Special Chapter

Pinoy Henyo
Please Subscribe to read the full chapter

Hi! Sinimulan ko isulat to the day after Irene's birthday and ngayon ko lang siya natapos. Anyways, may isa pa akong tagalog fic na sinulat. I can't wait to share it to you guys! Get Well Soon to our Wendy. 

-

Hindi rin alam ni Irene kung saan humuhugot ng enerhiya ang jowa niyang pagkaliit liit pero sobrang daming enerhiya sa loob ng katawan niya. Mula sa pag gawa ng mga requirements niya sa school, hanggang sa pag checheck ng mga business ng family niya, sa pag gi-gig linggo linggo at higit sa lahat hindi kailan man nawalan ng time si Wendy sa kaniya. Nasanay nalang si Irene na magpapakita ang bokalista sa tapat ng pinto niya matapos ang isang mahabang araw kapag hindi sila sabay na nakakauwi. Walang araw na hindi naramdaman ni Irene ang pagmamahal ni Wendy sa kaniya kaya naman sobrang saya palagi ng puso ng dalaga. "Ate Irene, asan si Wendy?" natapos ang pagiisip ni Irene nang marinig niya ang boses ng kaibigan ni Wendy. Nakatayo si Lisa sa tapat niya habang may hawak na drawing tube. Napaisip si Irene habang nakatingin sa laptop niya.

"Nagpaalam siya na sasama siya sa inyo ha? I thought may practice kayo?" napahinto si Irene sa pag tatype saka kinuha ang phone niya sa loob ng bulsa niya. Agad agad niya namang tinawagan si Wendy. Napabuntong hininga si Irene nang hindi sumagot ang bokalista. "Wala ba siya sa band room niyo? She left like ten minutes ago to practice daw with you para sa gig niyo sa Thursday." umiling si Lisa saka umupo sa tapat ni Irene, kita niya ang pagaalala sa mata ng dalaga. "Maybe she bought something muna? Ilang minutes na ba siyang late?" tumingin si Lisa sa kaniyang wrist watch bago tumingin pabalik kay Irene, hanggang ngayon nandito parin ang takot ni Lisa kay Irene.

"Mag 20 minutes na Ate, alas tres kasi supposed na start namen." napailing nalang si Irene saka nilapag ang phone niya. May mga oras talaga na bigla bigla nalang nawawala si Wendy at hindi rin naman maexplain ni Irene kung bakit. "Sige ate una na ako para makapag focus ka na diyan. Magtetext naman siguro si Wan pag nandun na siya. Thank you." tumango nalang si Irene saka nag focus sa pageedit ng thesis nila, final day narin naman at ipapasa niya na sa adviser nila to and she's hoping na wala naman nang masyadong revisions sa final paper nila.

Napasandal si Irene sa upuan niya saka tumingin sa phone niya, malalim na buntong hininga bago nagstart ulit na magtype sa laptop niya. Hindi namalayan ni Irene ang oras, mabilis ang takbo ng oras at agad siyang nakaramdam ng gutom. Dinampot ni Irene ang phone niya sa ibabaw ng mesa saka dinial ang number ni Wendy. Napasimangot nalang si Irene nang hindi parin ito sumagot. "Uwi na siguro ako?" tumayo si Irene saka nagligpit ng gamit niya, mag aalas otso narin naman ng gabi kaya naisip niya narin umuwi at kumain na.

Naglalakad si Irene palabas ng campus habang bitbit lahat ng gamit niya, napabuntong hininga nalang siya ulit nang makita niya ang band room nila Wendy. Paalis na sana siya ng lumabas si Seulgi sa loob. "Oh ate uuwi ka na? Hindi kayo sabay ni Wan? Hatid na kita ate mukhang pagod ka na." umiling nalang si Irene saka tipid na ngumiti. Kumaway nalang si Irene saka patuloy na naglakad. Pagkadating ni Irene sa may gate, nakita niya si Wendy na nakatayo kasama ang isang matangkad na babae, kumakain sila habang nakangiti. Hindi alam ni Irene kung ano ang dapat niyang maramdaman.

