Chapter Three

Pink Cheeks
Please Subscribe to read the full chapter

Paikot ikot ako sa kama. My mind keeps going back to what happened earlier. I buried my face on my pillow.

 

Wala naman akong sakit sa puso diba?! I'm perfectly healthy.

 

Kanina pa 'ko nagbe-breathing exercises dito, pero walang nangyayari. Patuloy pa din ang pag-kabog ng dibdib ko.

 

"Rina?"

 

Agad akong umayos nang higa nang marinig ko ang boses ni Papa sa labas ng pintuan ko.

 

"Yes?"

 

He slowly opened the door, "May gagawin ka ba bukas, anak?"

 

Umiling ako, "Wala naman po, as far as I can remember."

 

"Wala ka pang National ID diba?" He asked as he sat down the bed, "Kuha tayo bukas, sabay tayo doon kila Key."

 

"Key?" Takang tanong ko.

 

Tinuro niya ang labas, "Basta! Yung kapitbahay natin doon, yung mag-kapatid." He explained, "May kotse sila eh, makikisabay sana ako."

 

I shrugged, "Okay lang naman po."

 

Nag-bilin siya na matulog ako nang maaga dahil aalis kami nang maaga. Nilabas ko na ang cellphone ko para mag-patugtog.

 

Now playing: A Little Bit

 

I was kinda hesitant to tell you

Should I let you know

I was never really like this before

Need I say more

 

Or maybe I'm confused when you are near me

I don't know what to do or I should be

There's only one thing in my mind

That's you and me

 

Bakit? Ganito? Yung? Kanta???!

 

Pumikit ako nang mariin, pero walang nangyari. The smell of wild raspberries kept clouding on my mind.

 

I turned sideways para mas maging comfortable ako.

 

I'm a little bit of crazy

I'm a little bit of a fool

I'm a little bit of lonely

I'm a little bit of all

Oh, I need a cure

Just a little bit of you

And I will fall...

 

I can hear the song slowly fading. With her, on my mind.

 

Napabalikwas ako sa kama nang maramdaman ko ang pag-alog sa akin. Nagkatinginan kami ni Mama na nagulat din sa pag-galaw ko.

 

"Maligo ka na! Kanina pa kita ginigising," She hissed, "Tapos na maligo ang Papa mo, bilisan mo na Karina." Sabi niya bago umalis.

 

Pag-tapos kong maligo, at mag-bihis ay lumabas na ako, af nakita ko na inaantay na 'ko ni Papa sa living room. Agad siyang tumayo at sabay kaming lumabas. Sinabi niyang nandito na daw yung kapitbahay namin.

 

My eyes widened when I saw a familiar black Honda Civic. Nag-iintay sa labas nito ang isang maputi, at matangkad na lalaki. Kumaway agad ito kay Papa, at sumunod na dumating ang pamilyar na babae na may ash gray na buhok.

 

I gulped.

 

What the hell?!

 

Hindi ako pwedeng magkamali!

 

Papasok na dapat siya sa shotgun, kaso nagtama ang mata namin. Her eyes widened, spoting the same expression as mine.

 

"Tito! Tara na, pasok na kayo." Aya ng Kuya niya.

 

Kuya Key opened the door for us, Winter cleared before looking away, ganoon din ang ginawa ko. I awkwardly sat at the back.

 

I mean. At her back.

 

Si Kuya Key at si Papa lang ang nag-uusap. Dahil nasa likod niya 'ko, nakikita ko ang pag-galaw niya. She keeps on looking at her window.

 

I opened my phone nung naramdaman ko ang pag-vibrate nito.

 

Winter

 

Winter: Nice to see you.

 

Winter: I guess?

 

Karina: 'Di ka sure?

 

Winter: Sure ako!

 

Winter: Ikaw ata ang hindi sure.

 

Karina: Never said it was nice to meet you tho.

 

Winter: Ah. Okay.

 

Karina: Hahaha! Jk!

 

Karina: You have a Kuya pala?

 

Karina: Hello?

 

Karina: I can see you looking at your phone.

 

Karina: Winter? Hello?

 

Karina: !!!

 

Nagalit ba siya?!

 

I huffed. Dahil doon? Hindi siya nag-reply? What the hell???

 

My forehead creased habang nakatingin ako sa harap. Tinago na niya ang phone niya, at nagha-hum nalang ng kanta na tumutugtog sa radyo.

 

"Karina, right?"

 

Napatingin ako kay Kuya Key nang bigla siyang nagsalita.

 

I nod, "Yes?"

 

He smiled through the rearview mirror, "San ka nag-aaral? Twenty ka lang diba?"

 

"Opo. Sa YGU po." I answered politely.

 

"Ikaw ba? Winter?" Si Papa.

 

Winter cleared , "SMU po."

 

"Magkasing edad ba kayo ni Rina?" Pagtatanong niya ulit.

 

She shook her head, "She's a year older po. I'm only nineteen po."

 

Oh?

 

Mas bata pala siy—wait. How did she know my age?

 

I tilted my head. We never talked about our age?

 

"Ano course mo?" Tanong ni Kuya Key.

 

"Business ad po."

 

Nakita ko ang pag-lapit ni Papa sa unahan, "Scholar din si Rina! Consistent Dean's Lister din." Pagmamayabang ni Papa.

 

Napairap ako sa hangin. Nakakahiy.

 

Kuya Key gasped, "Oh? Angas. Alam ko nga mahirap mag-scholar, tapos sa YGU pa." He said.

 

Tumango si Papa, "Oo! Kaya nga ang saya lang namin nung naka-pasok si Rina." He proudly exclaimed, "Bata palang kasi consistent na talaga si Rina."

