Chapter Five

Pink Cheeks
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

Mga kaibigan ko ba 'to? Ang papangit ng ugali. Wala na nga akong dalang sasakyan dahil coding ako ngayon, tapos pinapauwi na 'ko agad ni Kuya dahil nasira niya yung sasakyan. Hindi manlang ako samahan pauwi?! Kainis.

 

Mahigpit kong hinawakan si Heejin sa braso, baka takasan ako nito. Si Ryujin, ang gago lang. Tumakbo agad.

 

"Hahaha! 'Di ako aalis, Min." Natatawang sabi sakin ni Heejin.

 

I pinched her arm, "Pakyu, kilala kita."

 

Tumawa lang siya at hinayaan na ang pag-hawak ko sa kaniya. We left her car sa basement parking, ayaw niya din akong ihatid sa bahay, kaya nag-pasama ako hanggang sa sakayan ng jeep papunta sa bus terminal.

 

"Balik kaya muna tayo ng uni? Tas pahatid ka kay Giselle." Suggestion ni Heejin.

 

I grimaced, "Gago, pagagalitan lang tayo non." Kinikilabutan kong sabi.

 

She gasped, "Oo nga pala, gago ka. Lagot tayo."

 

Pag nalaman kasi ni Giselle na umalis kami ngayon, instead na nag-practice para sa gig mamaya ay malalagot talaga kami. Strikto kasi ang manager namin, lalo na pag nalaman niya na mag co-commute ako. Lagot talaga.

 

Natawa ako sa naisip, "Ay, tara! Para mapagalitan ka."

 

Hinila agad ako ni Heejin, "Tangina mo! Ayoko noh! Mas lagot ka don, alagain ka pa naman non." Huminto kami sa dulo ng pila ng sakayan ng jeep, "Ayan, ayos na? Pwede na 'ko pumunta sa condo ni Gi?" Tanong niya.

 

Sa condo kasi ni Giselle kami nagpa-practice nang sa banda.

 

Ay oo!

 

Kasama ako sa banda. Ako ang drummer namin, si Heejin naman ang rhythmic guitarist, si Ryujin ang bassist, si Jaemin ang lead guitarist, si Haechan naman ang vocalist, tapos si Giselle ang manager namin, or minsan ay nagpe-play siya ng keyboard.

 

Nabuo ang banda namin na Axis dahil sa hilig naming magka-kaibigan sa mga instrumento. Sumakto lang na iisa ang pagka-gusto namin sa music. Hindi ko alam bakit Axis pangalan ng banda namin, si Ryujin naka-isip non eh. Ewan ko ba don.

 

"Nag-sabi ka na kay Gi na 'di ka makakasama mamaya?" She asked while we were walking, may sumasakay na kasi sa jeep.

 

I shook my head, "Not yet. Wala akong load."

 

"Tanginang 'yan." She looked at me ridiculously, "Diyan ka lang, papa-loadan kita. Siraulo amp, magco-commute ka ng wala kang load?" Hindi makapaniwala na tanong niya.

 

I chuckled, "Bobo, may free data naman." Pagtatanggol ko sa sarili, "Pero sige! Pa-loadan mo 'ko, GoSurf50 ha! Para may data!" Sigaw ko nang naglakad na siya palayo sa akin.

 

She waved her hand as a sign of agreement.

 

Kailangan ko talaga mag-paalam kay Giselle, para makahanap agad siya ng kapalit ko mamaya sa gig. Isa pa, kailangan 'KO' din magpaalam kay Giselle dahil baka sugudin ako niyan sa bahay pag hindi niya 'ko nakita mamaya. Close sila ng mga kapatid ko kaya mabilis mag-sumbong si Giselle ng mga katarantaduhan ko sa mga kapatid ko.

 

Mabilis naman siyang naka-balik mula sa tindahan, nag-notify na din sa akin na may load na ako. Binatukan niya pa 'ko bago ako maka-sakay sa jeep, inantay niya muna maka-andar ang jeep bago siya nag-lakad pabalik sa MOA.

 

Boss G

 

MJ: Ssob! Uwi na 'ko.

 

Boss G: So?

 

MJ: Ah ganon.

 

MJ: Wala kayo drummer mamaya.

 

Boss G: Oki.

 

Boss G: I'm in class. Call mo si Beom.

 

MJ: Aight!

 

Boss G: Ba't ka pala uuwi?

 

MJ: Nasira ni Kuya yung car. Papaayos namin.

 

Boss G: Hinatid ka ni Heej? RJ?

 

MJ: Nope! Iniwan nila ako. Huhu.

 

Boss G: Dasurb.

 

MJ: Pakyu.

 

Boss G: Lol.

