Unang Pagngiti

Mahal Kita Kaya Bahala Na

Sa tatlong taong naming pananatili rito ay naging pamilyar na ako sa mga lugar at mga tao. Lahat ng mgakakilala at kaibigan ni lola ay naging kaibigan ko na rin. Isa sa pinakamalapit sa akin ang kanyang kaibigan at kasosyo sa farm.Madalas akong pumupunta sa kanila para samahan siya sa bahay at para na rin makakain ng libreng almusal. Ang lola ko ay bread person habang ang hinahanap ng aking tiyan ay kanin.

Nandito ako ngayon sa kanila para ipagmaneho siya papuntang palengke at makikain na rin. Umuwi sa probinsya ang kanyang driver at ako muna ang hahalili dito. 

Napansin ko na marami ang pinamalengke niya at tinanong ko siya kung kabit. "Dadating mamaya ang apo ko galing Manila, ipagluluto ko siya ng mga paboritong niyang pagkain", sagot niya sa akin.

Nang makarating kami sa bahay niya ay sinabihan niya akong sunduin ang kanyang apo sa airport at kunin na rin yong mga gamit na inorder niya sa downtown. Ang daming request ni gramps ha. Dapat may bayad to.

Me: La, akala ko po ay libre yong pagkain ko rito, hindi pala.
Gramps: Wala ng libre sa panahon ngayon. I can't trust her with anyone kaya ikaw na ang sumundo. I'll treat you with good food.

Napango nalang ako at pumunta na sa airport. Bago ako pumunta ay kinuha ko muna yong mga gamit na inorder ng kanyang lola. Mga tatlong minuto na akong naghihintay bago tumunog ang cellphone ko at nakita kong nagmessge si gramps. 

"Nandiyan na siya. Maghazard ka para mapansin niya yong sa sakyan mo"

Sinunod ko naman yong sinabi ni lola at sa malayo ay nakita ko na ang kanyang apo. 

Natigilan ako saglit. 

" ang ganda", yan ang tangi kong nasabi pagkakita ko sa apo ni gramps. 

Literal na tumigil ang mundo ko at tila naging camera ang aking mata at nakaset ang focus nito sa nakakabighani niyang pagmumukha. Nakita ko na siya dahil sa mga pictures na nakadisplay sa bahay ni gramps. Alam ko na maganda siya pero hindi ko alam na ganito siya kaganda. Para siyang anghel na may imahe ni Mama Mary. Parang illegal at di nabigyan ng hustisya yong mukha niya na nakadisplay sa pictures.

*tok tok*

Nagising ako at bumalik sa katotohanan dahil sa sunodsunod na katok galing kay mama mary. Charot. Sorry po. Binaba ko ang bintana ng sasakyan at nakita ko ng malapitan ang kanyang magandang pagmumukha. Jusko po. 

Medyo mataray ang kanyang pagmumukha at nakataas pa ang kilay nito. Nasa gitna pa ngpagmamalfunction yung utak ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakita ko nalang na nilagay niya sa likod ang kanyang mga gamit at umopo sa shotgun seat. Napansin kong tinitigan niya ako.


"Hinuhusgahan mo ba ako?" Mama, mary wag po.

Nakita kong tumaas ang kilay niya---- nako po nasabi ko pala ng malakas yong iniisp ko. Tinahi ko ang bibig ko at sinampal ko ang pisngi ko sa aking imahinasyon. Bad impression agad. 

Hindi naman siya sumagot at sinuot nalang niya ang seatbelt niya. Iyon na ang naging signal ko at nagimula ng magdrive. Natulog lang siya habang nasa biyahe. Kung may pagkakataon kay tiningnan ko siya. "God, how can someone be so gorgeous?"

Napangiti lang ako habang nakatitig sa pagmumukha niya. Gramps, payag na akong maging driver mo kahit walang sahod.


Nakarating na kami sa bahay ng kanyang lola at hindi ko alam kung paano siya gisingin. Baka gusto niya ng kisses para magising? Charot. Bumusina na nalang ako para magising siya at effective naman.

Nagmunimuni pa siya ata siya nang makita niya ang bahay ni gramps. Hindi ko alam kong paanno siya kausapin at baka mautal lang ako. Down bad agad. Ganyan talaga, I'm weak for pretty girls. Bumusina nalang ulit ako. Yun lang yong naisip kong paraan para magising siya sa kung ano man ang inisip niya. Nakababa na ako at dala-dala yong mga gamit ni inutos ni gramps. 

Niyaya ako ni gramps kumain kasabay nila at dahil makapal naman ang pagmumukha ko ay sumabay na ako sa kanila. Nanatili pa rin sa katawan ko ang kilig dahil sa kagandahan ng apo ni gramps. Syempre ako na ang nagligpit sa aming pinagkainan at hinugasan ang mga ito. Hindi ko sinasabing napapagood shot pero parang ganon na nga. Gramps, itabi mo na, ako na.

Hindi matanggal ang ngiti sa akingmga labi. Hindi naman pala masama ang paghuhugas ng pinggan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noname133
Happy New Year!!!

Comments

You must be logged in to comment
Illusion315
#1
Chapter 10: "Yun kasi ang mga tipo ko, yung tipong di ako papatulan." Same Winter, same😩
Illusion315
#2
Chapter 9: Ay 'yun naman pala. Hindi naman pala masungit itong si Winter.
Prenglesz_
#3
Chapter 6: Ay straight si ate mo kars "babae kaya kami pareho" ok po lods HAHAHAHAHAHA
Prenglesz_
#4
Chapter 5: Hayof tawang tawa ako! Umutot pa nga!
Prenglesz_
#5
Chapter 4: Nako nako enemies to lovers pala yata to pero waaaaah na eexcite na ako paano sila mag bonding
Prenglesz_
#6
Chapter 2: Mag jowa si yeji and karina?? Hmmmm
gonesurfin #7
Chapter 4: Napapaisip ako kung sino ba si winter???
malet99 #8
Chapter 4: Childhood friends cguro cla pero di na maalala ni Karina...
gonesurfin #9
Chapter 3: Interesting. Enemies to lovers ang peg hehehe
howdoyouknowmee
536 streak #10
Upvote ko agad and subscribed! Hehe looking forward sa mga chapters to come.