[Fin] Pinoy Henyo

Pinoy Henyo
Please Subscribe to read the full chapter

First time ko po magsulat ng tagalog fic so please bear with me! 

Oo, hindi, pwede lamang ang pwedeng sagot, pero paano kung ang larong ito ang magbibigay daan para matuklasan ni Joohyun ang tunay na halaga at saya ng buhay. 

Sa bawat araw na lumilipas, nasanay nalang si Joohyun na magising sa lakas na tunog ng musika mula sa kabilang unit. Kada araw ay ibang tugtugin ang pinapangising sa kanya ng kanyang kapitbahay. Ang mga mata ni Joohyun ay tumingin sa kaniyang wall clock, alas otso na ng umaga ang una niyang klase ngayon ay alas diyes, mukhang maagang nanggising ang kanyang kapitbahay ngayon. Tumayo sa kama ang dalaga bago nagtungo sa banyo upang magsepilyo at maghanda sa pagpasok sa unibersidad. 

Kalahating oras ang lumipas nang makalabas si Joohyun sa kanyang silid, agad naman niyang nakita ang kanyang kapatid na si Yeri na nag aalmusal na. "Good morning ate, ang aga mo ata?" tanong ni Yeri sa kanyang ate na nagbukas na ng ref, ang mata ni Joohyun ay nakatingin lamang sa laman ng kanilang ref. "Kelan mo balak mag grocery ate? Malapit na maubos mga laman ng ref!" napa irap nalang si Joohyun bago niya kinuha ang natitirang tinapay saka umupo sa tabi ng kanyang nakababatang kapatid. 

"Pagkatapos ng meeting ko pupunta nako sa puregold, bakit ba kasi hindi nalang ikaw tutal wala ka namang klase sa hapon." iritang saad ni Irene bago siya kumagat sa tasty bread na nilagyan nya ng peanut butter. Ganito ang usual na takbo sa loob ng condo nila Joohyun, madalas lang sila nagbabangayan ng kapatid niyang si Yeri dahil sa pagkakaiba nila ng mga hilig. 

Si Yeri ay kilala sa pagiging outgoing at masayahin na tao, samantalang kabaliktaran niya si Joohyun. "Makautos ka naman ate parang ipagkakatiwala mo saakin yung pera." nakangisi pa si Yeri bago ito tuluyan na tumayo sa kanyang kinauupuan, dali dali niyang kinuha ang kaniyang bag na nakasabit sa upuan. "Mauna na ako ate, kikitain ko pa sila ate Wendy."  Wala namang nagawa si Joohyun kundi panoorin nalang si Yeri na tumakbo palabas ng kanilang condo unit. Si Wendy, isa siya sa mga matalik na kaibigan ni Yeri. 

Kilala si Wendy bilang miyembro ng bandang Reknown, yung bandang yun ay isa sa biggest band sa kanila university. Hindi naman close si Joohyun kay Wendy, pero kakilala niya ang ibang kabanda nito lalo na si Seulgi na miyembro din ng dance club na kinabibilangan niya. 

Natapos nang kumain si Irene ng breakfast at nagsimula nang maghanda papasok sa university. Ngayong araw ay hanggang hapon ang klase ni Joohyun. Pagkatapos naman ng klase niya kailangan niyang magpunta sa kanilang club para sa practice sa susunod na event sa school. Naglakad na si Joohyun palabas ng condo, habang nagaantay ng pedicab nagulat siya ng makita niya si Wendy na nakangiti habang hawak ang isang helmet. "Ikaw yung ate ni Yeri diba? Papasok ka na ba? Sabay ka na saken." Nakatingin lang si Joohyun kay Wendy na nakangiti ng malapad, mas maliwanag pa ata sa araw ang ngiti netong babaeng to. "Irene right? Nakwento ka saamin ni Yeri, don't worry I don't bite unless you want me to." tumawa ng malakas si Wendy pero hindi natutuwa si Irene sa mga salitang narinig niya mula sa bokalista. Agad namang bumaba sa motor si Wendy nang makita niya ang pagbabago sa aura ni Irene. "Joke lang miss. Walang gaanong jeep na dumadaan ngayon kasi transport hike, traffic din baka malate ka sa klase mo. Promise takbong pogi lang ako wag ka matakot." Hindi parin naniniwala si Irene, hindi niya kasi talaga kakilala si Wendy at base sa mga story na naririnig niya sa campus, matinik talaga si Wendy pagdating sa mga magagandang babae.  "Gusto mo tawagan ko pa si Yeri para mas makampante ka miss Irene." agad namang kinuha ni Wendy ang kanyang cellphone, agad namang kinuha ni Irene eto mula sa bokalista. Laking gulat niya nang makita niya ang wallpaper ni Wendy. 