 

"Wow..." He said, "Si Winter, basta makapasa lang." Natatawang sabi nito.

 

Tumawa din si Papa, "Ano ba ang course mo?"

 

"Civil engineering po." Sagot naman niya.

 

"Ay! Mahirap 'yan."

 

Umiling si Kuya Key, "Nako. Basic lang sakaniya ang mga Math." He said, "Pero pagdating sa iba, haha! Wag nalang natin pag-usapan."

 

My Father's laughter echoed inside the car. Kasabay ng pag-tawa ni Kuya Key, at ang inis na singhal ni Winter.

 

Pagdating namin sa Robinson ay sinabayan na namin si Kuya Key at sumama na mag-park ng kotse. Buhat ko ang mga envelope namin ni Papa, mga documents na kailangan namin.

 

"Pst."

 

"Pst."

 

I rolled my eyes nung hindi pa din niya 'ko pinapansin. Nagalit ba talaga siya?

 

"Sitsit ka ng sitsit diyan." Saway sa akin ni Papa na nagpa-gulat sa akin, "Ayos na ba yung mga dokumento?"

 

I nod, and handed him the envelope, "Andiyan na po lahat, Pa." Binuksan niya 'yon, at tinignan ang lahat bago tumango at ibinalik sa akin, at naunang maglakad para sabayan si Kuya Key.

 

Naiwan kaming dalawa ni Winter.

 

I awkwardly walk beside her, habang siya ay tahimik lang at parang invisible lang ako sa kaniya.

 

"Are you seriously mad just because of that?" I frustratedly asked.

 

Tuloy tuloy lang siya sa paglakad.

 

The hell?!

 

I hissed, "Problema mo?"

 

"Wala."

 

"Okay."

 

She walked past me. I scoffed. Dahil lang don? Hindi na siya nangausap. Dumating kami sa second floor kung saan nag fill out para sa National ID. Nauna si Papa at si Kuya Key. Kaya kami ni Winter ang mag-katabi.

 

Ang awkward.

 

She cleared and handed me a gum, "Gusto mo?"

 

"Kinakausap mo na 'ko ngayon?" Tanong ko habang naka-taas ang kilay.

 

She pursed her lips, "...Eh k-kasi," She scratched the back of her head, "Hindi mo ata n-nagustuhan na kasama mo 'ko ngayon." She whispered, enough for me to hear.

 

Namumula din ang pisngi niya at hindi maka-tingin sa akin.

 

Oh my God...

 

How can she be so cute? Her fluffy pink cheeks are incredibly cute.

 

Ang sarap pislin.

 

So I did.

 

"I was just kidding." I chuckled, while pinching her cheeks.

 

Bigla siyang naka-simangot dahil sa pag-pisil ko sa pisngi niya, "Bitaw na." She whined, "Ang shakit."

 

Natatawa kong binitawan ang pisngi niya. She rubbed her cheeks using her hands. She frowned. Mas namula lalo ang pisngi niya.

 

"May kapatid ka pala." Sabi ko sakaniya after ilang minutes naming natahimik.

 

She nodded, "Actually, tatlo kami."

 

I tilted my head, "Oh?" Di makapaniwalang sabi ko.

 

"Hmm." She hummed, "Si Ate Taeyeon, si Kuya Key, tapos ako." She explained.

 

Oh.

 

Tumango-tango ako.

 

"Ang saya siguro sa inyo." I sighed, "Ang dami niyo..."

 

Bigla siyang nagseryoso, "What do you mean?"

 

"Only child lang ako." I gave her a small smile, "And...I'm not really that—you know what? Nevermind." I chuckled awkwardly.

 

Seryoso pa din siyang nakatingin sa akin. I avoided her gaze and blew air through my mouth.

 

Ayoko man aminin pero hindi kami gaanong close ng mga magulang ko. I always stay inside my room. Nag-aaral.

 

Because that's what they want me to do.

 

It's one of the reasons why I can't always go out with my friends. Unahin ko daw ang pag-aaral.

 

"Hey..." Pag-hawak ni Winter sa balikat ko, "Kanina pa kita tinatawag." She gently said.

 

I cleared my throat, "Ah. Sorry, ano 'yon?"

 

"Gusto mo muna mag-breakfast? Nasa dulo pa naman tayo eh."

 

Pumayag nalang ako. Gusto ko din mawala sa isip ko 'yon. I think, being with Winter makes me forget everything else.

 

Dumiretso kami sa KFC, hindi na sumama sila Papa. Kumain naman na daw siya, si Kuya Key din.

 

Naka-upo kami sa two seater table. Pareho kaming may one piece na chicken with rice at mushroom soup, tapos may isang plato na puno ng gravy.

 

"Parang gusto ko ng mashed potato." Sabi niya pagtapos humigop ng soup, "Ikaw? Gusto mo din? Oorder pa ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
einjie_GF
#1
Chapter 15: 💙💙💙
einjie_GF
#2
Benggg,,, start startt
bigboy123
138 streak #3
📖📖👀👀
Wemon_ #4
Chapter 15: awwww:((( it was a good read. thank you for this story author!! ang cute nung story
Wemon_ #5
Chapter 14: mga bading mga bakla
Wemon_ #6
Chapter 11: hngggg naknampusa
Wemon_ #7
Chapter 10: approved naman pala kay mother🤩
Wemon_ #8
Chapter 9: HAHAHAHAHAHAHA andaming sinabi ng mama nya e
Wemon_ #9
Chapter 8: baby😭😭😭 btw epal nyang pinsan ni win
Wemon_ #10
Chapter 7: ang cute cute nila euueueueueueueue i like the song choices huhubells