Chapter Ten

Teach Me, Senpai
Please Subscribe to read the full chapter

CHAPTER TEN

 

 

Pagkahatid namin kay Ate Tiff, nagyaya naman si Kuya Key papunta sa school, he needed to drop off some papers sa office. Gusto ko pa sana umangal dahil, hello, nakapan tulog lang ako. Isa pa, sobrang daming tao doon ngayon dahil busy ang lahat sa pag prepare for the talent show later tonight.

 

“Hindi mo naman kailangan bumaba.” sabi sakin ni Ning, nung napansin niya ang pag busangot ko nung sinabi ni Kuya Key.

 

Totoo naman, pero kasi, gusto ko sana makauwi agad para matulog ulit. Panigurado kasi, sobrang late na naman kami makakauwi dahil sa show at after party. Ang bongga lang ng pa year end party namin.

 

“Need na ba talaga na ngayon dalhin sa office niyo? Baka pwede naman na later nalang, twin. Or pwede din ipasa mo directly sa dean, nasa bahay naman siya ngayon.” nakita kong pagsilip sa’kin ni Ate sa rearview mirror.

 

“Kaya mas need ko ipasa to ngayon. Last day of submission ng grades today, alam niyo naman kung gano ka-strict si kuya pagdating sa deadlines ng mga professors and instructors niya.”

 

“Bat kasi pina-handle ka pa niya ng subjects this sem? Ikaw naman laging pinapadala sa mga seminars and conferences outside school.” lumiko na si Ate sa may cathedral, papunta na talaga kami sa school.

 

“Kung grumaduate ka na kaya, para ikaw na ang ipadala ni kuya, at makapag turo na ako ng maayos sa students ko.” sagot ni Kuya na may kasama pang pag irap.

 

“Joke lang, twin. Mag travel travel kana muna. Ayaw mo nun, dami mong napupuntahan na iba't ibang lugar, tapos all expense paid pa!” pang uuto ni ate.

 

“Gaga!” sigaw ni kuya, sabay palo ng folder na hawak niya sa balikat ni Ate. Napa buntong hininga na lamang ako at sumandal sa bestfriend ko na, as usual, sobrang busy sa pag kulikot ng phone niya.

 

“Ning, gisingin mo nalang ako pag nasa school na tayo.” hindi na siya sumagot at umusog nalang palapit sakin para makasandal ako ng maayos sa kanya.

 

 

 

Ning

Medyo tumagal ang naging byahe namin papuntang school dahil may nagbanggaan kanina malapit sa BR, mabuti nalang at nasa may labas lang ng hospital nangyari ang aksidente kaya agad nadala ang mga sugatan na pasahero ng dalawang sasakyan. Ang kaso nga lang, naiwan ang dalawang sasakyan sa gitna ng daan, kaya ayun, naging one lane bigla ang daan.

 

Pagka dating namin sa school, mabilis na bumaba si Kuya Key at pumunta sa Registrar’s office para ipasa ang mga kailangan niyang ipasa. Si Ate Taeyeon naman ay bumaba din ng sasakyan para sagutin ang tumawag sa kanya. She just opened all the windows and the driver side door open para hindi kami mainitan.

 

Medyo nangangalay na ang kanang balikat ko dahil sa pagkaka sandal ni Winter kaya inayos ko ang pagkaka upo niya at pinasandal ng maayos ang ulo niya sa headrest. Sobrang lalim lang ng tulog nitong bestfriend ko at di siya nagigising kahit pa nakaka tatlong beses na siyang nauuntog sa car window sa side niya.

 

I felt my phone vibrated, kaya mabilis kong inayos ulit ang ulo ni Winter bago hawakan ang phone ko. While I’m busy replying on my phone, napansin ko na may kinakausap na ngayon si Ate Taeyeon sa labas. Ah si Giselle. I redirected my attention sa phone ko when Ate Taeyeon peaked inside, “Pupunta ako sa 7eleven, may ipapabili ka ba Ning?”

 

“Dalawang bottled water Ate Taeng, one tepid and one cold po. Thanks!” she grabbed her wallet bago umalis. Sinilip ko saglit si Winter, at hulog na naman ang ulo niya. Ngalay batok nito mamaya. Inayos ko ulit ang ulo niya. Hindi ko na inalis ang kamay ko sa baba niya habang busy ang kaliwang kamay ko sa aking phone. Ang kulit naman kasi ni Jin.

 

“Hi Ning!” bati ni Giselle na naka dungaw sa car window mula sa labas.

