Ikalawang Pagngiti

Mahal Kita Kaya Bahala Na

Good Morning!

Good morning, sunrise!

Good morning, hangin!

Good morning, puno! 

Good morning, baby! Masaya at nakangiti kong bati sa aking unan. Hinigpitan ko ang pagyakap at hinalikan ito. Sana sasusunod tao kana. Sana si ano nalang.

Ikagagalit ba ni Baby Jesus kung si Katarina na ang Baby ko? Emzzzz. Sorry po.

Magaan ang umaga dito sa bukid. Walang air at noise pollution at malayo rin sa pressure na naranasan ko noong nasa Manila ako. 

Lumabas na ako sa aking kwarto para maligo. Syempre may lakad ako. Magpapakaalila ako kay gramps para plus points at pumayag naligawan ko ang apo niya. Pero joke lang kasi di pa ako out at di rin ako handa para sa mga ganyan. I'm happily admiring her from a far. Yun kasi ang mga tipo ko, yung tipong di ako papatulan. Hindi naman ako pangit pero feeling ko kasi mas maganda ako kesa sa kanila. Charot! Maliban kay Katarina na parang si Mama Mary. Ang ganda niya sobra, ang sarap luhuran at sambahin. 


Nakangiti ako habang inisip yong pagmumukha niya. Jusmeyo totoo talaga yong paghihimala ni Mama Mary kasi sumanib siya sa kanya. 

Nakatuwalya lang ako at dala-dala ang dalawang bestida na pagpipilian ko.

Me: Lola, ano po yong maganda pa ra sa akin?
Lola: Suotin mo muna para malaman ko.

So ayon pumasok ako sa kwarto at sinuot yong isa. I saw my reflection and I think the dress is quite nice for me. Hindi ito gaanong mahaba at di rin ganoon ka baba. Above the knee siya pero hindi yong sobrang ikli. Tama lang para ilabas yong tuhod ko at tama lang para takpan ang buo kong hita. Kulay puti ito with sleeves na hanggang sa kalahati ng aking braso. Tinaas ko ng kunti yong sleeves to form creases. Viola ang cute. White and demure para matchy2 sa Mamy Mary vibes ni Katarina.


lola: Bagay sayo, apo. Pero itry mo yong isa para matimbang natin ng maayos.

Sumunod ako at pumasok sa kwarto. Sinuot ko yung isa at tiningnan sa salamin.

Plain mint green ito at above the knee yong cut. Off-shoulder ito pero may thin sleeves para ikabit sa mga balikat ko. Hindi naman siya y dress dahil fully covered yong harapan ko, idagdag mo pa yung extrang tela with random pleats na nakapalibot rito hanggang sa braso ko. Hindi siya Mama Mary Vibes pero parang pangjowa vibes. Yes! Ito na ata magkakajowa na ako. Ang ganda ko para maging alila lng gramps gawin mo na rin akong in law.

Me: Lola, tingnan mo! (Sabi ko sabay ikot at ngumiti para ipakita ang aking dimples)
Lola: Pak na pak, apo. Iyaan na suotin mo. Okay naman yong isa pero parang mas mukha kang tao diyan. 
Me: Ang ganda ko diba? (parang tropa ko lang kung magusap kami)
Lola: Maganda ka naman palagi. Asan ba lakad natin at bakit ka napapabihis ng wala sa okasyon? Tatawagan ko Mom at dad mo para ipahanda na agad yong kasal mo.
Me: Maissue ka lola. Ganito naman kasi ako manamit at wala pa akong kasintahan para pakasalan. (At wala po akong balak magpakasal)

Lumapit na ako kay lola at hinalikan ito sa pisngi. Hindi naman siya nagsalita pa at hinanda na yong tinapay niya.

Pumasok muna ako sa kwarto para lagyan ng kunting colorete ang aking pagmumukha. Ayoko namang magmukhang basahan sarap ng isang dyosa.


Abot tenga ang ngiti ko nang paandarin ko ang sasakyan. Magandang umaga sa lahat lola na sa pinakamagandang babae sa balat ng universe na aking kikitain ko ngayong umaga. 


Hinalikan ko sa pinsgi si gramps at binati ito ng magandang umaga. Oo maganda kasi ang ganda ng apo mo. Ems lang. 

