Buwan

Teacher Wendy
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi mapakali si Wendy, pinagmamasdan niya ang natutulog niyang mga estudyante pero eto siya nakaupo sa sulok habang pilit na inaalis sa isip niya ang mga sinabi ni Yeri. Sinabi ni Seunghee ang pangalan nito sa kaniya pagtapos nilang kumain. "Edi maghanap siya ng iba akala niya naman..." Hindi natapos ni Wendy ang sasabihin niya nung maramdaman niya ang pagtulo ng luha niya, agad niya din pinunasan ito bago nagsimula na lumakad palabas ng room. Dahan dahan niyang sinara ang pinto at nagulat siya nung makita niya si Seulgi na nakangiti ng tipid sa kaniya.

"Bakit umiiyak ka ha?" umiling si Wendy bago ngumiti ng pilit, naglakad siya palabas ng school at nagpunta sa bench sa may playground. Agad din siyang sinundan ng kaibigan niyang oso. "Masakit ba?" hindi na napigilan ni Wendy na tumango saka bumuntong hininga, napayuko nalang din siya saka pinunasan ang luha niya. Lahat ng takot at pangamba nararamdaman ni Wendy ngayon. "Oh diba nasanay ka na nandiyan? Tapos sinaktan mo, ngayong wala saka mo hahanapin ano na Wendy?" nag sniff si Wendy habang nanatiling nakayuko. Hindi niya rin naman alam kung ano dapat niyang sabihin, totoo naman na may kasalanan din siya. "Mahal mo na ba Seungwan?" napatingin si Wendy sa kaibigan niya, ano nga ba itong nararamdaman ni Wendy? Napahawak si Wendy sa gilid ng bench bago dahan dahan na tumango. "Wendy... sinasabi ko sayo ayaw kong nasasaktan ka pero ikaw lang din gumagawa ng bagay na ikakasakit mo. Sabihin mo na yan kay Irene." tumayo si Seulgi bago nag inat inat tumingin ito kay Wendy bago tinapik ang ulo ng kaibigan. "Malaki ka na, alam mo na kung ano tama sa mali." nagbigay ng makahulugang ngiti si Seulgi bago siya pumasok ulit sa loob ng school.

-

Napabuntong hininga si Irene pagkatapos niya iend ang pangatlong call niya ngayong gabi. Napatingin siya sa orasan at nakita niyang alas dose na, sa wakas ay makakapagbreak time muna siya. Tumayo siya sa upuan niya at agad na lumabas ng kwarto niya. Sisilipin niya sana si Seunghee pero naalala niyang nasa pajama party pala ang pamangkin niya.

Kukuha na sana si Irene ng makakain nang makita niya si Yeri na naghahanap sa ref nila. "Hoy! Bakit mo kinukuha yang chocolate ni Seunghee." napahinto si Yeri sa pagkuha bago siya ngumiti ng malapad kay Irene, pagod na pagod ang mga mata nito at wala ring ano mang eskspresyon sa mukha ng call center agent.

"May alam ako tungkol kay Ate Wendy... pero dahil ayaw..." agad na sinungalngal ni Irene ang chocolate bar sa mukha ni Yeri, tinaas niya pa ang kilay niya saka tinitigan ang dalagang nakangisi. "Ay nananakit ka... wag na bahala ka dyan." agad na tumakbo palabas ng bahay nila Irene na tumatawa ng malakas.

"KIM YERIM!!!!!" sigaw ni Irene pero parang wala lang kay Yeri at nagpatuloy lang siya sa paglabas ng gate ng bahay nila Irene. Pagkasara ng gate ay bumuntong hininga nalang si Irene, miss niya na talaga si Wendy pero hindi niya din naman gusto na unang magtext sa teacher.

Pagkakuha ng snacks ay pumasok na si Irene pabalik sa kwarto niya, pagkaupo niya sa station niya ay napatingin siya sa phone niya na umilaw.

4 missed calls from Honey

Nanlaki ang mata niya at nilapag ang cup noodles, agad niyang dinampot ang phone niya, magtetext na sana siya nung muli itong nag ring. Bumuntong hininga si Irene at pinakalma ang sarili niya. Pagkasagot niya ay narinig niya ang hikbi ni Wendy sa kabilang linya. "I..Irene I miss you." bumilis ang tibok ng puso niya pagkarinig niya sa mga salitang sinambit ni Wendy, napasandal siya sa may computer chair niya. "Di mo ba ako namimiss honey?" napalunok si Irene saka tumitig sa wallpaper ng gaming pc niya na ginagamit niya rin sa work, picture nila ito ni Wendy nung nagpunta sila sa Intramuros kasi sobrang drained si Wendy sa work. "Sabi nung Yeri na nasa Naga ka, sabi din ni Seunghee na di ka umuuwi. Irene... uwi ka na here. I miss seeing you." narinig ni Irene ang hikbi ni Wendy, lalong bumibigat ang pakiramdam niya, napatayo nalang siya mula sa computer chair niya at agad na pinatay ang pc niya.

