Chapter Ten

Pink Cheeks
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

Hinampas ko si Heejin nang madaming beses. Binitawan ko ang phone ko sa lamesa dahil sa sobrang kaba. 

 

"Tangina, ano ba?!" Sigaw sakin ni Heejin at nilayo ang sarili sa akin.

 

Natawa ako, "Sorry! K-kinakabahan lang." 

 

Her brows raised, "'Yan ba yung katangahan?" She asked at sinilip ang phone ko. Bago ko pa mailayo ay nakuha na niya agad ang phone ko. Naka-bukas pa doon ang conversation namin ni Karina, "Ano 'to?" She asked as she clicked the link.

 

I blushed.

 

Her eyes squinted, "Would you by Pink Sweats...like by BTS...to go on by Natalie Evans...a date by Mic Strong...with by Kim Taeri...me by The 1975...question mark by dodie...? Ano 'to?" Naguguluhang tanong niya.

 

Inis ko siyang binatukan, "Ang tanga!"

 

Bigla namang lumiwanag ang mukha niya, "Ah! Would you like to go on a date with me?" Tumango tango pa siya at tumalon talon pa. She showed me two thumbs up, "Ang smooth mo don!" She said.

 

Inirapan ko siya, "Shunga ka." 

 

"RJ! TIGNAN MO 'TO!" 

 

Hindi ko siya napigilan nang tawagin niya si RJ na palapit na sa amin. Tangina.

 

"Ano?" She asked as she walked faster towards us, "Sigaw sigaw ka diyan." Binatukan niya si Heejin.

 

Inabot sa kaniya ni Heej ang phone ko, "Check mo! Ang smooth ni Winter." Pang-asar niya, tinignan ko siya nang masama kaya tumawa siya nang malakas, "Minjeong pala, sorry na!" 

 

"Ay! Taray!" Ryujin said as she gave me back my phone, "Spotify pala ang sagot hahaha!" Sabi nito at tinanguan ako, "Chismisin ko nga si Yej mamaya."

 

"Tigilan niyo 'ko!"

 

Tumawa si Ryu, "Okay. Sineen ka na niya." Turo niya sa phone ko.

 

Oo nga.

 

Seen lang.

 

"Hahahaha! What if ang corny daw?" Natatawang sabi ni Heejin.

 

I frustratedly sighed before I leaned on the backrest of my chair. I felt Beomgyu's hand massaging my scalp. Naka-pwesto kasi siya sa likod ko. 

 

"You confessed?" He asked, "Na-kwento sakin ni Soobin yung chismis sa kaniya ni Giselle."

 

Nakakaloka talaga!

 

Umikot na ang chismis.

 

Hindi ko siya sinagot at pinikit nalang ang mata habang minamasahe niya pa din ang ulo ko. Ryujin and Heejin called Yeji, nakikibalita sa nangyari. Hindi dapat ako makikinig, pero malapit kasi sila sa akin. I can't help but to hear every word they say. My eyes widened when Yeji said na mamaya pa ang klase nila, at nauna lang si Rina na pumunta sa school para sabayan ako. Agad naman akong tinukso nung dalawang shunga.

 

Dapat hindi na siya nag-abala pa...hehe.

 

Chos.

 

Lunch namin.

 

Matamlay daw ang itsura ko sabi nila Ryujin. 

 

Hindi pa din siya nagre-reply. It's been three hours since she saw the playlist. Masiyado ba 'kong mabilis? What if straight pala siya? Parang biglang sumama yung pakiramdam ko kaya hindi na ako ginulo nila Ryujin matapos kong makitulog sa clinic.

 

"Tara kain." Heej said, palabas kami ng SMU, "Nag-crave ako bigla ng samgyup." Agad siyang lumapit sa kotse ko at binuksan ang pintuan non.

 

Beom went to his bike, "San tayo?" Tanong niya habang inaayos ang helmet niya, "Samgyup ba?" 

 

"Kay Beom ka na Heej," Turo ko sa motor ni Beomgyu, "Uuwi na 'ko." 

 

"Tara na MJ!" Masiglang pag-aya niya sa akin, "Mag-Soju ka nalang don." Tawa niya.

