Cupid's Last Mission 05

Cupid's Last Mission
Please Subscribe to read the full chapter

"Sana, umuwi ka na lang muna siguro, ako nang bahalang maghintay kay Chaeng." pinatong ni Dahyun yung kamay niya sa balikat ni Sana.

"No, I'm going to kill her once she showed up." hinawakan ni Sana yung kaliwang kamay ni Mina. "Why do people cheat?" hindi nakatugon si Dahyun at napa-isip na lang kung paano nagawa nang kaibigan niya na manloko.

"How is she?" napatingin si Sana sa pumasok at kay Dahyun.

"She's still under observation, hindi namin alam kung naglaslas na ba siya bago niya pa tawagan si Sana o habang kausap niya si Sana." paliwanag ni Dahyun.

"I already try to call her, but she's hanging up." tumango si Dahyun at kinuha yung cellphone niya.

"May pupuntahan pa pala ako, ikaw na munang bahala kay Sana." nginitian ni Dahyun si Sana bago naglakad palabas nang kwarto ni Mina.

"What are you doing here?" tanong ni Sana.

"Binibisita si Mina?"

"Hindi ko alam na close pala kayo." tumayo si Sana para uminom ng tubig.

"Kumain ka na ba, bibilhan kita ng makakain mo?" umiling lang si Sana. "Kakausapin ko na lang muna yung doktor." hindi na nagsalita pa si Sana at hinayaan na lang na umalis yung bisita ni Mina bago siya bumalik sa kinauupuan niya kanina.

"Why did you try to kill yourself." hinawakan ni Sana yung kamay ni Mina at idinikit yun sa labi niya. "I said we can talk about it." marahang binitawan ni Sana yung kamay ni Mina nang makita niya yung tablet ni Wendy na iniwan niya sa lamesa bago siya lumabas.

'Son Chaeyoung 22years old
Jeon Somi 21years old

Location: Undefined'

Nabitawan ni Sana yung tablet at marahang napatakip sa bibig niya.

"Ang sabi sa'kin ng doktor makakalabas na rin siya kapag bumalik na yung lakas niya." mabilis na naglakad si Sana at sinampal si Wendy.

"Bakit?!" kunot noong tumitig lang si Wendy kay Sana at hindi alam ang gagawin niya. "Ganun ka ba kasabik na bumalik sa normal na buhay mo?! Alam mo naman sigurong may girlfriend na si Chaeyoung at si Mina yun, pero bakit ginawa mo pa rin yung misyon mo?!"

"Anu bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."

"Nakita ko, si Chaeyoung misyon mo diba?! Kaya ba hindi mo na ako sinasamahan sa mga misyon ko, dahil may tinatago ka?!" sinampal ulit ni Sana si Wendy. "Tapos pupunta ka dito na para hindi ikaw yung may kasalanan kung bakit nagkaganiyan si Mina!" napabuntong hininga si Wendy at kinuha yung tablet niya.

"Anu bang sinasabi mong ginawa ko yung misyon? Nakikita mo ba 'to?" tinuro ni Wendy yung screen ng tablet niya. "May ilang minuto pa bago matapos yung misyon."

"Pero bakit nagkita pa rin si Chaeyoung at Somi?!" huminga nang malalim si Sana dahil sa galit na nararamdaman niya, kinakapos na siya nang hininga.

"Sigurado ka bang si Somi talaga yung nakita ni Mina na kasama ni Chaeyoung?" napayuko si Sana. "Tsaka hindi ko magagawang sirain yung relasyon ni Chaeyoung, ayokong masaktan na naman siya kasi pagod na ako, pagod na ako na makita yung kapatid ko na nasasaktan dahil sa isang babae. Kaya kung anu man yung nakita ni Mina, hindi ako yung may kagagawan nun. Tandaan mo, may sarili pa ring pag-iisip ang isang tao at tayong mga kupido tumutulong lang sa kanila, hindi pa rin natin hawak yung puso at isip nila. Hindi sa lahat nang pagkakataon, tayo ang magdidikta ng gagawin at iisipin nila." napatingala na lang si Wendy para mapigilan yung luha niya. "Chaeyoung and Hyejoo are the persons I treasure the most next to my parents, I'm willing to choose them over again than Irene and my personal interest."

"I'm sorry, hindi ko alam na magkapatid kayo" bumuntong hininga si Wendy.

