[Special Chap]

Pinoy Henyo
Please Subscribe to read the full chapter

AN: Thank you for your comments! And since most of you are nabitin talaga sa story ni Whipped Wendy at Irene here's a special chapter for all of you. I hope you'll enjoy it as much as I did while writing it! 

Sa bawat pag gising ni Wendy sa bawat araw, gusto niyang tanungin ang sarili niya kung totoo ba ang lahat ng ito? Pikit mata niyang inabot ang cellphone niya sa may bed side table at dahang dahang binuksan ito. Ang gandang bungad ng mukha ng mahal niya at nariyan pa ang isang message.

Mahal: Good morning mahal ko, sabay tayo breakfast maaga umalis si Yeri eh.

Hindi mapigilan ni Wendy ang pagsibol ng kaniyang ngiti sa kanyang labi. Totoo ang lahat, hindi ito isang panaginip. "Puta, ngiting ngiti tayo diyan Wendy ha. May bago ka na bang sinisipat at naka move on ka nang tuluyan kay Ate Irene?" Gustong matawa ni Wendy, napagdesisyunan kasi nilang maging lowkey muna at hindi muna ipaalam kahit kanino ang kanila relasyon. Ayaw rin naman kasi ni Wendy na maging uncomfortable si Irene, kilala niya kasi ang mga tropa niya at for sure pag tritripan at aasarin na naman siya ng mga ito at for sure madadamay rin ang girlfriend niya. Girlfriend niya, ang sarap pakinggan, kilig na kilig naman si Wendy gustong manginig.

"Tanga loyal ako kay Irene, bakit ka ba nandito ang aga aga mong mang gulo." agad namang sinara ni Seulgi ang pinto ng kwarto ni Wendy. Bakas sa mga mata ni Seulgi na may hihilingin na naman siya sa bestfriend niya. "Ano na naman yan Kang Seulgi?" nilapag naman ni Wendy ang cellphone niya sa bed side table saka tinitigan ang kaibigan niya.

"Punta tayo nang La Union, nagyayaya kasi si Joy birthday ko naman Wendy! Dali na. Tatawagan mo lang naman si Tita para dun tayo sa beach house niyo! Grabe Wendy para ka namang hindi tropa." napairap nalang si Wendy, alam naman niya na hindi susuko si Seulgi hanggang hindi siya mapapa-oo neto. Gusto niya narin namang magmadaling makalabas ng kwarto niya para makapagbreakfast kasama ang mahal niya.

"Oo na! Tatawagan ko si mommy mamaya. Sa Friday tutal long weekend naman. Umalis ka na maliligo nako." tumingin si Seulgi sa kanya, bakas sa mga mata nito ang pagtataka.

"Wala tayong klase ngayon Seungwan, makikipag date ka ba?" hindi naman siya umiinom ng tubig pero gustong masamid ni Wendy sa sinabi nang kaniyang matalik na kaibigan. Agad namang tinulak ni Wendy palabas si Seulgi ng kwarto niya at dali daling nilock ang pinto. Napabuntong hininga pa ang bokalista bago kinuha muli ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa.

Mahal: Good morning mahal pasensya na late reply si Seulgi kasi nandito kanina sa kwarto. Shower lang ako tapos kain na po tayo para mahatid na kita sa OJT mo. I love you.

Bakas ang saya sa mga mata ni Wendy bago siya dali daling pumasok ng banyo. Iniisip na agad ang panibagong araw na kasama niya si Irene.

-

Narinig ni Irene ang katok mula sa pintuan nila, agad agad siyang tumayo mula sa couch at binuksan ang pintuan nang may ngiti sa mga labi niya. "Masyado ka namang nangaatake mahal ang ganda ng ngiti mo ha." napairap naman si Irene saka hinila papasok si Wendy, agad niya namang naramdaman ang yakap ng bokalista mula sa likod niya. "Masarap ba tulog mo?" mabilis ang tibok ng puso ni Irene, ramdam niya rin ang bawat paghinga ni Wendy.

