THREE

Fallin' Slowly
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

Winter's POV

 

 

Nakain ako ng late dinner ko ngayon dahil na busy ako sa mga paper works na ginagawa ko.

 

Wala naman na sa akin problema kung kumain ako ng late dahil sa sanay narin naman na ako.

 

Hindi nga lang talaga advisable na kumain late at night. Bahala na.

 

Nagreheat lang din ako ng ulam galing sa ref since meron naman leftovers na nakalagay don.

 

Nakita ko naman na nag ring ang phone ko habang sumusubo ako.

 

Bilis ko naman na nginuya lahat ng pagkain na nasa bibig ko at uminom din agad ng tubig.

 

Sinagot ko ang phone ko bago pa ito mapunta sa missed calls.

 

"Hello po ma" nahihiya kong bati sa mother-in-law ko

 

Narinig ko naman na humihikbi sya.

 

May nangyari kaya?

 

"Winter" naiiyak na sabi ng mommy ni Karina

 

"Yes po, ma. Okay lang po ba kayo" tanong ko ng may halong pag-aalala

 

"Winter, can you please relay this news to Rina?" bigla naman akong nakaramdam ng pagkabahala at pag-aalala

 

May masama kayang nangyari?

 

"Winter, tell Rina that her dad had a heart attack earlier."

 

What?! What happened to my father-in-law?!

 

"W-what happened po tita" hindi kasi ako makapaniwala sa narinig ko

 

"Winter, your dad got a heart attack earlier and he is in coma right now, please tell this to Rina, okay?" sambit ng byenan ko at narinig ko naman na nagpipigil sya ng luha habang sinasabi nya ang masamang balita

 

"Okay po tita" sagot ko na lang

 

Wala kasi akong maisip na sasabihin para sa ganitong sitwasyon na biglaan at dahil narin sa pag-aalala na nararamdaman ko.

 

"Bye Winter" rinig kong sabi sa kabilang linya

 

"Bye po" paalam ko

 

Nakita ko naman si Karina na pumasok. 

 

Nakauwi na sya.

 

Paano ko kaya sa kanya sasabihin yon.

 

Tumingin ako sa kanya at nakita ko naman sya na bahagyang ngumiti sa akin.

 

Tinamaan naman ako ng lungkot. Ano kaya magiging reaksyon nya tungkol dito.

 

Papunta syang kusina kaya naisipan ko na sundan na lang sya.

 

Ang creepy ko lang siguro, bigla bigla nalang nasunod.

 

Tumigil ako sa may dining at hindi na sumunod sa kanya. Papunta kasi sya sa may ref, alam namang sundan ko rin sya hanggang doon.

 

Hinila ko naman ang upuan para maupo na lang. Isipin ko muna kung paano ko ibabalita sa kanya ang nangyari.

 

Kinuha ko ang phone ko na nakalapag na sa table.

 

Tawagan ko kaya ulit si mom? Pero sabi nya ako na daw magrelay ng balita. Ano ba yan kinakabahan ako. Kinakabahan ako na nag-aalala.

 

Nakita ko naman na naglagay sya ng isang basong tubig sa harapan ko.

 

Mukha yata talagang kailangan ko na ng tubig.

 

Ininom ko naman yung tubig na inilagay nya.

 

"May gusto pala akong sabihin" pag-uumpisa ko at nakita ko naman na bigla syang kinabahan

 

"Sure. Ano yon?" tanong nya. Ininom ko naman yung natitirang tubig sa baso

 

"Uhmm" pag-uumpisa ko

 

Paano ko ba sasabihin sa kanya to ng hindi nauutal?

 

"Ano kasi" pagpapatuloy ko at nakita ko naman syang ininom ang tubig na nasa harapan nya

 

"Ano yon?" sagot nya pagkatapos uminom

 

"Ganito kasi yan. Ano kasi" medyo may pag-aalinlangan kong sabi

 

Nakita ko naman na nagtataka sya.

 

Kahit siguro ako magtataka din pag ganito sa akin sinasabi yung sutwasyon.

 

Pasensya na kinakabahan lang talaga ako.

 

"Inatake daw sa puso ang dad mo at na" humugot ako ng isang malalim na pag hinga at sinabi ito, hindi ko natapos dahil pinutol nya ako

 

"A-anong nangyari sa Dad ko?" tanong nya, naiiyak na, nakita ko naman na hinihintay nyang ipagpatuloy ang naputol kong sinasabi

 

"Inatake daw kanina ang dad mo at nasa ICU na." pagpapatuloy ko

 

"B-bakit daw nasa ICU?" Umiiyak nya na tanong

 

"Comatose daw kasi ang dad" at hindi nya na napigilan pang umiyak ng malala

 

Lumapit naman ako sa kanya para yakapin.