"Magpahinga ka na muna, baka dahil sa pagod hindi mo na makontrol yung emosyon mo." marahang lumapit si Sana kay Wendy at yumakap sa huli. "Sana? Sana!!" agad na sinalo ni Wendy yung ulo ni Sana para hindi yun tumama sa sahig. "What the heck Dahyun." huminga ng malalim si Wendy bago buhatin si Sana para ihiga sa couch. "Dahyun should stop suspecting, because she's right."

Umupo si Wendy sa upuan na nasa gilid ng kama ni Mina at pinanuod na matapos yung ilang minutong nalalabi para sa misyon niya.

"Wala na akong choice, kundi gawin yung misyon ko kay Seul." hinilot ni Wendy yung magkabilang sintido niya bago paulit-ulit na bumuntong hininga.

"Mina!" napatayo si Wendy at agad na nilapitan si Chaeyoung.

"Wait, I need to talk to you." bulong ni Wendy bago marahang tinulak si Chaeyoung palabas ng kwarto ni Mina. "Hindi ko alam kung ito yung tamang pagkakataon na pumunta ka dito, galit na galit si Sana at hindi natin alam kung anong pwede niyang gawin sayo." umiling si Chaeyoung at nagpupumilit na pumasok sa kwarto ni Mina.

"Just let me in, please." ginagamit na ni Chaeyoung yung lakas niya para makapasok sa kwarto ni Mina, pero dahil sa kakulangan niya nang pahinga kulang yung lakas niya para mapaalis si Wendy sa harap niya. "I need to talk to her unnie, I have to explain everything."

"Chaeng listen, even you explain to her right now, I don't know if she's going to hear you." wala nang nagawa si Chaeyoung kundi yumakap na lang kay Wendy.

"I didn't mean to kiss that girl, I was drunk that night and I can't remember if I initiate to kiss her." humagulgol na si Chaeyoung sa balikat ni Wendy.

"Ganito, tatawagan na lang kita kapag nakaalis na si Sana. Mas kinakabahan ako sa magagawa niya sayo, kesa sa magagawa ni Mina." niyakap ni Wendy nang mahigpit yung kapatid niya at hinalikan ito sa ulo. "She'll be fine and your relationship with her will be alright, take a rest and think for a while, everything will be alright."

"Pwede ko ba siyang tignan, kahit sandali lang." marahang humiwalay si Wendy kay Chaeyoung.

"Huwag ka lang masyadong maingay." nauna nang pumasok si Wendy sa kwarto ni Mina at agad na nilapitan si Sana, para kung sakali mang magising ang huli, hindi niya magagawang sugudin si Chaeyoung.

---------

Nang magising si Sana, saktong nakaalis na si Chaeyoung.

"Son Seungwan?" agad naman napatingin si Wendy kay Sana nang tawagin siya nito. "Bakit lagi akong nahihilo?"

"Ayokong sabihin sayo, kung anu man yung dahilan ko, wala ka nang pake dun." napa-irap si Sana bago samaan nang tingin si Wendy.

"Bakit ako laging nahihirapang huminga, parang may pumipiga sa puso ko, sa sobrang sakit pakiramdam ko mamamatay ako." nagulat si Wendy sa narinig niya, pero hindi naman niya pwedeng sabihin kay Sana yung dahilan kaya nangyayari yung mga yun sa kaniya.

"Umuwi ka na lang siguro, baka may sakit ka lang." kinakabahang saad ni Wendy.

"Tss, fine." nakaismid na tumayo si Sana at dinala yung mga gamit niya. "Tungkol nga pala sa kapatid mo, sabihin mong ayusin niya yung gulong ginawa niya, muntikan na akong mawalan ng kaibigan." nakangiting tumango si Wendy.

"Don't worry, sasabihan ko siya." nakangusong sumakap si Sana kay Wendy.

"Bye, balitaan mo na lang ako." ilang ulit pang nagpaalamanan sila Wendy at Sana bago tuluyang umalis ang huli.


Pagkarating ni Sana sa condo unit agad siyang humiga sa kama niya, nakatitig lang siya sa kisame at inaalala yung napanaginipan niya habang natutulog siya sa hospital kanina.

"I want to confess something."
"I want to tell you this for so long."
"This is weird, but can I court you."

Napapikit si Sana.

*Sino ba kasi siya, bakit hindi ko makita yung mukha niya.*

"This is more frustrating than doing my missions." huminga nang malalim si Sana. "I may like her the day she confessed, but because of Tzuyu, I didn't gave her a chance." napabangon na lang si Sana nang tumunog yung cellphone niya.

