[FIN] Ikaw na ang champion

Pinoy Henyo
Please Subscribe to read the full chapter

Masayahing tao naman talaga si Wendy, madalas ay carefree siya at higit sa lahat passion talaga ng engineering student ang pag kanta at perform. Super supportive naman si Irene sa mga hilig ni Wendy, kadalasan ay pagkatapos ng trabaho ni Irene bilang isang HR officer ay dumidiretso siya sa mga resto-bars kung saan may gig si Wendy. 

At ito nga siya ngayon, nagmamadaling lumalabas ng office nila habang bitbit ang mga gamit niya. Medyo late nakapag out si Irene dahil narin sa amount ng paper works niya ngayong Friday. Pinili niya narin kasing tapusin iscreen ang mga  resume ng new potential employees nila kahit na next week pa ang mga scheduled interview nito. "Ahhhh bakit ba kasi ako nag over time!" agad na pinindot ni Irene ang elevator button, pagkabukas ay agad niyang pinindot ang ground floor. Pasara na sana ang elevator ng biglang bumukas ulit ito kaya napabuntong hininga nalang si Irene, kung kailan naman siya nagmamadali ngayon pa ito nangyari. 

"Mukhang nagmamadali ka miss Bae?" nagulat si Irene nang makita niya ang boss niyang si Seungho, tumango naman si Irene bilang sagot saka pinindot ang button para magsara ang elevator. Hindi naman out si Irene sa trabaho niya at sinabi narin ni Wendy na mas okay na hindi niya nalang sabihin para hindi siya madiscriminate or maquestion pa sa mga bagay bagay sa work niya. "Bakit? What's with the rush?" alam naman ni Irene na labas na ang boss niya sa mga nangyayari sa personal na buhay niya pero dahil stressed narin siya napabuntong hininga nalang siya. 

"Ah need ko lang po kasi makarating agad sa gig ng mga kaibigan ko. Support  ba medyo running late na kasi ako magstart na sila in ten minutes!" kinuha ni Irene ang cellphone niya at agad naring nagbook ng grab. Natawa naman ang boss niya saka kinuha ang phone ni Irene sa kamay niya. 

"Booking will just take you more time, drop the place hatid nalang kita pauwi narin naman ako." tumango naman at agad na nagpasalamat si Irene, sa mga oras nato desperado na siya. Nagpromise kasi siya kay Wendy na makakarating siya today, first anniversary din kasi nila ngayon. Pagkasakay sa sasakyan ng boss niya sinuot niya agad ang seatelt saka nilabas ang cellphone niya. Agad rin siyang nagtext kay Wendy.

Mahal: I'm on my way :( I'm sorry di ko akalain mag O-OT ako today. 

Napabuntong hininga nalang si Irene saka nilagay sa bag niya ang cellphone niya. Ilang minuto lang naman ang layo ng resto-bar na pag mamay-ari ng tropa ni Seungwan, at swerte narin na walang traffic. "Sir, thank you po, here's some gas money nalang po." pinigilan siya ni Seungho saka tumawa. Tumingin naman si Irene sa boss niya na pinatay ang makina ng sasakyan niya. 

"No need to pay, just let me join you tonight." napahinto si Irene sa pagtanggal niya ng seatbelt niya. Nakatingin lang ang boss niya at siya pa ang naunang bumaba. Napamura si Irene ng mahina bago niya kinuha ang bag niya at agad agad na lumabas ng sasakyan. Nagulat si Irene nang makita niya si Joy at si Jennie. Nakataas ang kilay nilang dalawa. "Miss Bae come on?" napalunok nalang si Irene bago sumunod sa boss niya na pumasok na sa loob ng resto bar. 

Pagkapasok ni Irene sa loob, nakita niya ang paningin ng buong banda ni Wendy sa kaniya, nakita niya rin ang pagbabago sa ekspresyon ng bokalista habang nakatingin sa kaniya. Paano niya ba ipapaliwanag kay Wendy ang lahat. Pinaghila si Irene ng upuan ng boss niya pero nanatili itong nakatayo doon, nakikita niya ang sakit sa mata ng taong mahal niya. "Sorry guys I don't think I can perform tonight." mahina ang bulong ni Wendy sa mga tropa niya bago niya hinubad at nilapag ang gitara niya. Nagtama ang mga mata nila pero agad ring umiwas si Wendy. 

