Cupid's Last Mission 01

Cupid's Last Mission
Please Subscribe to read the full chapter


Club na maingay, patay sindi ang mga ilaw at mausok na lugar. 'Yan ang bumubuo sa gabi ni Minatozaki Sana, pagkatapos niyang grumaduate nang college hindi na muna siya naghanap ng trabaho, bukod sa mayaman naman yung pamilya niya ayaw niya pang mapagod nang maaga dahil lang sa pagta-trabaho. Kaya kapag may oras at nasa kondisyon siyang pumunta sa club, makikita mo siya sa iba't ibang club gabi-gabi.

"Anu ba, lumayo ka nga sa'kin." bahagyang tinulak ng babaeng niyakap ni Sana ang huli.

"Come back to me, please." umiiyak na si Sana habang nakayakap parin sa babaeng nasa harapan niya. "Tzuyu, please come back to me." napakamot nalang sa batok yung babaeng inistorbo ni Sana.

"Ihahatid na kita sa bahay mo."

"Why not in your place?" halos mapa-upo na sa sahig si Sana dahil sa sobrang kalasingan.

"Fine." pinasan na nung babae si Sana bago sila lumabas nang club. "Paano ba kita maisasakay, baka mahulog ka." napabuntong hininga yung babae at nag-isip nang paraan.

"Hey, oh another girl fall for you?" may babaeng humarang sa harap nung babaeng pumapasan kay Sana. "That's why Jieun, hates you. Taking care of other girls, without her permission."

"Are you finish? I'm still going to think how we can ride my motorbike, so excuse me." naglakad na yung babae palapit sa motorbike niya. "Hey, just hold on." hirap siyang sumakay sa motorbike niya dahil kay Sana. "I hate this." hinubad niya yung belt niya at tinali yun sa kamay ni Sana na nakayakap sa bewang niya.

"Tzuyu? Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Huwag ka ngang maingay, iinom inom ka tapos ako iistorbohin mo." sinusian na nung babaeng yung motorbike niya at agad na pinaandar yun.

Hindi naman maiwasan ni Sana na masuka habang bumabiyahe sila nung babae, kaya inis at gusto na lang itulak nung babae si Sana pababa nang motorbike niya.

"Aish, sisingilin talaga kita kapag nagkataon." inis na sambit nung babae bago akayin si Sana paakyat sa apartment na inuupahan niya. "Huwag ka naman na sumuka diyan, ikaw paglilinisin ko niyan." saad nung babae nang mailapag na niya sa sofa si Sana. "Ang baho ko na, kadiri ka." pumasok siya sa banyo niya para makaligo.


"Sana I'm sorry, but we need to break up." napabangon si Sana nang makita niya yung imaheng yun ni Tzuyu.

"Aish!!" napahawak siya sa ulo niya. "Ah-aray." huminga siya nang malalim bago dahan dahan na dumilat, agad niyang hinanap yung cellphone niya para tignan kung anong oras na. "Bakit wala man lang gumising sakin, Lady Shim!" nilibot niya yung paningin niya.

Hindi ganun kalaki yung kwartong kinaroroonan niya, tanging sofa lang na kinauupuan ni Sana yung masasabi mong gamit sa loob nang kwartong yun. Hindi niya mapagtanto kung anu ba yung tinutuluyan niya, kwarto o bahay ba dahil hindi naman yun kalakihan. Walang TV, lamesa o cabinet man lang.

"Tao ba yung nakatira dito?" tumayo si Sana at nilibot yung buong kwarto na kinaroroonan niya, nagbabakaskaling may kwarto siyang makikita. Pero bukod sa pintuan palabas nang kwartong 'yon, tanging yung pintuan sa banyo lang yung nakita niya.

Malinis naman yung loob nang kwartong yun, kaya hindi alam ni Sana kung anu bang magiging reaksyon niya. Pumunta siya sa lababo, sa gilid nun may electric stove. Napatingin si Sana sa lalagyanan ng plato nang may makita siyang dalawang sticky notes na nakadikit dun.

'Sorry hindi na kita naasikaso kagabi, dahil may trabaho pa akong pupuntahan
-K'

'Tulog ka pa nang makabalik ako galing trabaho, nagluto na lang ako nang makakain mo. Sorry 'yan lang naihain ko para sayo, wala kasi talaga akong budget para sa pagkain, pero huwag kang mag-alala malinis naman 'yan.
-K'

Binuksan ni Sana yung lalagyanan ng mga plato, nakita niya yung plato na may fried rice isang sunny side up na itlog at dalawang maliit na sausage.