 

Boss G: Dapat ginamit mo isa kong kotse.

 

MJ: Ikaw na madaming kotse.

 

MJ: No thanks. Baka masira ko.

 

Boss G: K. Sabi mo eh.

 

Boss G: WAIT!

 

Boss G: So nagco-commute ka?!

 

Hindi ko na siya sinagot. Lagot na. Nag-chat na din ako kay Beomgyu na palitan niya muna ako sa gig mamaya. Isa pa 'yan sa tropa namin, si Beomgyu. Ako, si Giselle, and si Beom ang magkakasama tumanda, hindi lang namin kasama sa banda si Beom dahil mas gusto niya mag-focus sa pag-aaral ngayong college. Mag-kasing edad din kami ni Beom.

 

Ako, si Rj, Heej, and Beomgyu ay parehong second year na civil engineering, habang nagso-solo naman si Giselle sa business ad, mas matanda din naman siya sa amin ng isang taon, kaya third year na siya. Si Jaemin at Haechan naman ay third year na civil engineering.

 

Bumaba ako sa terrminal ng bus. Naka-pila ako sa pinaka-dulo, alas sais na pala, sana hindi traffic.

 

Nasa harap ko si Ateng long hair. Siguro pag-kasabay ko 'to sa jeep, lalayuan ko siya. Baka makain ko pa buhok niya.

 

Pero ang bango niya.

 

Tahimik akong nag-lalakad sa likod niya dahil may mga sumasakay na sa bus. Nung pag-sakay niya ay inaantay ko kung may masasakyan pa ba, pina-akyat na 'ko ni Kuya. Muntikan na ko mahimatay nung nakita ko si Ate.

 

Gago.

 

Si Karina.

 

Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya. Kanina pa ko humihinga nang malalim dito, nagpapakalma ng sarili. Bakit naman ganito?!

 

Huhu.

 

Amoy usok na ata ako.

 

Bakit ngayon ko pa naka-tabi si Karina?!

 

Nag-suot ako ng earphones para mapakalma ko ang sarili ko. Sumandal ako at tumingin sa harapan, kahit saan, wag lang sa katabi ko. Naramdaman ko ang pag-galaw niya, at pag-yakap niya nang mahigpit sa bag niya. Ang dami namang dala nito.

 

Si Karina lang naman ang happy crush ko. Hehe. Landi!

 

Siya yung dahilan bakit sa YGU dapat ako mag-aaral, kaso hindi ako natanggap. 'Di kinaya ng grades ko. Ang layo pa naman ng SMU sa YGU. Kapitbahay kasi namin siya, hindi ko alam kung alam niya na mag-kapitbahay kami.

 

Grade 10 ata ako nung una ko siyang nakita tapos Grade 11 siya, suot niya yung lanyard ng YGU. Pauwi na 'ko non galing uni, nag-kasabay kami sa pag-lalakad pauwi. Hindi niya ata ako napansin dahil may kausap siya sa cellphone. Jowa niya ata. Sakit langs. Ouch. Nalaman ko din kay Kuya ang pangalan niya dahil kakilala pala ni Kuya ang Papa niya, at close sila.

 

Ilang beses na din kaming naimbitahan ng Papa ni Karina sa kanila, kaso palagi siyang wala tuwing nandoon ako.

 

Hindi ko namalayan na naka-tulog pala ako.

 

Ang problema...

 

Nakatulog ako sa hita ni Karina!

 

Napa-balikwas ako nang nag-tama ang paningin namin. Her head's hovering on top of me. Her hands were almost on my shoulder, hesitating to touch me. I blinked furiously. Gago?! Nangyari ba talaga 'yon?

 

Tangina, sakit ng likod at leeg ko.

 

Kaya pala parang nakaka-ngalay yung pwesto ko!

 

"Excuse me..." She whispered when the bus stopped.

 

I gulped. I opened my legs wider, para maka-daan siya. Hindi ko alam bakit nagpa-iwan ako.

 

Gago! Stop na namin 'to.

 

Agad akong tumayo, at napa-hinto nung nakita ang pamilyar na lanyard ng YGU. Inabot ko 'yon, at tama nga! Kay Karina nga.

 

Tumakbo ako pababa ng bus, at sinundan kung nasaan si Karina. Dire-diretso lang ang lakad niya, at parang nagmamadali. Hindi ko siya matawag nang maayos dahil kinakabahan ako. Feeling ko pipiyok ako anytime.

 

Halos tumakbo na siya nung nilapitan ko siya.

 

"Miss." I called, kasabay ay ang pag-hawak ko sa balikat niya.

 

She jumped, napa-hawak ako sa dibdib ko sa gulat.