Dinampot ni Wendy ang susi ng motor niya mula sa bar counter saka sinuot ang leather jacket niya, hindi lubos maisip ni Wendy na makikita niya ang ganoong pangyayari. "Boss Wends! Saan ka pupunta?" tumawa nalang si Wendy habang sinusuot ang helmet niya. Nakita niya si Irene na palabas na ng bar kaya inistart niya na ang makina ng motor niya. 

"Tapon ko lang tong singsing para kay Irene." natatawang sabi ni Wendy bago simulang pinaharurot ang motor niya. Gusto ni Wendy na mapagisa ngayon, gusto ni Wendy na magisip isip muna. 

-

Nakaupo lang si Wendy sa may buhanginan habang pinagmasmasdan ang bawat paghampas ng alon. Pinatay ni Wendy ang phone niya at kasalukuyang hawak ang box ng singsing sa kamay niya. Ngumiting mapait ang bokalista bago ito nilapag sa tabi niya. "Sakit naman ng anniversary gift mo saken mahal. Sweet niyo bagay kayo." kinuha ni Wendy ang bote ng soju saka uminom, napangiwi siya ng bahagya nang maramdaman ang pamilyar na pait sa lalamunan niya. Pero sa mga panahon na ito wala paring papantay sa pait nang nararamdaman ng puso niya. "Happy anniversary siguro talaga?" tumawa si Wendy saka humiga sa may beach, tahimik niyang pinagmamasdan ang mga tala sa kalangitan, kasabay ng pagbalot ng katahimikan ay ang pagtulo ng luha ni Wendy. "HAHAHA tangina ang sakit." pinikit ng bokalista ang mata niya saka hinayaan ang patuloy na pagtulo ng mga luha niya. 

Hindi alam ni Wendy kung ilang oras siyang nakahiga sa may buhanginan, nung makita niyang onti onti ng sumisikat ang araw sumakay narin siya ulit sa motor niya bago nagdrive pabalik sa dorm. Naalala niya na final exams na pala nila ngayon araw. Pinark ni Wendy ang motor niya katabi ni Peony. Biglang naalala ni Wendy ang unang beses na sumakay si Irene sa motor niyang si Boom at sa sasakyan niyang si Peony. Para bang bumalik lahat ng sakit at nagflashback lahat ng nakita niya kahapon. "PUTANGINA MO PRE! KAGABI PA KITA HINAHANAP!" nabalik sa ulirat si Wendy ng maramdaman niya ang yakap ni Jisoo. Humihikbi hikbi pa ang mapangasar niyang kaibigan habang chinecheck si Wendy. "Sobrang alalang alala kami sayo, akala namen may nangyaring masama sayo. Nakapatay pa lahat ng phone mo. Napatawag pa kami sa mama mo."yumuko nalang si Wendy saka ngumiti ng tipid sa kaibigan niya, walang lakas na magsalita si Wendy ngayon, wala siyang lakas na magpanggap na ayos lang siya. "You need some time?" tumango ang bokalista at agad naman nagets ito ng bahista ng banda, tinapik ni Jisoo ang balikat ng kaibigan saka ngumiti. "Kapag kailangan mo ng kausap pre nandito lang ang tropa." tumango si Wendy bago siya pumasok sa loob ng building ng condo nila. 

Tahimik na nagaantay ng elevator si Wendy habang hawak ang sintido niya, nakaramdam si Wendy ng sakit ng ulo dahil narin siguro sa paginom at kawalan niya ng tulog. Pagka bukas ng elevator sa designated floor niya nakita niya si Irene na nakaupo sa may labas ng pinto niya, nakatulog ang babae habang nakasandal ang ulo nito sa may pader. Napabuntong hininga naman si Wendy nang makita niya ang position ni Irene, inantay ba siya nitong makauwi kagabi? Hinubad ni Wendy ang leather jacket niya saka pinatong sa balikat ni Irene. Narinig niya ang pag ingit ng dalaga kaya nagsimula na siyang mag type ng passcode ng unit niya. "Pumasok ka na sa loob Irene, magpahinga ka sabado ngayon. Deserve mo magpahinga." mahina ang boses ni Wendy pero naririnig ito ni Irene. Hindi ito ang boses na nakasanayan niya. Ibang iba ito sa Wendy na masaya at makulit. Sinarado ni Wendy ang pinto ng unit niya at naiwan doon na nakatingin si Irene sa kawalan. 

