11.

ikaw lang.
Please Subscribe to read the full chapter


Taeyeon's POV. 

 


Hindi ako maka focus sa meeting ngayon dahil ilang araw na akong walang maayos na tulog. Simula nung party hindi mawala sa isip ko yung mga tanong na gusto ko magkaroon ng sagot. 

 

 


Jessica has a dad and a sister. She never told me that. She said she's an only child and ang sabi niya pa it was just her and her mom since her dad already passed away. 

 

 


"Miss Kim?" nagising ako sa pag iisip isip ko ng tawagin ako ni Yerim. "huh?" I almost forgot I'm on a meeting. 

 

 

"they were asking if okay na po yung proposal." napatingin ako sa mga board members na kasama ko halos wala akong naabsorb sa presentation dahil lumilipad ang utak ko. 

 

 

"i'm sorry. can you give me one day to review it again? it's just that medyo masama pakiramdam ko ngayon." pagdadahilan ko. 

 

 

Nag agree naman sila and after that nagdismiss na ako ng meeting. Dumiretso ako sa office ko pakiramdam ko sobrang lutang ko ngayong araw. 

 

 

"Miss Kim gusto niyo po ba ng coffee or gamot?" agad na tanong ni Yerim sa akin. 

 

 

"hindi na, i might go home na lang muna. wala naman na akong meetings right?" chineck ni Yerim yung schedule ko sa iPad na bitbit niya. 

 

 

"wala naman na po, miss kim." 

 

"great, ipapahinga ko na lang muna to." 

 

 

 

Paglabas ko ng office ko ay sinalubong ako ng ibang staff may energy pa naman akong batiin sila kahit papaano. 

 

 


Pumasok ako ng elevator at saktong sasara na sana biglang may pumasok na isa pa. 

 

 

It was Jessica. 

 

 

"Good afternoon, Miss Kim." bati niya sa akin. 

 

Nag nod lang ako sa kanya. Anong ginagawa niya rito? 

 

"I just had a meeting with Mr. Byun he was asking for an update about sa Cebu Project. Ikaw gusto mo rin ba ng updates? I can send you some files." 

 

share mo lang, Jessica? 

 

"just send it to, yerim. i was about to ask for an update pa lang mabuti nagkusa si baekhyun." sagot ko. 

 

 


Bakit parang ang bagal ng elevator na to. Natatanaw ko si Jessica sa peripheral sight ko. I want to ask her a lot of things. Deserve ko rin naman siguro ng explanation right? Deserve ko talaga. I should really ask her. 

 

 

"Jessica." napalunok ako ng tumingin siya sa akin. "can we talk?" nagulat ako ng ngumiti siya sa akin. 

 

 

"hindi pa ba tayo nag uusap ngayon?" 

 

"i mean—" 

 


Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang tumigil ang elevator. 

 

 

what the . 

 

 

"power failure?" 

 

 


Inilawan ni Jessica yung mga button sa elevator at sinubukan pindutin yung door open button but it didn't work, may pinindot ulit siya but nothing happened. 

 

 


"kapag minamalas ka nga naman." kinuha ko ang phone ko at sinubukan tawagan si Yerim. 

 


walang signal. 

 


"we have to wait until someone notices us. even the alarm button is not working." paano niya nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon? 

 

 


Mga ilang minuto na kaming tahimik pareho sa loob. Si Jessica naman nagcecellphone hindi ko alam bakit dahil wala namang signal dito sa loob ng elevator. 

 

 

"tungkol saan ba ang gusto mo pag usapan?" bigla niyang tanong sa akin. 

 

 

Napatingin ako sa kanya, dito talaga? sabagay baka mamatay na kami rito kung walang makakapansin sa amin na nastuck kami sa elevator. 

 

 


"bakit ka umalis ng ganon na lang?" nabigla ako sa sinabi ko dahil hindi ako nakabuelo man lang sa tanong ko. 

