Cupid's Last Mission 02

Cupid's Last Mission
Please Subscribe to read the full chapter


Nagising si Sana dahil sa ingay na idinudulot ng cellphone niya, dahan dahan siyang bumangon bago kuhain yung cellphone niya tsaka sagutin yung tawag.

"Hello?" inaantok na saad ni Sana.
: Yow? Saturday ngayon, want to meet up?
"Wait? Who's this?"
: The girl who helped you, I'm sorry did I wake you up?
"Ahh, honestly yes." natawa si Sana. "But it's alright, don't worry."
: So are you free today?
"Yeah, what time?"
: Before lunch?
"Sure, see yah."
: Bye~

Napangiti na lang si Sana nang matapos yung pag-uusap nilang dalawa.

"Bakit ba ako ngumingiti." natawa si Sana at bumaba na papunta sa hapagkainan. "Good morning." masayang bati ni Sana bago yumalap sa daddy niya.

"Did you had a date last night?" natawa si Sana tsaka umupo sa harap nang hapagkainan nila.

"Hindi naman po."

"Anong meron diyan sa mga ngiti mo? At good mood ka ata ngayon." ngumiti lang si Sana. "That feels so strange." umiling yung daddy ni Sana at kumain na lang.

Pagkatapos ni Sana na kumain, umakyat na kaagad siya sa kwarto niya para mag-ayos nang sarili niya.

"Anu kayang itsura niya, gusto ko na talaga siyang makita." huminga nang malalim si Sana. "I'm coming baby, hahahahahahaha."


Napatingala na lang si Sana para pigilan yung mga luha niya. Paulit-ulit siyang umiling at huminga nang malalim.

"She's not coming." tumayo na si Sana mula sa kinauupuan niya at nagmamadaling naglakad.

"The heck!" napayuko na lang si Sana habang nakaupo sa sahig. "Yah!" tuloy lang sa pag-iyak si Sana. "Miss I'm sorry, I didn't mean to-" napahinto sa pag-sasalita yung nabangga ni Sana nang tumingala ang huli. "Sana, right?" tumango lang si Sana bago muling yumuko. "I'm Dahyun, still remember me?" bahagyang umupo si Dahyun para mapantayan si Sana. "Come with me." hindi naman na nagsalita pa si Sana at agad na inabot yung kamay ni Dahyun na nakalahad para tulungan siyang tumayo.

"Sorry, pero pauwi na kasi ako." sambit ni Sana nang makatayo na silang dalawa ni Dahyun.

"Ganun? Gusto mo ihatid na kita, iniwan kasi ako nila Chaeng at Mina." nagsimula na silang maglakad. "Wala akong dalang panyo, pero mukha kailangan mo nang ayusin yung make-up mo."

Dumaan na muna silang dalawa sa restroom bago tuluyang lumabas nang mall.

"Sure ka na uuwi ka na?" muling tanong ni Dahyun kay Sana.

"Nung huling magkita tayo, napaka-suplada mo sa akin, may nakain ka ba na nakapagpabait sayo?" natawa si Dahyun.

"Na-guilty lang ako nang sigawan kita kanina, tapos umiiyak ka pa, ganun ba kalakas yung pagkakabagsak mo sa sahig?" umiling si Sana.

"Hindi naman ako umiiyak dahil bumagsak ako, umiiyak ako kasi tatlong oras na akong naghihintay pero hindi pa rin dumadating yung taong hinihintay ko." tumango si Dahyun.

"Sino ba yun? Girlfriend mo?" umiling si Sana. "I mean boyfriend." natawa si Dahyun at napakamot sa ulo niya.

"Hindi ko siya kilala." natigil sa pag-tawa si Dahyun.

"Wait, what? Makikipag-kita ka sa taong hindi mo kilala?" napabuntong hininga si Sana.

"Pwede mo ba akong samahan?" tumango lang si Dahyun.

