Chapter Eleven

Pink Cheeks
Please Subscribe to read the full chapter

Ramdam ko yung kaba ni Winter habang nagda-drive siya. Kanina pa nagta-tap ang fingers niya sa steering wheel. Rinig ko din ang pag-buntong hininga niya. 

 

"Hahaha, you look so funny." Natatawa kong sabi sa kaniya, lalo akong natawa nang may butil ng pawis sa noo niya, "You're sweating!"

 

Bumaling siya sa akin, "H-ha?" She asked bago ibinalik sa kalsada ang tingin, "Ang i-init kasi." Sabi niya at pinunasan ang noo gamit ang likod ng palad niya.

 

I fished my hanky from my bag at iyon ang ginamit sa kaniya. I swear! Sobrang nakakatawa yung itsura niya ngayon. Sinabihan ko naman siya na there's no need to be nervous dahil kay Mama, kasi she approved naman na. She just wanna talk to Winter.

 

"Usap lang naman, babe." I said, natatawa.

 

She scratched the back of her head using her free hand, "Eh k-kasi first time k-ko..."

 

I chuckled, "Ako din naman." I said, "It's my first time bringing someone home..." She quickly glanced at me, "Not as my friend." Pag-ngisi ko.

 

Naubo siya.

 

Pinalo palo niya ang dibdib niya, while I rubbed her back. Maya maya ay natigil ang ubo niya pero pulang pula naman ang mukha niya.

 

"Can w-we stopover m-muna?" Sabi niya nang palapit na kami sa Shell.

 

I nod, "Yeah, I think kailangan mo din mag water." Natatawang sabi ko.

 

Ngumiti lang siya.

 

"I'm going to the restroom, ikaw?" Sabi ko sakaniya nang makapag-park na siya nang maayos.

 

She shook her head, "May pupuntahan lang ako." 

 

"Okay." I said.

 

Sabay lang kaming bumaba, hinatid pa muna niya ako sa restroom bago siya pumunta sa pupuntahan niya. Pagtapos ko sa restroom ay inantay ko nalang siya sa tapat ng kotse niya dahil hindi ko alam kung saan siya pumunta, at nasa akin din ang cellphone niya.

 

Nasa harap ko ang Starbucks.

 

Parang gusto ko ng frappe.

 

With donut.

 

Lalakad na sana ako papunta sa Starbucks nang makita ko na palabas ng Starbucks si Winter. She smiled when she saw me. Bumaba ang tingin ko sa bitbit niya, may dala siyang box ng Krispy Kreme, at dalawang frappe from Starbucks.

 

Wow.

 

"You shouldn't have." Sabi ko sakaniya paglapit niya sa akin.

 

Nilapag niya ang box ng Krispy Kreme sa hood ng kotse, at inabot sa akin ang isang frappe at straw.

 

"Gusto ko eh." She shrugged as she sipped on her frappe.

 

I rolled my eyes at natawa nang bahagya, "Suhol ba 'yan?"

 

She gasped, "Ganon ba tingin mo sa akin, babe?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

 

"Ang OA ha!" Natatawa kong sabi.

 

After a few minutes naming nakatambay ay pumasok na kami sa kotse. Nilagay niya ang KK sa likod, kasama ng mga bag namin. Bumalik ulit ang kaba niya dahil nanahimik nanaman siya.

 

I held her free hand and gently caressed it.

 

Napangiti ako nang hinawakan niya muli ang kamay ko matapos niyang bitawan para gamitin ang gear stick. She keeps squeezing my hand gently hanggang sa makarating kami sa bahay.

 

She parked her car sa tapat ng bahay nila. Sa sobrang kaba niya ay nagpapaiwan na siya sa kanila. Hinila ko pa siya para maidala ko siya sa bahay. Napapatingin tuloy ang ibang mga kapitbahay namin. Para akong may hila hilang bata.

 

"Babe...w-what if bukas n-nalang?" She said.

 

Lalo akong natawa. Mukha siyang constipated. Nakakatawa siyang tignan at the same time nakakaawa. 

 

"Come on..." Sabi ko, "Kanina pa nag-iintay si Mama."

 

Humigpit ang kapit niya sa kamay ko, "K-kasi naman..."

 

"Tara na." Natatawang sabi ko.

 

Wala na siyang nagawa nang hinila ko na siya palapit sa bahay. Habang nagtatanggal ng sapatos ay nagpapaawa lang siya sa akin. I tilted my head and smirked para asarin siya lalo.

 

Ayaw niya kasing maniwala na pumayag si Mama.

 

"Si Minjeong ba?"

 

My breath hitched.

 

"H-how did you k-know?" I stuttered.

 

Naging seryoso ang itsura ni Mama. Binitawan niya ang kinakain niyang fries at pinaupo ako sa harapan niya. Magkatapat kami.

 

"Kailan pa?"

 

I gulped, "Some months ago..."

 

We were silent for a few minutes. Tumayo si Mama para pumunta sa fridge at kumuha ng tubig. Tahimik siyang nagsalin ng inumin sa baso niya.

 

Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

 

Hindi ko mabasa ang expression ni Mama. Iba eh.

 

She cleared , "...Tomboy ka?"

 

I almost rolled my eyes sa term niya. Maka-tomboy naman.

 

"Gusto mo ba si Minjeong?" Pagbabago niya ng tanong.

 

Hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita na agad siya.

 

"Wala naman kaso sa akin kung...tomboy ka." Mabagal na sabi niya, "Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos ka ng pag-aaral mo...na walang hadlang." She looked hesitant before she spoke again, "Hindi ka naman siguro mabu—"

 

Bago pa siya matapos ay pinutol ko na, "Ma!" 