 

"Putcha, sakit sa puso." I casually said, habang natatawa.

 

Kung maka-tawa, 'kala mo 'di siya kinakabahan oh!

 

Nawala ang tawa ko nung tinignan niya 'ko nang masama, "What?"

 

Sungit.

 

"Nalaglag mo..." I said, at inabot sa kaniya ang nahulog niyang ID.

 

Tinignan niya muna ito bago kinuha sa akin, at nagpasalamat.

 

Bumuka at sumara ang bibig ko. Hindi alam ang sasabihin.

 

Magsasalita na sana ako kaso nag-paalam na siya na aalis na siya. Sino ba naman ako para pigilan siya diba?

 

I pouted. Tahimik lang akong sumunod sa kaniya.

 

"Hindi ka pa uuwi?"

 

I raised my head, "H-huh? Uuwi na."

 

Dahil hindi siya naniwala sa akin ay pinauna niya akong mag-lakad. Her jaw almost dropped when she saw me open the gate na three blocks away from them. Hindi niya pala talaga alam na magkapitbahay kami. Kaiyak.

 

Hindi ako nakapag-pakilala!

 

Ang bobo naman.

 

"Ano? Papaayos na ba natin o bukas na?" Bungad sa akin ni Kuya pagka-pasok ko ng bahay.

 

I shrugged, "Bahala ka. Ayos lang naman sakin."

 

"Tara," Aya niya, at sinarado ang binabasang diyaryo, "Lagot tayo kay Ate pag nalaman niyang nasira."

 

I chuckled, "Ikaw lang." Asar ko sa kaniya, "Wait lang, wash up lang, Kuya."

 

Sinama ako ni Kuya kasi takot bumyahe si Kuya kapag gabi. Diyan lang naman sa gilid ng SM ay may pagawaan na ng sasakyan, kakilala pa namin. Sana kayanin nung kotse, mabilis lang naman.

 

"Bagal mo!" Rinig kong sigaw ni Kuya mula sa baba.

 

Nagmamadali akong bumaba sa hagdan, "Na-text mo na si Kuya Niko?" Tukoy ko sa mekaniko na kakilala namin ni Kuya.

 

He nodded, "Oo, andoon pa naman daw siya. Kaso pauwi na, kaya bilisan mo diyan."

 

Sumakay agad ako sa passenger seat, si Kuya ang magmamaneho. Mabilis kaming naka-dating sa shop ni Kuya Niko. Ininspeksyon niya agad ang makina ng kotse.

 

"Kanina lang, ang ingay nung makina eh." Kausap ni Kuya kay Kuya Niko.

 

Tumango-tango ito, "Change oil lang kailangan nito." He said as he remove his gloves, "Ano? Ngayon na?"

 

Budol 'to si Kuya Niko eh. Umabot tuloy kami nang ilang oras dahil sa pagpapagawa. Alas dose na kami naka-balik sa bahay.

 

Ate Taeyeon

 

Ate Taeyeon: Bakit walang nasagot sa inyo ni Key?

 

Ate Taeyeon: Ano oras na? Wala ba kayo sa bahay?

 

MJ: Tulog ako, Ate. Ewan ko lang kay Kuya.

 

Ate Taeyeon: Okay. Matulog na Minjeong, madaling araw na.

 

MJ: Okay.

 

MJ: Good afternoon, btw.

 

Si Ate ay nagtatrabaho sa New York bilang isang software engineer. Pinapadalahan niya kami ni Kuya ng allowance kada buwan, sapat na para sa living expenses namin. Nagta-trabaho din naman si Kuya, tapos kumikita din ako sa gig.

 

Naiwan din samin nila Mama 'tong bahay.

 

Ah...

 

My Mom and Dad died when I was eleven, eight years ago. Simula non, si Ate at Kuya na ang nagpalaki sakin. My Kuya stopped studying, habang si Ate ay nag-tatrabaho na noon. Tinulungan din kami ng pamilya nila Giselle, it explains why Giselle treats me as her sister, or 'alaga'.

 

"Hindi ka kakain?" Tanong sakin ni Kuya pag-labas ko, bihis na. "Mag-baon ka na lang." He said.

 

I nod, "Male-late na 'ko."

 

"Gamitin mo yung sasakyan." Sabay abot niya sa akin ng susi.

 

I shook my head, "You use it. Magco-commute nalang ako." Pag-tanggi ko, "Kinausap mo si Ate kagabi?"

 

Bigla siyang tumawa, "Oo! Hahaha! Napa-amin ako bigla, 'di mo naman sinabi sakin yung dahilan mo." Natatawang sabi niya.

 

I chuckled, "Dasurb! Ikaw naka-sira eh. Ano sabi?"

