2

Gunita
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

Lahat ng tungkol kay Kang Seulgi alala ko. Anything—kung ano yung kinain niya kahapon, kung ano yung triggers niya, kung ano yung cravings niya when she’s on her period—I never forget it. Kahit nga yung first time naming magkita ni Seulgi 5 years ago, kaya ko i-recall perfectly. Na parang kahapon lang nangyari.

 

 

Huling taon ko na sa bago kong course after talikuran yung BS Chemistry tapos siya naman, 3rd year na sa med school.

 

I was working as a server sa Gino’s Brick Oven Pizza. Isa sa mga raket ko tuwing weekends. Dami kong sideline kasi I had to put myself through college since my parents passed away when I was younger at ayoko namang umasa sa mga ibang kamaganak ko.

 

“Ayan na naman si Singkit oh,” Sinundot ni Yeri yung tagiliran ko kasi napapansin namin na madalas pumunta dito yung cute na singkit para umorder ng Five Cheese pizza.

 

“Hello,” Bati ni Singkit nung lumapit na ako to take her order. “Isang—”

 

“Five Cheese?”

 

Nginitian niya ako. “Bakit mo alam?”

 

“Yun naman lagi mong order eh.”

“Eh pano kung iba gusto kong order?”

 

Napatigil ako sa pagsusulat. “Oh, I’m sorry. Ano—”

 

Ngumiti siya bago binalik sa akin yung menu. “Joke lang, joke lang, miss. Isang Five Cheese. Saka isang pitcher ng iced tea.”

 

“Oh, hindi niya pina-take out?” Sinilip pa muna ni Yeri si Singkit na isa isang naglalabas ng handouts sa bag niya.

 

“Baka may study session sila ng friends niya dito.” Napakibit balikat na lang ako. “Nag order din siya ng iced tea eh.”

 

Whether dinitch siya ng friends niya or wala talaga silang study session, walang dumating na kahit sino pa. Naubos niya mag isa yung pizza and drinks tapos umalis na rin siya after.

 

 

 

For the next few weeks, ganun na yung gawain ni Singkit, uupo sa dulong corner, o-order ng Five Cheese and iced tea, tapos mag aaral. Laging ako yung ginagawa nilang server niya pagtapos ipagkalat ng napakagaling kong best friend na crush ko siya.

 

After kong magpabebe, pumayag din naman ako kasi ang saya kausap ni Singkit, palabiro pero alam mong pwede mong makausap ng malalim. Yung mga mata niya, napakaexpressive. Ang cute cute din kasi niyang ngumiti.

 

Ang galing, ano. I got all that sa weekly 2 minute-long conversations namin kapag kinukuha ko ang order niya.

 

 

 

 

“Akin na ba yan?” With her lips, Singkit gestured to the tray of food I was holding nung mapadaan ako sa table niya.

 

“Hindi pa. Wait lang.” I mouthed bago ko nilagay sa kabilang table yung mga pagkain.

 

This became a running joke not long after. Lagi niyang tatanungin with matching pagnguso, “akin na ba yan?” and I would reply “hindi pa.” with a pout.

 

May mga linggong more than once siya bibisita. One time, kinwento sa akin ni Yeri na pumunta siya on a Tuesday, na saktong day off ko. Nireport ni Yeri sa akin na nilingon lingon niya daw muna yung staff.

 

“Tapos girl, siguro na-realize niyang wala ka, so pina-takeout na lang niya yung order niya.” Lamog na tagiliran ko sa kakatusok ng batang ito. “Ang ganda ganda ni Jennie Ruby Jane.”

 

“Siraulo ka, wag ka ngang ano!” Pero sa totoo lang, kinikilig ako. Parang totoo naman kasi, dahil pretty soon, dumadating na lang siya sa mga araw ng shift ko.

 

After our usual ‘akin na ba yan’ thing, we’d have a brief conversation. Minsan kamustahan lang, may time na tatanungin niya anong favorite color ko, or anong masasabi ko sa panibagong katangahang sinabi ni Duterte, or kung dog person ba ako or cat person.

 

One time, isang linggo siyang di pumunta sa Gino’s. Isang linggo din akong malungkot. On the 7th day, para akong tanga sa laki ng ngiti ko as soon as I saw her heading sa usual niyang corner.

 

“Akala ko nagsawa ka na sa Five Cheese.” Akala ko nagsawa ka na sa akin.

 

Nginitian niya lang ako ulit. “Hi, Jennie.”

 

“Y—you know my name?”

 

Ngumuso lang siya sa dibdib ko. “Nametag.”

 

Tumango na lang ako at dahan dahan nang naglakad palayo. Gusto kong magpalamon sa tiled floor ng Gino’s sa kahihiyan.

 

“Uy, wait lang.”

 

Tumalikod ako. “Yes?”

 

“Yung order ko.” She smiled lopsidedly.

 

Hay nako, Singkit.

 

Nung dinala ko yung order niya, bigla niya akong tinanong. “Jennie, ano gagawin mo if you’re feeling like the life that you’re living isn’t for yourself?”

 

Sa gulat ko sa kanyang sudden inquisition, di ko na nafilter yung bibig ko. “Eh di bakit nabuhay ka pa?”

