Universidad ng Pilipinas — Diliman
kyusi
isang oras,
Isang oras nang paikot-ikot si minjeong sa campus ng diliman, Ilang tao na ang kanyang napagtanunang kung nasaan ang building ng mga architecture students ngunit ni isa ay walang tumama.
Naiinis na siya, ang aga-aga niyang pumasok para hindi siya magahol sa paghanap ng silid para sa first subject pero nandito parin siya sa kahabaan ng sunken garden at nagpapahinga.
“tsk”
napasinghap nalang siya at napahawi sa buhok.
wala siyang load, magpapaload sana siya kanina sa isang karinderya dito sa loob ng campus ngunit naubusan na raw sila ng load dahil sa dami ng mga nagpaload sakanila.
9:30 na at sigurado si minjeong na nagsisimula na ang unang klase ng karamihan sa mga studyante.
hindi lang inis ngunit nasamahan na rin ng gutom ang kanyang nararamdaman.
hindi pala siya kumain para lang makapasok nang maaga.
kung sinuswertre ka nga naman.
tumayo siya at pinuntahan ang malapit na karinderya. Habang naglalakad ay napansin niya ang malawak na sunken garden.
Hindi alam ni Minjeong kung saan nanggaling ang biglaang pagbabago niya ng mood. Dahil siguro sobrang ganda lang talaga ng UPD, di bale nang umabsent sa first day. Ang mahalaga, nakapasok parin siya sa isang prestihiyosong paaralan.
lumapit siya sa tindera nang nakangiti,
“ate pabili po ng pancit canton at calamansi juice”
“ineng, bakit ang aga ata ng labasan niyo. Wala ka bang klase?" Tanong ng tindera habang nagaayos ng order, nakatingin siya sa id lace ng dalaga na may nakalagay na college of architecture.
“ah, naliligaw po ako eh.”
napakamot siya sa ulo at ngin
Comments