 

I rolled my eyes, "Gaga." 

 

Matapos nila akong kumbinsihin ay pumunta na kami sa Samgyupsalamat. Hila hila ako ni Heejin dahil para daw akong patay. Si Beom na ang nagluto habang ka-text naman nila Ryujin ang banda, susunod daw sila Jaemin at Haechan maya maya, habang si Giselle at Soobin ay papunta na.

 

"Heyyy!" Giselle said as soon as she opened the door, "What's up, MJ? Bakit ganiyan itsura mo?" Natatawang tanong niya dito. Umupo siya sa tabi ko, at si Soobin naman ay sa harap niya na katabi ni Beomgyu.

 

Soobin grinned, "Ngayon nalang ulit kayo kumpleto?" He asked.

 

"Oo! Palagi mo kasing tinatakas si Giselle!" Sagot ni Heejin.

 

Natawa ako.

 

"Tawa tawa ka diyan!" Ryu said, "Alam mo ba Gis—" 

 

Sinubuan ko siya nang isang kutsarang egg soup.

 

Niluwa niya agad 'yon sa tissue, "Shutangina ang init!" Reklamo niya sa akin na ikinatawa nila Beomgyu.

 

"Tigilan mo kasi ako!"

 

"Hindi naman ikaw!" Inambahan niya 'ko, "Pasong paso buong bibig ko." Sabi niya at uminom ng tubig.

 

Mainit kasi ang egg soup, nakalagay 'yon sa sizzling pot. Paso ka talaga pag hindi mo hinipan. Natatawa pa din ako dahil naka-dalawang baso na siya ng tubig, binilihan ko na din siya ng malamig na Coke in can.

 

Nagpapapak lang ako ng kimchi habang nagchichismisan sila at nag-iintay ng inihaw. Naka-dalawang hingi na nga ako ng kimchi. Kanina ko pa din napapansin ang tahimik na pag-silip sa akin ni Giselle maya't-maya. 

 

"Stop eating." Saway niya sa akin, "Mabubusog ka niyan." Nilayo niya ang kimchi sa akin.

 

I pursed my lips, she just rolled her eyes on me. Unang batch palang ng pag-luto ni Beomgyu ay nilagyan na agad ako ni Giselle sa plate ko.

 

"Thank you..." Mahinang sabi ko sa kaniya.

 

Tumango lang siya sa akin pero ramdam ko pa din ang pag-tingin niya sa akin habang kumakain kami. Dumating sila Jaemin at Haechan kaya mas lalong umingay ang pwesto namin kaya't napapagtinginan na kami ng mga tao. May nagtanong na nga ng number ni Jaemin eh.

 

"Pogi mo naman ssob." Pang-aasar ni Heejin kay Jaemin, "Hahaha!" Bigla siyang tumawa, "MJ! Hahaha, manliligaw mo nandito nanaman." Sabay nguso niya sa papasok sa pintuan.

 

Tumawa naman silang lahat.

 

Tangina.

 

Umay naman.

 

Lumiwanag ang mukha ni Renjun nang makita niya kami. Iniwan niya yung mga kaibigan niya para pumunta sa pwesto namin. Wala talaga akong gana. Alam mo yung feeling na gusto mo nalang matulog mag-hapon? Tas parang sobrang pagod ka kahit wala ka namang ginawa. Ganon.

 

"Musta, pre?" Jaemin asked Renjun, "Kain..." Pag-aya niya na parang labag sa loob niya.

 

Hindi ko siya pinapansin kahit ramdam ko ang titig niya sa akin. Nakakainis lang kasi ilang beses ko na siyang tinanggihan, hindi pa din siya tumitigil. Kinakausap lang siya ni Haechan at Jaemin, nararamdaman ko ang pag-kalabit sa akin ni Ryujin.

 

"Ano ba?!" Inis na sabi ko dito.

 

Naiirita kasi talaga ako. 

 

Gulat silang napatingin sa akin. Nanlalaki ang mata ni Ryujin sa akin at hinampas lang ako sa balikat.

 

"Sungit mo teh!" Natatawang sagot niya.