"Opo, sino ba namang hindi sasarap ang tulog kapag kinkanatahan ako ng isang Wendy Son." bahagya namang natawa si Wendy saka nagtanim ng halik sa pisngi ng dalaga. Sa mga oras na ganito, ramdam na ramdam ni Irene ang pagmamahal ni Wendy sa kanya. Higit dalawang buwan narin ang nakakalipas simula nang magsimula ang relasyon nila, ngunit walang araw na hindi pinaramdam ni Wendy ang kanyang pagmamahal at pagaalaga sa kanya. 

"Free ka ba this Friday? I mean kayo ni Yerim?" napaisip ang dalaga bago ito dahang dahan na tumango. "Nagyayaya kasi si Seulgi sa La Union this Friday. Sa beach house lang naman namin, birthday kasi niya. I hope you can join us."  napatingin naman si Irene sa mga mata ni Wendy, ilang buwan narin naman silang magkasintahan pero hindi parin maiwasan ni Irene na makaramdam ng samutsaring emotion sa tuwing tumitingin siya sa mata ng bokalista. 

"Your birthday is coming narin, okay I'll come with you guys." sumibol ang ngiti sa labi ni Wendy bago siya tuluyang umupo sa may couch. Nakita niyang hinanda ni Irene ang umagahan na niluto niya para sa kanila dalawa. 

"Mahal, naisip ko lang, ang saya siguro sa pakiramdam na gigising ako tapos ikaw una kong makikita." bakas sa mukha ni Irene ang pagkagulat sa sinabi ni Wendy, agad namang namula ang mukha ng dalaga bago siya umupo sa tabi ni Wendy after niyang ilapag ang pagkain sa mesa. "Tapos o kaya magigising ako tapos nagluluto ka ng breakfast natin, wala naisip ko lang ang domestic tapos kinikilig nako agad."  Hindi alam ni Irene, pero pinagmamasdaman niya lang si Wendy habang kumakain ito, mabilis ang tibok ng puso niya habang pinagmamasdaman si Wendy na masayang kumakain. 

"Seungwan mahal kita." agad namang nilapag ni Wendy ang plato sa mesa saka tumingin kay Irene, hindi niya napigilan ang sarili at agad agad na inangkin ang labi ni Irene. Hinayaan niya na lamang na ang mga labi niya ang magparamdam at magsabi ng kanyang pagmamahal kay Irene. 

Isa lamang ang alam ni Seungwan, kahit na ang mundo ay puno ng duda at ang bawat araw ay puno ng hindi kasiguraduhan. Nandito si Irene para piliin siya sa araw-araw. 

-

Natapos si Irene sa last shift niya to complete her OJT, sa wakas at ang kailangan niya nalang gawin ay idefend ang thesis niya at makaka graduate na siya. Napabuntong hininga si Irene bago niya kinuha ang bag niya. Medyo maaga natapos ang work nila today kaya napagpasyahan niya munang pumunta sa Gongcha. Sure kasi siya na wala pa si Wendy dahil five ang tapos ng klase niya. Naalala niya rin na bukas pala ang alis nila papunta sa La Union. Pagkatapos umorder ng milktea ay umupo muna si Joohyun saka nilabas ang cellphone niya. Napangiti siya nang makita niya ang message mula kay Wendy. 

Mahal: Papunta nako mahal, wait nalang kita sa tapat ng building niyo. I love you. 

Iba parin talaga ang kilig na dalawa ng bawat I love you ni Wendy sa kanya. Kilig na kilig parin siya kapag nababasa at naririnig niyang sinasambit ni Wendy ang mga salitang yun. Uminom si Irene mula sa milktea niya habang inaantay ang tawag ni Wendy. Iniisip niya narin na yayain si Wendy sa mall para samahan siya bumili ng mga gagamitin niya for tomorrow. 

