DOUBLE STANCE

DOUBLE PA NGA
Please Subscribe to read the full chapter

 

Hoy, Seulgi may bibili ng yelo." Kalabit ni Irene kay Seulgi na kasalukuyang may kinukulikot sa selpon na hawak. 

 

"Ilan boi?" Tanong ni Seulgi sa batang lalaki, nagabot ng limang piso na kaniya namang tinanggap. "Dalawa ho,"

 

Kumuha ng dalawang yelo mula sa freezer saka kumuha ng gunting na nasa may tabi lang.

 

Ngumiti siya ng nakakaloko


 

“Hala..” Gulat na bulalas ng bata nang ginupit ni Seulgi ang dulong parte.

 

Napatigil si Irene sa pagsusulat "Gago bakit mo ginupit yung hawakan??" Napamura na nga.

 

Napakamot nalang yung bata habang inabot sakanya ang biniling yelo. Tawang- tawa naman ang lokong tindera.

 

"Tangina neto, ba't mo naman ginupit?! Kawawa yung bata.." Agad na tumayo si Irene saka kumuha ng plastic na pag lalagyan ng yelo. 

 

Kahit awang- awa sa bata hindi, niya mapigilan na matawa ng bahagya sa reaksyon nito. Ito naman kasing si Seulgi ang lakas ng sapak. 

 

Pagtripan ba naman yung kawawang bata.

 

Matapos umalis nung bata, agad naman hinarap ni Irene ang kanina pang humahagalpak sa tawa na si Seulgi. Hawak- hawak ang kaniyang selpon, tila nagvivideo.

 

"Owshi guys narinig niyo ba yun, nagmura– ow! Aray! Ba't ka nanghahampas?!" Hawak na niya ang noo na namumula.

 

"Para kasing tanga, tsaka bat ka nagbibidyo ha??" Naka pamewang niyang litanya. Wala nang preno, straight to the point. Nasa phase na sila ng closeness na pwede nang magmurahan at magsakitan?..

 

"Ito na ang bago ngayon, magvvlog tayo.." Nakangiting tugon ni Seulgi saka nag peace sign, nakaka silaw. 

 

“Vlog?” 

 

“Oo! Uso yan ngayon!”

 

Napabuntong hininga nalang siya,

 

"Umm.."

 

"Sa tingin mo, mukha ba akong magnanakaw?" Pagtataray ni Joy sa kaharap, kilay sing taas ng mga alapaap kung pagsungitan ang babae na hindi niya naman kilala pa.

 

Hindi makasagot ang kaharap, bunga ng kabiglaanan kaya nagsalita muli si Joy, "Sa tingin mo, itong pagmumukhang ito, magnanakaw? Sa ganda kong 'to?"

 

"May magnanakaw bang pagbubuksan ka ng pinto?"

 

Matatawa na sana yung pinagwiwikaan nang makita na seryoso ito sa kaniyang mga pinagsasasabi. Naka crossed arms pa nga, kaya todong todo ang kasupladahan ni mare.

 

Napalunok nalang yung bisita, bago bahagyang sumilip sa bandang likod ni Joy, kung nasa  loob yung hinahanap niyang tao. 

 

"Umm, si ate Irene?"

 

"Obvious naman na wala sya dito?" 

 

"Si, si Seulgi?"

 

"Same thing.."

 

"Ahh.."

 

Gusto niya din sanang itanong kung nireregla ba ito, o kung nasa menopausal stage na ba siya?

 

Sa sobrang sungit, akala mo pinaglihi sa sama ng loob.

 

"Why?"

 

"M-may ipapaabot lang.. sana" Napatingin si Joy sa tupperware na hawak nong babae.

 

"And ano naman yon?"

 

'lord hindi ko alam anong nagawa ko in the past life at bakit may babaeng parang ang laki ng galit sa akin.'

 

"Ulam.. pinapaabot kasi ng mama ko." Aniya saka binuksan yung tupperware. Bagong lutong sinigang na baboy, mainit- init pa ito at naghalo sa hangin ang linamnam na dala nito. Halatang napalanghap ng malalim si Joy.

 

"Thank you but we just ate.." Agad namang pagtanggi ng isa, kaya tinakpan nalang uli nung bisita yung tupperware na hawak.

 

"Ah ganun ba.." Medyo nanguso nyang tugon, nag iisip kung uuwi nalang.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
gusto ko syang gawing socmed au kaso..

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
😔
Moksy23
#2
Chapter 19: balik kana author
Moksy23
#3
Chapter 19: ud nmn po otor :(
_m3owrene
1023 streak #4
Chapter 19: Thank you sa update! Hehe
iana013
#5
Chapter 19: oohhhh... they want her back... what will joohyun do??😭
profshaklu #6
Chapter 19: welcome back author hihi
Moksy23
#7
Chapter 12: Welcome back authornim Ayan my update na ulit :))
Kylie_123 #8
Chapter 18: 28 reasons let's goooooo !!!
Kylie_123 #9
Chapter 18: Hihihihi nakakakilig naman author 🧡🧡
AnneTokki #10
Chapter 18: 💓💓💓💛💛💛