 

Natakot siguro si Renjun kaya hindi na niya ako kinausap at umalis na sa table namin. Sanay na sila sa akin tuwing nagsusungit ako. Hindi talaga ako nangangausap, kaya parang nangangapa sila tuwing kinakausap nila ako ngayon.

 

Mas lalo lang akong naging matamlay nung tumanggi sa akin si Karina sa pag-sundo sa kaniya. Doon daw siya matutulog kayla Lia. Maaga akong umuwi. Sumasakit din ang ulo ko. 

 

"Ayan! Cellphone ka kasi nang cellphone." Sermon sa akin ni Kuya pagka-uwi ko, "Kumain ka na ba? Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot Minjeong!" Sabi niya at nilabas ang mga gamot namin, "Mag vitamins ka din. Hindi ka kasi nainom ng vitamins." He said as he lifted his hand para damahin ang noo ko, "Maligo ka muna at napaka-init mo."

 

Inalalayan niya ako paakyat ng kwarto. Pag-tapos kong maligo ay dinalhan niya 'ko ng pagkain at yung mga gamot na kailangan kong inumin.

 

I groaned, "Sino ba 'to?" Inis na tanong ko sa sarili, tunog kasi nang tunog ang phone ko.

 

Bumungad sa akin ang pangalan ni Ate, "Hoy, Minjeong! May sakit ka daw?" She asked as soon as I picked up the call, "Sinasabi ko sayo mag-ingat ka palagi." Paalala niya.

 

Grabe ang sakit talaga ng ulo ko.

 

"Hmm-mm." Tanging sagot ko.

 

"Wag ka na muna pumasok bukas," She said, "Mag-pahinga ka muna ha." 

 

Tumango ako, "Wala akong balak." Nagulat ako sa sarili kong boses. Paos na 'ko.

 

"Umiinom ka ba ng tubig?" Pagtatanong ni Ate, "Uminom ka nang madaming tubig. Yung gamot mo? Naka-inom ka na?"

 

I nodded, "Kanina pa..."

 

"Sige. Alas sais na dito, papasok na 'ko." Nakita ko ang pag-galaw niya sa video call, "Mag-ingat kayo ng Kuya mo ha."

 

I nodded, "Ikaw din, Ate."

 

Matapos ang sandamakmak na bilin niya ay binaba na niya ang telepono. Paniguradong nag-bilin na si Ate kay Giselle na hindi ako papasok bukas kaya tumawag agad siya sa akin. Napaka-OA lang! Sinabi ko lang na 38 ang temperature ko ay dalhin na daw ako sa ospital. 

 

Nung hapunan dinalhan kami ng Mama ni Giselle ng dinner. Sinigang na hipon. 

 

"Kung hindi pa sinabi sa amin ni Taengoo ay hindi namin malalaman!" She said, binanggit ang palayaw ni Ate, "Madami akong nilagay diyan, I know naman na favorite mo 'yan." Maarteng dagdag niya bago niya dinama ang noo ko gamit ang palad niya, "You're so mainit!" Reklamo niya at inutusan na ako na uminom nanaman ng gamot kahit na kakainom ko lang.

 

Maya maya ay umalis na si Tita at natawa nalang kami ni Kuya dahil pati siya ay nabulabog dahil nga gusto na din akong dalhin ni Tita sa ospital. Like mother, like daughter talaga! 

 

Medyo nagkaroon na 'ko ng lakas matapos namin kumain. Lumabas muna ako para mag-pahangin, binalot ko ang sarili ko ng jacket ko. I pursed my lips nang dumako ang tingin ko sa bahay nila Karina. 

 

Hindi pa pala siya nagre-reply sa akin.

 

Ang pait.

 

Masiyado ata akong mabilis. 

 

Sana pala hindi ko nalang sinend. Bigla akong nagsisi sa katangahang ginawa ko. 

 

Bumalik ako sa kwarto, isang oras din pala akong nakatulala sa labas. Ang ganda kasi ng moon. 

 

Inaasahan kong bubungad sa akin ang mga kalokohan nila Ryujin, pero iba ang bumungad sa akin.