 

“Hi Aeri!” *THUD* nahulog na naman ang ulo ni Winter ng bigla kong ipinang kaway ang kanang kamay ko. Sorry Kim.

 

Nakita ko na nagulat din si Aeri sa pagkaka untog ni Winter. Ang weird talaga ng bestfriend ko na to, parang wala lang sa kanya yung nangyari at mahimbing parin ang tulog niya. May pa-tulo laway pa na ganap.

 

“Ayos lang ba si Winter?” tanong ni Aeri na mukhang nag aalala sa pinsan niya.

 

Nilapit ko ang daliri ko sa may ilong ng katabi ko. “Humihinga pa naman siya.” Natawa naman si Aeri sa ginawa ko.

 

“Ano pala ginagawa mo dito? Maaga pa ah.”

 

“It’s almost 12noon na kaya. But yeah, may pinasa lang ako na paper para sa isang subject ko kaya medyo napaaga punta ko.”

 

Napansin ko na naiinitan na siya sa pwesto niya sa labas ng sasakyan kaya I offered na pumasok na muna siya, para na rin maka upo siya.

 

“Thanks, Ning.” umusog ako to give space for her to sit. Kung kelan ako nag adjust ng upo, saka naman napag desisyunan ng unconscious self ni Winter na itaas ang mga paa niya sa upuan. She’s hugging her knees habang nakasandal parin sa window ang nauntog niyang ulo.

 

Natawa si Aeri nang silipin niya ang bagong position ng kasama namin. “Parang baby parin talaga” she said, habang nakangiti.

 

Hindi dito lumaki si Aeri, but every school break lagi silang binibisita nila Winter sa Japan, or minsan, sinasama siya ng nanay niya umuwi dito, kaya close din silang magpinsan, noon.

 

“Shh baka marinig ka ng sanggol.” biro ko. Natawa kami pareho, pero agad naman kami nag tikom ng bibig at baka magising nga talaga siya. Biglang naging seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa labas.

 

“It’s really unfortunate na she experienced those things.” napa buntong hininga siya habang nakatingin parin sa labas. “She’s a good person. Hindi niya deserve ang ma-experience ang ganung bagay. No one deserves to be bullied.”

 

I smiled bitterly. Like her, I regret not being with Winter nung mga panahong ‘yon.

 

“Is that why you chose to continue your studies here?” she finally looked at me and smiled, sadly.

 

“Yeah.” mahina niyang sagot.

 

“Mukhang ang seryoso ng topic natin ah.” napaka singhap kaming dalawa sa biglang sulpot ni Ate Taeyeon. Inabot niya sa’min ang dala niyang plastic bag. “I bought ice cream for you” inabot niya kay Aeri ang strawberry flavored ice cream cone, “at sayo din” isa pang same flavored ice cream ang inabot niya sa’kin.

 

“Asan na ba si Key. Ang init init na eh.” naka kunot noo niyang reklamo.

 

“Thanks for the Ice cream, Ate Taeng.”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hellospring
Ang sabi 9months of pursuit ni Winter. Otor niyo, inabot ng 9months bago nakapag update ulit🥲 sorimasen

Comments

You must be logged in to comment
kimkimsara
#1
I am dying to read this... I don't understand tagalog tho T_T
cleofierayne #2
Chapter 11: Slaamat sa pa update hehe tamang reread lang 😆 at grabe napasubo si Winter hahaah instant guitarist na wahhhh!!! May kapalit na tulong naman Win for Karina's heart yieee!!

Di mo kasi pinatapos ayan overthink malala ka noon 🤣 at yieee baka pagka kita ni Karina baka maalala na namn niya pagka hubadera mo hahahaha andaming beses na nun baka may kasunod pa? Hahaah 🥺🤣🤣
howdoyouknowmee
539 streak #3
Chapter 11: Hala need ko na magre-read hahaha
TakuyaKen
#4
Chapter 1: luhhh time to start reading hehe thank you po
cleofierayne #5
Chapter 10: Grabe naman mga to lakas ng mga grip ng Kims!!! Go ning tulungan mong ilayag ang ship hihihi
kang_ddeul
#6
Chapter 10: go ningning! hahahahaha
raininginmanila
#7
Chapter 10: hahahah si ning pala nakapagpapayag kay winter
Gwapako987
#8
Chapter 9: Omg taeny!!!!*#&^@€@^@
Pach18 #9
Chapter 7: Next time flex mo na agad😂
Pach18 #10
Chapter 6: Sino kaya nasa cr? parang alam ko na🤣🤣