 

 

Bigla niyang itinabi ang phone niya kaya mas lalong dumilim sa loob. Wala siguro siyang balak sumagot, ano pa bang inexpect ko? 

 

 

"I'm sorry." napatingin ako sa kanya ng magsalita siya. "I'm really sorry, Taeyeon." 

 


"for what? because you just left me without any words? for making me feel so unworthy? making me feel like I did something wrong?" 

 

 

"for everything." she sighed. "I..didn't have any courage to tell you back then." she continued. 

 

 

"and even now, right? you saw me. the first time you entered this company  you know it's me. but sinubukan mo bang mag reach out? no. does it always have to be me, jessica? ako na lang ba dapat lagi yung mag approach sayo?" 

 

 

kahit dati pa lang ito lagi ang problema. i had hard time communicating with her dahil hindi siya marunong magsabi sa kung anong iniisip niya kung hindi ko pa siya kukulitin o tatanungin. 

 

 


"I don't know kung magmamatter pa ba sayo yung sasabihin ko. baka mas lalo ka lang magalit sa akin." 

 


"then tell me. deserve ko naman siguro malaman bakit ako naiwan right?" 

 


Silence. 

 

 

"you were too busy that time dahil may ginagawa kang research. nakita ko kung gaano ka sobrang nasstress and ayoko ng dumagdag sa mga iniisip mo." simula niya. "the time when I left the dorm was the same day that my..mom died." 

 


what? 

 


"hindi ko nasabi sayo dahil ayokong mag alala ka at ayokong madistract ka sa ginagawa mo dahil alam ko yung goal mo." 

 


"..and what? hindi ka na bumalik." sabi ko. 

 


"when my mom died, i realized a lot of things. hindi ko alam kung deserved mo pa ba ako. I don't have anything na kayang ipagmalaki sayo, i i was surviving sa college na yon because of my scholarship and dahil na rin sa part time job ko." 

 

 

silence. 

 

 

"natakot akong bumalik..kasi ewan sobrang gulo ng utak ko. i lost my mom, the only person na kasama ko since then before you came. you know how painful it was?" 

 

 


"I almost gave up with my life. I don't even know how to continue anymore, then Mr. Yoo came." kahit madilim alam kong nakatingin siya sa akin. 

 


"Mr.Yoo, my father. He found me." she explained. 
"he said that matagal niya na akong hinahanap and I was welcomed warmly ng pamilya niya. Karina and I became close because she's been looking for an ate noon pa lang, even mom or should i say my step mom. she treated me as her own daughter." 

 

 

it was a moment of silence before she spoke again.

 

 

 

"dad saw how..frustrated I was when my mom died, so he offered me a deal. If gusto kong icontinue yung study ko sa New York, he'll take care of everything since I am her daughter too." 

 

 


"..at tinanggap mo yon? without even telling me? jessica..i..i was your girlfriend that time. hindi mo man lang ba naisip yon?" 

 

 

 

"maniwala ka man o hindi walang oras na hindi kita naiisip. hindi lang ako maka focus sa kung ano bang dapat gawin ko dahil gusto ko pag humarap ako sayo ulit yung meron na akong maipagmamalaki sayo. kaya nagfocus ako sa studies ko hanggang grumaduate ako at nagsimulang magtrabaho sa new york." 

 


"bakit hindi ka nag reach out sa loob ng ilang taon na yon? hindi mo man lang ba naisip na baka naghihintay pala ako sayo?" 

 

 


i'm trying my best not to cry. i can't accept her explanation. bakit parang ang lumalabas hindi ko siya maiintindihan pag sinabi niya sa akin yon? 

 

 


"..because I thought you're already fine without me. ilang beses kong pinigilan sarili ko magmessage sayo or what dahil natatakot ako na baka magulo lang kita. you're doing great at nakita ko lahat yon." 

 

 


"because you thought? what the hell, jessica? hanggang ngayon hindi mo pa rin kayang makipagcommunicate?" ramdam kong pabagsak na yung luha ko. 