"Hello?"
: Minatozaki Sana?
"Uhm, yeah."
: This is Jennie, Jennie Kim
"Oww, it's been a week, is there anything I could do for you?"
: Alam kong medyo late na, pero pwede ba tayong magkita?
"Sure, saan ba?"
: Nasa isang restaurant ako malapit sa condo unit mo, Irene's favorite place
"On my way, see yeah."


Tinapos na ni Sana yung tawag at agad na tinignan yung notebook niyang kusa na lang nabuklat.

'For your last mission as a cupid

Kim Dahyun 23years old
Lee Jieun 27years old'

"A week?" natawa si Sana. "She's lucky that I'm the one who's going to help her or I am lucky because she's the one I should help." ngumiti si Sana bago lumabas ulit nang unit niya.

Agad naman niyang nakita si Jennie sa restaurant kung saan siya kumain kasama si Irene.

"It must be important." nakangiting sambit ni Sana, umupo na siya sa kaharap na upuan ni Jennie.

"Take a look at this." kunot noong tinignan ni Sana si Jennie at yung photo album na hawak nito. "Just take a look." marahang tumango si Sana bago kuhain yung photo album na inaabot ni Jennie.

'DUBU'

*Every pictures I've seen, seems like familiar to me.* nakangusong tinuloy ni Sana yung paglipat nang pahina ng photo album na hawak niya. *The heck?!* napapikit si Sana at napahawak sa noo niya.

"I'm sorry Dubu, but Tzuyu and I, we're already dating." huminga nang malalim si Sana at pilit na pinakalma yung sarili niya.

"Can you explain, what is this all about?"

"Si Dahyun at Dubu, ay iisang tao. Yung Dubu na nakilala mo nakaraang apat na taon, siya yung Dahyun na madalas mong kasama ngayon." napakagat si Jennie sa labi niya bago ituloy yung mga dapat niyang sabihin kay Sana. "Pagkatapos nung ginawa niyang pag-amin sayo, sobra siyang nasaktan, kulang na lang ay saktan niya yung sarili niya physically. Lumayo siya sayo, ganun din yung kakambal ko, sa ibang university ako nag-aaral nun kaya hindi kita gaanong kilala. Pagkatapos nang ilang taon, kamakailan lang nagkita kayo sa isang club, tinulungan ka ni Dahyun at doon na nabuo yung plano niya."

"A-anong plano?"

"Plano niyang paasahin ka at iwan pagkatapos, kinausap niya rin yung kakambal ko na si Jisoo para tulungan siyang magpanggap bilang yung taong tumulong sayo sa club. Kasama ako sa planong yun, kasi gusto ko rin na maramdaman mo yung naramdaman ni Dahyun nung i-reject mo siya. Pero alam kong hindi siya magtatagumpay sa plano niyang yun, kasi alam kong hanggang ngayon at nakikita ko rin sa mga inaakto niya na hanggang ngayon, mahal ka pa rin niya." umiwas nang tingin si Jennie kay Sana nang makita niya kung paanong nasaktan ang huli sa mga sinabi niya. "Wala akong kaide-ideya tungkol sayo, hindi ko alam kung anong itsura mo at kung anong klaseng tao ka talaga. Pero nung nakilala kita nung birthday ni Irene, napaisip ako na kung mahal ka pa rin ng kapatid ko kailangan mo nang malaman lahat." yumuko na si Jennie dahil hindi na niya kayang makita si Sana na umiiyak. "Please, forgive my sister, forgive me and my twin. We just want to help her to have a revenge, because if my mom wasn't there to stop her from killing herself, she's already dead." umiling si Sana.

*I'm the one who should ask for her forgiveness.*

Umiiyak na tumayo si Sana at mabilis na naglakad pabalik sa condo unit niya. Ilang beses niyang tinawagan si Dahyun hanggang sa sumagot na ito.

"Dahyun?"
: Umiiyak ka ba?
"Busy ka ba ngayon?"
: Medyo, may problema ba?
"Pwede mo ba akong puntahan sa condo unit ko ngayon?"
: Sige, papunta na ako

Umupo si Sana sa sofa na nasa sala niya at doon humagulgol habang hinihintay na makarating si Dahyun.

---------

"Hey, what happened?" lumuhod si Dahyun sa harap ni Sana. "Did somebody hurt you?" umiling lang si Sana at mahigpit na yumakap kay Dahyun.

