Cornetto

Teacher Wendy
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising si Wendy sa sunod sunod na tunog mula sa cellphone niya, nakatulog nalang pala siya habang iniisip ang guardian ng student niya, na mukhang guardian angel niya rin. Totoo namang mukhang anghel si Irene naginat nalang si Wendy bago tinignan ang phone niya. Nanlaki ang mata ni Wendy nang makita niya ang notifications niya, nagisip pa siya kung nagpost ba siya ng any cover lately pero dahil sobrang busy na siya sa work hindi niya naman talaga nagawa. Mas lalo pang nanlaki ang mata ni Wendy nang makita niya ang notification niya. 

renebaebae follows you

Napalunok si Wendy, mag s-scroll pa sana siya nung biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya, hawak ni Seulgi ang cellphone niya habang nakatitig kay Wendy, sobrang laki ng mata niya parang hindi siya makapaniwala sa mga bagay na nakikita niya. "SEUNGWAN!? SON SEUNGWAN ANO TO!?"  hindi rin naman alam ni Seungwan kung paano ieexplain kay Seulgi kasi hindi niya rin alam kung bakit ba ginagawa ng tita ng estudyante niya ito. Agad namang dumagan si Seulgi kay Seungwan saka tinitigan ang best friend niya na may nakakalokong ngiti. "Seungwan shet ka sobrang ganda niyang dilag ha! Jackpot ka pre! BABY GIRL DAW OH!" tinakpan naman ni Seungwan ang tenga niya saka tinulak si Seulgi para mapaupo na siya sa kama niya. Ang kaibigan niyang mukhang oso ay nakangti padin habang sinisiko si Wendy. "Seungwan finally magkakajowa ka na! Hindi ka na malungkot!" umirap nalang si Wendy saka kinuha ang uniform niya sa loob ng cabinet, naiwan naman si Seulgi sa kama niya na nakahiga. May nakakalokong ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ang kaibigan niya. Pagpasok ni Wendy sa loob ng banyo ay agad na ginawa ni Seulgi ang kaniyang plano. "Sabihin mo nalang Seungwan, Salamat Kang Seulgi." yan nalang ang sinabi ni Seulgi bago siya lumabas ng kwarto ni Seungwan para maghanda na ng almusal. 

-

Excited si Irene, hindi mali yung word na excited, super duper excited si Irene na makita ang kaniyang baby girl na ubod ng pogi. Parang nakalimutan niya na agad ang planong maging mayaman na tita na minsan lang umuuwi at namimigay ng isang libo, nawala na agad ang ganoon niyang plano para bang yung plano ni Irene na yun ay naging isang lobo na lumipad sa langit kaya kahit kelan hindi niya na nakita. 

Nilapag naman ni Irene ang hinanda niyang mac and cheese para kay Seunghee, pati narin ang favorite na watermelon juice ng pamangkin niya. Napatingin si Irene sa orasan, dapat niya nang gisingin si Seunghee at paliguan ito. "Seunghee... baby it's time for you to wake up." napangiti si Irene habang pinagmamasdan ang pamangkin niya na nagstrustruggle na ibukas ang mga mata niya, agad namang tinaas ni Seunghee ang mga kamay niya para magpakarga sa tita niya. "Ang baby namen inaantok pa?" tumango si Seunghee bago pinikit muli ang mga mata, agad namang nagpunta si Irene sa loob ng banyo habang buhat buhat si Seunghee. Nakapaghanda naman na si Irene ng warm water para sa pamangkin niya. Pinaupo naman ni Irene si Seunghee sa may toilet bowl saka tinapik ang pisngi nito. "Come on, you don't want to be late right? Gusto mo ng star from baby.... from teacher Wendy." gustong sampalin ni Irene ang sarili niya, muntik niya na tawagin na baby girl si Wendy sa harap ni Seunghee. 

"Sino baby mo tata?" natawa si Irene saka pinisil ang pisngi ng pamangkin niya, natawa nalang siya saka pinatayo si Seunghee. Nagaantay parin nang sagot ito habang nakatingin kay Irene. 

"Si Seunghee, ikaw baby ka namin right? Now let's take a bath na so you can eat and we can head out." agad namang sumunod si Seunghee kay Irene, kita naman sa mga galaw ni Irene na sanay siya na alagaan ang pamangkin isa talaga siyang ulirang tita, pero basta alam ni Irene sa sarili niya na hindi na lang siya magiging isang ulirang tita ngayon. Makalipas ang ilang minuto ay nakaupo na si Seunghee at kumakain. Sinamantala naman ni Irene ang pagkakataon para magcheck ng cellphone niya. Nagulat naman si Seunghee nang biglang tumili ang tita niya at napatayo pa ito sa upuan niya. "ANG POGI MOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO" nanlaki ang mata ni Seunghee saka nilapag ang spoon niya para pagmasdan ang namumulang mukha ng tita niya. 

"Tata what's wrong?" umiling naman agad si Irene saka niyakap ang pamangkin niya. Hindi alam ni Irene kung gusto niya bang magpasalamat na sinundo niya si Seunghee kahapon kasi nakakaramdam siya ng kilig ngayon, pero ang alam lang ni Irene ay gusto niya mag thank you ulit sa universe kasi pinayagan na makita niya ulit ang teacher na may maikling blonde na buhok. Ngiting ngiti si Irene saka ulit nag tweet. 

"Thank you Seunghee! Tapos ka na ba? Should we go now?" tumango si Seunghee saka ininom ang natitirang watermelon juice. Agad agad niyang nilagay ang mga hugasin sa lababo at saka agad na dinampot ang susi at ang wallet niya. Tinext niya rin ang ate niya na paalis na sila sa bahay. After masigurado na naka lock ang pinto ay tumawag na siya ng tricycle. 