Ilang minuto ang lumipas at lumabas na ulit si Wendy, hawak nito ang ilang libro niya. "Mahal please let me explain." tinignan lang ni Wendy si Irene bago nagsimulang maglakad ulit. Napabuntong hininga si Irene at pilit niyang pinapakalma ang sarili niya. Gusto niyang maayos at maintindihan ni Wendy kung ano ba ang tunay na nangyari. "Talaga bang iniisip mo na kaya kitang lokohin Wendy?" napahinto si Wendy sa paglalakad niya. Napalunok ang bokalista habang humihigpit ang hawak niya sa susi ng sasakyan niya. "Do you really think na kaya ko ipagpalit lahat ng pinagsamahan natin for a year para sa isang lalaki na hindi ko naman masyadong kilala?" narinig ni Wendy ang pag crack ng boses ni Irene, hindi niya magawang lumingon, hindi kaya makita ni Wendy ang mga mata ni Irene. 

"Ginawa mo na, hindi pa ba sapat yung nakita ko?" narinig ni Wendy ang paghikbi ni Irene, naalala niya pa ang panahon na nasaktan niya si Irene dahil sa pagiging makasarili niya. Hindi magawa ni Wendy na lumingon. Hindi niya kayang makita na umiiyak si Irene. 

"Sa loob ng isang taon, akala ko pinagkakatiwalaan mo ako, ang bobo ko sa part na naniwala akong may tiwala ka sakin." pinunasan ni Irene ang luha niya saka tumayo mula sa pagkakaupo niya. "After all this time, ako lang pala ang may tiwala sa relationship natin." narinig ni Wendy ang pagsara ng pinto ng unit ni Irene. Ayun ang unang pagkakataon na tumingin si Wendy sa nagsara na pinto. 

Agad na hinagis ni Wendy ang libro niya saka sinuntok ang pader, hindi nararamdaman ni Wendy ang sakit sa kamay niya. Nasaktan na naman ni Wendy si Irene. Napaupo si Wendy sa may hallway. Paano ba nangyari ito? "SEUNGWAN!? Anong nangyari?!" agad na nilapitan ni Seulgi si Wendy at inalalayan ito tumayo, pero hindi natinag si Wendy nanatili itong nakaupo habang nakatingin lang kay Seulgi. "Tumayo ka na diyan please! Sabihin mo sakin kung anong nangyari?" hindi alam ni Wendy kung ano ba ang dapat niyang gawin. 

"Do I even deserve someone like her?" napabuntong hininga nalang si Seulgi at isa lang ang alam ni Wendy. Kailangan niyang tulungan ang kaibigan niya na maayos itong di pagkakaintindihan na ito. 

Isang linggo na ang lumipas, sabado na naman at tahimik lang na nakaupo si Irene sa may sala nila. Umalis kasi si Yerim at nakitulog sa bahay ng kaibigan niya. Napatingin si Irene sa kumatok sa pinto nila. "Sino yan?" walang ka energy na tanong ni Irene, tumayo siya para silipin ito sa butas ng pinto. Nakita niyang nakangiti si Seulgi habang nakatayo sa pinto nila. Binuksan ni Irene ang pinto saka tinitigan si Seulgi. 