 

Si Karina!

 

Agad akong nag-reply sa mga text niya. Grabe! Parang nawala bigla yung sakit ng buong katawan ko! 

 

...Nakatulog ako.

 

Nakakainis ka self! Ilang oras kong hinintay 'yon, tapos matutulugan ko lang. Isang mata pa lang ang bukas sa akin ay binuksan ko na ang phone ko para tignan kung may text siya. Goodnight lang...umaga na. Huhu.

 

Agad akong nag-sorry kasi natulugan ko siya. Hindi pa din siya nagrereply kasi masyado pang maaga. Wala na akong pakialam kahit malate ako, basta masabi ko lang lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya! Karina >>>

 

Char.

 

Slight.

 

"Minjeong! Wag kang pumasok ha!" Bilin ni Kuya.

 

Ay oo nga pala.

 

Bigla akong ginanahan pumasok. Wala naman na 'kong sakit. Ayos na siguro.

 

 

-

 

 

Nasa ospital kami ngayon.

 

Injured yung kapatid ni Ryujin.

 

"Ilang weeks kang 'di makakalaro?" Tanong niya sa kapatid.

 

Yuna shrugged, "'Di pa naman start. 'Di lang ako kasama sa training." She said na parang wala lang.

 

Kanina pa 'ko kating-kati na umalis dito. Hindi naman sa hindi ako concerned sa kapatid ni Ryu, pero kasi...naghihintay si Karina. 

 

Oo! Pumayag siya. Hihi.

 

Sabi nga nila Heejin ay parang sobrang saya ko naman ngayon, kabaliktaran sa itsura ko kahapon na sobrang matamlay. Hindi ko pa sinasabi pero paniguradong alam na nila ang naging usapan namin ni Karina sa sobrang laki ng ngiti ko maghapon. 

 

"Minjeong! Umayos ka nga lang ng upo diyan!" Saway sa akin ni Ryujin, kanina pa kasi ako galaw nang galaw, "Teh kung kating kati ka na lumayas, gumora ka na." Iritang sabi niya sa akin.

 

I pursed my lips. Nagalit ata si Ryu.

 

I don't usually take Ryu seriously pero iba yung inis niya sa akin ngayon. Mukhang galit talaga siya.

 

"Hindi...ayos lang, sige." Mahinang sabi ko sa kaniya.

 

She scoffed, "Tangina mo teh." Pagmumura niya sa akin, "Puntahan mo na si Karina don, naghihintay na daw sabi ni Yeji." Sabi niya at binatukan pa 'ko.

 

I gulped. Sabi na nga ba alam niya eh.

 

"H-hindi, okay lang talaga...?" Kahit ako hindi sigurado sa sinabi ko. Okay lang ba talaga?

 

Naka-kunot noo sa amin si Yuna, habang tumawa naman si Ryujin.

 

"Edi wow, Jeong! Kanina ka pa hindi mapakali diyan." Hinila niya ako patayo, at tinulak palabas ng pintuan, "Bumalik ka dito pag may jowa ka na!" Sigaw niya sa akin at tuluyan na akong tinulak palabas.

 

I chuckled. Kinabahan pa 'ko kay Ryujin. Hindi naman pala galit. Siya pa mismo ang nag-push sa akin palabas. Siyempre, tumakbo na ako papunta sa parking para paliparin ang kotse ko sa YGU. 

 

Naisipan kong pumunta kami sa Tagaytay. Sinabi ko din sa kaniya na I want our date to be well planned, ayoko nung biglaan. 

 

"Rina...hindi ba ako nananaginip?" I asked her after a couple of minutes.

 

I just confessed. 

 

And she said...that we should try.

 

That's the green light that I've been waiting for.

 

She chuckled before pinching my cheeks and caressing it after. Palagi niyang pinanggigigilan ang cheeks ko.

 

"No, Winter..." She grinned, "I really want to give it a try with you."

 

She smiled sweetly. 

 

Nakakatunaw...

 

"Thank you." 

 

Her forehead creased, "For what?"

 

"For giving me a chance." 

