Ikalawang Pagbati

Mahal Kita Kaya Bahala Na

 

Kamusta?

Okay naman ako. Siguro

Ako ang nautosang maging Driver ng lola nitong magandang babae na kasama ko ngayon. Winter ang tawag ng mga kakilala ko sa akin. Galing ito sa aking full name na Winter Beatrix Kim-Silvestre. Ang ibig sabihin ng Beatrix sa latin ay tagadala ng ligaya. Kumbaga I'm they're happiness during Winter. Pinanganak ako during Winter kaya tinuring akong ligaya at biyaya nila Daddy at Mommy. Pangalan ko lang yong masaya pero buong pagkatao ko di ako sure akong ano ang dala.

 

Ang tatay ko kay half korea, half american. Ang tatay ko naman ay purong Filipina. At ako naman ay halo-halo. 

 

Sa america ako pinanganak habang bumubuhos ng nyibe ang langit pero sa Pilipinas ako nagkawisyo. Sa Davao ako nagaral ng grade school, sa Manila ako nagsecondarya at doon ko na rin tinapos ang kolehiyo.

 

Ang mga magulang ko ay palit-palit ng bansa dahil sa negosyo at dahil na rin sa akin. Kung may panahon sila ay di nila ako nakakalimutang bisitahin. Tuwing graduation ko ay present naman sila. They never failed as a businessmen and parents to me. Kahit nasa ibang bansa ang mga magulang ko ay hindi ko naranasan ang magisa dahil kasama ko ang aking lola at ate. Inalagaan nila ako at tinuring na princesa. 

 

Noong napagod na kami sa buhay namin sa Manila ay napagdesisyonan ni Lola na bumalik kami sa davao at magpahinga muna dito. Hindi sumama sa amin si ate at pumunta ng ibang bansa para tulungan ang aming mga magulang sa negosyo namin. Tutulungan sila ni ate para isettle na ang aming negosyo para hindi na ganoon kahirap para sa kay Daddy and Mommy.

 

 

May malaking farm si lola dito sa Mindanao, kasosyo niya sa farm ang lola ng magandang babae na kasama ko. 

 

Napakagaan ng loob ko tuwing nandito ako. Masarap ang hangin, hindi ganoon ka polluted. Kaya kahit pahinga lang ang pakay namin dito ay lumagpas na kami ng tatlong taon sa pagtira dito. Halos kakilala ko na yong mga kapitbahay namin pati na rin yong mga trabahador nila lola. Yong iba naman ay kakakilala ko na dahil dito ako tumira noong bata pa ako.

 

 

 

I'm an official.

 

 

Official-------------ly unemployed. Hindi ako ngtiyaga na maghanap ng trabaho. Namulat ako sa trabaho ng mga magulang ko, namulat ako sa biyaya at stress na dala nito. Hindi sa ayaw ko ng pressure pero parang ganoon na nga. Ayaw ko sa stress na dala nito. Ngayong nasa bukid ako, damang dama ko ang saya at gaan ng buhay. Malayo sa naging buhay ko sa Manila.

 

Kamusta ka? Gutom ka na ba?

 

Sana naman ay tanongin ako ng kasama ko ng ganito. 

 

Okay lang ako. Siguro? Pero yong tiyan ko, tiyak kong hindi na. Gutom na gutom na ako dahil kanina pa ako nagdadrive. Wala man lang free snacks. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na maging driver nitong babaeng to. 

 

Kung ako ang tatanungin, maganda siya pero yong kunot ng noo niya tuwing kausap ako ay hindi ka aya-aya. Pansin ko rin na mas gumaganda siya tuwing ngumiti siya. Minsan di ko namamalayan na tinitigan ko na pala siya. At napapangiti ako sa tuwing nagtatama ang aming mga mata. Mali ito. Mali. May nobya kasi siya. Yong tumawag kanina nobya niya ata yon. 

 

Hindi ako manhid para hindi itangi sa sarili kong hindi ko siya nagugustuhan. Bato lang ata ang hindi magkakagusto sa kanya. At oo nagkakagusto ako sa mga babae. Hindi ito alam nila lola. Natatakot pa rin ako sa kung ano ang mga sasabihin nila sa akin pagnalaman nila.

 

Tinatago ko ang pagkatao sa pagsusuot ng mga pambabaeng damit. Hindi ako magpagkakamalang bakla dahil sa pananamit ko. Dalawa lang ang sneakers ko dahil sandals na yong iba at may takong pa. Hindi rin naman kasi ako full-biyot, nagkakagusto rin naman ako sa lalaki. Minsan. 

 

Madalas ay sa babae ako nahuhulog. Gusto kong umamin na kay lola pero nauunahan ako ng takot.

 

Mapakla akong ngumiti sa aking mga naiisip. 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noname133
Happy New Year!!!

Comments

You must be logged in to comment
Illusion315
#1
Chapter 10: "Yun kasi ang mga tipo ko, yung tipong di ako papatulan." Same Winter, same😩
Illusion315
#2
Chapter 9: Ay 'yun naman pala. Hindi naman pala masungit itong si Winter.
Prenglesz_
#3
Chapter 6: Ay straight si ate mo kars "babae kaya kami pareho" ok po lods HAHAHAHAHAHA
Prenglesz_
#4
Chapter 5: Hayof tawang tawa ako! Umutot pa nga!
Prenglesz_
#5
Chapter 4: Nako nako enemies to lovers pala yata to pero waaaaah na eexcite na ako paano sila mag bonding
Prenglesz_
#6
Chapter 2: Mag jowa si yeji and karina?? Hmmmm
gonesurfin #7
Chapter 4: Napapaisip ako kung sino ba si winter???
malet99 #8
Chapter 4: Childhood friends cguro cla pero di na maalala ni Karina...
gonesurfin #9
Chapter 3: Interesting. Enemies to lovers ang peg hehehe
howdoyouknowmee
529 streak #10
Upvote ko agad and subscribed! Hehe looking forward sa mga chapters to come.