Ilang minuto ang lumipas at nakita niya na si Wendy sa labas ng building nila, agad namang napangiti si Irene nang makita niya ang bokalista na may bitbit pang bulaklak habang nakasandal sa sasakyan niya.  "Ang pogi mo dyan Wan." natawa naman ang bokalista bago lumapit kay Irene para iaabot ang bulaklak. Kitang kita sa mga mata ni Irene ang saya alam talaga ni Wendy kung paano siya mapapasaya sa kahit anong paraan. 

"Congratulations Hyun for finishing your OJT, you did well." ramdam ni Irene ang sinseridad ni Wendy, naramdaman niya ang halik sa kanyang noo. Naisip ni Irene na sobrang swerte niya na siya ang pinili at mahal ni Wendy. Sobrang swerte niya at dahil siya lang ang tanging tao na makakaramdam ng sinseridad at pagmamahal ng isang Wendy Son. 

"But you also did well sa paghatid sundo sa akin. You are so makulit kasi sabi ko naman na I can go home alone." pinisil ni Irene ang pisngi ni Wendy, nagpout ang bokalista habang nakatingin lang sa babaeng pinakamamahal niya. "I appreciate all of your efforts mahal. Thank you po." mabilis na humalik si Irene sa nakapout na labi ni Wendy saka ngumiti, sobrang ganda talaga ng mahal niya at hindi siya magsasawang sabihin yun. 

"Anything for my cutest rabbit! Kahit lagi kang galit pag ihahatid kita sa umaga." napairap naman si Irene bago siya sumakay sa loob ng sasakyan ni Wendy. Naalala niya pa ang unang beses siyang nakasakay dito halos isang taon nang nakakaraan. Pinipilit parin ni Wendy sa kanya na date yung pagkikita nila sa Puregold hanggang ngayon. "Nagugutom ka ba? Dinner muna tayo before umuwi?"  natigil sa pagmunimuni si Irene at agad na tumingin kay Wendy. Nasa lap niya ang bulaklak na bigay ng kasintahan. 

"So talagang cinoconsider mo yung puregold as our first date? Hindi yung time na tumambay tayo sa may Luneta habang kumakain ako ng kwek-kwek?" natatawa si Irene kasi naalala niya pa kung paano natapos ang conversation nila ni Wendy noon. Nasa in denial stage pa siya ng mga panahon na yun. "That time na sinave mo ko from Suho after...." di natapos ni Irene ang sasabihin niya nung pinisil ni Wendy ang kanyang kamay. 

"I can still clearly remember it mahal, yan yung time na tinanong mo ako kung sure ba akong sasali ako sa pinoy henyo with you." bahagyang natawa si Wendy sa kaniyang sinabi saka inistart ang makina ng sasakyan niya. Sariwa pa sa alaala niya ang mga sandaling yun. Magiisang taon na pero hindi parin mapigilan ni Wendy na mapangiti tuwing naaalala niya yun. "Sa Puregold kasi ako mas nagkaroon ng pagasa sayo eh. Di ko alam after mong punasan yung ulo at balikat ko pagkasakay natin dito. Naramdaman ko for awhile yung care mo narealize kong grabe hindi pala talaga ako nagkakamali na magustuhan ka." bumilis ang tibok ng puso ni Irene pagkarinig niya ng mga salitang yun mula kay Wendy. Humalik ang bokalista sa kamay ng dalaga bago bumuntong hininga. "Ikaw ba? When did you realized it? Ano yung cinoconsider mong first date natin?" hindi rin alam ni Irene kung kailan at saan niya naramdaman ang lahat. Sa totoo lang, alam naman ni Irene na isang complete package si Wendy at sa tuwing napaguusapan nila ni Yerim ang bokalista ay napapangiti siya sa di niya malamang dahilan. 