 

Binabagalan ko ang pagmamaneho ko para mas matagal pa kami magkasma, I'm sure na nahahalata niya ang ginagawa ko pero hindi siya nagrereklamo. Gusto niya din hehe. 

 

Wala na 'kong pakialam pag-uwi ko kahit na pinagalitan ako ni Kuya, at Ate. Pati din pala ang Mama ni Giselle. Magalit lang kayo hehe, masaya ako today. Nagtataka na siguro si Kuya kung bakit wala akong reklamo nung inutusan niya 'ko nang inutusan.

 

"MJ, mag-hugas ka ng pinggan." Sabi niya matapos namin kumain, tumango lang ako bilang sagot. "Anong nakain mo at napaka-sipag mo ngayon?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

 

"Wala naman..." I said.

 

He scoffed, "Anong meron? May jowa ka na ba?"

 

Muntikan ko nang mabuga yung tubig na iniinom ko, pinanliitan niya ako ng mata. Inirapan ko lang siya at tinaboy na bago pa magtanong ng kung ano ano. 

 

Habang naghuhugas ng pinggan ay kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Hindi pa din siya nagrereply eh, siguro kausap niya sila Yeji. Nalaman ko lang dahil kanina pa nagda-drama si Ryujin na wala siyang bebe time.

 

"Tangina mo, Minjeong! 'Di ka agad sumagot!" Bungad sa akin ni Ryujin pagka-sagot ko sa tawag sa gc pag-pasok ko sa kwarto, "Nakaka-bwisit si Yuna, sarap balian eh." Iritang sabi niya.

 

Hindi ko napigilan ang tawa ko, "Gaga! Bakit ka nananaman nagrereklamo?"

 

Kanina pa talaga siya nagrereklamo hindi ko lang pinansin dahil kasama ko si Karina kanina. 

 

"Pagod na pagod na 'ko!" Reklamo niya, "Pati pag-inom ng tubigg hindi niya magawa."

 

"Alagaan mo naman kapatid mo." Natatawang sabi ni Heejin dito, "Grabe ka na talaga Ryujin Shin." 

 

Narinig ko ang mahinang halakhak ni Beomgyu, nandito din pala siya.

 

"Hindi kayo naglalaro nila Jaemin?" I asked, palagi kasi silang naglalaro tuwing gabi eh.

 

"Lalaro palang, sama ka?" Aya niya.

 

Napatingin ako sa oras, magna-nine palang naman. "Sige, mag-open na 'ko."

 

Habang naglalaro kami nila Beom ng COD ay naka-call pa din kami sa Messenger kaya rinig nila Jaemin at Haechan ang chinichika ni Ryujin.

 

"Ingay mo Ryujin." Pang-aasar ni Jaemin, "Rinig na rinig kay MJ amp."

 

"Tanggalin ko tenga mo eh!" Sigaw pabalik ni Ryujin, "MJ i-mute mo nga 'yan."

 

Tumawa si Beomgyu, "Ano ba kayo...iPad gamer 'yan." 

 

"Hahaha! Lakas naman pala." Si Haechan.

 

Dahil nga naingayan sila Jaemin sa dalawa ay walang choice ako kung hindi babaan yung dalawa ng tawag. Sabi ko ay tumawag nalang ulit sila after ten minutes. 

 

"Plant ka sa A." Utos ni Jaemin.

 

Sinunod ko, "Inuutusan mo ba 'ko?" Maangas na tanong ko.

 

"Oo, bakit?" Natatawang sabi niya.

 

Tahimik na kaming naglalaro, isa nalang yung kalaban. Dalawa pa kami ni Beomgyu na buhay. 

 

"." Si Beomgyu, "3 o'clock, Jeong." Kalmadong sabi niya.

 

Anong 3 o'clock, shuta.

 

Ito pinaka nakakakaba. Yung solo ka nalang, tas lahat ng teammate mo nanonood nalang sayo. Nag-simula din manggulo si Jaemin at Haechan kaya lalo akong nagpanic. Hindi ko mahanap yung kalaban!

 

Napatalon ako nang may biglang tumawag sa phone ko. Sabi kong after ten minutes eh!