"So bahay nga 'to, hindi kwarto." kumuha na si Sana ng kutsra bago bumalik sa sofa kung saan siya nagising. "Baseball player siguro siya." bulong ni Sana nang makita niya yung baseball bat at glove na nakasandal sa dingding.

Pagkatapos niyang kumain, iniwan niya lang yung plato sa lababo tsaka naglibot ulit sa kabuoan nang kwartong kinaroroonan niya. May nakita siyang sticky notes na nakadikit sa isang malaking tupperware.

'Hindi branded yung mga damit ko, pero kung gusto mong maligo kumuha ka lang sa tupperware. Dahan dahanin mo yung pagkuha, kakaayos ko lang ng mga damit ko.
-K'

Tumango si Sana at binuksan yung tupperware na nasa harapan niya. Masyadong organisado yung mga damit na nakita niya, magkahiwalay na magkakapatong yung light color at dark color ng mga damit ganun din yung jeans at ilang shorts.

"Is this person is a she or he?" tinignan ni Sana kung may makikita ba siyang picture man lang, pero wala. "May be a she." nagkibit balikat na lang si Sana at kumuha ng plain white t-shirt at skinny jeans.

Pagpasok ni Sana sa banyo para maligo naghanap siya nang pwede pagpatungan nung mga damit na kinuha niya sa tupperware, sa sink niya na lang yun pinatong dahil yun lang yung mapagkakatiwalaan niyang tuyo. May sticky note siyang nakita na nakadikit sa salamin na nasa harapan niya.

'Hindi ko alam kung anong oras ka magigising, minsan kasi mainit, minsan naman malamig yung tubig. Dahan dahan sa pag-ligo.
-K'

"Well, thank you sa paalala." natuwa naman si Sana nang finally kahit papaano may shower siyang nakita sa banyo, wala mang bathtub kahit paano makakaligo siya sa pamamaraan na alam niya.

Pagkatapos maligo at makapag-bihis ni Sana, nagmumog nalang siya gamit yung mouthwash na nakapatong sa sink. Gusto man niyang gamitin yung toothbrush na nakalagay sa baso na nasa sink, nakakahiya naman doon sa tumulong sakaniya, baka isipin wala siyang proper hygiene standards.

Inipon ni Sana lahat nang sticky notes na nakuha niya at nilagay yun sa loob ng sling bag niya. Paglabas ni Sana nang kwartong kinaroroonan niya, may nakita siyang sticky note.

'Nasa likod yung direksyon papunta sa sakayan ng bus o kung anu man yung sasakyan mo, basta mag-ingat ka.
-K'

Napatingin si Sana sa cellphone niya.

Mina💕 is calling...

"Hello?"
: Alam kong anak mayaman ka, pero 11:20 na, usapan natin 10am.
"May usapan ba tayo?"
: Kukuhain lang naman natin yung certificate para doon sa anim na buwang seminar natin.
"Oo nga pala, wait lang papunta na ako diyan."
: Bilisan mo kasi magla-lunch na sila, gusto kong kumain kasama si Chaeyoung.
"So, that's the college baby you're talking about."
: Biatch? Chaeyoung and I are in a relationship for two years, what are you talking about.
"Ahh, akala ko iba na yung girlfriend mo."
: Tingin mo sakin, katulad mo? Mula nung hiwalayan ka ni Tzuyu, kung sino-sino na lang?
"Ito na pasakay na ako sa taxi, bye~"

Tinapos na ni Sana yung tawag bago pumara ng taxi.

"Teudoongie University." sambit ni Sana sa driver.

Pagdating ni Sana sa university kung saan sila nag-aral, dumiretsyo na siya sa cafeteria dahil nandun daw sila Mina.

"Nasaan kaya sila?" nilibot ni Sana yung paningin niya.

"I'm telling you, she's a nightmare to me, bruh she puke." napalingon si Sana dun sa nagsasalita.

"Ibig mong sabihin, habang umaandar yung motor mo at nasa biyahe kayo, doon siya sumuka?" napakamot si Sana sa ulo niya, habang wala sa sariling sumunod doon sa dalawang babae na nag-uusap.

"Hindi kapani-paniwala, diba. Sinasabi ko sayo, sobrang sama nang gabi ko."

"Sana, buti naman dumating ka na. Pumayag na yung registrar na ibigay din yung certificate mo, kahiya naman sayo na nag-bigay ng oras pero hindi sumipot." nakaismid na saad ni Mina bago ibigay kay Sana yung certificate ng huli.

"Oo nga pala, ito si Sana yung kaibigan namin na kinukwento ko kanina." sambit ni Jihyo habang nakaturo kay Sana.

"Dahyun si Sana, Sana si Dahyun." tumayo si Dahyun para mag-bow kay Sana at makipag-kamay.