 

Pinatong nya ang kanyang ulo sa aking balikat at doon na umiiyak

 

Naramdaman ko naman ang unti unti ng nababasa ang damit ko dahil sa luha nya.

 

Pinapat ko naman ang likod nya at hinayaan syang umiyak.

 

Patatahanin ko muna sya.

 

 

 

-

 

 

 

 

Nasa skyway na kami papuntang hospital sa Alabang.

 

Sa Alabang na nagrereside ang family ni Karina since, I think before we even got married.

 

Papunta na kami ngayon dalawa sa hospital kung saan naka admit ang dad nya.

 

Asian Hospital and Medical Center

 

I call ate Irene earlier bago kami magpunta since hindi naman namin alam kung saang hospital nakaadmit ang aking in-law.

 

Hindi rin naman nabanggit ni Mama Tiffany kung saan kanina.

 

Aligaga at medyo wala rin kasi sya sa wisyo nung tumawag sya.

 

Kanina nung tumawag ako ayaw pa nga kami muna papuntahin ni Karina kasi hatinggabi na at delikado na daw sa daan.

 

"Winter, wag na kayo ngayon pumunta at delikado na sa daan ngayon." sabi lang ni ate Irene

 

Bigla bigla naman kinuha ni Karina ang phone ko at inilakas pa lalo ang volume ng phone para mas marinig pa.

 

Naka loud speaker na naman ito kanina pa.

 

"Ate pupunta na ako ngayon. Sabihin mo na kasi kung saan." medyo may halong inis na sabi ni Karina sa ate nya

 

"Rina, gabi na, bukas na lang. Delikado na sa daan ngayon. Magpahinga ka na lang muna." pag-iinsist pa ni ate Irene

 

"Ate sabihin mo na nga. Ang kulit naman. Pag hindi mo sinabi mag-iikot ako sa lahat ng hospital dyan hanggang sa mahanap ko." inis na inis na sabi ng aking katabi

 

"Asian Hospital and Medical Center. Winter, ikaw na bahala dito sa kapatid ko, tawag ako ni Mom." binigay na rin ni ate Irene ang pangalan ng hospital dahil na rin sigiro nakukulitan na dito sa katabi ko, which is understandable din naman yung pangungulit

 

Pareho naman silang may reason kung bakit at naiinrindihan ko yon.

 

"Aalis na ako. Thank you, Winter." sabi nya at paalis na nga

 

"Wait. Sasamahan na kita baka mapaano ka pa." Sabi ko na lang at humabol sa kanya na palabas na ng pinto

 

Wala na rin naman syang sinabi pa.

 

 

 

-

 

 

 

Tahimik lang kami ngayon sa loob ng sasakyan.

 

Hindi na sya nagsalita pa bukod sa 'Thank you' nya kanina nung sumakay ako sa may driver's seat.

 

Naiintindihan ko naman kung bakit.

 

Sobrang unexpected lang talaga ng mga pangyayari.

 

Last week lang kausap ko ang in-law ko sa phone and ngayon nasa coma sya.

 

Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon.

 

Parang ang weird lang.

 

Sumulyap naman ako ng slight sa kanya. Nakatulala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 1: Hi? Author?
CaptainWinteo #2
Chapter 5: tor update plssaa
osumnevercease
#3
Chapter 1: taeyeon and tiffany straight era HAHAHAHAHA
jiminjeongiee
#4
Chapter 5: hala anong meron minjeong
heyoosky #5
Chapter 5: Okay okay..... curious ako bakit may arrangements na naganap sa una at bakit seul knows win and vice versa
yukimin
#6
Chapter 5: ay ano meron mga bhie
Coleeee #7
Chapter 5: I'm curious as to why the parents arranged Winrina to be married. I'm pretty sure there's hidden agenda there.
winter_gae #8
Chapter 4: grabe ang hubby material ni winter here
Pach18 #9
Chapter 4: Ang lungkot naman, mabuti andyan si winter sa tabi ni karina ng panahon may nangyari sa daddy niya. May pagkukunan siya lakas at ma comfort din siya.
yukimin
#10
Chapter 4: unang sakit sa story:((