 

"Sabi ko after ten minutes! Naglalaro ako!" Sigaw ko kayla Ryujin pagka-sagot ko sa tawag.

 

Tahimik lang yung kabilang linya.

 

Hindi ko pa din mahanap yung kalaban.

 

"Hindi ko mahanap yung kalaban!" Nagpapanic na sabi ko, "Ingay mo Jaemin!" Saway ko.

 

"Likod! Likod! Likod! Jeong, sa likod!" Sigaw ni Haechan, natatawa.

 

Agad kong tinalikod yung character ko, naka-aim na 'ko...hindi ko lang napindot dahil may nag-salita sa kabilang linya.

 

"You're done playing?" 

 

Namatay ako.

 

"Hoy! Minjeong sino 'yon?!" Pag-intriga ni Jaemin.

 

Tumawa si Haechan at Beomgyu, "May chix ka na pala ha! Akala ko ba si Karina lang?!" Si Haechan.

 

Nag-quit agad ako sa COD, at tinignan ng maigi ang screen ng cellphone ko.

 

Katarina Yoo

02:09

 

Gago! Two minutes na kaming naka-call!

 

"Hello...?" Salita niya.

 

I froze.

 

"A-ano...Rina." Nauutal na sabi ko, "S-sorry...akala ko k-kasi sila Ryujin e-eh." 

 

Nasigawan ko pala siya kanina.

 

She chuckled, "Ah, that one." Sabi niya, "Nagulat nga ako eh."

 

"Sorry...!!" Nahihiyang tugon ko.

 

Nakakahiya talaga! 

 

Nasigawan ko siya huhu.

 

"Win...it's okay." Natatawa pa din niyang sabi, "I just called kasi you were not answering my texts...and I kinda want to talk you before I sleep." Sinabi niya na parang wala lang sa kaniya.

 

Grabe ka na, Karina!

 

I bit my lip, "Talaga?" 

 

She hummed, "It makes me fall asleep."

 

"Yung ano?"

 

"Ikaw." My breath hitched, "Your voice helps me fall asleep."

 

Pumikit ako nang mariin.

 

Kinikilig ako...

 

"I can't sleep without listening to music...but your voice somehow makes me feel at ease." Pag-papatuloy niya.

 

Karina naman...dahan dahan lang. Mahina ang kalaban!

 

"Nandiyan ka pa?"

 

Agad naman akong napa-ayos ng upo, "Oo." I said bago ako lumipat ng pwesto, sumandal ako sa headboard, "Gusto mo kantahan kita?"

 

"Really? You'll sing for me?" Hindi makapaniwalang tanong niya,

 

I nodded, "Hmm. For you." 

 

"Okay..." I can already imagine her smiling, "I have a song suggestion."

 

Parang kinakabahan ako dito ah.

 

My forehead creased, "Ano 'yon?"

 

"Ikaw na nga...by Kuya Will." Sabi niya at humagalpak.

 

Agad naman akong natawa.

 

"Pag kinanta ko talaga sayo 'yan!" Natatawang sabi ko.

 

"Sige nga!" Hamon niya.

 

Kala mo ah!

 

Kabisado ko kaya 'yan!

 

Rinig ko ang tawa niya habang nagre-ready ako.

 

"Ready ka na ba?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

 

She chuckled, "Yes. Super!" 

 

Grrr.

 

Kung ano anong ginagawa ko para sayo.

 

Hay, Karina.

 

"Ikaw na nga~" Umpisa palang ay tinawanan niya na ako, "Ang hinahanap ng puso, ang siyang magbibigay ng saya, ng tamis, at lambing sa buhay ko~" 

 

Tawa siya nang tawa habang kumakanta ako.

 

"Saya ka?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

 

She grinned, "Yes, Win! Hahaha! I recorded it."

 

Agad na nanlaki ang mata ko, "Hala!...Bakit naman may pag-record?" 

 

Ngayon palang naiiyak na 'ko. Huhu, baka i-parinig niya kila Ryu at Yej. Huhu!

 

"It's only for me, don't worry." 

 

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ano. 