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula talaga, pero every single time na napaguusapan ka namen ni Yerim, every time na nagshashare siya kung ano ginagawa niyo sa banda and kung ano ka as a person I always find myself smiling to Yerim's stories. Akala ko at first, napapangiti ako kasi si Yerim yung nagkwekwento, pero I realized when I had the chance to spend time with you na ikaw pala talaga yung reason. You are so beautiful, not just your physical appearance, not just because of your eyes, pero mahal you're such a good person. You deserve the world."  maraming tumatakbo sa isipan ni Irene, gusto niyang sabihin lahat ng mga ito para maparamdam niya kung gaano ka especial si Wendy para sa kanya. Hindi rin lubos akalain ni Irene na magkakaroon siya ng pagkakataon na mahalin at alagaan ang nagiisang Wendy Son at alam ni Irene na wala siyang balak bitawan at pakawalan pa ang bokalista. "Naalala ko pa when I asked you sa may Luneta if paano ka napapayag? Mabilis mong sinabi yung una mong sinabi and you think that I didn't picked that one up?" tumawa ng bahagya si Irene saka linapit ang mukha niya kay Wendy, may nakakalokong ngiti sa mga labi ng dalaga na agad namang nagpatawa kay Wendy. "Kasi sabi niya ikaw kasama ko? Wendy super cute mo that day.  If you only know kung ilang beses kong hinampas si Yerim pag uwi ko that night. I was like seryoso ka ba that time. That's when I realized that I'm slowly developing feelings for you. After you saved me that night, after you stayed with me and made sure that I'm home safe. You're really something else Wendy."  iba talaga magalaga at magmahal ang isang Wendy Son. Napangiti si Irene bago sumandal sa balikat ni Wendy. Hawak niya ang kamay nang bokalista bago siya bumuntong hininga. "I'm so lucky to have you in my life. To have someone as genuine as you. Mahal na mahal kita I hope you know that." napangiti nalang si Wendy bago siya tumango. Kahit hindi sabihin ni Irene ang tatlong salitang yun, ramdam niya ang pagmamahal ni Irene sa kaniya at sobrang swerte rin ni Wendy na magmahal at mahalin ang nagiisang Bae Joohyun. 

Matapos ang ilang minuto, nakarating si Wendy at Irene sa may SM. Magkahawak kamay silang naglalakad sa may department store. "Ano bibilihin mo?" nagtanong si Wendy habang patuloy silang naglalakad sa may loob ng department store. Hindi naman umimik si Irene saka huminto sa section ng pang swimming. Nakatayo lang si Wendy sa likod niya, sumusunod sa bawat hakbang niya. Nanlaki ang mata ni Wendy nang damputin ni Irene ang pink at isa pang black na two piece.

"Which one is better?" napalunok si Wendy nang marinig niya ang tanong ng girlfriend niya. Parang pinagpapawisan si Wendy habang nakatingin lang siya kay Irene. Hindi niya alam kung nangaasar lang ba si Irene o sinusubukan talaga siya ng langit. Hindi alam ni Wendy kung ano ang isasagot niya, lumilipad ang isip niya habang nakatingin lang siya kay Irene. "Hindi ba siya bagay saken? I don't think you like it." nagpout naman si Irene at bago niya pa malapag pinigilan ni Wendy ang kamay niya na agad na kinagulat ni Irene. 

"N...No!!!" nagulat si Irene sa naging reaksyon ni Wendy, namumula ang tenga nito habang nakatingin sa kaniya. Gusto niyang matawa pero sobrang cute ni Wendy na sobrang kinakabahan ngayon. Malalim ang paghinga ng bokalista habang nakatingin sa kaniya. "I know that it will look good on you. Don't return it." bahagyang kumalma si Wendy, pero namumula parin ang tenga niya habang hawak padin ang kamay ni Irene. Pati yung sales lady na nasa harap nila napapangiti sa eksena nilang mag jowa ngayon. "It's just... I'm sure that I won't stop staring at you once you're wearing that." at ngayon si Irene naman ang namula, pati si ateng sales lady ay kinilig kaya naman agad na tumingin si Irene sa kaniya. Gusto atang kutusan ni Irene si ate kasi nakikishare sa kilig niya for her jowa. "Let's go buy it na, I'm sure gutom ka na and pagod ka na mahal." sumunod nalang si Irene kay Wendy agad naman niyang hinawakan ang kamay ni Wendy. 

