Cupid's Last Mission 03

Cupid's Last Mission
Please Subscribe to read the full chapter

[A Week Later]

Isang linggo na mula nang magawa ni Sana yung kauna-unahang misyon niyang nagtagumpay, pero sa hindi niya malamang kadahilanan, pinapa-iwas siya ni Wendy kay Dahyun. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi naman din niya kailangang umiwas dahil isang linggo nang hindi nagpapakita si Dahyun sa kaniya.

Kasalukuyang nasa condo unit niya si Sana at nagpapalipas oras habang kausap si Wendy sa cellphone niya.

"Anu bang meron sa kaniya at kailangan ko siyang iwasan?"
: Ewan ko, pero yun ang utos ng bosses
"Paano ba nila napaparating yung mga utos nila nang hindi mo man lang sila nakikilala?"
: Sa tablet, basta may dumadating na lang sa'king messages
"Gusto ko pa naman siyang maka-bonding, para makilala ko pa siya nang lubusan."
: Yah~, do you like her?
"Hindi noh, tsaka si Tzuyu pa rin yung gusto ko."
: Right, siya nga pala yung dahilan kung bakit ka nag-iinom nung nakaraan
"Tss, aminado ako dun. Hindi tulad mo na nagsinungaling sa'kin, sabi mo nag-iinom ka lang din kaya ka nandun, yun pala ikaw yung may-ari ng club na yun."
: Hindi ako nagsinungaling sayo, hindi ko lang talaga sinabi dahil baka mag-palibre ka ng drinks, sa lakas mong uminom paniguradong malulugi ako
"I can double the prize of my drinks."
: Okay, ikaw nang mayaman
"Kumusta na nga pala yung misyon mo?"
: Nag-iisip pa rin ako ng magandang technique para dun, ikaw ba? may bago ka nang misyon?
"Wala pa nga, gusto ko nang umalis dito sa condo ko."
: Edi lumabas labas ka hahahahahaha
"Saan naman ako pupunta?"
: Kahit saan, basta lagi mong dalhin yung notebook mo
"Si Yeri ba, nakausap mo na?"
: Hindi pa, bakit?
"Bukod kasi sayo, siya lang yung mapagkakatiwalaan ko tungkol sa pagiging cupid ko."
: Busy ata siya o nagpapalipas ng sakit, alam mo naman yung nangyari nung huli na'tin siyang nakita
"I miss her."
: Edi tawagan mo
"Hindi nga niya sinasagot, kaya nga tinatanong kita dahil baka nag-text o tumawag na siya sayo."
: Sabihan na lang kita kapag nakausap ko na siya, kailangan ko nang ibaba may kakausapin pa ako
"Sige, bye~"

Napabuntong hininga na lang si Sana nang tuluyan nang matapos yung pag-uusap nila ni Wendy. Agad siyang napatayo nang tumunog yung doorbell niya.

"Miss Minatozaki Sana?" ngumiti si Sana at tumango. "Since there's a problem with your landline the manager ask me to inform you personally that your food delivery is already downstairs." napatango si Sana at bahagyang natawa.

"Thank you, kailan kaya pwedeng maayos yung landline ko, nakakahiya naman kasi na aakyat pa kayo dito." napakamot si Sana sa ulo niya.

"Naitawag na po namin sa maintenance yung problema, baka po mamaya dumating na po yung mag-aayos." tumango si Sana bago muling magpasalamat at bumaba para kuhain yung delivery niya.

Pagbalik ni Sana sa unit niya inihain na niya kaagad yung mga pagkain niya.

"Sobrang busy ba nila at hindi nila magawang i-text o tawagan ako." binasa ni Sana yung mga palitan nila ng mensahe ng mga kaibigan niya. "Ang aga naman ata para sa business trip nila, kakasimula pa lang nilang magtrabaho nung nakaraang linggo." napabuntong hininga na lang si Sana at in-enjoy yung pagkain niya.


