SPECIAL CHAP LAST NA SIGURO? WHO KNOWS?

Pinoy Henyo
Please Subscribe to read the full chapter

Maraming salamat po sa umuulan na biyaya mula sa ating pinakamamahal na magulang. At dahil masyado akong happy because of all the happenings right now. Here's another special chapter. I hope ma enjoy niyo rin siya kasi naka ilang sana all ako while nagsusulat! 

-

Pinagmasdan ni Irene ang maamong mukha ni Wendy, malalim ang paghinga ni Wendy habang payapang natutulog. Hindi mapigilan ni Irene na mapangiti habang tahimik na pinagmamasamdan ang mukha nang kasintahan niya. Sigurado si Irene na pag gising ni Wendy ay masakit ang ulo nito at possible na hindi niya na matandaan ang nangyari bago siya makatulog kagabi. "Look at you, ang calm calm ng mukha mo pag tulog ka mahal, pero super super kulit mo whenever you are awake." hinawi ni Irene ang mga buhok na nahuhulog sa mukha ni Wendy, napangiti naman siya nang maramdaman niyang higitin ni Wendy palapit sa kaniya, humigpit ang yakap ng bokalista kay Irene. "Nandito lang naman ako, di ako aalis mahal." narinig niya na nag hum si Wendy bago nag snuggle sa crook ng leeg ni Irene.

"I know you love me so much kaya you can't go away." napairap si Irene, pero totoo naman, ni minsan hindi niya naisip na mahuhulog siya at magmamahal ng tao kagaya nang pagmamahal niya kay Seungwan. Akala niya matatapos siya nang pagaaral na walang taong makakapagpatigil ng mundo niya, akala niya ay magiging isang huwarang ate na lamang siya kay Yerim hanggang sa tumanda siya, pero eto siya ngayon, nagmamahal ng isang talented, at napakabait na anghel. "I want some coffee, but I don't want to leave this bed." nagtanim ng halik si Irene sa noo ng bokalista, agad naman itong sinuklian ng ngiti, yung ngiti ni Wendy na agad nakakapagtanggal ng lahat ng worries at doubts ni Irene.

"Sabi ko naman kasi sayo na drink moderately lang, masakit ba ulo mo? How can we go out niyan if you're hang over." nagpout naman si Irene habang pinagmamasdan si Wendy, agad namang umupo ang bokalista saka ngumiti kay Irene. Hindi mapigilan ni Irene na matawa habang tinitignan si Wendy na dali daling tumayo sa kama, ang kamay nito ay nagpunta sa sintido niya bago ulit ngumiti kay Irene na parang walang nangyari. "Look, bago ka lumabas, I think you should prepare yourself sa mga tanong ng friends mo." napabuntong hininga si Wendy bago lumapit kay Irene na nakahiga parin sa kama, may nakakaloking ngiti sa labi ng dalaga. "Ano? Ikaw yung naging clingy kagabi tapos ikaw tong kinakabahan ngayon." tumawa si Irene bago ito umupo habang nakasandal ang likod sa may head board ng kama. Masaya niyang pinagmamasamdan ang kabadong mukha ni Wendy. "Ano nga ulit yun? Mahal tulog na tayo please? I want to hug you ulit tonight." namula naman ang mukha ni Wendy habang nakatingin lang kay Irene, samantalang yung girlfriend niya tumatawa lang. "Mahal, ganun ka ba ka whipped talaga saakin? Come here." nakapout si Wendy habang dahan dahan na umupo sa tabi ni Irene sa kama, agad namang hinawakan ni Irene ang kamay ng bokalista bago humalik sa labi niya. "You are so cute naman. Halika na! Let's eat then go out for a swim hmm? Wag ka na mahiya sa kanila. Eh narinig ko nga kay Seulgi kung gaano mo pinipilit si Yerim na magkwento about me." tumawa nalang silang dalawa bago sabay na nagpunta sa banyo para magbrush ng teeth at kung ano pa. 

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na si Wendy at Irene, laking gulat nila nang makita nila si Seulgi na nakatayo sa harapan ng pintuan nila. Ang mga mata niya ay nanlilisik. Agad namang nagtago si Irene sa likod ni Wendy habang hawak parin ang kamay nito. "Grabe ka Son Seungwan! Akala ko pa ako naman yung una pa sa first na makakaalam pag umusad ka kay Ate Irene!" Kitang kita ni Irene kung paano nagiba ang tingin ni Seulgi nang makita niyang nagtatago siya sa likod ng bokalista. "Ate Irene, hindi ako sayo galit, kay Wendy ako naiinis." pinisil ni Irene ang kamay ni Wendy bago sila nagkatinginan. Napasinghap naman si Seulgi bago bumuntong hininga. "Naglalandian pa kayo sa harap ko ngayon, pagkatapos niyo akong pagmukhang tanga! Ate Irene alam mo bang araw araw kong inaasar yan! Pinamigay ko pa naman number niya kahapon sa Nursing depart..." hindi na natapos ni Seulgi ang sasabihin niya, nakita niya nalang kung paano nagtransform si Irene from the calm and composed Irene na kilala nila, to the alagang Snowball ni Wendy na nanlilisik ang mata. 

