alabaft: random 01

ALAB: After Hours
Please Subscribe to read the full chapter

—Alliana and Allister do general cleaning of their unit as their bonding time.

 

 

Bonding time!

 

Yan ang sinabi ni Allister kay Alliana nang tanungin nito kung bakit kailangan nilang mag general cleaning together.

 

Nabanggit lang naman ni Alliana na nagkakaron na ng alikabok ang mga sulok ng unit nila. Dahil na rin sa pagkaabala nila sa school, hindi na sila masyadong nakakapaglinis bukod sa usual na pag vacuum at mop ng sahig na salitan nilang chores.

 

Matapos marinig ni Allister yun, nagsuggest na siya na mag set sila ng general cleaning para naman malinis nila nang ayos ang unit. Mahirap na rin daw kasi na napapabayaan nila ang bahay nila.

 

Ani ni Allister, “Dapat alagaan natin ‘to kasi bahay natin ‘to eh. Di ba, Iani?”

 

Um-oo na lang si Alliana. Hindi naman siya mali eh. Kailangan na nga rin siguro nila talagang mag general cleaning dahil matagal na rin silang naglalagi sa unit as roommates. 

 

After all, siya na nga ang may sabi na ayaw niya ng mess.

 

After mag almusal ng dalawa, nagsimula silang ipunin lahat ng sheets at curtains, pati na rin ang mga labahan nila para madala sa laundry na meron sa baba ng building nila. 

 

Si Alliana na sana ang magdadala ng lahat sa baba pero nag-insist si Allister na sasamahan niya ito na pinagtalunan pa nila ng ilang minuto bago natuloy.

 

“I can manage na nga.”

 

“Sasamahan na nga kita. Ang dami kaya nito!” Tiningnan ni Allister ang ga-bundok nilang labahan.

 

“Are you underestimating my strength, Arki?” Sinimulan nang hilahin ni Allister ang isang malaking bag ng laundry habang si Alliana ang kumuha ng isa pa.

 

“Mej! Hindi naman malaki katawan mo kaya.” Busy si Allister na dalhin ang bag papunta sa elevator habang nakasunod sa kanya si Alliana na dala ang isang bag.

 

Tumaas ang kilay ni Alliana. “I’m way stronger than I look. And you don’t look that strong either, you know?”

 

Nang makarating sa tapat ng elevator, tumayo nang tuwid si Allister at nakapameywang na tumingin kay Alliana.

 

“Ay nako, pumayag ka na lang. Marami pa tayong gagawin. Kung gusto mo ikaw kumuha nitong dalawang bag mamaya pag ipipick up na.”

 

Tumunog ang elevator at bumukas sa harapan nila. Halata ang pagka kunot ng noo ni Alliana na di naman pinapansin ni Allister. 

 

Nang akmang kukunin na ni Allister ang dala niyang malaking eco bag, bigla itong kinuha ni Alliana at dinala papasok ng elevator.

 

“Daming sinasabi.” Alliana muttered to herself. Sumunod si Allister sa kanya na bahagyang narinig ang kasama pero hindi naintindihan.

 

“May sinasabi ka ba?”

 

Matapos ang pagtatalo nila pati pagbalik, nagsimula na silang ayusin at linisin ang mga gamit. Inisa isa nilang punasan ang kanya kanyang mga gamit para hindi mag halo ang mga ito. 

 

Mas marami ang gamit ni Allister dahil sa mga plates at tools niya kaya naman halos sakupin nito ang espasyo sa may drafting table.

 

Hindi naman na masyadong nakipagtalo si Alliana sa kanya. Siya na ang nag adjust at naglinis sa bedroom area para hindi masyadong masikip. Abala sila sa ginagawa habang pinapatugtog ni Allister ang paborito niyang playlist.

 

Sabi niya pampagising niya daw yun pero yun na ata ang playlist niya sa lahat ng gagawin niya na kailangan ng energy.

 

Hindi naman na nagtaka si Alliana at sanay na rin siya sa choice of music nito. Naeentertain na siya sa mga rapping attempts ni Allister dahil hindi man niya sabihin nang malakas, impressive ito dahil halatang kabisado nito ang lyrics.

 

Ilan sa mga kinakanta niya sa playlist ay ang kanta ni Gloc-9 pati na ang duet ni Sam at Tippy. Minsan pinipigilan na lang ni Alliana ang matawa nang malakas dahil kahit hinaan ni Allister ang pagkanta, rinig nito pagkanta ng lahat ng parts ng duet, kahit ang rap sa dulo.

 

Hindi man sinasadya pero habang pinapanood ni Alliana ang pagkanta ni Allister, natawa siya nang bahagya sa pagkanta nito ng adlibs. Naging dahilan ito para mapalingon si Allister sa kanya kaya nagkatinginan pa silang dalawa pagkatapos ng kanta.

 

Hindi natinag si Alliana. 

 

She just kept her amused gaze on her roommate who was a few feet away from her. Napakamot ng batok si Allister at itinikom ang bibig habang unti unting umiwas ng tingin at lumingon pabalik sa mga gamit niya.

 

Allister was gently bobbing her head to the next song, acting like nothing happened. Alliana couldn’t help but break out in a smile before turning back to her task.

 

The two of them cleaned the unit after that, with Allister sweeping the floor and Alliana mopping it right after. Isip ni Alliana na ang weird na nakakipit sa kili kili ni Allister ang walis habang pinapanood siya nitong mag mop.

 

Matapos ang pagwawalis at mop, minabuti na nilang mag tanghalian. Alliana ordered earlier para hindi na nila kailangan pang magluto. Naisip niyang pagod na sila para mag isip ng lulutuin at dagdag pa ang mga hugasin sa gagawin nila.

 

Tahimik lang silang kumain ng lunch. Mukhang na-drain ang energy ni Allister dahil hindi ito dumadaldal at parang natutulala na lang habang kumakain. Hinayaan na lang ni Alliana ang kasama at tumayo nang marinig ang doorbell.

 

Pagbalik niya sa table, nakatitig lang sa kanya si Allister. “May inorder ka pa? Dami na nito ah.”

 

Alliana shrugged, “Just iced coffee.” Nilabas niya ang dalawang iced coffee at binigay kay Allister ang isa.

 

Parang nagningning ang mga mata ni Allister sa nakit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
deloctrl
Sorry sa super tagal na wait. Nung December pa tong alabaft draft na to pero now ko lang naituloy. i'm done with break and medyo out na from writer's block so hopefully magawa ko na ang LIAB soon^^

Comments

You must be logged in to comment
Hiccups_ #1
Architect author! Congrats po! 🎉💙
prfssrTaC
#2
Chapter 9: oks lang po na dito rin lang para di na rin hassle sa side mo otor. since continuation rin naman po ng alab ang liab. pero kahit alin po oks po ako!
justsomeanimelover
#3
Chapter 8: Mygod i cant wait 😭😭
shhnnyyuu
#4
Chapter 7: yieeeee
hickery
#5
Chapter 8: Omgomgomg
Kimjtaglamig #6
Chapter 8: This story is really comforting i still read it hehe
Kimjtaglamig #7
Chapter 7: AA couple ahh!!!! Na miss ko to sobra!!!
Kimjtaglamig #8
Chapter 7: Gagi welcome back!!!?
turtlerabbitpeach #9
Chapter 8: <3
fruitykmj
#10
Chapter 8: Welcome back! Namiss ko itong AA couple