TWO

Fallin' Slowly
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

Ring~ Ring~


What the hell?! Ang aga aga naman ng tumatawag


Bago ko sagutin ang tumatawag, tiningnan ko muna ang oras na nasa wall clock. 3:45. Masyado pang maaga para pumasok.


"Hello" I groggily said on the phone, pagsagot ko without looking at the caller baka kasi sa hospital to


"Uy" I heard the very familiar voice that I rarely hear, napabangon naman ako agad agad


Bakit naman nya kasi ako tatawagan ng ganito kaaga di ba?


"Hi! Napatawag ka?" sagot at tanong ko na halong may kaba kasi hindi naman talaga nya ako tinatawag at ganon din ako sa kanya


"Natutulog ka pa ba. Sorry sa istorbo ka-" hindi pa sya tapos na magsalita ng sumagot ako


"Ano ka ba okay lang. Ano ba yon?" medyo naguguluhan lang sa pagtawag nya ng dis oras


"Wala ka bang pasok today? 8:25 na kasi baka malate ka na?" may pag-aalala nya sabi


Ha? 8:25? Ang aga aga pa 3:45 pa lang ng umaga. Lasing ba sya?


Tiningnan ko naman ang oras na nasa phone ko 8:26 na! May goodness tama sya malalate na talaga ako!

 

"Thanks sa reminder Winter akala ko kasi mag fofour pa lang. Maghahanda na ako. Bye!" sabi ko at tumayo ng mabilis para maghanda hindi ko na syang hinintay pang sumagot


Dali dali akong pumasok sa cr para maligo. Mabilis akong natapos. Ito na yata yung pinaka mabilis kong naligo. Agad agad naman din akong nagbihis at kinuha ang bag na gagamitin ko.


Habang bumaba ako sa hagdan ay naglalagay na rin ako ng make-up. Yung light lang.

 

Sana hindi ako mahulog.

 

Isip ko habang kumakaripas pababa ng hagdan. 


Mabilis din naman ako nakababa at inayos ko naman ang pag-aapply na make-up sa mukha ko. Nakakahiya naman kung hindi pantay, di ba?


"Good morning!" rinig kong sabi nya at napatingin naman ako


"Good morning din" sabi ko habang kumukuha ng baso para magtimpla


8:57. malalate na nga yata talaga ako!


"Pinagtimpla na pala kita ng kape" sabi nya at napatingin naman ako sa kanya


Hindi sya nakatingin sakin sapagkat medyo nakayuko ang ulo nya at hinahalo ang sarili nyang kape.


May nakita akong kape sa gitna ng center island at sa tingin ko, yun yung tinutukoy nya. Kinuha ko naman agad ito at isinalin na lang sa tumbler para mainom ko sa sasakyan.


Malalate na rin talaga kasi ako.


"Thank you" pasasalamat ko habang sinasalin ang kape na itinimpla nya para sa akin sa isang tumbler


"Welcome. Pero di ko sure kung okay lang sayo yang timpla" she said at tumingin sa akin habang ginagawa ang pagsasalin


"Ano ka ba okay lang" sagot ko


Aarte pa ba ako? Napaka choosy ko naman non


Napaka caring nya naman. I appreciate the effort. Kung alam ko lang na ganito sya ka caring eh di sana. E di sana wala lang hehe.


"Thank you nga pala sa paggising sa akin. I got to go na. Bye" I said as I rushed to the door and went to the garage to get my car


9:05


Nagdrive naman ako agad. Ayaw ko kasi talagang nalalate. Nahihiya ako. Stoplight. 58 seconds pa. Ininom ko ang kape na nasa tumbler habang naghihintay na mag go.


Tama lang ang lasa. Hindi sya mapait at hindi rin matamis. Tamang tama lang sa panlasa ko. Ang bait nya pala. Bakit ngayon ko lang nalaman?


Nakarating din naman ako agad. 9:26 hindi pa ako late pero kailan ko makapag log agad agad kasi baka malate naman ako kahit nandito na ako sa ospital.


9:28. Oras ng log. Thank goodness hindi pa ako late.


Agad agad din naman akong pumunta sa office na pinag iistayan naming mga residents.


"Late ka girl?" medyo natatawang sabi ng bestfriend ko na si Giselle


"Sorry but no." sabat ko na may halong tawa at pagka inis


"Talaga ba?" Pang-iinis nyang sabi


"Fortunately yes. Nakapag log ako ng 9:28 gi, kaya hindi parin ako late." sambit ko sabay roll ko ng eyes sa kanya at naupo na sa designated table na ibinigay sa akin


Binuksan ko naman agad ang laptop ko para makapag-umpisa na sa mga paper works na kailangan ko pang asikasuhin. 


Mamaya kasing 1:30 ay mag-aasist ako para sa operation ng isang patient with Doctor Im.


Nakakailang bese na din naman ako nakapag-assist na. Hindi na ako kinakabahan mag-assist tuwing nag oopera hindi tulad noong mga unang bese akong nag-aassist. Kinakabahan talaga kasi ako noon ng sobra sobra at ngayon thank goodness hindi na. Achievement unlocked.


Nag rounds naman ako after an hour. Kailangan kasi i-check yung mga patients para makita yung progress nila o kung anuman ang mga pagbabago. All is well naman.


Ring~ Ring~


Tumingin ako sa phone at tiningnan kung sino ang tumatawag


Gi


Sinagot ko naman agad ang phone


"Rina!" she said with a very enthusiastic voice


"Yes?" sagot ko, naglalakad naman ako ngayon sa hallway papuntang office


"Break mo na now, di ba? Lunch tayo"


"Sure nasaan ka na?"


"Papunta na actually. Kita na lang tayo don"


"K" binaba ko naman agad ang call at lumiko na papuntang canteen. Out of way kasi yung daan ko ngayon


Nang makarating ako sa canteen nakita ko naman agad si Giselle at pumunta ako sa table nya. May food na sya. Hinintay nya pa talaga ako.


"Order ka na Rina. Wait kita." sambit nya at agad naman akong umorder


Beef Caldereta with Rice ang lunch ko today.


Pagkadating na pagkadating ko pa lang agad agad naman umirap tong bessy ko. Lakas talaga ng mood swing neto.


"Ang tagal Rina ha. Ang tagal." sambit nya sabay irap.


"Hindi ko naman sinabing maghintay k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 1: Hi? Author?
CaptainWinteo #2
Chapter 5: tor update plssaa
osumnevercease
#3
Chapter 1: taeyeon and tiffany straight era HAHAHAHAHA
jiminjeongiee
#4
Chapter 5: hala anong meron minjeong
heyoosky #5
Chapter 5: Okay okay..... curious ako bakit may arrangements na naganap sa una at bakit seul knows win and vice versa
yukimin
#6
Chapter 5: ay ano meron mga bhie
Coleeee #7
Chapter 5: I'm curious as to why the parents arranged Winrina to be married. I'm pretty sure there's hidden agenda there.
winter_gae #8
Chapter 4: grabe ang hubby material ni winter here
Pach18 #9
Chapter 4: Ang lungkot naman, mabuti andyan si winter sa tabi ni karina ng panahon may nangyari sa daddy niya. May pagkukunan siya lakas at ma comfort din siya.
yukimin
#10
Chapter 4: unang sakit sa story:((