"Saan mo nakuha yan!?" napakamot naman si Wendy ng kanyang ulo bago umatras ng makita niya ang nanlilisik na mata ni Irene. Pinipigilan ni Wendy na sumibol ang kanyang ngiti, ang cute pala magalit ni Irene, para siyang maliit na rabbit na galit kamukha niya si Snowball sa Secret Life of Pets. "Hoy Wendy tinatanong kita!"  bahagyang natawa ang bokalista matapos niyang makita na lumapit si Irene sa kanya, ang mga mata nito ay parang laser na nanglilisik. Bahagya namang nawalan nang balanse ang maganda dilag kaya naman agad sinalo ni Wendy si Irene. 

"Tignan mo nahuhulog ka na agad sakin Irene." agad namang tumayo si Irene at tumingin muli sa cellphone ni Wendy na hawak nya sa kaniyang kamay. Muli siyang napairap, di nga nagkamali si Irene sa mga naririnig niya patungkol kay Wendy. 

"Anong pinagsasabi mo dyan? Ang tinatanong ko lang kung saan mo nakuha itong picture ko na ito!" may ngiti sa mata nung bokalista bago niya kinuha ang cellphone mula kay Irene. Sa totoo lang nilalakasan lang ni Wendy ang kanyang loob para iapproach si Irene, pero in reality sobrang nahihiya siya (oo nahihiya siya ng lagay nayan bawal umangal.).

"Kay Yerim, pasensya na ang ganda mo kasi talaga eh, ang dami kong hirap bago ko napapayag si Yerim na ibigay yan. Pero Irene, malalate ka na. Sakay ka na." hawak ni Wendy ang isang pink na helmet habang nakatingin kay Irene, totoo namang malalate na si Irene at kahit si Wendy ay malalate na para sa statistics class niya. Wala namang ibang nagawa si Irene kung hindi lumapit at isuot ang pink na helmet. Bakas sa mukha ni Wendy ang saya habang tinutulungan niya si Irene na sumakay sa motor niya. "Irene hawak ka maigi ha?" Nakita ni Wendy kung paano umirap si Irene bago siya humawak sa likuran na bahagi ng motor. Natawa na lang ang bokalista bago niya pinaandar si boom. Agad namang napatili si Irene at agad na yumakap sa bokalista. "Sabi ko naman sayo Irene humawak ka eh." naramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso ni Irene, napangiti na lamang si Wendy. Bahagayang umaasa na sana sa susunod siya na ang dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ng dalaga. 

Naging tahimik ang biyahe papunta sa university, di mapigilan ni Wendy na mapangiti sa bawat buntong hininga mula sa magandang dalaga. Pagkatapos ng ilang minuto, huminto si Wendy sa tapat ng Business Administration building. "S..Salamat Wendy." agad namang ngumiti si Wendy bago inabot ang bag ni Irene na nilagay nya sa may harapan niya. 

"Walang anuman, pasok ka na Irene baka malate ka pa."  tipid na ngumiti si Irene bago siya pumasok sa loob ng building. Nakatingin lang si Wendy habang pinagmamasdan si Irene na naglalakad papasok ng Bus. Ad building. 

"Sumisipat ka na naman Wendy! Gago ka talaga!" naramdaman niya nalang ang batok ng bestfriend niyang si Seulgi. "Si Irene na naman! Sinasabi ko ba naman sayo kumikitang pangkabuhayan na yang si Yerim sa pagiging simp mo kay Irene!" Natawa nalang si Wendy bago pinaharurot ang motor papunta sa Engineering building. Sabagay tama naman si Seulgi, alam naman ni Wendy na mas maliit pa sa kaniya ang chance na magustuhan siya ni Irene or paglaanan man lang siya neto ng kaunting atensyon at oras. Pero sino ba naman si Wendy para sumuko sa pagpapagood shot sa crush niya. Oo aminado si Wendy na crush niya si Irene, lakas maka elementary ni Wendy pero crush niya talaga si Irene. 