 

"Hahaha! Sakin nga lang." She said, alam niyang 'di ako naniniwala, "You sound great...uto uto ka lang talaga." Natatawang sabi niya sa akin.

 

Pinagtripan na nga 'ko, ininsulto pa 'ko.

 

"Che." Saway ko sa kaniya.

 

Mga thirty minutes siguro ay nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil pareho na kaming inaantok, kahit na gustong gusto ko pa siyang kausapin kahit na paluwa na ang mata ko. Ayos lang kahit wala akong tulog basta siya ang kausap ko.

 

"Hoy!" Napatalon ako sa pag-tawag sa akin ni Ryujin, "Nag-Tagaytay daw kayo? Ano ginawa niyo?" Sabi niya at umakbay sa akin.

 

Ang bilis nga namang kumalat ng balita.

 

I shrugged, "Tanong mo sa source mo."

 

"Kinakausap nang maayos eh!" She said.

 

Natawa ako, "Eh chumismis ka na ngalang hindi mo pa kinumpleto!"

 

Tinawanan niya ako, "Tanga, alam ko. Gusto ko lang manggaling sayo." Sabi niya habang may malaking ngisi, "Ano balita?"

 

"Alam mo naman pala."

 

"Konti lang kasi kinuwento sakin ni Yej!" Inis na sabi niya, "Parang others naman eh, ayaw mag-kwento."

 

Hindi ko pa din siya kinuwentuhan kahit na kaninang umaga pa siya nagmamakaawa. Pati nga si Heej at Beom ay narindi na sa kaniya. Pagdating ng lunch ay magkakasabay kami ng buong banda. Ang hindi ko lang inaasahan ay kasama nila Jaemin at Haechan si Renjun. 

 

Jaemin gave me an apologetic smile, "Sorry." He mouthed.

 

Inilingan ko lang siya. Umupo sila sa tapat namin, nagulat ako nang nag-lapag ng chuckie sa harap ko si Renjun. Nginitian niya lang ako at nag-pasalamat lang ako sa binigay niya. Nakita ko ang natatawang itsura ni Giselle sa akin.

 

"What do you like to eat? Libre na kita." Renjun said.

 

Bago pa ako tumanggi ay, agad namang umapila si Ryujin, "Si MJ lang?"

 

Naubo ako.

 

Walanghiya talaga.

 

Tumawa si Renjun, "Sige, libre ko na kayong lahat." Natatawang sabi niya.

 

"Wag na!" Sabi ko sakaniya, "Kaniya kaniya nalang tayo." 

 

Nakakahiya naman!

 

Hindi naman sa nag-mamaganda ako pero kasi alam ko yung ginagawa niya. Matagal na siyang umamin sa akin na may gusto siya sa akin, pero sinabihan ko siyang wala akong balak at willing daw siyang mag-intay. Ang hindi niya alam ay...sa babae ako nagkakagusto.

 

"Ako na." He said at hinawakan ang kamay ko na padukot na sa wallet ko.

 

Agad naman akong napaiwas.

 

Pareho kaming nagulat, "Sorry." He said.

 

I shook my head, "Ayos lang." Sabi ko, "Wag mo na silang ilibre, ako na magbabayad sa lahat." 

 

"Hindi, ako na." Pagpipilit niya.

 

"Ren, ako na." May pinalidad na sabi ko, "Hindi mo naman kailangang manlibre."

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
einjie_GF
#1
Chapter 15: 💙💙💙
einjie_GF
#2
Benggg,,, start startt
bigboy123
138 streak #3
📖📖👀👀
Wemon_ #4
Chapter 15: awwww:((( it was a good read. thank you for this story author!! ang cute nung story
Wemon_ #5
Chapter 14: mga bading mga bakla
Wemon_ #6
Chapter 11: hngggg naknampusa
Wemon_ #7
Chapter 10: approved naman pala kay mother🤩
Wemon_ #8
Chapter 9: HAHAHAHAHAHAHA andaming sinabi ng mama nya e
Wemon_ #9
Chapter 8: baby😭😭😭 btw epal nyang pinsan ni win
Wemon_ #10
Chapter 7: ang cute cute nila euueueueueueueue i like the song choices huhubells