 

"A-ano?" Litong tanong niya.

 

"Nanliligaw p-palang naman." Nahihiyang sabi ko.

 

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa sunod na sinabi ni Mama, "Eh hindi ka naman nagpapakilala sa akin ng manliligaw mo. Ngayon lang." She said, "Kaya akala ko kayo na."

 

"W-wala...I just want you to k-know."

 

She looked at me sternly before drinking her water, "Papuntahin mo siya bukas, kakausapin ko." Diretsong sabi ni Mama, "Ayusin niyo ang pag-aaral niyo, Karina Yoo ha." She said, "Bakit ganyan ang itsura mo?" Turo niya sa akin.

 

Anong itsura ko?

 

Her forehead creased, "May sakit ka ba? Namumula ka."

 

Inabutan niya ako ng malamig na tubig.

 

"Papuntahin mo si Minjeong ha." Bago pa ako makapagsalita ay nauna na siya, "Hindi ako galit. Nagulat lang ako."

 

I gulped. "...You're okay with it?"

 

"Oo naman. Si Minjeong naman 'yon."

 

I purposely didn't tell her na Mom was very supportive of her. I kinda want to see her panicking. 

 

"Rina naman..." Bulong niya nang nasa tapat na kami ng pintuan ng bahay, "Sandale...f-five minutes...!"

 

Dahil naawa ako ay binitawan ko siya at pinakalma. Pinagpapawisan na siya. I reached for her hanky sa pocket niya and used it para punasan ang pawis niya. Naka-ilang hingang malalim siya bago kami pumasok sa loob.

 

Nakaupo si Mama sa sala at lumipat ang tingin niya sa amin pag-pasok namin ni Winter sa bahay. Hinawakan ko si Winter dahil feeling ko tatakbo siya anytime.

 

"Nag-meryenda na ba kayo?" Mom asked, "Nag-abala ka pa talaga." She said nung nakita niya yung dala ni Winter.

 

Na-estatwa na si Winter sa likod ko, "G-good a-afternoon po..." Mahina niyang bati.

 

Pinigilan kong matawa dahil kinunotan lang siya ni Mama ng noo.

 

"Bakit ganiyan ka mag-salita?" Masungit na tanong ni Mama.

 

"P-po?"

 

Kumunot ulit ang noo ni Mama, "Para kang kambing."

 

Hindi ko na napigilan ang tawa ko.

 

"She's just nervous, Ma." Sabi ko sa kaniya.

 

"Bakit? Saan?" Naguguluhang tanong ni Mama.

 

Naramdaman ko ang pagkapit niya sa damit ko.

 

"H-hindi po!" Defensive niyang sagot. Inabot niya ang box ng donut kay Mama, "Nagdala p-po ako ng m-meryenda." She stuttered.

 

Ayaw pa akong paalisin ni Winter nang sabihan ako ni Mama na mag-bihis muna. She looked like a puppy...she looked so lost.

 

"Magbibihis lang 'yan, Minjeong." Sabi ni Mama nang makita ang itsura ni Winter, "Mag-usap tayo."

 

She visibly gulped.

 

I scrunched my nose bago ko inalis ang kamay niyang nakahawak sa laylayan ng shirt ko. Iniwan ko silang dalawa, Winter looked at me like she needed help, tinanguan ko lang siya at hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

 

It took me a while to change my clothes at nagmadali na ako pababa. Naabutan kong nasa living room silang dalawa at nagbubukas ng libro...

 

Photo album?!

 

"Ma!" Malakas na sigaw ko nang nakita ko yung picture ko nung bata ako na nakahubad.

 

Pareho silang nagulat at umangat ang tingin sa akin. I quickly made my way towards them at kinuha ang photo album na hawak ni Winter.

 

Tumawa si Winter.

 

I rolled my eyes, "I shouldn't have left you alone."

 

"May pinapakita pa nga ako kay Minjeong." Sabi ni Mama, "Dito ka na maghapunan." Aya niya dito.

 

"Sige po." Masayang bati niya.

 

Tumayo si Mama, pero natigil at may sinabi kay Winter, "Tawagin mo na din ang Kuya mo. Dito na kayo kumain mamaya." She said.

 

Mukhang naging maayos ang usapan nila.

 

Winter was all smiles habang naglalakad kami palabas. Inutusan kami ni Mama na bumili ng softdrinks. Our hands were swaying while walking side by side.

 

"How did it go?" 

 

She hummed, "Saan?"

 

I pursed my lips, "The talk."

 

"Ah." She smiled, "Basta." 

 

Mga ilang minuto kaming natahimik bago ulit siya nagsalita.

 

"Tita mentioned something about someone..." She said, "Jeno...?"

 

My eyes widened, "...What did she say?"

 

"Manliligaw mo daw." She looked hesitant, "But you turned him down daw, sabi ni Tita." She smiled shyly, "I shouldn't have asked you that." She awkwardly laughed.

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
einjie_GF
#1
Chapter 15: 💙💙💙
einjie_GF
#2
Benggg,,, start startt
bigboy123
138 streak #3
📖📖👀👀
Wemon_ #4
Chapter 15: awwww:((( it was a good read. thank you for this story author!! ang cute nung story
Wemon_ #5
Chapter 14: mga bading mga bakla
Wemon_ #6
Chapter 11: hngggg naknampusa
Wemon_ #7
Chapter 10: approved naman pala kay mother🤩
Wemon_ #8
Chapter 9: HAHAHAHAHAHAHA andaming sinabi ng mama nya e
Wemon_ #9
Chapter 8: baby😭😭😭 btw epal nyang pinsan ni win
Wemon_ #10
Chapter 7: ang cute cute nila euueueueueueueue i like the song choices huhubells