Nakita ko siya may gilid. Medyo magkasalubong na naman yong kilay niya nang magtama ang aming paningin.

Baka gusto niya rin ng kiss? Napalingon naman ako kay gramps nang magsalita ito.

Gramps: Kumain ka muna ng agahan, alam kong wala pangpagkain sa inyo ngayon. Teka lang apo ipaghahanda ko muna si Winter. (Mahal talaga ako ni gramps. Nakangiti lang ako sa kanya at nagpacute)

Rina: WAIT! (Hala siya? Anong problema neto?)

Gramps: Ano yun, Hija? 

Rina: I'll prepare the food for her. Upo ka lang diyan, gran gran. (Babe? Sinasabi ko talaga, aaraw-arawin ko na ang pagkain ko dito. Breafast prepared by baby. Kinikilig naman ako doon. hmmp)


Habang naghahanda siya nakakatitig lang ako sa kanya medyo natauhan lang ako noong may sinabi siya na hindi malinaw sa aking pandinig.

Me: Huh? (ang fc ko ba? Nabigla lang rin ako. Kakabalik ko lang galing kakapantasya sa pagmumukha niya)
Rina: Sabi ko ang kapal ng kutsa ni lola. (Napakunot ang noo ko sa sa sagot niya. Wala na akong maisagot kaya tumahimik nalang ako.)

Pagkatapos kumain ay lumabas muna ako para magpahangin at para tingnan ang sasakyan. Nasa labas lang ng gate ko ito pinarada para hindi na hassle para sa akin. Pumasok ako rito at nagspray ng pabango para plus point at di dugyot yong sa sasakyan. Tiningnan ko ang aking relo at wala pa rin siya. Napagdesisyonan kong puntahan na lamang siya sa loob.

 

Pagpasok ko ay nakita ko kaagad ang nais masilayan ng aking mga mata. Nakita ko si Katarina. Nakita ko siyang nakaupo at nakasandal ang ulo sa likod ng sofa. Nakita ko rin ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Ang lungkot niyang tingnan. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko kaya at wala rin ako sa lugar para gawin yun.

Nakatitig lang ako sa kanya at ngayon ko nasabing ang ganda niya nga talaga. Ang ganda niya sa parteng kinaya niya kahit alam mong hindi siya okay. Ang ganda niya sa dahil ang natural ng kanyang mga expresyon. Ang ganda niya kahit hindi maganda ang pakikitungo ng mundo sa kanya. Gusto ko sanang lumapit sa kanya at magsalita. But my words rolled inside my mouth until it reach my throat and let out a loud cough. Ay shuta napaubo ako. Nahiya ako doon. Napatingin siya sa akin kaya sinabi ko nalang na may anim na araw nalnag kami para ihatid yong mga invitations. Hindi naman siya nakapagsalita kaya umexit nalang ako.

 

Hindi ko alam kung ano ang pinanagdadaanan ni Rina but one thing is for sure gusto ko siyang mapangiti habang nandito siya sa Davao. I will make her stay here as memorable as it can be.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noname133
Happy New Year!!!

Comments

You must be logged in to comment
Illusion315
#1
Chapter 10: "Yun kasi ang mga tipo ko, yung tipong di ako papatulan." Same Winter, same😩
Illusion315
#2
Chapter 9: Ay 'yun naman pala. Hindi naman pala masungit itong si Winter.
Prenglesz_
#3
Chapter 6: Ay straight si ate mo kars "babae kaya kami pareho" ok po lods HAHAHAHAHAHA
Prenglesz_
#4
Chapter 5: Hayof tawang tawa ako! Umutot pa nga!
Prenglesz_
#5
Chapter 4: Nako nako enemies to lovers pala yata to pero waaaaah na eexcite na ako paano sila mag bonding
Prenglesz_
#6
Chapter 2: Mag jowa si yeji and karina?? Hmmmm
gonesurfin #7
Chapter 4: Napapaisip ako kung sino ba si winter???
malet99 #8
Chapter 4: Childhood friends cguro cla pero di na maalala ni Karina...
gonesurfin #9
Chapter 3: Interesting. Enemies to lovers ang peg hehehe
howdoyouknowmee
523 streak #10
Upvote ko agad and subscribed! Hehe looking forward sa mga chapters to come.