DOUBLE FUN

DOUBLE PA NGA
Please Subscribe to read the full chapter

(Lol. nagtry akong mag- insert ng 'meme' click niyo lang yung link kung trip niyo.)

"Magandang umaga po Aling Marites.." bati ni Irene sa isang matanda na nasa loob ng isang tindahan.


"Oh andito ka na pala." nakangiti siyang hinarap ng matanda, sabay lapit nito sakanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi, nakipag beso. Matapos niyang gawin yun, napansin niya si Seulgi na tumitingin sa kanila ng may pagtataka.


"Oh, sino ireng kay gandang dalaga?"


"Hehe." awkward na napangiti si Seulgi sa matanda.


"Si Seulgi po, kaibigan ko. Sasamahan niya ho ako sa pagbabantay ng tindahan." nakangiting sagot ni Irene.


"Ay ganoon ba." tulad ng ginawa niya kay Irene, lumapit din siya kay Seulgi paa makipag beso, saglit na nanigas sa kinatatyuan si Seulgi, habang pasikreto namang natawa si Irene sa may gilid. "Kay bango naman ng batang ireng." dagdag pa ng matanda saka pinisil ang kaniyang mga pisngi.


"Hehe." ang tanging naisagot ni Seulgi bago kumalas ang matanda.


"Kumain na ba kayo ng agahan, mga iha? Nakapag- kape?" tumango lang si Irene.


"Oh siya, maiwan ko na kayo. Irene, iha ikaw na ang bahala rito ha." paalam ng matanda bago ito tuluyang umalis.


"Holy ." himas- himas ni Seulgi yung pisngi niya, deretso ang tingin sa matandang naglalakad na papalayo, may basket na hawak sa kabilang kamay at payong naman sa kabilang kamay.


Tinignan siya ng masama ni Irene bago siya hinampas sa braso, "Bibig mo, hoy." saka pumasok na sa loob ng tindahan.


Araw ng linggo, kaya walang pasok si Irene. Kaya eto sila ngayon, magbabantay ng tindahan.


Paminsan- minsan kasi pinapakiusapan si Irene ni aling Marites, kapitbahay nilang nag- iisa nalang sa buhay. May sarili siyang tindahan, malapit lang din sa apartment na tinutuluyan ni Irene.


Umaalis kasi ito every two weeks para bisitahin ang kaniyang apo na nasa kabilang probinsya, kaya imbes na isara ang kaniyang munting tindahan nagkusa si Irene na siya nalang ang magbabantay habang wala ang matanda. Binibigyan naman siya ng matanda ng kaunting pera sa pagbabantay.


So balik tayo, eto sila ngayon magbabantay ng tindahan.


"Ganito lang ginagawa mo buong araw?" tanong ni Seulgi, matapos maupo sa isang stool na kaharap lang ni Irene na nakatanaw sa may labas ng tindahan.


"Oo, bakit?"


"Hindi ka nabobored? Walang t.v, walang wifi.."


"Hindi naman.. tsaka minsan dito ako gumagawa ng home works ko habang nagbabantay.."


"Ang boring naman non.. hindi ka napapagod kakasilip?"


"Hindi naman. Sanayan lang yan."


"Parang iniisip ko palang, napapagod na ako.."


"Batugan ka kasi, mas nakakapagod kaya yung ginagawa mong nakatambay lang ng buong araw sa kama."


"Why do I feel attacked??"


"Alam mo, imbes na magreklamo ka. Bilangin mo nalang kaya to." utos ni Irene saka kiuha yung mga barya- baryang pera na nakalagay sa isang tupperware.


"Yes maam." napakamot nalang si Seulgi.


Nagdaan ang ilang oras, di nila namalayang oras na pala para magtanghalian. Si Seulgi na walang ginawa kundi matulog lang, hindi na nahiya't tinapat pa ang electric fan sakanya, samantalang busy si Irene sa pagtinda.


"Hoy batugan, gumising ka na." kalabit ni Irene sakanya, payapang natutulog sa isang maliit na lamesa.


"Hmm..??" dahan- dahang iminulat ang mga mata sabay hikab, at nag- inat ng mga buto. "Uuwi na ba tayo?"


Napa buntong hininga si Irene bago binato ng ballpen na hawak si Seulgi. Kung maka tanong na uuwi, akala mo naman kung may naitulong. Parang yung kagroup mo lang sa thesis, walang ambag.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
gusto ko syang gawing socmed au kaso..

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
😔
Moksy23
#2
Chapter 19: balik kana author
Moksy23
#3
Chapter 19: ud nmn po otor :(
_m3owrene
1023 streak #4
Chapter 19: Thank you sa update! Hehe
iana013
#5
Chapter 19: oohhhh... they want her back... what will joohyun do??😭
profshaklu #6
Chapter 19: welcome back author hihi
Moksy23
#7
Chapter 12: Welcome back authornim Ayan my update na ulit :))
Kylie_123 #8
Chapter 18: 28 reasons let's goooooo !!!
Kylie_123 #9
Chapter 18: Hihihihi nakakakilig naman author 🧡🧡
AnneTokki 50 streak #10
Chapter 18: 💓💓💓💛💛💛