"Seryoso Wendy! Thank you for accompanying me and helping me transfer here." nakita ni Irene kung paano tumawa ang bokalista saka tumingin sa matangkad na babae. Nakaramdam ng sakit si Irene sa kaniyang puso. Hindi niya rin namana alam kung bakit siya nanatiling nakatayo dun sa tapat ng gate ng university nila. Napalunok nalang si Irene saka tumingin sa kabilang side, nakakita naman siya agad ng pedicab kaya agad niya itong pinara.

"Kei it's nothing! Ano ka ba. I'm glad you transferred here." napakagat nalang sa ibabang labi niya si Irene bago siya sumakay sa may pedicab. Sa pag andar ng pedicab sumabay ang pagtulo ng luha ni Irene. Hindi niya alam kung bakit masakit at iba ang nararamdaman niya ngayon. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na siya sa loob ng condo unit niya. Lubos na nagpapasalamat si Irene na wala si Yerim ngayong gabi.

Matapos niyang ilapag ang mga gamit niya ay humiga nalang siya sa may sofa saka tumingin sa kisame, tahimik lang siyang nakatulala habang nararamdaman ang takot at ang sakit na dahan dahan na bumabalot sa puso niya.

-

Pagkabalik ng band room ni Wendy,nakita niyang tapos na magligpit ang mga tropa niya. Agad naman niyang dinampot ang phone niya sa loob ng bag niya. Napakamot siya sa ulo niya ng makita ang limang missed calls mula kay Irene. "Oh, bakit? Di mo nasagot? Umuwi na si Ate Irene nakita ko siya kanina eh. Nung kasama mo yung Kei ba yun? Umuwi na siya dumaan pa siya dito eh kaso wala naman kayo nun. Mukhang pagod na pagod nga si Ate Irene sabi ko nga ihatid ko na ayaw naman." napamura naman si Wendy saka agad agad na kinuha ang susi ng sasakyan niya. Agad namang tinawagan din ni Wendy ang number ni Irene at agad siyang napabuntong hininga nung nakaturn off ang phone nito.

"..." mabilis na pinaharurot ni Wendy pauwi ang sasakyan niya. Pagkadating niya ay tahimik lang siyang nakatayo sa tapat ng pintuan ng unit nila Irene. Pagkatapos kumuha ng lakas ng loob ay agad siyang kumatok dito. "Hyun? Are you there?" wala namang sumasagot kay Wendy, ang tanging nararamdaman ni Wendy ngayon ay ang pag aalalala at takot. Nakauwi kaya si Irene ng ligtas? Hindi siya sanay na hindi nakikita ang mukha ng girlfriend niya bago siya pumasok sa unit niya.

Kasalanan din naman ni Wendy ang lahat, wala nalang siyang nagawa kung hindi bumili ng pagkain at iwan ito sa tapat ng pinto ni Irene. Nagiwan nalang din siya ng note dito. "I hope na nakauwi ka ng safe. Sorry I was caught up on something kasi. Kain ka mahal."

-

Nagising si Irene na sobrang bigat ng pakiramdam, gumulong siya sa kama niya saka bumuntong hininga. Lahat ng nararamdaman ni Irene ngayon ay puro bigat, masakit din ang ulo ng dalaga dahil siguro sa pagiisip niya magdamag? Umupo siya sa may kama niya saka tumitig sa kawalan. Kailangan niya palang ipasa ang thesis niya today. "Magpapaprint pa pala ako." mahina ang boses ni Irene bago siya tuluyang tumayo at magsimula ng maghanda para pumasok. Nakaramdam si Irene ng gutom, dahil narin siguro na hindi siya kumain kagabi. "Daan nalang ako sa subway pagtapos ko magpasa." natapos si Irene na magbihis at maghanda pumasok. Bitbit niya ulit ang bag ng laptop niya.

Pagbukas niya ng pinto, nakita niya ang dalawang plastic na nakasabit sa may pintuan niya. Tinignan lang ito ni Irene bago siya tuluyang naglakad papunta sa elevator. Suot niya ang earphones niya habang inaantay ang elevator. Gusto niyang magmadali kasi ayaw niyang makita si Wendy. Agad agad naman sumakay ang dalaga. Pagkadating sa ground floor nagulat siya nang makita niya si Wendy na kasama yung babae kahapon. "Hyun... papasok ka na? Wait ihatid na kita." napakagat sa ibabang labi niya si Irene saka tinignan yung babaeng kasama ni Wendy. Gusto niya na itanong lahat ng bumabagabag sa kaniya pero pinangunahan siya ng takot.