 

 

"alam mo ba kung anong nangyayari sa akin sa tuwing maiisip kita? all these years kinukwestyon ko yung worth ko! ganon lang ba ko kadaling iwan? 2 years mahigit tayong magkasama. 2 years jessica in a snap, nawala ka. so how do you expect me to be okay?"

 

 


tuluyan na akong trinaydor ng mga luha ko. 

 

 


"you could have told me all those things. alam mong maiintindihan at maiintindihan kita! tangina." napapikit ako habang sinusubukan kong patigilin ang luha ko. "...i hate you." 

 


"sana..kung di mo naisip yung relasyon natin that time sana maski yung pagkakaibigan natin naisip mo..pero hindi mas pinili mong umalis na lang basta basta." 

 

 

 

 

 

 

 

 

Karina's POV 

 

 

"mag order tayo pizza." 
"and burger at fries!" 
"gusto ko ng sisig." 

 

 

napatingin kaming lahat kay chaeryeong dahil sa sisig na sinabi niya. nandito kaming lahat sa condo ni Ning ngayon since lugar niya yung pinakamalaki we decided na dito na lang mag gather para sa pre-celebration daw doon sa event nung founding anniversary. pre-celebration because we are planning na mag beach pero baka after exam na since exam na next week. 

 

 


and sabi din ng mga friends ko at least we could have some fun bago kami magfocus sa pagrereview. 

 

 


"sisig? iinom ba tayo? pang pulutan yan ah" tanong ni Ryujin. 

 

 

"walang iinom baka mahihinang nilalang kayo at magsuka pa kayo dito sa unit ko." grabe si Ning pa talaga may lakas ng loob magsabi non eh siya ang laging unang bumabagsak. 

 

 

"tingin mo sa amin? weak? baka ikaw yung magsuka dyan." depensa ni Aeri. 

 

 

"ah talaga lang? puro ka naman talk." oh gosh nag aaway na naman silang dalawa. 

 

 

"eh di let's get it on matira matibay g?" paghahamon ni Aeri. 

 

 

"g!" pagpalag ni Ning. 

 


"o yun naman pala tara bili ng alak!" naunang tumayo si Lia at Yuna, sumunod naman si Chaeryeong at Yeji. 

 


Hindi ganito yung napicture ko I thought magmomovie lang kami and maglalaro ng uno. 
"are you coming ba karina?" tanong ni Yeji sa akin. 

 

 

"ang dami niyo ng bibili hindi naman buong store bibilhin nyo, I'll stay here na lang. magpeprepare." sagot ko. 

 


"dito na lang din ako." sagot ni Winter. 

 

 


Lumabas na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniwigop
good morning jehdhshd akala niyo ba ghosted na to chos bahala kayo jan HDHDHDHDHS

Comments

You must be logged in to comment
Etoile__
339 streak #1
Chapter 29: mag2 years na pala...balik ka na tor 😓
whysoogyu #2
Chapter 29: tbc🥰 tas last year pa pala last update🥹🥶
saint_legow2022 #3
Chapter 29: ay... asan na yung susunod na chapter..
EzraSeige
#4
Chapter 29: To be continue... 😳😑☺😢😭💙❄
Psykotato #5
Chapter 1: Luh tanginamo aso ka anong may new girlfriend Jennie hoy kay Lisa yan
CaptainWinteo #6
Chapter 29: tor baka naman pwede mo ng gisingin si wintot?
bbiiWinkim #7
Chapter 29: tagal ni minjeong magising,gang ngayon nasa hospital bed pa 😔😔
maxiclaine #8
ayyy gagiii. otor z, sisimulan ko to pag nag update ka ng fluff. nakikita ko sa comments, medyo masakit eh
Emgeelex
#9
Chapter 29: Nubayan! Mas roller coaster pa to kaysas roller coaster eh hahahahaha
ShinJiwon
#10
Chapter 29: Hoy grabe!😭 Akala ko mamatay na talaga si Winter😭