Nang makarating na sila sa parking kung saan nakaparada yung motorbike ni Dahyun, agad na inabot ni Dahyun yung helmet niya kay Sana.

"Saan nga pala tayo pupunta?" napanguso si Sana nang itanong yun ni Dahyun.

"Hindi ko alam, pero sa pagkakaalala ko malapit lang yun sa Teudoongie University. May alam ka bang mga apartment building na malapit lang dun sa university?"

"Mangungupahan ka ba?" pang-aasar ni Dahyun kay Sana.

"Pupuntahan ko yung babaeng kikitain ko dapat ngayon."

"Sigurado ka?" tumango lang si Sana at pinasakay na si Dahyun sa motorbike niya, inalalayan naman ni Dahyun si Sana na makasakay sa motorbike niya. "Kumapit kang mabuti." agad namang yumakap si Sana sa bewang ni Dahyun.

*Sana naman walang nangyaring masama sa kaniya.* huminga nang malalim si Sana at bahagyang hinigpitan yung pagkakayakap niya sa bewang ni Dahyun.

"Sabi kapit lang, yakap naman yung ginawa." natatawang bulong ni Dahyun.

"May sinasabi ka ba?" agad na umiling si Dahyun at nanahimik na lang.


----------

"Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Dahyun nang bumaba na si Sana sa motorbike niya nang huminto sila sa pang-apat na apartment na pinuntahan nila.

"Ayos lang, hintayin mo na lang ako dito." nakangiting tumango si Dahyun at nanatili na lang na naka-upo sa motorbike niya.

Habang paakyat si Sana sa palapag kung saan siya nanggaling kamakailan lang, iba't ibang emosyon yung nararamdaman niya. Kinakabahan siya na masaya, na malungkot at nagtatampo.

Huminga muna nang malalim si Sana bago kumatok sa pintuan nang apartment kung saan siya lumabas nung nakaraang araw.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ng isang babae na siyang nagbukas ng pintuan.

"Ki-Kim Jisoo?"

"Yeah, sorry hindi kita napuntahan, biglaan kasing kailangan ko nang umalis ngayon." hindi pa rin makapaniwala si Sana.

"Wait, paanong? Diba mayaman ka?" natawa si Jisoo.

"Sinubukan ko lang naman na mamuhay ng normal, malayo sa kayamanan. Gusto mo bang pumasok?" napakamot si Jisoo sa ulo niya. "Medyo makalat nga lang kasi nag-aayos ako ng mga gamit ko."

"Ayos lang, aalis rin naman ako kaagad." ngumiti si Sana. "Hindi ko pa rin alam kung bakit ka nagalit sa'kin noon, pero sana napatawad mo na ako ngayon."

"Don't worry, hindi naman ganun kalaki yung nagawa mo sa'kin noon. Umiwas na lang din ako sayo, dahil ayokong mas palakihin pa yung gulo sa pagitan nating dalawa."

"Salamat, sige mauuna na ako. May naghihintay kasi sa'kin sa labas, gusto ko lang din na masiguradong ayos ka lang kaya pumunta ako dito." nag-bow na si Sana. "Salamat din sa ginawa mong pagtulong sa'kin." wala sa sariling yumakap si Sana kay Jisoo.

"Ingat ka sa pag-uwi." nakangiting saad ni Jisoo bago tuluyang mag-lakad paalis si Sana.

"Ayos ka lang?" tanong ni Dahyun kay Sana.

"Gusto mong kumain sa labas? Libre ko na, tutal tinulungan mo naman akong makarating dito." ngumiti lang si Dahyun at pinaandar na yung makina ng motorbike niya. "Oo ba yung sagot mo?"

"Hindi pa ba obvious? Tara na, gutom na ako." sinuot na ni Sana yung helmet ni Dahyun bago umangkas sa likuran ng huli.