Malay ba ni Wendy, kung maattract si Irene sa kagandahan ng boses niya? Meron siyang tiny bit of hope kaya naman asang asa siya. "Iniisip mo na naman crush mong taga business ad!" narinig niya ang boses ng tropang si Lisa, bitbit neto ang gitara niya habang nakangisi kay Wendy. Agad naman tumawa si Wendy bago bumaba sa motor niya. "Balita ko sumabay si Irene sayo, anong ginawa mo?" umakbay naman si Lisa bago niya hinila si Wendy papasok. 

Ano nga ba ang ginawa ni Wendy para mapasakay si Irene? Bahagyang napangiwi si Wendy ng maalala niya kung paano nagalit si Irene kani-kanina lang. Pero yung galit na kamukha niya si Snowball, kinilig na naman nga ang bokalista. "Walang humihindi sa pogi kong to Lisa." agad namang napamura ng malutong si Lisa bago tumawa habang binubuksan ang pintuan ng classroom nila. 

"Nabagok ka ba Wendy? Malamang sa malamang wala nalang talagang choice yan si Irene kaya sumakay kay Boom! Nako Wendy transport hike ngayon baka ginamit mo lang na excuse yun para makasilay ka dyan!" Umamba naman ng suntok si Wendy na agad na inawat ni Moonbyul na tawang tawa sa eksena ng bokalista at ang bahista ng banda. "Pikon ka na naman! Ayaw mo yun may usad ka sa crush mo. Papainom talaga ko pag napasagot mo yan!" Di alam ni Wendy kung binibigyan ba siya ng encouragement ni Lisa o sadyang nangaasar lang ito. Agad namang siyang napaupo sa kaniyang upuan bago bumuntong hininga. 

"Kawawa naman ang natitirang single sa tropa, sabi ko naman sayo ang dami daming nanghahabol sayo bakit diyan ka pa sa mataray na ate ni Yerim ni hindi nga ata alam nung tunay mong pangalan boss." totoo naman, ang dami talagang may gusto kay Wendy. All around the campus pa nga eh from all different courses, sa dami ng choices si Wendy na mismo ang magsasawa, pero hindi niya rin alam kung bakit isa lang ang gusto niya. Hindi niya rin alam kung bakit sa Irene, si Irene na wala halos pake sa kanya. Si Irene na pinagaagawan ng maraming lalaki. "Di naman sa sinasabi kong malabo, pero pre sa dami ng chix na humahabol sayo wala man lang bang nakapantay sa pagkacrush mo dyan sa ate ni Yerim?" Tanong din yan ni Seungwan sa sarili niya. Sa totoo lang, sa higit na isang taon niyang pagkagusto kay Irene dalawang beses palang ata sila nakapagusap ng dalaga. Una noong kaarawan ni Yerim na dinaos sa condo nila, tapos pangalawa ngayon. Sobrang nahihiya kasi si Wendy kay Irene kaya hindi niya alam kung paano ito lalapitan o kakausapin man lang. 

"Tanga Byul, hulog na hulog yan kay Irene kaya ganyan!" narinig ni Seungwan ang boses ni Seulgi na umupo sa tabi niya. Agad namang nilabas ng tropa niya ang libro neto saka siniko si Wendy. "Wala tayong magagawa sa puso ng marupok nating kaibigan. Si Irene talaga eh. Kaso nga lang wala talaga siyang chance." agad namang umirap si Wendy na kinatawa ng barkada niya. "Wendy narinig ko lang sa business ad ha, nakipagkita kasi ako kay Joy, may nagbigay daw ng flowers kay Irene kanina." Hindi alam ni Wendy kung saan nanggaling yung sakit at inis na nararamdaman niya, sino ba naman kasi siya para magselos? Hindi nga siya cinoconsider ni Irene na kaibigan man lang eh. Siguro kakilala ang tamang term. 

"Hina naman nun, bulaklak lang kaya ibigay? Kaya ko gawan ng kanta si Irene at ibigay sa kanya ang mundo."  Kitang kita sa mata ni Wendy ang inis, hindi alam ng mga kaibigan niya kung matatawa ba sila o maawa sa estado at usad ng love life ng bokalista. Pero dahil na likas na mapangasar ang mga kabanda niya di inasahan ni Wendy ang susunod niyang narinig. 

