ONE

Fallin' Slowly
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

I flopped my body in my bed as I sigh. Finally I am able to rest now. Sobrang nakakapagod ang araw na to. Napakadaming kailangan gawin at aralin ngayon sa hospital at hindi ko mabilang ang dami ng pasyente na kailangan namin asikasuhin ngayon.


By the way, I am Karina Yoo isang cardiothoracic surgeon and already in my 3rd year of residency dito sa St. Lukes Medical Center. This year I am turning 31 years old and I could feel myself getting older as the days pass by.


Grabe, piling ko lang talaga sobrang bilis kong mapagod. Well, given na talaga na mabilis akong mapagod sa dami ng ginagawa ko pero iba na kasi ngayon, simula nung tumuntong ako ng 30 piling ko lang sobrang bilis ko na talaga mapagod kaya feeling ko mas kailangan ko laging magpahinga.

 

Namiss ko din humiga higa at tumambay dito sa kwarto, like I usually do.

 

Lumingap lingap ako sa apat na sulok nitong kwarto at napansin ko kung gaano na kagulo at kadumi ito. Parang walang taong nakatira. Kadiri lang. Hindi naman talagang sobrang dumi pero hindi lang din  talaga ako sanay na ganito ang kwarto na madumi.


Hay nako mukhang kailangan ko na talagang maglinis kahit pagod na pagod ako today.


Bigla ko na lang naisipan na pumunta na lang sa study table, may kailangan pala akong aralin para sa isang case study na ibinigay sa akin ng aming attending doctor.

 

Mabait at magaling na doctor at well respected din around the hospital. Ang dami ngang naiingit sa batch naming mga resident nung nalaman ng isa pang batch na si Doc Yoona Im ang maghahandle sa amin.


Sa ilang buwan niya palang sa paghahandle samin, mas madami pa akong natutunan. Ang galing galing lang kasi talaga ni Doc Im magturo at napaka patient nya sa aming mga baby doctors. Binibigyan at tinuturo pa nga nya sa amin ang kaniyang sariling technique at yung mga ginagawa nya sa isang operation.


Day off ko nga pala bukas. Siguro mamaya ko na lang to aaralin at maglilinis na lang muna ako ng kwarto habang sinisipag pa ako.


Waaaa. Bakit ba ang dami kong kailangan gawin. Nakakapagod lang.


Tumayo na ako at bumaba dahil syempre kailangan ko pang kunin ang mga gamit na kakailanganin ko sa paglilinis.

 

Agad naman akong umakyat ng makuha ko ito. Tiningnan ko muli ang loob ng aking room, inaanalyzed kung saan ba ako mag uumpisa o ano yung uunahin kong gawin.


Bathroom na nga unang ko linisin bago yung kwarto.


Medyo matagal tagal ko din nilinis ang banyo. Gusto ko kasi yung wala na akong makikitang dumi at natutuwa ako pag nakikita ko itong makintab.

 

Pagkatapos nito, sinunod ko na ang aking kwarto. Pinalitan ang kailangan palitan, ayusin ang dapat ayusin at linisin and dapat linisin.


Finally, natapos din ako. Mga magdadalawang oras na din simula ng nag-umpisa ako. Pumunta ako sa baba at binuksan ang tv at naupo sa sofa. Tamang pahinga lang muna.

 

Pahinga muna ako. I need rest. Pag-iinarte ko sa aking isipan


Nanood muna ako ng tv at habang nanonood ay bigla ko nang naramdaman ang pagka-antok pero tatapusin ko muna itong pinapanood ko. Naaaliw kasi ako. 


Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.


Nagising ako ng may naamoy akong niluluto. Amoy sinigang na masarap. Nagising na ako ng tuluyan ng marealize ko kung ano ang kasalukuyang nagaganap.


! Andito na sya. Baka nakita nya yung itsura ko habang natutulog. Nakakaiyak lang.


Inayos ko ang buhok ko at inayos at suot kong damit at dahan dahan akong tumayo at para hindi mapansin ng tao sa kusina na nagising na ako pero biglang syang lumingon at nakita ako na paalis na.


Nakakahiya. Naabutan pa nya akong tatakas.


"Uy, gising ka na pala" sabi nya at ngumiti lang ng kaunti at humarap na ulit sa kanyang niluluto.


"Oo, hehe. Aakyat na pala muna ako" sabi ko pero nakakaisang hakbamg palang ako ng marinig ko ulit syang magsalita


"Luto na to. Sabay na tayo kumain" sabi nya at nagtaka naman ako dahil hindi naman kami nagsasabay kumain


Siguro kasi nandito na ako kaya yinayaya nya na ako? Right?


"Kung gusto mo lang naman" pahabol nyang sabi dahil na siguro dahil hindi ako agad nakasagot sa tanong nya


"Sure. Sige sabay na tayo kumain" sagot ko at ngumiti ulit sya ng bahagya


Ngayon ko lang narealize na ang ganda nya pala talaga. Hindi ko kasi sya masyadong napapansin dahil bihira l

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 1: Hi? Author?
CaptainWinteo #2
Chapter 5: tor update plssaa
osumnevercease
#3
Chapter 1: taeyeon and tiffany straight era HAHAHAHAHA
jiminjeongiee
#4
Chapter 5: hala anong meron minjeong
heyoosky #5
Chapter 5: Okay okay..... curious ako bakit may arrangements na naganap sa una at bakit seul knows win and vice versa
yukimin
#6
Chapter 5: ay ano meron mga bhie
Coleeee #7
Chapter 5: I'm curious as to why the parents arranged Winrina to be married. I'm pretty sure there's hidden agenda there.
winter_gae #8
Chapter 4: grabe ang hubby material ni winter here
Pach18 #9
Chapter 4: Ang lungkot naman, mabuti andyan si winter sa tabi ni karina ng panahon may nangyari sa daddy niya. May pagkukunan siya lakas at ma comfort din siya.
yukimin
#10
Chapter 4: unang sakit sa story:((