"ANONG SABI MO KANG SEULGI?!!? PINAMIGAY MO NUMBER NI WENDY?!" napapikit si Wendy upang ipanalangin ang kaluluwa ng pinakamatalik niyang kaibigan. Pagmulat niya ng mata niya nakita niya si Irene na nakatingin parin kay Seulgi na parang handa nang lumuhod ngayon sa sobrang kaba at takot kay Irene. "ANONG SA NURSING! ALAM MO NAMAN DUN PINAKAMARAMING MAY CRUSH KAY WENDY!" Napadaan naman si Yerim at natawa nang makita ang ate niya na nagagalit. Hindi rin alam ni Wendy kung paano pakalmahin si Irene, sinenyasan niya naman si Seulgi na ayusin ito kung hindi baka dalawa sila mawalan ng malay sa ragasa ng bagyong Irene. 

"Ang puso...." hindi natapos ni Jisoo ang sasabihin niya nang makita niya kung gaano nanlilisik ang mata ni Irene na tumingin sa kaniya. Parang agad siyang nagsisi na nakisali pa siya sa commotion, pero ano bang magagawa ni Jisoo nakita niyang parang pinagsakluban ng langit at lupa yung mukha nung dalawa niyang tropa. Hindi niya naman akalain na sobrang galit si Irene. 

"Mahal eh ano... Blinock ko naman yung mga nagtetext saken." nakita ni Wendy kung paano nanatiling galit ang ekspresyon ni Irene, kahit kamukha niya si snowball ngayon ay nararamdaman ni Wendy ang galit na nararamdaman ng girlfriend niya ngayon. Parang mali pa ata na sumagot siya at sabihin na may nagtetext talaga sa kaniya. 

"So ayun yung mga nagtetext sayo habang nanonood tayo ng sine last Friday?" napakamot nalang si Wendy sa ulo niya saka humingi ng saklolo sa tropa niya. Narinig niyang natawa si Jisoo habang tinititigan siya. Si Irene naman onti onting mas nagiging kalmado. Narealize niya ang nangyari sa kanila ni Wendy nung isang araw. Ayaw niya namang maradaman ulit ni Wendy na wala siyang tiwala dito, may tiwala siya kay Wendy pero wala siyang tiwala sa mga die hard fangirls ng jowa niya. 

"Ate Irene... ano ako kasi talaga may kasalanan. Sorry gusto lang kasi namen talaga na matulungan tropa namin na maka get over sayo. Di naman namin alam na kayo na pala. Kung alam ko talaga hindi ko na ginawa yun." napalunok naman si Seulgi saka inakbayan si Wendy, awkward na tumawa si Seulgi bago tumingin kay Irene. "Ate Irene tataga ko sa bato, pusta ko pa lahat ng motor ni Wendy di magloloko to." napatawa naman ng bahagya si Irene bago tumingin kay Seulgi at saka tumingin kay Wendy. Kita niya na ngumiti rin ang bokalista. 

"I doubt na kaya ipusta ni Wendy si Boom and her other babies." agad namang tumango si Wendy, natawa nalang lalo si Irene habang tinitignan ang jowa niya. Hindi niya mapigilan na mas lalong mapamahal kay Wendy, hindi niya akalain na may mas hihigit pa pala sa nararamdaman niyang pagmamahal kay Wendy. Sa bawat araw na lumilipas na kasama niya si Wendy ay mas lalo siyang nahuhulog at mas lalo pang napapalapit sa bokalista. Ang daming bagay na unti unti niyang natutunan patungkol kay Wendy na mas lalong nagbibigay sa kaniya ng rason na mahalin pa ito. 

"Kahit ipusta ko pa si Peony mahal para sayo! Lahat kaya kong gawin." napairap nalang si Irene bago hinalikan ang pisngi ni Wendy, kita niya kung paano napuno ng saya ang mga mata ni Wendy. Ramdam niya kung gaano kakontento si Wendy sa kung anong meron sila. Hindi lubos maisip ni Irene na ang taong tulad ni Wendy na biniyayaan ng halos lahat sa mundo ay ganito lang kasimple. 