"No need. Someone needs your help. I can handle myself." agad namang naglakad si Irene palabas, gusto niya na namang maiyak. Lahat ng insecurities at mga naiisip niya kagabi ay bumalik na naman sa kaniyang isipan. Nagulat naman si Irene nang may humila sa kaniya pabalik.

"Mahal please let me." umiling naman si Irene saka tinanggal ang kamay ni Wendy na nakahawak sa wrist niya. Ngumiti ito ng peke bago tinuro ang kaibigan ni Wendy. Hindi alam ni Wendy ano ang dapat niyang gawin. Nakikita niya sa mga mata ni Irene ang mga bagay na bumabagabag sa kaniya. Gusto niyang tulungan si Irene na maalis ito.

"I'll be late. Mauna na ako." agad namang pumara si Irene ng jeep, wala nang nagawa ang bokalista kung hindi tignan nalang ang girlfriend niya. Napabuntong hininga si Wendy kasi hindi man lang siya tinignan pabalik ni Irene.

Si Irene naman ay napayuko nalang habang nakasakay sa jeep, hindi niya rin alam kung ano ba itong nararamdaman niya. Pagkababa niya sa tapat ng university nila nakita siya ni Seulgi na agad lumapit sa kaniya. "Ate Irene bakit ka umiiyak?" umiling si Irene saka agad agad na tumakbo papasok sa loob. Napatingin nalang si Seulgi sa girlfriend niyang si Joy bago sila parehas na bumuntong hininga. "Ang bobo ni Wendy no?" tumango naman si Joy sa sinabi ni Seulgi bago sila tuluyang pumasok.

Sobrang bigat ng pakiramdam ni Irene, habang inaantay niya na matapos ang checking ng paper nila ay napaupo nalang siya sa bleachers sa labas. Naramdaman niya kung paano umiikot ang paningin niya. "Irene okay ka lang ba?" tumango naman siya bago isinandal ang ulo niya sa may pader. Hindi rin alam ni Irene kung bakit ang sama ng pakiramdam niya.

"Nahihilo lang ako but I'm okay." ngumiting tipid naman si Irene saka tinignan ang orasan niya. Guston niya nang umuwi para makapagpahinga. Ilang araw narin naman kasi siyang walang sapat na tulog at madalas rin siyang hindi nakakakain ng tama sa oras. Pagkalabas ng adviser nila nakangiti naman ito saka inabot sa kanila ang papel. Isa nalang at tapos na si Irene. "Solar mauna na ko ha? Ikaw na muna bahala gusto ko muna matulog." agad namang tumango ang kaibigan niya.

"Gusto mo ba ihatid na kita? You really don't look well Irene." umiling naman si Irene saka tinulak na palayo ang kaibigan niya. Napaupo naman siya agad sa upuan nang makaramdam na naman ng hilo. Agad niya namang kinuha ang phone niya saka nagtext kay Wendy.

Mahal: Wan? Busy ka ba? Uhm I'm sorry for taking some of your time with your friend pero I don't really feel good. Can you pick me up?

Napapikit naman si Irene nang maramdaman niya na lalo bumibigat ang pakiramdam niya, parang kusa nang bumibigay ang katawan niya at nawawalan na siya ng control sa sarili niya. Hindi narin alam ni Irene ang mga sumunod na nangyari sa kanya.

-

Busy si Wendy na tumutulong sa paglipat ng kaibigan niya, makalipas ang ilang minuto narinig niya ang sunod sunod na pagvibrate ng phone niya. Una niyang nakita ang text ni Irene higit isang oras na ang nakakaraan, agad na bumilis ang tibok ng puso ng bokalista. Sunod niyang nakita ang sandamakmak na missed calls mula sa mga kabanda niya, pati narin si Yerim. Nagulat siya sa text ni Seulgi.

Seulgi: Putangina mo! Nasaan ka ba? Kanina pa kami tawag ng tawag hayop ka sino bang sinisipat mo? Nasa hospital si Ate Irene ngayon.

"Is there something wrong Wendy?" napatingin si Wendy sa kaibigan niya bago ito tumango, hindi na siya nagpaliwanag at agad na tumakbo papunta sa unit nila para kunin ang susi ng motor niya.

