DOUBLE TROUBLE
DOUBLE PA NGA
"Teka, kung dito ka pansamantala, paano yung mga gamit mo? Damit? Yung mga pusa?" pabalikwas na tanong ni Irene mula sa pinto ng kwarto niya.
"Pahiramin mo ako." nakangising sagot ni Seulgi, nakahiga lang sa couch habang nakapatong yung injured na paa sa kabilang armrest.
"Hoy umayos ka, kahit hotel walang ganung accommodation." binato siya ni Irene ng unan, muntik nang matamaan yung paa.
"Di na mabiro. Yung mga pusa, nasa vet. May nakita ako kanina, mga 5 kanto mula rito." kwento niya saka sinubukang pulutin yung unan na tinapon ni Irene,
"That's good then. Makaka uwi ka na." sagot niya saka lumabas ng kwarto, dala- dala ang kumpol ng damit. umupo siya sa sahig malapit sa couch na hinihigaan ni Seulgi.
"Awts. Di man lang naawa." napakamot na sagot ng occupant ng couch. Nagsimula nang magtupi ng damit si Irene.
"Oh, nagamit mo na yung washing? How was it?"
"Actually, hindi pa."
"Bakit?"
"Natatakot ako baka masira. Sayang."
"Huh? isn't that their purpose? Gamitin hanggang sa masira?"
"Bakit parang ang sama nung dating?" bungisngis ni Irene, napatakip pa ng bibig, "One of these days siguro. Nakasanayan ko na kasi yung mano- mano."
"Sanaol masipag."
"Hoy dapat ikaw rin, wag kang batugan." hinampas niya ng t-shirt si Seulgi.
"Wow, salamat sa reminder. Napasaya mo ako."
"San ka ba banda nakatira? I'll go get your things." offer ni Irene, tuloy lang ang tingin sa ginagawa.
"Nakakahiya naman sayo."
"Ngayon ka pa nahiya? After mong manghiram ng ."
"Well, it's mine now." nangisi niyang sagot, bago dahan- dahang umupo. "Sama nalang ako sayo. Baka maligaw ka pa, mahirap na."
"Kaya mo?" lingon sakanya ni Irene.
"Kakayanin tangina."
"Ba't ba ang hilig mo magmura."
"Para dama yung nararamdaman."
"Okay?" napa taas nalang ng kilay si Irene, tinap yung mga damit na kakatapos lang itupi. "Let's head out na para saktong pagbalik natin, dinner."
"Ayan, nays. Gusto ko yan." excited niyang sabi, may pabounce pa.
"Kamusta yang paa mo?" tumayo na si Irene para ilagay yung mga damit pabalik sa cabinet niya.
"Maga pa rin, but hindi na tulad nung kanina pero tangina masakit pa rin talaga."
"Remind me, na bilhan kita ng tungkod sa may palengke bukas." rinig na sabi mula sa kwarto.
"Tungkod? WTF?"
"Aba'y wala kang katulong dito. You can't walk properly without any assistance."
"Talagang tungkod?! Hindi saklay?"
"Arte- arte neto. Tungkod lang afford ko, may tig singkwenta na nang tungk
Comments