Hindi na nagsalita si Irene at binaba niya ang tawag, di narin siya pumara ng tricycle bagkos ay agad niyang kinuha ang susi na nakasabit. "IRENE BAKIT KA MAGMOMOTOR?!" hindi na nagpapigil si Irene. Agad siyang sumakay sa motor pagkatapos buksan ang gate. "Irene ano ba sinabihan ka na ng doctor na wag na magmotor diba?" tinitigan niya lang ang ate niya bago sinimulan na inistart ang makina ng motor niya. Ilang taon narin simula nung huli siyang sumakay sa motor, at ang huli ay ang dahilan ng pagkawala ng kaniyang ina.

Pinaharurot ni Irene ang motor, at nagmamadali na nagpunta sa school. Walang ibang gustong gawin si Irene ngayon kundi makita si Wendy. Ilang minuto ang lumipas ay bumaba siya sa motor niya. Nakita niyang nakabukas ang gate kaya agad siyang pumasok magkatapos magpakilala sa guard. Ilang minuto siyang tumatakbo sa loob hanggang sa nakita niya si Wendy na nakaupo sa may swing, nakayuko ito at umiiyak. Agad na nakaramdam ng sakit si Irene sa kaniyang puso, hindi niya lubusang naisip na makikita niya umiiyak si Wendy na siya ang dahilan. Walang ibang hinangad si Irene kung hindi mapasaya at iparamdam kay Wendy ang kaniyang pagmamahal. Dahan dahan siyang umupo sa tapat ni Wendy, tatlong araw siyang hindi nakipagusap o nagparamdam kay Wendy at alam niyang sobrang mali nito. Napalunok siya para alisin ang tila bara sa lalamunan niya. "Wendy I'm here." mahina at malumanay ang boses ni Irene. Hindi inangat ni Wendy ang ulo niya pero narinig ni Irene ang hikbi mula sa teacher. Napabuntong hininga siya bago niya dahan dahan na hinaplos ang maikling buhok ni Wendy. "I'm sorry, I'm sorry for being so sensitive. Di ko naisip na it will affect you like this." umiling si Wendy pero nanatili paring nakayuko, sobrang bigat ng pakiramdam ni Irene habang tinitignan si Wendy ngayon. Dama niya ang sakit sa bawat paghikbi ng babae sa harap niya. "Look at me please baby?" patuloy na umiling si Wendy, nakayuko padin ito at humihikbi. Hindi alam ni Irene kung ano ang dapat niyang gawin. Bumuntong hininga siya bago siya lumuhod sa harap ni Wendy, dahan dahan niyang hinawi ang buhok na tumatakip sa mukha ni Wendy. "Baby ko, please." dahan dahan na inangat ni Wendy ang ulo niya kaya naman napangiti ng matipid si Irene. Agad namang tumayo si Wendy bago niya niyakap si Irene. Nagbuga ng malalim na hininga si Irene saka nagtanim ng halik sa ulo ni Wendy. "Miss na miss ako niyan? Di naman ako aalis baby." umiling si Wendy bago hinigpitan pa ang yakap sa bewang ni Irene.

"Ayaw ko baka maghanap ka pa ng chix sa Naga ulit." mahinang bulong ni Wendy bago ipinikit ang mata, ang pabango ni I

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts, and follow me on Twitter @bunnybae2129! ♥

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
138 streak #1
Reread~ 🤭🤭
wandaful77
#2
Gago ang funny 😭😭😭
wishwishwish #3
di pa ko nagstart alam ko nang puro tawa na gagawin ko dito 😭😭
Samy327 #4
Chapter 1: At last!!! Wenrene comedy 🤧🤧
wandiso_01 #5
Chapter 10: right now this is my fave story!!!
wandiso_01 #6
Chapter 10: ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng kilig!!!!!
SEEKER_
#7
Chapter 10: Tangina ang tamis naman ng ending grabe mapapasana ol ka nalang talaga. Nawa'y lahat tayo magkaron ng magandang relationship
SEEKER_
#8
Chapter 7: Sisigaw sana ako ng "walang poreber!"pero tangina bihira nga lang pala sa mga wenrene stories yung di angst. Okay shatap nalang ako. Sabi ko nga may rights. Sabi ko nga dasurv
-WenRene15- #9
Chapter 10: I love this story. I'm glad I can read tagalog. Thank you author
SEEKER_
#10
Chapter 6: Medyo masakit yon sa part ni Irene gusto mo may gawin tapos wala kang magawa kasi di naman kayo