7
Chapter 6: opo, author. may nagbabasa pa kaya maglapag ka talaga nang update hehe. tyt po pero sana soon na talaga (⁠ノ⁠`⁠Д⁠´⁠)⁠ノ⁠彡
Darnanays
#8
interesting yung foreward…
Gwapako987
#9
Chapter 4: 👀
Gwapako987
#10
Chapter 2: Hehe