"Bobo mo Wendy! Di mo nga kayang kausapin si Irene at lapitan man lang wag nga kami lokohin mo, asa naman na patulan ka nun!" at dun nagsimula maghabulan sa loob ng classroom si Lisa at Wendy. 

-

Malas siguro ang araw na ito para kay Joohyun, palabas na sana siya ng puregold nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, syempre hindi siya nagdala ng payong kasi pampabigat lang yun sa bag. Magmula pa kaninang umaga hindi maganda ang mood niya. Nagumpisa ito nung naihatid na siya ni Wendy at nakasalubong niya si Suho. 

Ilang beses na bang sinabi ni Irene na hindi siya interesado, at ilang beses niya narin bang sinabing tigilan na siya. Naiinis na si Irene pero sobrang persistent kasi ni Suho. Hindi niya narin kasi alam kung ano ang dapat gawin. Napabuntong hininga si Irene habang nakatayo sa labas ng Puregold. "Para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa." nagulat si Irene nang marinig niya muli ang boses na iyon. Nasapawan ng malakas na halkhak ni Wendy ang kanyang mga iniisip. "Ako lang to Irene wag ka magulat." tumingin si Irene sa bokalista, may hawak itong plastic sa kamay at ang isa naman ay may hawak na payong. 

"Sinusundan mo ba ako?" mataray ang naging tono ng boses ni Irene, hindi niya rin alam kung bakit? Pero dahil siguro sa pagod niya sa practice sa dance club dahil malapit narin kasi ang year end party ng university nila. Napaatras naman si Wendy at halatang umaacting siya na offended siya sa sinasabi ni Irene. 

"Grabe ka naman makapagbintang Irene, hindi ba pwedeng nagkataon lang na nandito ako sa Puregold. Sige wag ka magaalala next time sa family mart nalang ako mamimili." base sa tono ng boses ni Wendy halatang nakikipagbiruan parin ito, makikita mo rin yung maliit na ngiti sa labi ng bokalista. Bahagya nalang natawa si Irene sa inaasal ni Wendy. "Uy first time ko atang napatawa ka. Mas maganda ka pala talaga pag nakangiti." hindi alam ni Irene kung iirap ba sya o basta nalang lumayo sa bokalista. Hindi rin malaman ni Irene kung bakit mas komportable siya ngayon kesa sa nangyare sa loob ng campus. 

"Talaga bang lahat ng ginagawa or sasabihin mo may kasamang banat?" natawa na naman ang bokalista habang nakatingin sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi napansin ni Irene ang pagsibol ng ngiti niya ng marinig niya ang tawa ng bokalista. 

"Uy hindi ako bumabanat! Totoo naman yun Irene, alam naman ng lahat na maganda ka, pero di ko akalain na mas mukha kang anghel pag nakangiti ka."  gustong tumawa ni Irene pero napailing nalang siya. "Ay mukhang hindi kasi maganda first impression mo saken dun sa birthday ni Yerim. Hi Irene! Ako nga pala si Wendy, Seungwan ang tunay kong pangalan pero pwede mo naman akong tawagin mahal mo."  Gustong kiligin ni Wendy sa sariling banat niya pero nung nakita niya kung gaano hindi kainteresado yung mukha ni Irene gusto niya nalang magpalamon sa lupa. "H..Hindi joke lang Irene! Wag ka naman magalit nakakatakot ka pala talaga. E..Eto yung payong tara na sabay ka na saken pauwi." binuksan ni Wendy ang payong saka ngumiti ng tipid, inilahad niya pa ang kamay niya para matulungan si Irene sa tatlong bag ng grocery na bitbit niya. 

"O..Okay lang ako Wendy mauna ka na baka tumila narin naman yung ulan nakakahiya nakisabay na nga ko sa iyo kaninang umaga." ngunit ang motto ni Wendy ay never say never o never give up ata hindi siya sure. Kaya naman kinuha niya ang dalawang plastic bag saka hinila palapit si Irene sa kanya para makasukob sa payong niya. 