Agad niya namang tinawagan si Seulgi bago ito sumakay, expected niya na makakarinig siya ng mura mula sa kaibigan niya. "Tangina mo Wendy bakit ka ganyan inuna mo pa ibang tao. Sa St. Lukes namen dinala. Wag ka muna magpapakita saken baka masapak kita." napabuntong hininga nalang si Wendy saka dali daling hinarurot ang motor niya papunta sa kung nasaan ang mga kaibigan nila. Ang tanging nararamdaman ni Wendy ay ang galit ang inis sa kaniyang sarili. Alam niyang nasaktan si Irene at hindi niya alam kung paano makakabawi sa kaniya.

Pagkababa niya sa motor niya ay agad siyang sinalubong ni Yerim na may tipid na ngiti. "Ate ang tagal mo ata ngayon... Tulog pa si ate Irene wala pa naman sinabi mga doctor." napalunok nalang si Wendy saka yumuko, alam ni Wendy na super disappointed si Yerim sa kaniya, pero nagulat siya ng hawakan ni Yerim ang kamay niya saka siya dinala sa kwarto ni Irene. "Iwan ko muna kayo ate. Baka magising narin si Ate Irene maya maya." tumango nalang si Wendy saka tumingin kay Yerim, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa kapatid ng girlfriend niya.

"Sorry Yerim..." umiling naman si Yerim bago lumabas ng kwarto, Tahimik lang si Wendy na nakaupo sa may upuan habang hawak ang kamay ni Irene. Ang tanging nararamdaman niya ngayon ay ang guilt na bumabalot sa puso niya. Nagtanim ng halik si Wendy sa noo ni Irene. "Mahal I'm so sorry... I don't know kung may sapat na excuses yung ginawa ko pero I'm so sorry." tumulo ang mga luha ni Wendy habang pinagmamasamdan si Irene na natutulog parin. Alam ni Wendy na sobrang bigat ng kasalanan niya at alam niyang nasaktan niya rin si Irene ng sobra.

Nagulat si Wendy nang makita niyang dumilat na si Irene, may maliit na ngiti sa labi ng dalaga bago niya pinunasan ang tumulo na luha sa mata ni Wendy. "You are here mahal." nanghihina parin ang boses ni Irene habang nakatingin siya kay Wendy. Hindi alam ni Irene kung saan napunta ang mga takot niya, nang makita niya na nandito si Wendy sa harap niya sa oras ng pagmulat ng mga mata niya ay enough na para mawala lahat ng takot sa kaniyang puso. "You are here..." bumuntong hininga ang dalaga bago niya tinap ang remaining space sa kama. "Lay down with me please?" nagdadalawang isip si Wendy kung dapat ba siyang tumabi kay Irene, pero nang makita niya ang mga pagod at malalamlam na mata ni Irene napabuntong hininga siya saka humiga sa tabi ng dalaga. Agad namang isinandal ni Irene ang ulo niya sa dibdib ni Wendy bago niya ito yinakap. "Kagabi ko pa hinahanap yung yakap mo, kagabi pa ako pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
LockLoyalist
#1
Chapter 5: Ay wow Joohyun hahaha yes girl
ky2488
#2
Chapter 5: Waaaa special chapter! Speed ka, author-nim!! Kakapa poll mo pa lang kahapon ah 😂 Thank you so much for this! Cute cute talaga nila and I really like how you ended the chapter 👏
mklarisse_ #3
Chapter 5: ang ganda 😭😭 sobrang daming feels grabe po huhuhu
hi_mitochondria #4
Chapter 5: 😭😭😭😭😭😭😭💗💙
M_jeeh08
#5
Chapter 5: Thank you po sa update🥰💙❤️
hi_mitochondria #6
Chapter 4: 💗💙💗💙💗💙💗💙💗💙
ky2488
#7
Chapter 4: Gaahh nakakainis! Bakit ang cute cute nila! Kasalan na ba sa next chapter, author-nim? Haha thank you so much and looking forward to your next stories! 😍😍😍😍
Nazrif
#8
Chapter 4: Wawwoo we get special chapter thank you so much author omg sobrang sweet nila together and sana makita kita sa ibang story or new story baka hehehe once again thank you author.💝💙🤧😻👏🏻👏🏻👌🏻👌🏻👍🏻👍🏻🔥🔥👋🏻😊😅😁