Alas otso na nang gabi at naghahanda na si Sana para matulog nang tumunog yung dorbell niya.

"Good evening Miss Minatozaki, naistorbo ko po ba kayo?" gusto mang tumango ni Sana pero ngumiti na lang siya at umiling.

"May problema po ba?"

"Paakyat na po kasi yung mag-aayos ng landline, pasensiya na po kung gabi na siya dumating." tumango lang si Sana at binuksan ng maayos yung pintuan ng unit niya.

Nag-ayos na lang muna si Sana ng mga gamit niya na pwedeng makaabala sa paggawa sa landline niya, tsaka pumunta sa kusina para maghanda ng pagkain na maiaalok niya sa maintenance.

"Here, itanong mo na lang kay Miss Minatozaki kung nasaan yung landline niya, ikaw nang bahala sa pag-aayos." pumunta na si Sana para salubungin yung taong mag-aayos ng landline niya. "Miss Minatozaki, mauuna na po ako sa baba."

"Salamat." nag-bow ulit yung manager ng condo bago tuluyan na umalis. "Nandito yung landline ko, ikaw na lang bahala." bumalik na si Sana sa kusina para ilabas sa sala yung pagkain na hinanda niya.

Kinuha ni Sana yung cellphone niya para handa siya kung sakali mang may ibang balak yung maintenance sa kaniya.

*Sa haba nang oras, ngayong gabi talaga siya pumunta.* pilit na ngumiti si Sana at sinagot yung tawag ni Wendy.

"Napatawag ka?"
: Kasama mo ba si Dahyun?
"Hindi, bakit may problema ba?"
: Pinaalalahanan kasi ako ng bosses
"Isang linggo na akong walang balita sa kaniya, baka naman hindi ako yung tinutukoy nila."
: Ewan ko, basta umiwas ka sa kaniya
"Okieeee, sige na bye~"
: Bye~

Pinanuod na lang ni Sana yung maintenance sa ginagawa niya, napapahanga na lang siya sa bilis at halatang sanay na sanay na yung maintenance sa ginagawa niya.

"Wait kukuha lang ako ng pambayad." saad ni Sana, agad namang umiling yung maintenance. "Bawal ba?" natawa na lang si Sana nang yumuko lang yung maintenance. "Ito." kumunot yung noo ni Sana nang ayaw talagang tanggapin nung maintenace yung pera na inaabot niya. "Fine, pero kumain ka na lang para naman makabawi ako sayo." napanguso na lang si Sana nang tumalikod sa kaniya yung maintenance tsaka kumain.

*Weird.* binuksan niya yung cellphone niya at agad na pinindot yung emergency number na nasa contact niya.

"Dahyun?" takang tanong ni Sana nang tumunog yung cellphone ng maintenance, lumapit siya sa maintenance at pinaharap ito sa kaniya. "Dahyun." tinanggal ni Sana yung face mask na muling sinuot lang nung maintenance nang tawagin siya ni Sana habang kumakain. "Umiiwas ka ba sa'kin?"

"Hindi naman sa ganun."

"Bakit tinatago mo yung mukha mo?" napabuntong hininga si Dahyun bago hubarin yung cap na suot niya.

"Sabi nga kasi ni Wendy-unnie na huwag daw muna akong lumapit sayo, hindi ko alam kung bakit pero pinapaiwas niya ako sayo."

"At least text or call me." bahagyang natawa si Dahyun.

"Why would I?"

"Kasi kaibigan mo ako." nanatiling kalmado si Sana, pero sa totoo lang gusto na niyang magalit kay Dahyun. "Pati ba sa text at tawag, kailangan mo rin akong iwasan." hindi sumagot si Dahyun at sinubukan na lang na hablutin kay Sana yung face mask niya.

"Give it to me, uuwi na ako."