Sa bawat araw na nakakasama niya si Wendy napatunayan ni Irene kung gaano kasimpleng tao si Wendy, hindi rin ito mapili sa mga gusto nilang kainan o ano pa. Marunong rin itong makabagay sa ibang tao. Palaging namamangha si Irene sa mga bagay na ginagawa ni Wendy. Mula sa mga kwento ni Yerim, hanggang sa siya na mismo ang naka experience ng pagmamahal at pagaalaga ng isang Wendy Son. Walang araw na hindi nagpapasalamat si Irene na nakilala niya si Wendy, walang araw na hindi siya nagsisi na bigyan ang bokalista ng chance at higit sa lahat, hindi siya nagsisisi na pinili niya si Wendy at patuloy niya ring pipiliin ang bokalista sa araw araw. 

"Grabe ka na boss Wendy!" natawa nalang ang bokalista bago niya tinulak ang mga tropa papunta sa dining area. 

-

Nakaupo si Irene sa may beach habang pinagmamasdan si Wendy na tumatakbo at nakikipaghabulan sa mga kabanda niya. Naramdaman niyang umupo si Joy sa tabi niya saka bumuntong hininga. "Akala ko talaga walang pagasa yan si Wendy sayo ate Irene." napatingin naman si Irene kay Joy na nakangiti habang pinagmamasadan ang mga kaibigan sa beach. "Kung alam mo lang, kung gaano kami kabarat na barat na kasi ikaw laging topic at bukambibig niyan. Tuwing kasama namin si Yerim ako nalang naaawa sa kapatid mo. Lahat na ata ng pwedeng itanong naitanong niya na. Kahit kami halos alam narin namin mga information about sayo." di napigilan ni Joy na matawa saka muling bumuntong hininga. Masaya siya para sa kaibigan kasi sa wakas nandito na siya minamahal ng taong mahal na mahal niya. "Sobrang sarap niya magmahal no?" tumango naman si Irene, napangiti ang dalaga nung kumaway si Wendy sa kaniya, tinanong pa siya nito kung okay lang ba siya at agad naman siyang tumango. "Kasi iba rin siya magmahal ng kaibigan ate, hindi ko alam kung nasabi niya na sayo ito. Pero sobrang laking pasasalamat ng tropa kay Wendy." napatingin naman si Irene kay Joy na nakangiti sa kaniya, bakas sa mga mata ng kasintahan ni Seulgi ang matinding emosyon. "Nagkasakit yung mama ni Seulgi nung nakaraang taon, alam mo naman siguro na walang ibang inaasahan sila Seulgi kundi ang mama niya diba?" napatango si Irene habang nakatingin lang kay Joy, yumuko si Joy saka nagpatuloy. "Si Wendy ang sumagot lahat, yung pag papaopera sa mama ni Seulgi, pati yung tuition ni Seulgi for that sem na di nakapagtrabaho yung mama niya. Nakailang sabi si Seulgi na babayaran niya si Wendy pero ayaw niya. Super thankful naming lahat sa kaniya. Marami pa siyang sacrifices sa totoo lang." hindi mapigilan ni Irene na mapatingin sa girlfriend niya, nakikita niya ang mga ngiti nito at naririnig niya ang tawa niyang mala musika sa tenga niya. "Kaya sana hindi mo magawang saktan si Wendy ate Irene, masyado siyang mabait para sa mundong ito." tumingin naman si Irene kay Joy saka ngumiti. 

"Makakaasa kang hindi ko sasaktan ang kaibigan niyo. Mahal na mahal ko si Seungwan. Hindi lang dahil sa kung ano mang bagay, mahal ko siya kasi siya si Seungwan, si Seungwan na nagpapangiti sakin, si Seungwan na nagaalaga sakin, siya si Seu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
LockLoyalist
#1
Chapter 5: Ay wow Joohyun hahaha yes girl
ky2488
#2
Chapter 5: Waaaa special chapter! Speed ka, author-nim!! Kakapa poll mo pa lang kahapon ah 😂 Thank you so much for this! Cute cute talaga nila and I really like how you ended the chapter 👏
mklarisse_ #3
Chapter 5: ang ganda 😭😭 sobrang daming feels grabe po huhuhu
hi_mitochondria #4
Chapter 5: 😭😭😭😭😭😭😭💗💙
M_jeeh08
#5
Chapter 5: Thank you po sa update🥰💙❤️
hi_mitochondria #6
Chapter 4: 💗💙💗💙💗💙💗💙💗💙
ky2488
#7
Chapter 4: Gaahh nakakainis! Bakit ang cute cute nila! Kasalan na ba sa next chapter, author-nim? Haha thank you so much and looking forward to your next stories! 😍😍😍😍
Nazrif
#8
Chapter 4: Wawwoo we get special chapter thank you so much author omg sobrang sweet nila together and sana makita kita sa ibang story or new story baka hehehe once again thank you author.💝💙🤧😻👏🏻👏🏻👌🏻👌🏻👍🏻👍🏻🔥🔥👋🏻😊😅😁