"Galit ka ba?" gustong lumuhod ni Wendy, bumungad sa kaniya ang maamong mukha ng girlfriend niya, bahagyang naka pout pa ang mga labi nito kaya mas lalo siyang naging cute. Hindi alam ni Wendy kung sinusubok ba talaga siya ng langit na magkasala ngayong gabi. "Talk to me." sobrang bilis ng tibok ng puso ni Wendy habang nakatingin siya kay Irene, sobrang ganda talaga ng mahal niya at gusto niyang ipaalam sa buong mundo na sa kaniya lang si Irene. 

"Why would I even be mad mahal? I'm not okay. Hali...." natigil si Wendy sa pagsasalita nang makita niya si Yerim sa di kalayuan. "Irene wait wait nakita ko si Yerim!" agad na lumayo si Wendy kay Irene, hindi alam ni Wendy kung ano ang gagawin niya. Napabuntong hininga naman si Irene saka hinila palapit si Wendy sa kaniya. "Irene... we agreed to keep it a secret diba?" napabuntong hininga si Irene bago siya tumango, binitwan niya ang kamay ni Wendy kahit labag ito sa kalooban niya. "Just call me if ever na makakahiwalay ka sa kaniya hmm? I'm sorry we can't eat together tonight." mabilis na humalik si Wendy sa pisngi ni Irene bago tuluyang tumakbo papunta sa kabilang direction. 

Wala namang nagawa si Irene kung hindi pumila sa may counter at mag acting na masurprise na makita si Yerim. "Oh ate! Ano ginagawa mo dito?"  walang kagana ganang tumingin si Irene kay Yerim. Asar na asar siya na umalis pa si Wendy imbis na sabay silang kakain ngayon dahil lang na nandito si Yerim. 

"Hindi ba obvious?" tumingin naman si Yerim sa hawak niya bago ngumisi at siniko ang ate niya. Napairap naman si Irene habang nakatingin sa kapatid niya. Alam niyang mangaasar na naman ang sugo ni Lucifer. 

"Ikaw ate ha! Kanino ka nagpapaganda? Di ka naman nagsusuot ng ganiyan dati. Ikaw ha! Sino jowa mo dun sa mga ate ko?" napairap nalang si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
LockLoyalist
#1
Chapter 5: Ay wow Joohyun hahaha yes girl
ky2488
#2
Chapter 5: Waaaa special chapter! Speed ka, author-nim!! Kakapa poll mo pa lang kahapon ah 😂 Thank you so much for this! Cute cute talaga nila and I really like how you ended the chapter 👏
mklarisse_ #3
Chapter 5: ang ganda 😭😭 sobrang daming feels grabe po huhuhu
hi_mitochondria #4
Chapter 5: 😭😭😭😭😭😭😭💗💙
M_jeeh08
#5
Chapter 5: Thank you po sa update🥰💙❤️
hi_mitochondria #6
Chapter 4: 💗💙💗💙💗💙💗💙💗💙
ky2488
#7
Chapter 4: Gaahh nakakainis! Bakit ang cute cute nila! Kasalan na ba sa next chapter, author-nim? Haha thank you so much and looking forward to your next stories! 😍😍😍😍
Nazrif
#8
Chapter 4: Wawwoo we get special chapter thank you so much author omg sobrang sweet nila together and sana makita kita sa ibang story or new story baka hehehe once again thank you author.💝💙🤧😻👏🏻👏🏻👌🏻👌🏻👍🏻👍🏻🔥🔥👋🏻😊😅😁