 

Ngumiti lang siya ulit. Agad ko namang binawi yung mga sinabi ko. “N—no, what I meant was—“

 

“No, it’s fine. Thanks for answering my question, Jennie.”

Napabuntong hininga na lang din ako. “You’re welcome.. Singkit.”

 

Tumawa siya. “Close. It’s Seulgi.”

 

As the months passed, lalo kaming naging close ni Seulgi. Ilang beses akong inuudyok ng mga friends ko to ask her out kaysa naman daw puro 2-minute conversations gawin namin.

 

“Di nga natin alam kung she’s into me, ano ba.” Pangilang ulit ko na ito sa kanila, pero nagpupumilit pa rin talaga ang mga gaga.

 

“Girl?” Pinandilatan ako ng mata ni Yeri. “Anong sinasabi mo diyan, eh halos araw araw siyang kumakain ng pizza makausap ka lang? Hindi ganun kasarap yung pizza ng Gino’s, wag ka ngang boba.”

 

“Totoo, jusko, Ruby Jane.”

“Not you too, Chaeng.”

 

“Jennie, kung wala kang plano kay Seulgi, ako na lang magaaya sa kanya makipagdate.” Tinaasan ako ng kilay ni Joy. Ito yung mga panahong nagkakapaan pa lang sila ni Chaeyoung. “Ang cute cute niya pa naman ngumiti.”

 

“Jennie, go na. Itataya ko ang lahat.” Nag-thumbs up sa akin si Yeri. “Gusto ka rin nun ni Seulgi.”

 

 

 

 

 

 

I spent the next week working up the nerve to ask her out pero every time I’d walk up to her, mahihiya ako. Nung last day ng shift ko, I decided na wag na lang ituloy. So nagpakabusy na lang ako sa likod ng counter pero tinawag din ako ni Yeri.

 

“Lumabas ka dun, hinahanap ka ni Seulgi!” Bulong niya sa akin.

 

“Bakit?”

“Malay ko, ba’t ko tatanungin, mukha ba akong chismosa?”

 

Tinitigan ko lang siya ng masama kaya napaamin naman si Yeri. “Okay, okay. Tinanong ko, secret daw eh. Kaya gora na.”

 

“You wanted to see me, Seulgi?” Medyo kabado kong tanong. Baka kasi magcocomplain ito, baka nalagyan ko ng buhok yung pizza niya o kaya naman matabang yung iced tea.

 

“Jennie, this is the last time I’m gonna come here sa Gino’s.”

 

“Oh.” Sinubukan ko talagang itago ang lungkot sa mukha ko. “Well, I’m not gonna lie and say that I’m not sad to see you go.”

 

Medyo nag intayan muna kami dahil feel ko may gusto siyang sabihin pero di naman siya nagsasalita. So I decided to break the silence. “Ano, naumay ka na ba finally sa Five Cheese?”

 

“Hindi naman, hindi naman.” Ngumiti siya ulit. “I guess, gusto ko lang siguro na kumain somewhere else next week.”

 

“Ah.” I couldn’t hide my disappointment anymore. “Nice. Sige, goodlu—”

 

“Ito naman, di mo pa ako pinatapos eh.” Bigla niyang singit. “Actually.. Uhm..”

 

Tinitigan ko lang siya.

 

“As much as I love the pizza here, well, you work here kasi kaya gusto ko sa ibang place naman. And I—I was kinda hoping you’d go with me?”

 

Naconfuse ako bigla. “You want me to be your server sa bago mong kakainan na place?”

 

Napakamot ulo si Seulgi. “Jennie, I’m asking you out on a date. Pwede ka ba—”

 

“Yes.” Tumalikod na ako at nagmadaling bumalik sa counter bago pa ako mag-spontaneously combust sa kilig. Pero nung ilang minuto na yung lumipas at di pa rin siya umaalis, na-force akong bumalik.

 

“Yung bill.” She grinned as she tilted her head.

 

“Right.” Kailan ba talaga bubukas yung tiles nitong Gino’s para lamunin na ako?

 

Nung na-settle na yung bill niya, paalis na sana ako pero bigla ulit nagsalita si Seulgi. “Jennie..”

 

Iniisip ko na naman kung anong katangahan yung nagawa ko. “Yes, Seulgi?”

 

“Yung number mo, akin na.”

 

 

 

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
baconpancakesss
#1
Chapter 7: pag di talaga sila in the end, magmumukbang ako ng lupa w vid peksman
its_aaarrriii
40 streak #2
Icocont pa po ba?
kang_ddeul
#3
Chapter 7: hugs for mareng jennie 🥺✊
caps26
#4
Chapter 7: nakakakaba when po next update huhu
Kollaallok #5
Chapter 7: kakaba naman... baka may bagyong dadating
akosizig #6
Chapter 7: very calm before a storm tong update mama im skerd
Hisseulgi_
#7
Chapter 7: kinakabahan na sa mga next updates pero salamat po sa recent update :>
elitesoshi #8
Chapter 6: teka lang naman
buhangin #9
Chapter 6: pano kung si irene may jowa na din na nagngangalang lisa? hehe pano lang naman po
yujiverse
#10
Chapter 6: Jennie Ruby Jane wag tayong iiyak please lang