Chapter Eleven
Teach Me, Senpai
CHAPTER ELEVEN
Ano ba naman yan, san ko ba nakuha ang bukol na to? Di ko makatulog ng maayos kasi onting dampi lang ng kung ano sa may noo ko ang sakit na agad.
Biglang tumunog ang phone ko.
Foundation Girl sent you a photo
Ano na naman kaya to? Nasa iisang bahay na nga lang kami, nagcha-chat pa. Ayaw ko nga buksan, baka yung picture ko pa to habang natutulog kanina.
I placed my phone under my pillow at sinubukan ko ulit na matulog. Tsk. Wala na, di na ako antok, naiirita na din ako sa sakit ng bukol ko sa may noo.
Tumunog na naman ang phone ko. I fished it out from my pillow to check. Another message from Ning.
Foundation Girl: ! PAG IKAW DI PA TALAGA MAG MAKE MOVE KAY KARINA, MASASAPAK NA TALAGA KITA!
Anong pinagsasabi nito?
I checked the photo she sent. Isang screenshot ng twitter thread sa infamous KSU Hidden Files.
What the– Nanghina mga kamay ko after ko mabasa ang thread. I even visited the thread sa twitter at binasa ito ulit. Seryoso ba to? I was all sad and melancholic for weeks for nothing?! Don’t get me wrong, somehow I feel relief it was all a misunderstanding sa part ko, pero yung emotional distressed na naramdaman ko ng ilang linggo, sobrang draining. Tapos, wala naman palang nangyari? Bobo Winter. Bat kasi nag walk out ka agad.
:NING!! T_T
Hindi ko alam ang dapat maramdaman ko ngayon. I’m feeling a mix of emotions, nakaka overwhelm. Parang nasusuka ako na ewan.
:GAGI NING! NAGMUKMOK AT NAGPAKA BROKEN HEARTED AKO NG ILANG LINGGO PARA SA WALA?
Foundation Girl: OO! SIRA KA KASI!
I know, Ning. I know.
Foundation Girl: SO, ANO NA PLANO MO?
Ano nga ba? Few nights ago I came up with a resolution and I’ll still try to pursue her. I readied myself for the challenge of competing with someone para sa attention ni Karina, but now, Johnny is no longer in the picture. I should feel at ease, right? Pero bat parang mas kabado ako ngayon? I feel like rejection is more likely to happen, and this time it won’t be because of someone else, but because ayaw niya sakin. Tama ba ‘to? Ang advance ko ba masyado mag isip? Naiiyak na ako.
“Oh, anong iniiyak iyak mo dyan?” Ang taray ng entrada ng bestfriend ko. Dumirecho agad siya sa tabi ko. Ako naman ang nabother sa iniwan niyang nakabukas na pinto ng room.
“Ning, yung pinto, paki sara naman.”
Hindi niya na pinansin ang sinabi ko at hinila niya nalang ako para yakapin.
“Naiiyak kana’t lahat, iniisip mo parin yung pinto ng kwarto mo.” mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sakin. Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong naiyak. “Shhh, ilabas mo lang yan.”
Ilang minuto din akong humikbi habang nakayakap sa bestfriend ko.
“Ano, ayos kana?” pasinok-sinok akong tumango sa kanya. Mas magaan na ang pakiramdam ko pagkatapos kong umiyak. Siguro kaya masama pakiramdam ko nitong mga nakaraan dahil naipon na mga nararamdaman ko sa mga nangyari.
“Kadiri ka talaga Kim! Basang basa ng sipon mo ‘tong damit ko.”
“Umiyak kaya ako. Natural mababasa yung damit mo.” tinulak ko siya palayo bago tumayo at pumunta sa closet para magbihis at kuhanan din siya ng pampalit na damit.
“Oh ayan, magbihis ka.” binato ko sa kanya ang isang white tee na nakuha ko.
“Magpapahiram ka nalang, yung lumang t-shirt pa talaga. Besh, yung maayos naman ibigay mo sa’kin, yun na susuotin ko papuntang school eh.” Yung butas butas na lumang shirt ni kuya Key pala nabigay ko sa kanya.
“Bat di mo nalang suotin yung isusuot mo para mamaya sa talent show?” almost 2pm na din pala. Alas tres magsisimula ang sound check and rehearsal for the show.
“Eh di madudumihan agad yung damit ko? Dali na! Pahiram muna ako ng shirt.” Napaka utosera talaga. Kinuha ko ang isang khaki colored halter top at ibinigay sa kanya. Ang lawak lang ng ngiti niya sa inabot ko na top. Mabilis lang din siyang nagbihis bago nagsimulang mag re-touch ng make up niya.
Sumilip ako sa salamin para i-check ang kaitsurahan ko. Grabe lang ang pagka puffy ng mga mata ko, halatang kagagaling lang sa pag iyak. Kailangan ko ata magsuot ng sunglasses mamaya during rehearsal.
“Ay taray. Artista yarn?” pang aasar niya habang pumipili ako ng gagamitin na sunglasses.
“Oo, tapos ikaw PA ko. Bilisan mo na dyan, aalis na tayo.”
“Masyado akong maganda para maging PA mo, Kim. Baka ikaw pa mapagkamalan na assistant ko dyan sa suot mo.” Ayaw talaga magpatalo kahit kailan. Napa check tuloy ako sa salamin ng itsura ko. Navy blue button-up shirt with fitted black jeans. Okay naman itsura ko ah!
“Ready na me!!” Ang kapal na naman ng make-up ng babaeng to.
“Oh, punta na ba kayo sa school?” tanong ni Kuya Key na naabutan naming komportableng nakahiga sa sofa habang nanonood ng movie sa TV.
Please Subscribe to read the full chapter
Comments