Itinuro ni Sana kay Dahyun yung daan papunta sa restaurant ni Jeongyeon, nagustuhan niya kasi yung kinain nila ni Wendy kahapon kaya naisip niyang doon na lang sila kumain ni Dahyun.

"Kilala mo si Wendy, diba?" tanong ni Sana kay Dahyun habang naghihintay sila sa order nila.

"Oo, bakit?" pilit na ngumiti si Dahyun.

"Pwedeng kilala mo rin yung may-ari nang restaurant na 'to?"

"Kilala naman talaga yung may-ari nang restaurant na 'to, well kung mahilig ka sa mga pagkain makikilala mo talaga siya." kumunot yung noo ni Sana. "Anak siya ng isang sikat na chef, kaya gumagawa na rin siya ng pangalan sa industriya ng pagluluto."

"Alam mo, naninibago talaga ako sa ugali mo."

"Hindi ka lang siguro sanay, tsaka unang beses na pagkikita pa lang natin yun, kaya hindi mo pa ako ganun kakilala." hindi na nakatugon pa si Sana nang dumating na yung order nilang dalawa ni Dahyun.



Pagkatapos nilang kumain, nagpahatid si Sana sa parking lot ng mall kung nasaan yung sasakyan niya.

"Sa likod mo lang ako." saad ni Dahyun bago pagbuksan nang pintuan si Sana. "Drive safely." sinuot na ni Dahyun yung helmet niya bago sumakay sa motorbike niya.

Hinintay na muna ni Dahyun na makalayo nang bahagya yung sasakyan ni Sana, bago paandarin yung motorbike niya.

Hanggang sa makarating na si Sana sa harapan ng gate nila, nakasunod pa rin si Dahyun sa kaniya.

"Salamat." nakangiting saad ni Sana habang nakatayo sa gilid ni Dahyun.

"Wala yun, sige aalis na ako." agad na kinuha ni Sana yung cellphone niya.

"Dahyun?" nilahad ni Sana yung cellphone niya kay Dahyun. "Pwede ko bang makuha yung number mo?" tumango lang si Dahyun at kinuha yung cellphone ni Sana.

"Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka, bye~"

"Ingat ka sa daan." kumaway na si Sana kay Dahyun at hinintay ang huli hanggang sa makalayo na ito, tsaka pa lang siya pumasok sa bahay nila.


----------

Kasalukuyang naka-upo si Wendy sa kama niya at nakatingin sa tablet na hawak niya.

"Not with Seulgi, damn it!" inis na sigaw niya bago tumingala. "Bakit naman kay Seulgi pa!" huminga siya nang malalim at mabilis na bumaba sa kama niya. "Ayos lang kung maging cupid ako pang-habang buhay, pero hindi ko gagawin yung mission na 'to!" nagbihis na siya at agad na lumabas nang kwarto niya.

"Unnie?" tinignan lang ni Wendy yung kapatid niya at nagmamadaling naglakad palabas nang bahay niya.

"What the heck is she doing here?"

"Unnie, umuwi ka daw muna sa bahay sabi ni mom. After what happen to you and Irene-unnie, she's worried." tumango lang si Wendy.

"Subukan ko bukas, Sunday naman bukas." sumakay na si Wendy sa sasakyan niya tsaka nagmaneho papunta sa club na pag-aari niya.

"Good evening Ms. Son." bati ng guard kay Wendy.

"Mag-open tayo nang 7pm, tutal Saturday naman. May mga crew na ba sa loob?"

"May dalawa na pong dumating." tumango lang si Wendy bago tuluyang pumasok sa club niya.

"Akala ko hindi ka makakapasok dahil magre-review ka?" tanong ni Wendy sa isang crew niya.

"Madali lang namang mag-review, pero yung mag-ipon ng pera?, yun yung mahirap."

"Bumalik ka na kaya sa pamilya mo." pilit na ngumiti si Wendy. "Sorry, ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako." naglakad na si Wendy papunta sa opisina niya.

"Seungwan." napatingin si Wendy sa taong nasa loob ng opisina niya.