"Ate Irene pwede ba ako makisabay?" nagulat si Irene nung makita niya si Yeri na bitbit rin ang kaniyang school bag. Tumango naman si Irene saka ngumiti bago sila pumasok ni Seunghee sa loob ng tricycle ni Lisa. Hawak ni Irene ang bag ni Seunghee habang nakatingin siya sa labas. Ramdam ni Irene ang excitement at anticipation. Hindi niya rin naman alam kung paano kukunin ang attention ni Wendy ngayon pero ang tanging gustong gawin ni Irene ay hingin ang number niya. Huminto naman ang tricycle, magbabayad na sana si Yerim pero pinigilan ito ni Irene. "Thank you ate! Good luck sa school today Seunghee! Bye bye!" agad namang kumaway si Seunghee saka ngumiti, sinuot naman ni Irene ang bag nang pamangkin sa likod nito. 

"Let me walk you nalang kasi I need to let your teacher know na she needs to help you drink your medicine after recess time." totoo naman yun, sinabi naman na ng ate niya sa text kay Wendy yun, pero gusto lang talaga sumilay ni Irene at yun nalang ang naisip niyang dahilan. Tumango naman si Seunghee bago hinawakan ang kamay ng tita niya. 

Pagpasok palang nila sa loob ng school ay naalala na ni Irene ang naging reaction ni Wendy kahapon sa banat niya, gusto niyang matawa pero di niya mapigilan na kiligin nung makita niya ang namumulang tenga ni Wendy pati ang pisngi nito. "TEACHER SEULGI! TEACHER WENDY!" nagulat naman si Irene nung sumigaw si Seunghee at tumakbo palapit sa dalawang teacher. Seulgi? Naalala ni Irene yung nagtweet kaninang umaga. 

"How are you feeling na Seunghee baby?" binuhat naman agad ni Wendy si Seunghee bago siya nagbow kay Irene. Hindi rin alam ni Wendy kung bakit siya kinakabahan, nakatayo lang naman si Irene sa harap niya habang bitbit ang lunchbox ni Seunghee. 

"You are calling me a baby too! Baby din ako ni tata Irene!" agad namang naubo si Wendy at nakita niyang tumatawa ang kaibigan niyang si Seulgi kaya agad niya itong siniko. Nagbow din naman si Seulgi kay Irene. 

"I know nasabi na ng mom ni Seunghee pero I just want to remind her medicine later after recess kaya I'm here." tumango naman si Wendy saka tumipid na ngiti sa dilag sa harap niya. Hindi alam ni Wendy kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso niya, hindi niya rin magawang titigan si Irene dahil parang nalulunod siya sa mga maamong mata nito. Bakas sa mata ni Irene ang pagod at antok pero pinipilit niya padin na manatiling gising. 

"Yes po miss Irene, I'll keep that in mind po. Uhm you look so tired, here have some tea di ko pa naiinom yan." kinuha ni Wendy ang tea na hawak ni Seulgi, hindi naman mapigilan ni Irene na kiligin. Inilagay ni Irene ang mga takas ng kaniyang buhok sa likod ng tenga niya bago ngumiti ng malapad kay Wendy. 

"You are sweet naman pala talaga baby girl. I guess you are a charmer." namula naman si Wendy at saka tumingin kay Seulgi para humingi ng saklolo, pero yung kaibigan niya ay parang naeenjoy pa ang nangyayari sa kaniya ngayon. Hindi alam ni Wendy kung ano ang dapat niyang sabihin or ano. "Thank you Wendy for the tea. I really love tea kasi I don't drink coffee." hindi rin alam ni Wendy kung bakit niya tinandaan kung ano man ang sinabi ni Irene. Ngumiti nalang siya ng tipid bago naglakas loob na tumingin sa mga mata ng dalaga. Gustong manghina ni Wendy at lumuhod nalang, para talagang anghel si Irene na nahulog sa lupa. 

"W..Walang A..anuman miss Irene."  gustong magpalamon ni Wendy sa lupa, sobrang nahiya siya sa pagkautal niya. Gusto niya lang naman sabihin kay Irene na wala yun pero hindi niya magawang hindi mautal, paano siya di mauutal kung unti unti siyang nalulunod sa mga magagandang mata ni Irene. 

"No! I would like

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts, and follow me on Twitter @bunnybae2129! ♥

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
134 streak #1
Reread~ 🤭🤭
wandaful77
#2
Gago ang funny 😭😭😭
wishwishwish #3
di pa ko nagstart alam ko nang puro tawa na gagawin ko dito 😭😭
Samy327 #4
Chapter 1: At last!!! Wenrene comedy 🤧🤧
wandiso_01 #5
Chapter 10: right now this is my fave story!!!
wandiso_01 #6
Chapter 10: ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng kilig!!!!!
SEEKER_
#7
Chapter 10: Tangina ang tamis naman ng ending grabe mapapasana ol ka nalang talaga. Nawa'y lahat tayo magkaron ng magandang relationship
SEEKER_
#8
Chapter 7: Sisigaw sana ako ng "walang poreber!"pero tangina bihira nga lang pala sa mga wenrene stories yung di angst. Okay shatap nalang ako. Sabi ko nga may rights. Sabi ko nga dasurv
-WenRene15- #9
Chapter 10: I love this story. I'm glad I can read tagalog. Thank you author
SEEKER_
#10
Chapter 6: Medyo masakit yon sa part ni Irene gusto mo may gawin tapos wala kang magawa kasi di naman kayo