"No." sinubukan ulit ni Dahyun na hablutin yung face mask ni kay Sana pero umatras ang huli at napatid. "Dahyun." habol hiningang saad ni Sana nang lumayo si Dahyun sa kaniya nang aksidenteng maglapat yung mga labi nila.

"Sor-" hindi na natapos ni Dahyun yung sasabihin niya nang sunggaban siya ni Sana ng isa pang halik.

*I'm right, she's really a-*

"Sana? Hey, Sana." marahang tinapik ni Dahyun yung pisngi ni Sana habang nakaalalay siya sa ulo nito para hindi matumba ang huli. "The heck." napabuntong hininga na lang siya bago buhatin si Sana papunta sa kwarto nito.

Inayos na lang ni Dahyun yung mga gamit at toolbox niya bago tawagan si Wendy.

"Just come here."
: Diba sinabi ko nang umiwas ka sa kaniya?
"Unnie, anong magagawa ko, kinailangan kong magtrabaho sa kaniya, wala na akong maidahilan para lang hindi pumunta dito."
: Okay, I'm on my way, umalis ka na diyan ako nang bahala sa kaniya
"Make it fast."

Tinapos na ni Dahyun yung pag-uusap nila ni Wendy at agad na lumabas nang condo unit ni Sana.


-------------------------------

"A-aray." napahawak na lang si Sana sa ulo niya dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"Ang tigas kasi ng ulo mo." pilit na dumilat si Sana at tumingin kay Wendy.

"Umaga na?" tumango lang si Wendy bago abutan ng gamot at tubig si Sana.

"What did you do last night?" agad namang napa-isip si Sana. "What the hell, Sana!!" sigaw ni Wendy nang bugahan siya ni Sana ng tubig sa mukha.

"Sorry." yumuko si Sana.

"Saan ka ba nagso-sorry, sa ginawa kagabi o sa ginawa mo sa'kin ngayon?" napakamot si Sana sa ulo niya.

"Both?" napabuntong hininga si Wendy.

"Why did you do that?"

"Hindi ko alam, pero kasi nung aksidente niya akong mahalikan may naalala ako bigla, parang pamilyar yung pangyayaring yun sa'kin." tumayo na si Wendy at inabot kay Sana yung notebook niya.

"May bagong misyon ka, diskartehan mo na lang yan aalis na ako." hindi na hinintay pa ni Wendy na makatugon si Sana at agad na siyang lumabas nang unit ng huli.

'Yook Sungjae 29years old
Park Sooyoung 28years old'

"Saan ko naman sila hahanapin?" napabuntong hininga na lang si Sana bago tuluyang bumangon at bumaba sa kama niya.

Mabilis na nag-ayos si Sana, naisipan na lang niya na kumain sa restaurant na malapit lang sa building ng condo na tinutuluyan niya.

"Ang hirap naman, anu bang gagawin ko para matapos 'to." nakangusong saad ni Sana, napaatras na lang siya nang bumukas yung pintuan ng elevator at may pumasok na babaeng umiiyak. "Park Sooyoung?" bulong ni Sana.

"Joy, wait." napatingin yung lalaki kay Sana at agad na lumapit kay Joy. "Let me explain." umusog na lang si Sana sa isang sulok. "That's not what you think, walang nangyari sa'min."

"Bakit magkalapat yung mga labi niyo? Anu yun role play lang?" yumuko lang si Sana at sinundot sundot yung sinasandalan niya, napa-iling na lang si Sana nang maalala niya yung nangyari kagabi.

"Aish, ani!!" napasabunot na lang si Sana sa buhok niya, napatingin siya kay Joy at Sungjae na nakatingin din sa kaniya. "Sorry." agad na pinindot ni Sana yung kasunod na floor pababa para makalabas na siya kaagad sa elevator.

"Ouch!" sabay na natumba si Sana at yung babaeng nabangga niya nang tumakbo siya palabas nang elevator.