"What are you doing here?"

"She wants to talk to you." kunot noong tinignan ni Wendy si Seulgi.

"Hindi kita kinanausap."

"Seung, gusto ka lang namang makausap ng tao, pagbigyan mo na siya." natawa si Wendy.

"Para saan pa Seul?! Kilala mo ako, kilala mo ako nang higit pa kanino! Seul, alam mo kung gaano kasakit at kahirap sa'kin yung ginawa ko!" tumayo si Seulgi at tinapik si Wendy sa balikat.

"Kaya nga kami nandito, kasi kilala kita." tumingin si Seulgi kay Irene. "Bumalik na lang siguro tayo sa susunod." nauna nang lumabas ng opisina ni Wendy si Seulgi.

Marahang tumayo si Irene, nag-aalangan siyang lumapit kay Wendy, pero sa huli hindi na niya pinigilan yung sarili niya at agad na niyakap ang huli.

"Sengwan-ah~, I miss you." nanatili lang si Wendy sa posisyon niya at pilit na pinipigilan yung mga braso niyang yakapin din si Irene. "Alam kong mahal mo pa rin ako, hindi ko alam kung bakit, pero sana nagpaliwanag ka. Sana nagsabi ka sa'kin, sorry kung hindi ko naprotektahan yung puso mo."

"Galit ka sa'kin, diba?" bahagyang inangat ni Irene yung ulo niya para tignan si Wendy.

"Oo nagalit ako sayo, pero-pero Seungwan saglit lang naman yung galit ko kasi, kasi mahal kita sobrang mahal kita." pinunasan ni Wendy yung mga luha ni Irene.

"Mag-usap na lang siguro tayo sa susunod, sa ngayon umuwi ka na muna."

"Babalik ka na sa'kin?" bumuntong hininga si Wendy.

"Hindi ko pa alam, pag-iisipan kong mabuti." ngumiti si Irene.

"I love you." napapikit si Wendy. "You don't have to answer, bye~" mabilis na hinalikan ni Irene sa labi si Wendy bago sumunod kay Seulgi.

"Bakit sa dinami raming salita na pwedeng mabanggit ko, yaseol at yadong talaga?" nakatingalang saad ni Wendy.

"What did you say?" takang tanong ni Irene.

"Your is soft?" napatakip si Wendy sa bibig niya. "I'm sorry, akala ko ba umalis ka na?"

"Nakalimutan ko kasi yung bag ko." agad namang kinuha ni Wendy yung bag ni Irene at inabot yun sa huli.

Napamura na lang si Wendy at muling tumingala.

"Really? Your is soft, I just want to say I love you. Anu bang ginagawa niyo sa'kin?" napabuntong hininga na lang si Wendy bago umupo sa upuan niya.

Tinignan niya yung tablet niya nang umilaw yung screen nun.

'Son Hyejoo 20years old
Park Chaewon 21years old

Location: Club29'

"Anu bang meron dito sa club ko at langing ito yung lokasyon ng misyon ko." napahilot si Wendy sa sintido niya. "Hindi ko pa nga tapos yung dalawa meron na namang bago, nagmamadali ba kayong maging kupido ako pang-habang buhay?" napaatras na lang si Wendy nang biglang lumabo yung mukha ni Chaewon sa tablet niya hanggang sa maging black and white na guhit na lang yun. "Sorry, you don't have to do this to me." nakangusong saad ni Wendy.

Naghintay pa si Wendy nang ilang minuto pero hindi na talaga bumalik yung picture ni Chaewon sa tablet niya.

"Siguro naman kaibigan lang din siya ng kapatid ko, bakit naman mag-iinom sila dito?" tinabi na muna ni Wendy yung tablet niya at nagsimula nang basahin at aralin yung inventory ng club niya.


Sa sobrang pukos ni Wendy sa trabaho niya, hindi na niya napansin yung oras at ilang minuto na lang matatapos na yung palugid niya para sa misyon.