"I'm sorry." tinawanan ni Dahyun si Sana.

"Hey, anu ka ba?, bakit ka nagso-sorry?" umiling si Sana at nagtago sa leeg ni Dahyun.

"I'm really sorry." marahang hinagod ni Dahyun yung likod ni Sana.

"Anong oras na, matulog ka na." buong lakas na tumayo si Dahyun kasama si Sana.

"Can you stay with me?" bumuntong hininga si Dahyun bago marahang tumango. "This time, until I woke up, please?"

"Hmm, okay." magkayakap na naglakad sila Dahyun at Sana papunta sa kwarto ng huli hanggang sa makahiga na silang dalawa sa kama.

"Dahyun?" nag-hum lang si Dahyun at hinintay na muling magsalita si Sana. "Sabi mo nagta-trabaho ka diba?" tumango lang si Dahyun. "Pwede mo ba akong isama kung saan ka nagta-trabaho?" natawa si Dahyun at bahagyang napa-iling.

"Pero marami yun, hindi lang isa."

"Still, take me with you." wala nang nagawa si Dahyun kundi tumango bilang pagsang-ayon kay Sana.


-----------------------

[KINABUKASAN]

Nagising si Sana na nasa tabi niya pa si Dahyun, marahan siyang lumapit sa huli at niyakap ito mula sa likuran.

"I'm sorry." bulong ni Sana bago silipin ang mukha ni Dahyun. "Good morning." agad namang nagising si Dahyun sa ginawang pagbulong ni Sana sa mismong tenga niya.

"Hmm, anong oras na?" agad na tumingin si Sana sa orasan na nasa kwarto niya.

"9:56 am." tumango si Dahyun at marahang bumangon.

"Maligo ka na, magluluto lang ako ng agahan natin." pilit na ngumiti si Sana nang makalabas na si Dahyun papunta sa kusina.

"Babawi ako sayo, you deserve to be happy." tumayo na si Sana at agad na pumasok sa banyo.


Pagkatapos na makapag-ayos ni Sana ng sarili niya, pinuntahan na niya si Dahyun.

"Saan nga pala yung unang trabaho mo?" napabuntong hininga si Dahyun.

"Bakit mo ba gustong sumama sa'kin?" nagkibit balikat si Sana.

"Gusto ko lang malaman."

"Kung may pinaplano ka man, huwag mo nang ituloy." ngumuso lang si Sana at nagsimula nang kumain.

"Kumain ka na nga lang, gusto lang naman kitang makasama." natawa si Dahyun.

"Edi hindi ako papasok, pwede naman yun." kumain na si Dahyun, pero hindi niya maiwasan na tignan si Sana.

"May problema ba sa suot ko?" umiling si Dahyun.

"Parang pamilyar kasi yung t-shirt mo." ngumiti si Sana.

"Naaalala mo yung babaeng pinuntahan natin sa apartment?" tumango lang si Dahyun. "Ito kasi yung kinuha ko sa lagayan niya ng mga damit nung tinulungan niya ako." natawa si Dahyun.

"Ang cheep naman ng mga damit niya."

"Ang cool kaya, simple lang pero madaling dalhin." napangiti na lang si Sana nang makita niyang bahagyang nagulat si Dahyun sa sinabi niya.


Paalis na silang dalawa nang mag-ring yung cellphone ni Sana.

"Wendy?"
: I need to talk to you right now
"Bakit ka naiyak?"
: Just please, come to the hospital right now
"Teka anu bang nangyari?"
: Hyejoo, she got involve into an accident. I need your help
"Okay, on my way."

Pagakatapos na makipag-usap ni Sana kay Wendy agad niyang hinila si Dahyun.

"Anong nangyari?" alalang tanong ni Dahyun kay Sana.

"Naaksidente si Hyejoo." napabuntong hininga si Sana bago hawakan yung noo niya. "Sorry, kung kailangan nating pumunta sa hospital."

"Ayos lang, girlfriend mo muna bago ako." umiwas nang tingin si Dahyun, agad namang lumapit si Sana kay Dahyun at yumakap sa bewang nito.

"She's Irene's, don't worry." nakangiting saad ni Sana habang pilit na tinitignan sa mata si Dahyun.

*Why she shouldn't be worried?* napakagat si Sana sa labi niya. *What the heck is happening to me!*

"Okay, hindi mo naman kailangang yumakap sa'kin." bahagyang tinulak ni Dahyun si Sana palayo sa kaniya.