"Gabi na Irene delikado na dito. Ihahatid na kita." hindi alam ni Irene kung ano ang mararamdaman niya. Malakas ang ulan at kasabay rin ito ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Ano nga ba itong nararamdaman ni Irene? Napatingin si Irene kay Wendy, nakita niya na ang kalahati ng katawan nito ay nababasa dahil sa ulan. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. "Sakay ka na amin na yan lagay ko sa likod para di ka masikipan sa harap." mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Irene, hindi niya alam kung bakit, kung paano. Sumakay siya sa loob ng sasakyan ni Wendy, malinis ito at kita kung gaano kaayos na tao ang bokalista. 

Nagulat si Irene ng sumara ang pinto ng driver seat, nakita niya na may kinuha si Wendy sa likod ng sasakyan, nanlaki ang mata niya ng abutan siya ni Wendy ng jacket. "Wendy ikaw yung nabasa ng ulan, ikaw na dapat magsuot niyan." hindi alam ni Irene kung saan siya kumuha ng lakas ng loob, kinuha niya ang panyo niya sa bag saka pinunasan ang balikat ang ulo ni Wendy na nabasa ng ulan. At si Wendy? Ayun kilig na kilig ang bokalista habang pilit na iniiwas ang tingin kay Irene. Natatakot siya na baka mas mahulog pa sa dalaga. 

"Salamat Irene, uwi na tayo." may malapad na ngiti sa labi ng bokalista bago niya pinaandar ang sasakyan. Malakas parin ang buhos ng ulan, gusto ni Wendy na mas maging mahaba pa ang biyahe. Tanging tugtog ng playlist ni Wendy ang rinig sa loob ng sasakyan pero masaya ang puso ni Wendy. Paminsan minsan ay numanakaw siya ng tingin kay Irene na nakatingin lang sa bintana. Hindi niya maiwasang kiligin. Kung kiligin naman itong si Wendy kala mo may something sila ni Irene. 

Siguro swerte si Wendy ngayong araw dahil narin sa dalawang beses sila nagkita ni Irene, napasakay niya si Irene kay Boom at kay Peony. Nakatayo na sila sa tapat ng pintuan ng unit nila Irene. Hawak parin ni Wendy ang mga grocery bag ni Irene pinilit niya si Irene na siya ang magbuhat dahil mabigat ito. "Thank you Wendy, okay na ako na magpapa...."  hindi natapos ni Irene ang sasabihin niya ng bumukas ang pinto ng kabilang unit, lumabas bigla si Yeri kasama si Seulgi nanlaki ang mata ng dalawa. 

"SHET!!!!! Nagdate ba kayo ate? Ang cheap naman ng date niyo Ate Irene sa puregold lang." natatawa pa si Seulgi habang sinasabi yun. Hindi malaman ni Wendy kung ano ang dapat niyang gawin? Ipasok ba ang grocery ni Irene o wakasan ang buhay ng bestfriend niyang si Seulgi? 

"Ipasok ko na muna tong grocery mo para makapagpahinga ka na." binuksan ni Irene ang pinto ng unit nila kaya agad namang pumasok si Wendy. Hindi naman ito yung

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
LockLoyalist
#1
Chapter 5: Ay wow Joohyun hahaha yes girl
ky2488
#2
Chapter 5: Waaaa special chapter! Speed ka, author-nim!! Kakapa poll mo pa lang kahapon ah 😂 Thank you so much for this! Cute cute talaga nila and I really like how you ended the chapter 👏
mklarisse_ #3
Chapter 5: ang ganda 😭😭 sobrang daming feels grabe po huhuhu
hi_mitochondria #4
Chapter 5: 😭😭😭😭😭😭😭💗💙
M_jeeh08
#5
Chapter 5: Thank you po sa update🥰💙❤️
hi_mitochondria #6
Chapter 4: 💗💙💗💙💗💙💗💙💗💙
ky2488
#7
Chapter 4: Gaahh nakakainis! Bakit ang cute cute nila! Kasalan na ba sa next chapter, author-nim? Haha thank you so much and looking forward to your next stories! 😍😍😍😍
Nazrif
#8
Chapter 4: Wawwoo we get special chapter thank you so much author omg sobrang sweet nila together and sana makita kita sa ibang story or new story baka hehehe once again thank you author.💝💙🤧😻👏🏻👏🏻👌🏻👌🏻👍🏻👍🏻🔥🔥👋🏻😊😅😁