"Sh!t." agad siya tumayo at lumabas nang opisina niya. "Hyejoo, nasaan ka ba?" nilibot niya yung paningin niya para hanapin yung kapatid niya. "Aish."

"Chaewon, sandali sama ako sayo!" napalingon si Wendy at hinanap yung narinig niyang sumigaw kanina.

"Bilisan mo, na-iihi na ako." sinubukan ni Wendy na pagkatitigan yung mukha nung babaeng nag-salita, pero dahil sa pagpatay bukas ng ilaw hindi niya makita yung mukha nito.

Sinundan niya yung dalawang babae sa restroom ng club.

"Yah, sigurado ka na iniwan natin si Hyejoo doon? Baka mamaya pagbalik natin umiiyak na yun." nakinig lang si Wendy sa pag-uusap nung dalawa.

"Yena anu ka ba, hindi naman ganun ka-broken si Hyejoo. Siguradong hindi mag-lalasing yun, tsaka diba may tinawagan na siya." agad na hinanda ni Wendy yung sarili niya nang bumukas yung isang pintuan ng cubicle. "A-aray anu ba?"

"Ikaw ba si Chaewon?" mabilis namang tumango si Chaewon nang tanungin siya ni Wendy. "Si Hyejoo, nasaan?"

"Nasa pwesto namin....," kabadong tugon ni Chaewon hanbang nakaturo sa kung saan. "Unnie." napalunok siya nang ilang ulit.

"Unnie?" saad ni Yena na kakalabas lang nang cubicle.

"Kilala niyo ako?" sabay na tumango yung dalawa.

"Lagi kang tinuturo ni Hyejoo kapag pumupunta kami dito." nakangusong saad ni Chaewon.

"Nasaan si Hyejoo." nagmamadali namang lumabas sila Yena at Chaewon kasunod si Wendy. "Hyej?" nilapitan ni Wendy yung kapatid niya.

"Unnie." yumakap ito nang mahigpit sa kaniya at humagulgol sa balikat niya. "Unnie."

"Ihahatid na kita sa bahay." inakay na ni Wendy si Hyejoo. "Chaewon, Park Chaewon sumama ka sa'kin." wala sa sariling napaturo si Chaewon sa sarili niya.

"Kim Chaewon po yung pangalan ko, unnie." napapikit si Wendy.

*Magkakamali pa ako ng maipapares sa kapatid ko."

"Samahan niyo akong dalawa na isakay si Hyejoo sa sasakyan ko." agad namang tumango sila Yena at Chaewon bago tulungan si Wendy sa pag-akay sa kapatid niya.

Isasakay na sana nilang tatlo si Hyejoo sa sasakyan ni Wendy nang magpumiglas ito.

"Hindi ako aalis dito, dadating si Gowon, dadating siya." umupo si Hyejoo sa lupa at wala sa sariling tumulala sa kung saan.

"Sino si Gowon?" tanong ni Wendy dun sa dalawa.

"Siya po yung Park Chaewon, matagal na siyang gusto ni Hyejoo, high school pa lang po ata kami." tugon ni Yena.

"Hindi siya umamin kay Gowon?"

"Natatakot po kasi siya, baka ma-reject siya ng kaibigan niya. Ang dami na raw kasing nanligaw at gustong manligaw kay Gowon, pero lahat sila ni-reject lang po ni Gowon." dagdag impormasyon ni Chaewon.

*I don't even know how are they after I left.* tinitigan lang ni Wendy si Hyejoo.

"Hyejoo?" napatingin si Wendy sa babaeng lumapit sa kapatid niya. "Anu bang ginagawa mo sa sarili mo, sinabi ko naman sayo diba huwag kang m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung magkakatuluyan ba sila o hindi 😅 promise i will update the last chapter this week 😊

Comments

You must be logged in to comment
Jamess #1
🤔😄