"Hi ate Irene! Invite lang kita birthday ni Lisa mamaya, pina invite ka kasi niya samen. Sa Tagaytay lang naman! May van na nirent so kasama talaga lahat. Dali na ate day off mo naman pampatanggal stress nalang rin." tumango nalang si Irene saka nag thumbs up. Ngumiting tagumpay naman si Seulgi saka tumalon talon pa. "Ayan naman ang gusto ko sayo ate! Bukas pa uwi dala ka lang extra clothes medyo malamig doon lam mo na. Wala ka human heater ngayon, cool off ba kayo?" para namang binuhasan ng malamig na tubig si Seulgi ng makita niya ang titig ni Irene, natakot ang engineering student bago ito lumunok at tumawa ng awkward. "Sabi ko nga magdadala tayo lahat ng jacket kasi sobrang ginaw talaga! Baba ka nalang sa lobby mayang 12 ate! See you!" kumaway na agad si Seulgi bago kumaripas ng takbo paalis sa pinto ni Irene. Sinara ng dalaga ang pinto saka kumuha ng mga gagamitin niya. 

Totoo naman ang sinasabi ni Seulgi, pwede niya nalang iconsider na pampatanggal stress ito at syempre may libreng inom pa. Beneficial lahat para sa kaniya kung tutuusin. Nilagay ni Irene ang ilang mga gamit niya sa bag niya. Habang pumipili ng jacket na gagamitin nakita ni Irene ang hoodie ni Wendy, agad rin siyang napatigil. Halos magdadalawang linggo narin silang hindi naguusap ng bokalista. "I hope you are okay." mahinang bulong ni Irene bago niya kinuha ang itim niyang jacket pinatong ni Irene ito sa may sofa bago siya pumasok sa loob ng banyo para maghanda. 

Kahit papano nilolook forward ni Irene ang short break na ito, wala rin naman siyang pake kung nandun si Wendy, isa lang ang gusto niyang gawin ngayon. Gusto niyang magpakalasing at magalis ng sama ng loob at galit. Pagkatapos magbihis lumabas na si Irene ng unit nila. Pagkadating niya sa lobby napahinto siya ng makitang nakatayo rin si Wendy doon. Napamura si Irene sa isip niya bago tumayo doon, siguro nauna lang sila parehas. 

Napatingin siya kay Wendy, napabuntong hininga si Irene nang makita niya ang kamay ng girlfriend niya, may boxer splint ito at nakita niya rin ang namamaga nitong kamay. Nagulat si Irene nung tumingin sa kaniya si Wendy, agad rin itong umiwas, parang sinaksak ulit ang puso ni Irene, para silang bumalik ni Wendy noong hindi pa sila magkakilala. "Hello Seulgi? Huh? Anong naiwan kami ng van gago ka ba?" nakatingin si Irene kay Wendy, nakita niyang nakatingin ito sa may labas ng condo building nila. Napabuntong hininga pa ang bokalista. "Tangina niyo sana di niyo nalang ako niyaya. Gago pinagkanuno niyo pa ako dito. Di ko kaya magdrive sinabi ng doctor diba na bawal kong iforce ang kamay ko." nakataas ang kilay ni Irene habang tinitignan si Wendy, nakayuko ang bokalista at bumuntong hininga pa ito. "Balikan niyo nalang si Irene nakahanda na yung tao mga hanimal kayo." binaba ni Wendy ang tawag saka tumingin s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
LockLoyalist
#1
Chapter 5: Ay wow Joohyun hahaha yes girl
ky2488
#2
Chapter 5: Waaaa special chapter! Speed ka, author-nim!! Kakapa poll mo pa lang kahapon ah 😂 Thank you so much for this! Cute cute talaga nila and I really like how you ended the chapter 👏
mklarisse_ #3
Chapter 5: ang ganda 😭😭 sobrang daming feels grabe po huhuhu
hi_mitochondria #4
Chapter 5: 😭😭😭😭😭😭😭💗💙
M_jeeh08
#5
Chapter 5: Thank you po sa update🥰💙❤️
hi_mitochondria #6
Chapter 4: 💗💙💗💙💗💙💗💙💗💙
ky2488
#7
Chapter 4: Gaahh nakakainis! Bakit ang cute cute nila! Kasalan na ba sa next chapter, author-nim? Haha thank you so much and looking forward to your next stories! 😍😍😍😍
Nazrif
#8
Chapter 4: Wawwoo we get special chapter thank you so much author omg sobrang sweet nila together and sana makita kita sa ibang story or new story baka hehehe once again thank you author.💝💙🤧😻👏🏻👏🏻👌🏻👌🏻👍🏻👍🏻🔥🔥👋🏻😊😅😁