*I didn't even mean to hug you!*


Pagkarating nilang dalawa sa parking lot, sa sasakyan ni Sana sila sumakay. Tahimik lang si Dahyun habang nakatingin sa labas at iniisip kung anu bang nangyayari kay Sana.

"I'm looking for the patient named Son Hyejoo?" sambit ni Sana sa isang nurse na nasa information table.

"Nasa emergency room pa po yung pasyente." agad na nagpasalamat si Sana tsaka hinila si Dahyun at tumakbo papunta sa emergency room.

Agad naman nilang nakita si Wendy kasama si Gowon.

"Wendy, anong nangyari?" hinila ni Wendy si Sana at bahagyang lumayo kay Dahyun at Gowon.

"Kasalanan ko 'to." napahilamos na lang si Wendy sa mukha niya.

"Paanong kasalanan mo, nandito ka lang naman sa hospital buong magdamag." umiling si Wendy.

"Hindi sa ganun, ito yung nangyari nung hindi ko ginawa yung misyon ko kay Chaeng at Somi." pumikit at napabuntong hininga na lang si Wendy. "Ito yung consequence dahil hindi ko ginawa yung misyon ko, may nangyaring masama kay Mina at ganun na rin kay Hyejoo na naging misyon ko bago sila Chaeyoung at Somi."

"Anong mangyayari kay Hyejoo?"

"Pwede siyang mamatay, kaya wala akong pwedeng gawin kundi gawin yung huling misyon ko kahit na ayoko." yumuko si Wendy at pinunasan yung luha niya.

"Si Seulgi?" marahang tumango si Wendy.

"Naligtas mo si Mina, ngayon kailangan kong iligtas si Hyejoo." niyakap ni Sana si Wendy.

"If you have to go right now, sure you could." tinapik ni Sana sa balikat si Wendy bago humiwalay sa huli. "Ako nang bahala kay Hyejoo."

"Salamat." binalikan na ni Wendy si Gowon para magpaalam bago tuluyang umalis nang hospital.

"Kapag hindi ko ginawa yung huling misyon ko, pwedeng mapahamak isa man kay Dahyun at Jieun, Ryujin at Chaeryeong." napabuntong hininga si Sana. "Magiging kupido pa ako habang buhay." napatingin si Sana kay Dahyun na kasalukuyang pinapakalma si Gowon. "Do I still like you or I already love you?"


----------


"Saan tayo pupunta?" tanong ni Seulgi pagkasakay niya sa sasakyan ni Wendy.

"Si Irene ba talaga yung dahilan kung bakit kayo naghiwalay ni Yeri?" natawa si Seulgi bago yumuko.

"Mahal na mahal ka ni Irene, paano namang siya yung magiging dahilan kaya kami naghiwalay ni Yeri." nagsimula nang magmaneho si Wendy. "Mahal ko si Yeri, sobrang mahal. At yung sobra na yun, yun yung dahilan kaya kami naghiwalay." tumango lang si Wendy bilang tugon na ituloy ni Seulgi yung pagkukwento niya. "Masyado akong naging mahigpit sa kaniya, na kulang na lang hawakan ko na siya sa leeg. Sobra ko siyang mahal, pero sobra rin yung insecurity ko sa sarili ko. Lagi kong iniisip na madali lang akong mapapalitan ni Yeri, na kapag napagod na siya ss'kin kayang kaya niya akong ipagpalit sa kahit na sino." bumuntong hininga si Seulgi para sa hangin. "Napagod nga siya, pero hindi dahil sa nagkulang ako, kundi dahil nasobrahan ako."

"Talk to her, for sure she's already miss you." tumingin si Seulgi sa labas nang sasakyan, nasa harap sila nang bahay nilang dalawa ni Yeri. "Sayang naman yung bahay na binili niyo, kung hindi kayong dalawa yung nakatira." muling napayuko si Seulgi bago yumakap kay Wendy.

"I'm sorry, I'm sorry kung nagalit ako sayo. Hindi ko naisip yung sakripisyong ginawa mo para kay Irene, lalong lalo na para sa mga kapatid mo." pinilit na tumawa ni Wendy para hindi tuluyang tumulo yung mga luha niya, pero hindi sapat yung lakas niya para labanan yung emosyon na nararamdaman niya. "Always remember, she's waiting and loving you." hinigpitan ni Seulgi yung pagkakayakap niya kay Wendy bago bumaba nang sasakyan ng huli.