"Sorry." saad ni Sana nang makatayo na siya at agad na nilahad yung kamay niya para tulungan yung babae. "Irene-unnie?" humawak si Irene sa kamay ni Sana para makatayo. "Sorry." ngumiti si Irene at tumango.

"Ayos lang."

"Can I ask you for a meal?" alangang tumango si Irene. "Pero kung may pupuntahan ka, ayos lang naman." natawa si Irene at umiling.

"Ayos lang, lalabas din talaga ako para kumain."

"May alam ka ba na may masarap na pagkain, bagong lipat palang kasi ako dito." nauna nang pumasok si Sana sa isang elevator na kakabukas lang.

"Marami naman, pero isang restaurant lang naman yung kinakainan ko." napangiti si Irene nang maalala niya kung bakit siya laging kumakain sa restaurant na yun.

"Mukhang espesyal yung kainan na yun ah." tumango si Irene. "Doon siguro kayo laging nagde-date ni Wendy." ngumuso si Sana. "That old man, pakiramdam ko talaga gurang na yung taong yun, napunta lang sa katawan ng isang dalaga." natawa si Irene.

"Bakit mo naman nasabi yan?" nagkibit balikat si Sana.

"Ang moody kasi minsan, pero madalas lagi siyang nakabugnot." tumango si Irene.

"I think she really change that much." nauna nang lumabas si Irene ng elevator.

Nakasunod lang si Sana kay Irene hanggang sa makapasok na sila sa isang restaurant.

"What are you doing with her?" salubong ni Wendy kay Sana. "Bakit magkasama kayo?" pag-uulit ni Wendy sa tanong niya, tinignan ni Wendy si Irene na nauna nang maghanap nang mauupuan nila ni Sana.

"Kakain lang kami."

"Subukan mong magtanong nang kung anu-ano sa kaniya, mananagot ka talaga sa'kin." nakangusong napatango na lang si Sana at kabadong sumunod kay Irene.

Wala mang intensyon si Sana na magtanong kay Irene, pero dahil sa pagbabanta ni Wendy nagkaroon siya ng ideya na pagkakataon na niya 'to para malaman kung anu nga bang nangyari sa relasyon nila Irene at Wendy.

"Saan ka galing?" natatawang tanong ni Irene nang makaupo na si Sana sa kaharap niyang upuan.

"May kumausap lang sa'kin kanina." tumango si Irene bago tumingin sa paligid nila. "May hinahanap ka ba?" ngumiti lang si Irene at tumingin na sa menu.

"Minsan kasi nandito rin si Wendy, pero mukhang hindi siya pumunta ngayon." tumango si Sana.

"May itatanong nga pala ako sayo, hmmmm..... nakalimutan mo ba si Wendy?" nanatili lang yung mga patingin ni Irene sa menu.

"Hindi ko alam kung gaano katagal, basta nung naalala ko siya parang sobrang tagal na naming hindi nagkikita." tumingin si Irene kay Sana. "May napili ka na bang pagkain?"

"Siguro kung anu na lang yung order mo, yun na lang din yung sa'kin." tumango lang si Irene at tumawag na ng isang waiter.

Tahimik lang sila Sana at Irene habang kumakain, pinag-iisipan pa kasi ni Sana kung paano ba siya magtatanong kay Irene.

"Unnie? Ayos lang ba sayo kung magtanong ako tungkol sa relasyon niyo ni Wendy?" napahinto si Irene sa pagpupunas nang bibig niya at matagal na tumitig kay Sana.

"Bakit? Nagdududa ka ba sa relasyon niyong dalawa?" kumunot yung noo ni Sana at bahagyang napaatras.

"Relasyon? Kami ni Wendy?" natawa si Sana at umiling. "Wala kaming relasyon ni Wendy, kai

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung magkakatuluyan ba sila o hindi 😅 promise i will update the last chapter this week 😊

Comments

You must be logged in to comment
Jamess #1
🤔😄