 

"Gamitin ko daw sweldo nating dalawa sa pag-papaayos." He sighed, "Uuwi din daw siya sa pasko, hanggang sa birthday mo." He said.

 

My eyes widened, "May dala siya?"

 

"Asa ka pa don?!"

 

Sabagay.

 

"Sayang! Wala ka kagabi, Jeong." Pag salubong sakin ni Heejin, at inakbayan ako, "May isa pa palang friend sila Yej."

 

Binatukan ko agad siya at umupo sa likod, "Ano? Akala ko ba si Hyunjin ang type mo?" Pang-aasar ko dito.

 

"Putangina ka." Inis niyang bulong sa akin at kinurot ako, "Ikaw lang sinabihan ko!"

 

Buti nalang at wala pang masyadong tao sa room, lalo na at wala pa si Ryujin. Isang malaking issue 'yon eh. Naglalakad na issue si tanga.

 

"Buti nalang wala si Ryujin." She said as she gave out a long sigh, "Puta ka." Inis na sabi nito at inambahan ako ng sampal.

 

Agad akong umiwas, "Gagi! Nag-bibiro lang eh." Natatawang sabi ko dito, "Pero, totoo naman diba?" I wiggled my eyebrows.

 

"Pakyu."

 

"Ajuju! Love you, Heej." Malambing na sabi ko at nilapit ang mukha para halikan sa pisngi, agad naman siyang umiwas na ikinatawa ko, "Diring-diri?!"

 

"Kay Hyunjin lang ako." Malandi na sabi niya.

 

Pareho kaming natawa at nag-hampasan sa sinabi niya. Kadiri!

 

 

-

 

 

Time quickly passed at dismissal na namin. Inantay kong maka-andar ang kotse ni Heejin at Ryujin bago ako sumakay ng jeep.

 

Sa YGU ako sasakay. Hehe.

 

"Anong C2 ineng?"

 

"Red po." Sagot ko kay Ate.

 

"Ito." Sabay abot sa akin ni Ate.

 

Inabot ko 'yon, "Isa nga din po nung yellow."

 

Kumunot ang noo ni Ate at tumalikod para kumuha sa ref nila ng isa pang C2 na kukay yellow naman. Sungit naman ni Ate.

 

Natandaan ko kasi na mahilig pala si Karina sa yellow na C2. Hindi ako stalker ha! Palagi ko lang kasi siya nakikita na umiinom non habang naglalakad pauwi sa kanila. Sinasabayan ko din siya minsan, hindi niya lang ako napapansin. Wala ba siyang pakiramdam? Chos!

 

Naramdaman ko ang pag-lawak ng ngiti ko nung nakita ko siyang nag-lalakad papalapit sa pila. Pilit kong tinago ang ngiti ko. Hindi niya ako napansin. Hanggang sa pag-sakay namin sa bus, at katabi niya na ako ay hindi pa din niya ako napapansin. Ganyan ba siya ka-manhid? Grabe naman 'to!

 

"Gusto mo?" I asked as I handed her the yellow C2.

 

Gulat siyang tumingin sa akin. Hindi niya siguro inakala na ako ulit ang katabi niya. Hehe. Ako lang ito.

 

Nung una ay tumanggi pa siya, pero kalaunan ay tinanggap niya na din. Inasar pa niya ako na stalker. Sa mukha kong 'to?! Tatawagin mo lang akong stalker?! Basta ikaw, sige lang...

 

Nakakatawa din yung reaksyon niya nung nalaman niya yung pangalan ko. Hindi ko alam bakit as 'Winter' ako nagpakilala.

 

There's a reason why I don't like to be called that.

 

But it somehow feels great to be called 'Winter' by her.

 

"One iced shaken hibiscus tea, and one java chip po. Venti po pareho." I ordered, "Pa-add din po ng french toast." Sabay abot ko ng cash.

 

Inayos ko ang pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
einjie_GF
#1
Chapter 15: 💙💙💙
einjie_GF
#2
Benggg,,, start startt
bigboy123
138 streak #3
📖📖👀👀
Wemon_ #4
Chapter 15: awwww:((( it was a good read. thank you for this story author!! ang cute nung story
Wemon_ #5
Chapter 14: mga bading mga bakla
Wemon_ #6
Chapter 11: hngggg naknampusa
Wemon_ #7
Chapter 10: approved naman pala kay mother🤩
Wemon_ #8
Chapter 9: HAHAHAHAHAHAHA andaming sinabi ng mama nya e
Wemon_ #9
Chapter 8: baby😭😭😭 btw epal nyang pinsan ni win
Wemon_ #10
Chapter 7: ang cute cute nila euueueueueueueue i like the song choices huhubells