Napabuntong hininga na lang si Wendy bago punasan yung mukha niya at pinanuod si Seulgi.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Yeri pagbukas niya ng gate.

"Masama na bang bisitahin kita?" napayuko na lang si Seulgi nang tumango si Yeri. "You hate me that much?" muling tinignan ni Seulgi si Yeri.

"Too much." bumuntong hininga si Seulgi bago tumango at tumalikod. "Hating you too much, means loving you so much. I'm waiting for you to come back here, this house is still ours and I'm still your home, right?" muling humarap si Seulgi kay Yeri at niyakap nang mahigpit ang huli.

"I miss you." humiwalay si Seulgi kay Yeri at agad na hinalikan ang huli sa labi.

Sa sasakyan ni Wendy, hindi niya mapigilan na mapangiti.

"I should talk to someone." tumango si Wendy bago magmaneho ulit.


Pagbukas ni Wendy ng pintuan, narinig din niya yung bell na palatandaang may pumasok sa pintuan na yun.

"Can we talk?" tanong ni Wendy sa taong pinuntahan niya.

"I'm worki-"

"I'm glad you do, so let's talk for a while." naghanap na nang mauupuan si Wendy at hinintay yung taong kakausapin niya.

"What do you need?" walang gana itong umupo sa kaharap na upuan ni Wendy.

"Masaya ka na sa love life mo, umasenso na rin yung business mo. Hindi pa rin ba natin ibabalik yung SonKangManYoo?"

"Akala ko ba galit ka kay Seul?" napa-iling ito. "Dahil inagaw niya si Irene sayo."

"Hindi ako galit kay Seulgi, galit ako sa ginawa niya kay Yeri. Tsaka alam ko namang mahal na mahal ako ni Irene, kaya hindi niya magagawang ipagpalit ako kay Seulgi." ngumiti si Wendy.

"Tss, mahal na mahal ka nga, pero iniwan mo pa rin nung mismong araw nung kasal niyo."

"Lalisa Manoban, sinabi ko na sayo yung dahilan diba? Napaka-isip bata mo talaga." umirap si Lisa.

"Ako pa yung isip bata, sino kaya sa'tin yung iniiwasan yung taong mahal na mahal niya?"

"Hindi ko naman siya iiwasan kung walang dahilan." natawa si Lisa.

"Parang yung 'hindi ko siya iiwan kung walang dahilan' mo yan noon ah, yun pa rin ba yung dahilan mo ngayon?" umiling si Wendy. "Nabalitaan ko, nasa hospital si Hyejoo ngayon, bakit nandito ka?"

"May inayos lang akong dahilan kung bakit ko iniiwasan si Irene."

"Tss, sige na umalis ka na, baka samain ka pa sa'kin masaktan lang kita." tumayo na si Lisa at nilahad yung kamay niya. "SonKangManYoo, sabihan mo si Jeongyeon na bisitahin naman ako." tumango si Wendy bago makipagkamay kay Lisa.

"Tawagan mo na lang siya, kilala mo naman yun paimportante minsan." ilang ulit pa silang nagpaalamanan bago tuluyang umalis si Wendy at bumalik sa hospital kung nasaan si Hyejoo.

Pagdating ni Wendy sa hospital, nailipat na sa pribadong kwarto ni Hyejoo kaya doon na siya dumiretsyo.

"Si Dahyun?" tanong ni Wendy kay Sana na naka-upo sa couch, habang si Gowon naman nakatulog na sa tabi ni Hyejoo.

"Bumili lang ng pagkain." tumango si Wendy bago umupo sa tabi ni Sana.

Nabalot nang katahimikan yung kabuoan nang kwarto ni Hyejoo, tanging yung makina lang na nasa tabi ng kama niya yung maririnig.

"Kumusta yung huling misyon mo?" tanong ni Sana kay Wendy.

"Maayos naman, hindi naman magiging mahirap yung misyon kung mahal talaga nila yung isa't isa."

"Kilala mo ba yung ex ni Dahyun?" tumango si Wendy.

"May problema ba?"

"Kwentuhan mo naman ako, ayaw kasi akong kwentuhan ni Dahyun tungkol sa ex niya." natawa si Wendy at agad na umiling.

"Kung ayaw niya, wala akong karapatan na magkwento sayo. Bakit, nagugustuhan mo na siya noh?"