"Kim Dahyun." nakangiting saad ni Dahyun bago umupo ulit.

"By the way, how's your motorbike?" tanong ni Momo kay Dahyun.

"Ayos naman, hindi naman gaanong nadumihan." nakangiting tugon ni Dahyun.

"Kung ako sayo bruh, iniwan ko nalang yun sa club." natatawang saad ni Chaeyoung.

"Hindi ko siya iniwan sa club, pero hindi ko rin naman siya inuwi, I just leave her somewhere." paliwanag ni Dahyun. "Kung nasaan man siya, sana nasa maayos na kalagayan pa siya."


Pagkatapos nang lunch break, pumunta muna si Dahyun sa restroom para umihi at maghugas ng kamay niya.

"Ako ba yung tinutukoy mo?" napatingin si Dahyun sa salamin na nasaharapan niya.

"Huh?"

"Yung babae na sumuka, yung sinakay mo sa motorbike mo." kumunot yung noo ni Dahyun.

"This is the first time that we met, what are you talking about?"

"Paniguradong nagkita na tayo dati, dito rin ako nag-aral." tumango si Dahyun.

"Well, I actually don't care about your personal information." nagpunas na ng kamay si Dahyun bago naglakad palabas nang restroom.

"Bakit parang pamilyar siya sa'kin, saan ko ba siya nakita?" huminga nang malalim si Sana.

"Pwede ba kitang makausap?" hindi na nakapagsalita pa si Sana nang hilain siya nang isang babae.

"Anong kailangan mo sakin?" agad na tanong ni Sana sa babae nang huminto na sila sa paglalakad.

"I'm Son Seungwan, Wendy for short." kumunot yung noo ni Sana. "I'm here to guide you, for you to fulfil your mission." napakamot si Sana sa ulo niya.

"Teka, hindi ko maintindihan, anong mission?" ngumiti si Wendy at nilabas yung tablet niya.

"I ask you to be part of our group and you said yes." pinlay ni Wendy yung video na nasa tablet niya.

"Kailan nangyari 'yan? Tsaka sinong kumukuha ng video habang nag-uusap tayo, prank ba 'to?" napabuntong hininga si Wendy.

"Mukha ba akong nagpa-prank?"

"Pwede bang paki-linaw nang mabuti, hindi ko kasi maintindihan. Okay sige, pumayag ako na maging parte ng grupo na sinasabi mo, pero anu bang kailangan kong gawin, bakit may mission?" may inabot na notebook si Wendy kay Sana.

"Buksan mo?" sinunod lang ni Sana yung inutos ni Wendy.

"Sino naman 'tong mga 'to?" saad ni Sana nang may makita siyang gumagalaw na picture ng lalaki at babae sa magkatabing pahina nung notebook.

"Sakto, nandito lang sila sa university na 'to." nakangiting saad ni Wendy bago hilain si Sana. "Ayun, kailangan mong tulungan yung babaeng yun, na umamin sa lalaking kausap niya."

"Huh? Anu namang pakealam ko sakanila?" napabuntong hininga nalang si Wendy.

"Basta gawin mo nalang, papanuorin lang kita dito." bahagya pang tinulak ni Wendy si Sana.

"Hi, pwede ba kitang makausap?" nakangiting agaw atensyon ni Sana sa babaeng nasa notebook na binigay ni Wendy.

"Sige po." bahagyang hinila ni Sana yung babae palayo doon sa lalaki.

"Alam kong gusto mo siya, bakit hindi ka pa umamin sa kaniya?" napabuntong hininga yung babae.

"Gusto ko man, pero hindi po kasi pwede." napayuko yung babae.

"Bakit?"

"May boyfriend na po kasi siya, hanggang kaibigan lang po talaga kami." marahang napatango si Sana.

"Sayang naman, mukhang mas totoo pa yung pagmamahal na maibibigay mo sa kaniya. Ganito na lang, kung sakali man na magkaroon ka na nang lakas ng loob, umamin ka sa tunay mong nararamdaman para sa kaniya." marahang tumango yung babae.

"Ayoko lang pong masira yung pagkakaibigan namin." ngumiti si Sana.

"Sige maiwan na kita, salamat sa oras mo." nag-bow na si Sana sa babae bago naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Wendy.

"Anong nangyari?" nakangiting tanong ni Wendy nang makalapit na si Sana sa kaniya.

"Hindi daw niya kayang umamin dahil may boyfriend na yung lalaki, pwedeng magtanong?" tumango lang si Wendy. "Paano ko nasabi yung mga yun, wala naman akong balak na sabihin yung mga katagang yun." kunot noong saad ni Sana.