"She's my last mission." napatango si Wendy.

"With?"

"Lee Jieun." nagulat si Wendy sa narinig niya. "I'm willing to do the mission, maybe she could forgive me once she became happy." ngumiti si Sana. "Because of the grief she she felt because of me, I become a cupid. It's all my fault and I have to suffer, but not like this." tahimik lang na nakikinig si Wendy kay Sana. "I can't do the mission for her, but I also can't let anyone to be in danger." inakbayan ni Wendy si Sana.

"You still love her?" umiling si Sana. "I'm not talking about Tzuyu."

"Dahyun?" tumango si Wendy. "I never love her before."

"I know you before you become a cupid, the bosses tell me everything about you."

"So I love her since then?" nagkibit balikat si Wendy.

"May lakad ba kayo ni Dahyun? Sorry kung naistorbo ko kayo, ikaw lang kasi yung matatawagan ko dahil ikaw lang naman yung masasabihan ko kung anu ba talaga yung nangyayari."

"Plano ko sanang samahan siya, kahit sa pagtatrabaho niya, pero sa tingin ko kailangan ko munang lumayo sa kaniya." kumunot yung noo ni Wendy.

"Bakit naman?"

"Nang mapadali para sa'kin yung magiging misyon, hindi naman magiging silang dalawa yung misyon ko kung hindi nila mahal yung isa't isa." pilit na ngumiti si Wendy.

"What if Dahyun loves you?"

"Then she will comeback to me, I think distancing myself from her will help them to be together." natawa si Wendy.

"Paano ka makakatulong sa kanila kung malayo ka?" bumuntong hininga si Wendy. "You love her and you don't want to get hurt, that's the reason why distancing yourself is part of your plan."

"Three days, if I don't get anything about her, I will do the mission but I'm not gonna let them be together."

"Handa ka nang maging kupido pang-habang buhay?" tumango lang si Sana.

"Accepting the fact is the main part of my plan." tumayo na si Sana. "Sabihin mo na lang kay Dahyun na may pupuntahan lang ako." hindi na hinintay pa ni Sana na makatugon si Wendy at lumabas na nang kwarto ni Hyejoo.

"Saan pupunta si Sana?" tinignan ni Wendy si Dahyun.

"May pupuntahan daw siya, wala siyang sinabi kung saan." ngumiti si Wendy. "First love never dies?" nilagay muna ni Dahyun sa lamesa yung mga pagkain na binili niya.

"Sinong first love?"

"Tss, home schooling from pre-school until 12th grade, for sure nung college mo lang siya nakilala at nagustuhan, malamang siya yung first love mo." natawa si Dahyun.

"I already saw her, by peeking out from upstairs every time Jisoo-unnie invites her to come over the house."

"Siya nga yung dahilan kung bakit ka nagpumilit na pumasok sa school, kahit na may agoraphobia ka?" ngumiti si Wendy at bahagyang pinisil yung pisngi ni Dahyun. "Puntahan mo si Chaeyoung sa kwarto ni Mina, ako nang bahala dito." tumango lang si Dahyun tsaka umalis papunta sa kwarto ni Mina.

"AHHHHHHH!!" napatayo si Wendy at agad na inalalayan si Gowon na halos mahulog na dahil sa gulat nang sumigaw si Hyejoo. "A-ray." napabuntong hininga si Wendy bago tulungan na makatayo nang maayos si Gowon.

"Hyejoo naman, bakit kailangan mong sumigaw?" nakaismid na saad ni Gowon, agad namang ngumiti si Hyejoo.

"Bigat kasi ng ulo mo, puro tulog ka na naman." hinila ni Hyejoo si Gowon at agad na niyakap.

"Hindi ka na magmo-motor, kahit kailan." nakangusong bulong ni Gowon.

"Bakit naman, promise hindi ko talaga alam kung anong nanagyari, tinignan ko naman yung brake bago ako umalis." napayuko si Wendy sa narinig niya.

*It wasn't selfishness, right? I save Chaeyoung from another heartbreak, help my friends to get back together.* bumuntong hininga si Wendy bago bumalik sa kinauupuan niya kanina at pinanuod si Hyejoo na tumatawa habang kausap si Gowon.


-----------

Nakahiga si Sana sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung magkakatuluyan ba sila o hindi 😅 promise i will update the last chapter this week 😊

Comments

You must be logged in to comment
Jamess #1
🤔😄