"Kasi isa ka nang cupid, sa tuwing ginagawa mo yung mission mo, hindi mo na basta basta makokontrol yung mga sasabihin at gagawin mo, di bale na lang kung lalabanan mo." nagsimula nang maglakad si Wendy. "Patingin nga ng notebook mo." inabot ni Sana kay Wendy yung notebook. "Kalahating oras na lang, tapos na yung oras ng mission mo." sinuli na ni Wendy yung notebook kay Sana.

"Anong mangyayari kapag natapos na yung oras?"

"May lalabas na failed sa notebook mo. Makakatanggap ka ng anim na mission, labing dalawang tao ang dapat na maipares mo, kapag nakatatlong failed ka na panghabang buhay ka nang magiging cupid at wala ka na ring karapatan na magmahal ng isang tao." tumango si Sana.

"Paano ko malalaman kung saan ko makikita yung dalawang tao na dapat kong ipares sa isa't isa?"

"Kung nasa iisang lugar lang naman kayo, wala nang lalabas na location kung nasaan silang dalawa, pero kung malayo ka sa kinaroroonan nila syempre lalabas sa impormasyon nila diyan sa notebook mo kung nasaan sila." tumango si Sana.

"Ilang oras yung pinakamatagal para maipares ko sila?"

"Depende sa sitwasyon, ewan ko." napanguso si Sana.

"Ikaw, ilang mission na yung natatapos mo?"

"Tatlo, isa dun pumalya kasi nabaril yung lalaki kaya wala akong nagawa kundi hayaan na lang." napabuntong hininga si Sana.

"May rules ba?"

"Tignan mo sa pinaka huling pahina ng notebook mo." huminto sila sa paglalakad at pumasok sa isang coffee shop.

'1. You can't tell anyone that you are a cupid, even with your friends and family.
2. You can't destroy your notebook.
3. You can't say I love you.'

"Bayaran mo na." saad ni Wendy na nagpabalik kay Sana sa realidad.

Nang makuha na nila yung inorder nila, lumabas na rin sila kaagad nang coffee shop para ipagpatuloy yung pagpapalitan nila ng tanong at sagot habang naglalakad sila.

"I can't say I love you?" tumango si Wendy sa tanong ni Sana.

"I've tried to say I love you so many times to someone, you know what happened? The words that coming out from my mouth are the worst words that I can't imagine I could tell."

"What are those words?" sumipsip muna si Wendy sa straw ng iced coffee niya bago sumagot.

"Yaseol and Yadong, I just want to say I love you to someone but argh! I really hate it sometimes." tumango si Sana.

"Bakit nabanggit natin ngayon?"

"We're both cupids, there is no rule between cupids." tumango lang ulit si Sana. "Ingatan mo 'yang notebook mo, kapag nasira mo 'yan o nawala, baka maparusahan ka."

"May idea ka ba kung sino yung susunod na ipapares natin?" umiling si Wendy.

"Unexpected mission, unexpected people." napahinto na lang si Wendy sa paglalakad kaya nagtatakang napatingin si Sana sa tinitignan nito, pero wala naman siyang makitang kakaiba sa tinitignan ni Wendy.

*Anong meron sa puno?* kunot noong pag-iisip ni Sana.

"Ayos ka lang?" alalang tanong ni Sana nang lumuha na si Wendy.

"She can't remember me?" tumingin si Sana sa mga nakapaligid sa kanila, nakita niya yung babaeng nakalubong nila bago mapahinto si Wendy sa paglalakad.

"I don't think so." saad ni Sana habang nakatingin sa isang babae na katulad ni Wendy napahinto sa paglalakad at may tumulong luha mula sa mga mata niya habang nakatingin sa likod ni Wendy, napa-iwas na lang nang tingin si Sana doon sa babae at ilang ulit na napalunok.

"Tara na." bumuntong hininga muna si Wendy bago tumuloy sa paglalakad.

Hindi na lang muna nagtanong si Sana kay Wendy, natatakot kasi siya na baka mairita na ito sa kakatanong niya.

"Pasok ka." aya ni Wendy kay Sana. "Huwag kang mag-alala, katulad natin yung mga makakasalamuha mo dito." hinila na ni Wendy si Sana.

Nilibot ni Sana yung tingin niya nang makapasok na sila sa isang underground na lugar.

"Si Sana nga pala, bagong makakasama natin." sambit ni Wendy, agad namang bumati yung mga taong nakapaligid sa kanila.

"Hi, I'm Ye

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung magkakatuluyan ba sila o hindi 😅 promise i will update the last chapter this week 😊

Comments

You must be logged in to comment
Jamess #1
🤔😄